Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

KONSEPTO NG KONTEMPORARYONG ISYU

Ang salitang "kontemporaryo" ay tumutukoy sa mga pangyayaring sa kasalukuyan ay maaaring


nakaaapekto sa buhay ng mga tao sa lipunan. Ito ay ang mga paksang napapanahon na nagiging
sanhi ng pagkabagabag ng mga tao. Maaaris rin itong mga pangyayaring naganap sa nakalipas na
nakaaapekto hanggang ngayon sa lipunan.
ISYU
Ang salitang "isyu" naman ay mga pangyayari, suliranin o paksa na napaguusapan at maaaring
dahilan o batayan ng debate. Tandaan mo na maaari itong magdulot ng positibo o negatibong
epekto sa pamumuhay ng mga tao sa lipunan

Ang Kontemporaryong Isyu ay tumutukoy sa anumang pangyayari, paksa, tema, opinyon, o


ideya na may kaugnayan sa kasalukuyang panahon. Sinasaklaw nito ang lipunan at kultura at
may tuwirang ugnayan sa interes at gawi ng mga mamamayan. Maaaring ito'y naganap o umiral
sa nakalipas na panahon ngunit nananatiling litaw ang epekto nito sa kasalukuyan. Ito's
pinaguusapan at nagduduloy ng malawakang epekto na maaaring positibo o negatibo sa buhay
ng mga tao sa lipunan.
KONTEMPORARYONG ISYUNG PANLIPUNAN

HALALAN- isang pormal na proseso ng pagpapasya kung saan ang isang populasyon ay
pumipili ng mga indibidwal na hahawak ng isang publikong opisina.

TERORISMO-ang paggamit ng dahas, pananakot o paninindak upang makamit ang layunin.


RASISMO-sa ilang kaso ng institusyunal ng rasismo, may ilang pangkat ng lahi ang maaaring
hindi mabigyan ng karapatan o benepisyo, o makakuha ng preperensyal na trato.
KONTEMPORARYONG ISYUNG PANLIPUNAN

SOBRANG KATABAAN-sa madaling sabi, mayroong labis o sobrang timbang ang isang tao
dahil sa taba ng katawan.

KANSER-pangunahing sakit na pangkapaligiran na ang mga 90-95% ng mga kaso ay itinuturo


sa mga paktor na pangkapaligiran at ang mga 5-10 ay sanhi ng gene.
DRUG ADDICTION-isang uri ng katayuan o karamdaman na mahirap tanggalin at iwasan ng
isang taong nasa ganitong kalagayan, o ng taong nagumon na sa pagkasanay sa paggamit ng
ganitong mga uri ng gamot: sa pagkat matindi na ang kaniyang pagkasugapa sa pinagbabawal na
gamot.

HIV/AIDS-pangunahing naisasalin sa pamamagitan ng hindi ligtas na pakikipagtalik, nahawaang


dugo at karayom, at sa isa tungo sa anak sa pagbubuntis.
KONTEMPORARYONG ISYUNG PANGKAPALIGIRAN

GLOBAL WARMING-ang pagtaas ng carbon dioxide at iba pang mga greenhouse gases na
resulta ng pagkasunog ng produktong mula sa pretrolyong langis, pagkapanot ng kagubatan at
iba pa ang pangunahing sanhi nito.
EARTHQUAKE- isa sa pinakanakakatakot at mapanirang pangyayari sa kalikasan ang
matinding lindol at ang mga teribleng epekto nito pagkatapos.

TYPHOON-isang sistema ng klima na may nakabukas na sirkulasyon sa paligid ng isang sentro


ng mababang lugar.
KONTEMPORARYONG ISYUNG PANGKALAKALAN

EXPORT/IMPORT-a)EXPORT-pagdadala/pagaangkat ng produkto mula sa ating bansa patungo


sa ibang bansa. b)IMPORT-pagaangkat ng produkto sa Pilipinas.
FREE TRADE-pakikipagpalitan ng produkto.

SAMAHANG PANDAIGDIGAN-binubuo ng iba't-ibang kinatawan mula sa pambansang


organisasyon para sa pandaigdigang katahimikan.

You might also like