Mga Pasasalin Ni Johann Wolfgang Von Goethe

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

MGA PASASALIN*

Johann Wolfgang Von Goethe

May tatlong uri ng pagsasalin. Ang una’y nagpapakilála sa atin sa


ibang lupain ayon sa ating sariling wika; isang payak na prosang salin
ang pinakainam sa layuning ito. Ang prosa sa kaniyang sarili at ukol
sa sarili ay nagsisilbing pinakamabuting introduksiyon: ganap na
pinawawalang-bisà nitó ang mga pormal na katangian ng sining ng tula
at pinaliliit ang kahit pa pinakamasugid na alon ng bugso ng talinghaga
tungo sa panatag na tubig. Ang payak na prosang salin ay gumugulat
sa atin ng dayuhang ningning sa gitna ng pambansa’t pantahanang
sensibilidad; sa pang-araw-araw nating pamumuhay, at hábang di
natin namamalayan ang nangyayari sa atin—sa pagbibigay ng higit na
dakilang asta sa ating búhay—totoong sa pangkalahatan ay itinataas
táyo. Ang mga salin ni Luther sa Bibliya ay may ganitong epekto sa
bawat pagbabasá.

Malaki sana ang matatamasa, halimbawa, kung nailatag ang


Nibelungen sa mainam, solidong prosa sa simula pa lámang, sakâ
binansagan bilang panitikang popular. Pagkuwa’y makapangungusap

* Mula sa “Ubersetzungen,” Noten und Abhandlungen zum bessern Verständnis des


westötlichen Divens (Stuttgart, 1819).

33
pa rin nang buong kapangyarihan sa atin ang brutal, madilim,
mataimtim, at malayòng diwa ng kagitingan. Kung ito man ay magagawa
o nararapat gawin ngayon din, ay pinakamabuting pagpapasiyahan ng
mga nilaláng na masigasig na nag-alay ng kanilang sarili sa pag-aaral
ng mga bagay na sinauna.

Ang ikalawa’y panahon nang ang tagasalin ay nagsisikap na


mangibang-lupain, doon sa sitwasyong hindi pamilyar sa kaniya,
ngunit ang totoo’y inaangkin lámang ang di-kilálang idea at muling
inihahain iyon na parang sa kaniya. Nais kong tawaging parodistiko
ang panahong iyon, sa dalisay na kahulugan ng salita. Ginagamit ng
mga Frances ang estilong ito sa pagsasalin ng mga poetikong akda:
ang mga salin ni Delille ay nagbibigay ng daan-daang halimbawa. Sa
parehong paraan na iniaakma ng mga Frances ang mga hiram na salita
sa kanilang sariling pagbigkas, iniaakma rin nilá ang mga damdamin,
kaisipan, kahit pa mga bagay; para sa bawat prutas na inangkat,
nararapat na may kapalit na pinatubo sa kanilang sariling lupa.

Ganitong uri ang mga salin ni Wieland; siya man ay may sariling
natatanging pagkaunawa at panlasa, na iniakma niya sa lumang
panahon at ibang mga bansa hangga’t makabubuti ito sa turing niya.
Itong kamangha-manghang nilaláng ay maituturing na tagapagsalin ng
kaniyang panahon; lubhang malaki ang kaniyang impluwensiya, kung
kayâ’t anuman ang makabighani sa kaniya, gaano man niya ito
isinaloob at ipinása sa kaniyang mga kapanahon, tinatanggap nila iyon
nang may kaluguran at kasiyahan.

Pagkat hindi taáo maaaring magtagal alinman sa perpekto o


di-perpektong estado, at sa halip, ay kailangang dumaan sa
magkakasunod na pagbabago, naranasan natin ang ikatlong panahon
ng pagsasalin, na siyang hulí at pinakamataas na uri sa tatlo. Sa
gayong mga panahon, ang layon ng pagsasalin ay maisakatuparan ang
perpektong identidad sa orihinal, kung kayâ’t hindi nagiging panghalili
ang isa sa isa, kundi magkatuwang silá.

Pinakamalaking pagtutol ang naranasan ng uring ito lalo na


noong maaga pa lámang, pagkat napakatalik ng pag-ugnay ng tagasalin
sa orihinal, kung kayâ’t naisuko niya, mas o menos, ang katangian
ng kaniyang pinagmulang bansa, kayâ’t nalilikha ang ikatlong uri ng
teksto, na lilinanging panlasa ng madla.

