Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 4

Ikatlong Lagumang Pagsusulit sa ESP V

Pangalan: ____________________________________________ Marka: _____________


Baitang at Seksyon: _________________

I. Basahin at unawain ang mga sumusunod na sitwasyon. Isulat ang TAMA kung wasto ang
isinasaad ng pangungusap at MALI naman kung hindi.

_________1. Agad na sumunod si Ben nang malaman ang mga batas na nagbabawal sa
paglabas ng mga batang labinlimang taong gulang pababa nang mapanood niya
ito sa telebisyon.
_________2. Hindi mo ginawa ang iyong proyektong mangalap ng mga batas pangkalusugan
dahil wala kayong internet.
_________3. Tinulungan mo si Analie dahil naintindihan mo ang kalagayan ng kaniyang
pamilya na hindi nila kayang makabili ng computer at alam mong gusting gusto niyang
matuto sa paggamit nito para sa kaniyang proyekto.
_________4. Hindi mo pinansin si Mabel na gustong makigamit ng iyong computer dahil abala
ka rin sa paggawa ng iyong proyekto at ayaw mong mahuli ka sa pagpapasa sa inyong
guro.
_________5. Lumapit si Mila sa isang kamag-aral na may computer sa bahay at
magpapatulong siya kung paano ito gamitin upang magawa ang proyektong may
kinalaman sa batas ng pangangalaga sa kalinisan ng kanilang barangay.
_________6. Hindi ka na lang kumibo at gumawa ka na lang ng paraan ng sabihing hindi ka
maibibili ng gadget ng iyong magulang na gagamitin mo sa iyong proyekto.
_________7. Ipinagwalang bahala ni Kriezel ang proyektong ibinigay ng kaniyang guro dahil
hindi siya marunong gumamit ng gadget kahit gusto siyang tulungan ng kaniyang
kapatid.
_________8. Isa sa mga pinag-aralan ninyo sa inyong aralin ay ang mga batas pangkalusugan.
Agad mo itong sinaliksik gamit ang cellphone na hiniram mo sa iyong kuya.
_________9. Nakita mong nahihirapan ang iyong kaklase kung paano ang gagawin niya
upang matapos ang kaniyang proyekto sa pagsasaliksik ng mga batas
pangkapayapaan at alam mo ang gagawin ngunit hindi mo siya ginabayan.
_________10. May proyekto ang mga kabataan sa inyong lugar na gumawa ng slogan para
makaiwas sa peligrong dulot ng COVID-19 na makikita sa Facebook. Hindi ka sumali
dito dahil mas gusto mo pa ang maglaro ng games sa cellphone.

II. Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Pumili ng pinakamahusay na sagot na