Noong una’y hindi agad natuwa ang publiko kay Voss (na hindi
ganap na mapahahalagahan), hanggang unti-unti ay nasanay ang tainga
ng publiko dito sa bagong uri ng pagsasalin at naging komportable
dito. Ngayon ang sinumang sumusukat sa naabot ng nangyari, ang sari-
saring kadalubhasaan na ipinakita ng mga Aleman, ang mga bentaha
sa tugma at sukat na naihain sa masigla’t mahusay na baguhan, kung
paanong sina Ariosto at Tasso, Shakespeare at Calderon ay naipaabot
sa atin nang makalawa o makatlong ulit bilang mga dayuhan mulang
Alemania, ay makaaasa na ang kasaysayang pampanitikan ay bukás-
kamay na kikilalanin ang unang pumilì ng ganitong daan sa kabilâ ng
marami at iba-ibang mga hadlang.

Sa malaking bahagi, ang mga akda ni von Hammer ay nagpapakita


ng hawig na pagturing sa mga obra maestra ng silangan; ipinanunukala
niyang sikapin ng salin na maging malapit sa panlabas na anyo ng
orihinal. Anupa’t mapatutunayang lalong kapani-paniwala ang mga
pahayag sa salin ni Findusi kung inilathala ng aming kaibigan mismo,
kung ikokompara doon sa mga muling isinulat ng isang nag-aakma na
may mga halimbawang mababása sa Fungruben. Ang ganitong paraan
ng pagsira sa makata, ay sa aming kuro, ang pinakamalungkot na
pagkakamali na magagawa ng isang masikhay at mahusay na tagasalin.

Ngunit dahil sa ang bawat panitikan ng tatlong panahong ito ay


lumalabas na inuulit at binabaligtad ang kanilang sarili, samantalang
káya rin namang makipagsabayan sa isa’t isa, ang prosang salin ng
Shahnama at ang mga akda ni Nizami ay maaasahan pa rin. May silbi
iyon sa mabilisang pagbabasá, na magbubukás sa pinakaubod ng
kahulugan ng akda: maaari táyong masiyahan sa makasaysayan, sa
maalamat, sa malulubhang isyung moral, at unti-unti’y magiging
pamilyar táyo sa mga paninindigan at paraan ng pag-iisip, hanggang
maramdaman natin sa wakas ang matalik na ugnayan sa kanila.

Isipin ninyo na lámang ang walang pasubaling papuri na ibinigay


nating mga Aleman sa isang salin ng Sakuntala, na ang tagumpay ay
maikakabit natin sa payak niyong prosa, na pinaglahuan ng tula.

mgA PASASAliN 35
Ngayon ang tamang oras para sa bagong pagsasalin ng ikatlong uri na may kinalaman sa iba’t ibang
diyalekto, ritmo, sukat, at mga sawikaing gasgas na nása orihinal, ngunit babaguhin din ang tula sa
lahat ng katangian niyon para sa atin. Pagkat ang manuskrito nitóng walang kamatayang akda ay
matatagpuan sa Paris, ang isang Aleman na nakatira doon ay maaaring kumita ng walang
kamatayang pasasalamat dahil sa pagsasagawa ng gayong akda.

Gayon din, ang tagasalin sa Ingles ng Tagapagbalita ng Diyos (Messenger of Gods) ay


karapat-dapat tumanggap ng parangal, dahil ang una naming pagkatagpo sa ganitong uri ng akda ay
laging lubhang mahalagang okasyon sa aming búhay. Ngunit ang kaniyang pagsasalin ay tunay na
nababagay sa pangalawang panahon; gamit ang muling pagpapahayag at dagdag na mga salita,
pinatatalas ng salin ang Hilagang tainga at mga pandamá gamit ang pentametro iambiko. Tinatanaw
ko ng utang na may pasasalamat ang ating Kosegarten sa pagsasalin ng ilang linya mula sa
pinanggalíngang wika, na totoong may ibang ibinibigay na impresyon sa kabuuan. Malaya rin ang
pagpapasiya ng Ingles, na naglipat ng mga palatandaan, na madalîng nakikilála at kinokondena ng
matalisik, makasining na mata.

Ang dahilan din ng pagtawag namin sa ikatlong panahon bilang pangwakas ay maipapaliwanag
nang maikli. Ang salin na nagtatangkang makilála ang sarili kaugnay ng orihinal, sa sukdulan ay
napapalapit sa interlineal na bersiyon at nakatutulong sa pag-unawa natin sa orihinal. Inaakay táyo,
oo, dahil nauudyukan iyon, pabalik sa pinanggalíngang teksto: ang bílog, na nása paglalapit ng di-
pamilyar at pamilyar, ang nalalaman at ang di-nalalaman na kumikilos nang matapat, ay ganap na
sa wakas.

(Salin ni Rebecca T. Añonuevo)

You might also like