nagpapakita ng matapat na pakikiisa sa mga gawaing nakatutulong sa bansa at daigdig.
Isulat ang titik lamang ng iyong sagot sa patlang.
______11. Madalas kang ayain ng iyong mga kaibigan na lumabas dahil nakakainip ng
maglagi sa bahay. Ngunit binilinan ka ng iyong ina na hindi ka pwedeng lumabas.
a. Alam mo ang peligrong idudulot ng iyong gagawin kaya hindi ka na lang lalabas.
b. Lalabas ka dahil inip na inip ka na sa bahay at minsan lang naman.
c. Hindi mo na lang papansinin ang iyong mga kaibigan upang hindi ka na kulitin.
______12. Madalas mong nakikita ang iyong lolo na laging inuubo at masama ang
pakiramdam. Natatakot ka at baka may sakit na ito.
a. Hahayaan mo na lang siya sa kalagayan niya at baka mahawa ka pa kung may
sakit nga ito.
b. Ipagbibigay alam mo ito sa iyong magulang upang madala siya sa inyong health
center upang matignan siya at maagapan.
c. Uutusan mo ang iyong nakababatang kapatid na siyang tumingin sa inyong lolo.
______13. Naglunsad ang inyong mayor ng isang proyektong humihikayat sa lahat na
magtanim ng mga gulay sa kanilang likod-bahay.
a. Hindi ka naman mahilig sa gulay kaya hindi ka magtatanim.
b. Tumalima sa proyekto dahil napakahalaga ng gulay sa pang arawaraw na pagkain.
c. Hayaan mo na lang ang iyong mga magulang na gumawa nito.
______14. Ilan sa inyong mga kapitbahay ang madalas maglagi sa tindahan na malapit sa
inyong tahanan. Gayunman, napansin mo na hindi nilalagay sa basurahan ang
basura.
a. Sasabihan ang nagtitinda na maglagay ng basurahan sa harap ng kanyang
tindahan.
b. Wala kang gagawin dahil tindahan naman nila iyon.
c. Sisigawan ang mga bumibili na ilagay ang kalat sa basurahan.
______15. Napansin mo ang iyong tatay na hindi naghugas ng kamay o gumamit ng alcohol
bago pumasok ng bahay. Yayakapin siya ng iyong nakababatang kapatid.
a. Sisigawan ang iyong kapatid na huwag lumapit.
b. Sasabihan ang iyong ama na maghugas o maglinis muna para malapitan siya ng
iyong kapatid.
c. Hahayaan na lang ang iyong kapatid sa gusto niyang gawin.
______16. Natutuhan mo sa paaralan ang halaga ng paghihiwalay ng basura. Ngunit hindi ito
naisasagawa sa inyong tahanan.
a. Hayaan na lang sila sa kanilang nakasanayan na pagtatapon ng basura
b. Manguna sa pagsasagawa ng paghihiwalay ng mga basura.
c. Maglaan ng basurahan para sa paghihiwa-hiwalay ng mga basura at ituro sa kanila.
______17. Laging gulay ang niluluto ng iyong nanay na ulam ninyo sa araw-araw. Alam mong
masusutansya ito ngunit hindi mo ito gusto.
a. Hindi ka na lang kakain.
b. Magpapaluto ng ibang ulam tuald ng hotdog.
c. Kakainin mo ang nilutong gulay dahil kailangan ito ng iyong katawan.
______18. Nakatira kayo sa paanan ng bundok at nakita mo ang isang grupo na nagpuputol
ng mga puno.
a. Ipapaalam ito sa inyong kapitan dahil bawal ito.
b. Huwag silang pansinin sa kanilang ginagawa.
c. Aalamin mo kung may permiso ba sila para magputol ng puno.
______19. Nais dalawin ng iyong kamag-anak ang inyong pamilya. Alam mong may health
protocols na kapag galing sa ibang lugar ay kailangang ipagbigay alam ito upang
makapag quarantine. Hindi balak ipaaalam ito ng iyong magulang.
a. Sasabihan ang magulang na dapat sundin ang health protocols para sa ikabubuti
ng lahat.
b. Makiayon na lang sa kanilang pasya.
c. Pagagalitan ang magulang dahil hindi sila marunong sumunod.
______20. Mataas na ang tubig dahil sa lakas ng ulan na dulot ng bagyong Yolanda. Ayaw
sumamang lumikas ng inyong kapit-bahay dahil baka mawala ang kanilang ari-arian.
a. Sasabihin sa tatay na kumbinsihin sila upang lumikas na rin.
b. Huwag na silang pakialaman sa kanilang desisyon.
c. Iwanan na lamang sila dahil matigas ang kanilang ulo.
Ikaapat na Lagumang Pagsusulit sa ESP V

I. Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin at isulat ang titik ng wastong sagot.
_____1. Pinagsasalitaan ng hindi maganda ang iyong nakababatang kapatid ng iyong
kapitbahay. dahil nahuli nila itong namitas ng bulaklak.Ano ang kailangan mong gawin para
hindi magalit ang iyong kapatid sa iyong kapitbahay?
A. Hindi maganda ang mamitas ng bulaklak na hindi nagpapaalam
B. Hayaan ko na lang na magalit siya sa kapitbahay namin
C. Pagsasabihan ko na Huwag nalang intindihin ang kapitbahay
D. Ayokong makialam,problema nila yun
_____2. Nabalitaan mong may nagwawala sa inyong lugar. .Ano ang gagawin mo?
A. Hayaan na lang sila. C. Tulungan kung ano man ang kailangan nila.
B. Sabihin sa mga kapitbahay. D. Isumbong sa pulis.
_____3. Kung ikaw sinaktan ng iyong kaklase dahil ayaw mong magbigay ng pagkain, ano
ang mabuti mong gawin?
A. Hindi ko papansinin C. Sisikapin kong unawain siya
B. Lalabanan ko siya D. Iiyak na lang ako
_____4. Ano ang iyong gagawin kung ikaw ay nakakakita ng isang katutubo na sumasayaw
sa parke?
A. Pagtawanan sila dahil sa kanilang kakaibang kasuotan
B. Batuhin dahil nakakahiya sila
C. Igalang at respetuhin dahil sila ay tao din na may pusong masaktan
D. Hayaan sila sa kanilang ginagawa
_____5. May dayuhan na dumating sa ating bansa at nagtatanong sa iyo ng direksyon.Ano
ang dapat mong gawin?
A. Iwasan ko sila dahil hindi ko sila maintindihan
B. Tatakbo ako sa likod ng bahay at magtago
D. Hindi sila papansinin
_____6. Inutusan ka ng iyong Nanay na ihanda ang meryenda para sa panauhin ninyong
dayuhan. Paano mo ito ibibigay sa kanila?
A. Ilagay na lang sa mesa at iwanan
B. Hayaang sila ang lumapit
C. Iabot sa kanila na nakangiti kahit hindi mo na sila kakausapin
D. Bahala sila sa buhay nila
_____7. May mga dayuhan ang nagtatanong kung saan ang lugar pasyalan na kanilang
hinahanap, ano ang iyong gagawin?
A. iisnabin at hindi ko sila papansinin
B. kakausapin at ituturo sa kanila ang tamang daan
C. hindi ko sila kakausapin dahil hindi ko maintindihan ang kanilang salita
D. sasabihin kong sa iba na lang sila magtanong
_____8. Mayroon kang kaklaseng dayuhan na bagong lipat sa inyong paaralan, paano mo
siya pakikitunguhan?
A. sasali ko siya sa aming mga ginagawa
B. palagi ko siyang kukutyain
C. sasabihin ko na lumipat na lamang siya ng paaralan
D. palagi ko siyang aagawan ng pera at ibang baon

_____9. Sabado ng umaga. Maagang namalengke ang nanay mo. Dumating sa bahay nyo
ang iyong kaibigang Canadian. Ano ang gagawin mo?
A. Hindi ka maghahanda ng pagkain kahit ano.
B. Lilinisin mo ang mesa at iiwan ang mga plato sa lababo.
C. Lilinisin mo ang mesa at bibigyan ng pagkain.
D. Makikipagkuwentuhan sa kaniya habang hinihintay mong dumating ang nanay.
_____10. Linggo. Isinasama ka ng ate mong Haponesa sa palengke. Alam mong ikaw ang
pagbubuhatin niya ng mga bibilhin niya.
A. Sasamahan mo siya sa palengke.
B. Sasabihin mong hindi ka makakasama dahil masakit ang iyong ulo.
C. Magdahilan ka na hindi ka makakasama dahil kailangan mong mag-aral para sa
iyong pagsusulit.
D. Sasabihin mo sa kaniya na may kamag-aral kang bibisita kaya kailangan mong
manatili sa bahay.
_____11. Maraming Muslim sa Barangay Lihis. Bata’t matanda’y magha-maghapon ang
pagdarasal kaya wala kang makalaro. Alam mong kamag-anak mo ang namumuno dito.
Dapat mong igalang ang kanilang kaugalian at paniniwala.
A. Sang-ayon C. Hindi Sang-ayon
B. Walang Pakialam D. Walang gagawin
_____12. Ang pag sang-ayon ay nagangahulugan ng _________ sa opinion o ideya ng iba.
A. paggalang B. pag ayaw C. pagpayag D. pangungulit
_____13. Lunes ng umaga. Nagsabi ang inyong lider na gagawa kayo ng Powerpoint
Presentation sa silid-aklatan pagdating ng lunch break.
A. Kaagad na sumang-ayon ngunit hindi magbabayad.
B. Sasabihin sa lider na hindi ka puwede dahil lunch break.
C. Sasabihin sa lider na pagod ka dahil marami kang ginawa sa bahay noong Linggo.
D. Sasabihin sa lider na magbayad na lang ng ibang gagawa para tiyak na maganda
ang gawa ng inyong pangkat.
_____14. Ang bawat taong nilalang ay may ______________na tanging sarili lamang niya ang
masusunod kung tama ba ito o mali ayon sa sarili niyang pananaw at kadahilanan.
A. ideya/opinion B. galit/poot C. isip/gawa D. hirap/tiis
_____15. Pagtulong sa gawaing bahay na may ngiti sa mga labi habang ginagawa ay isang
A. malaswang gawain C. magandang gawain
B. magulong gawain D. mahirap na gawain
_____16. Halimbawa may nasabing mga ideya/opinion ang iyong kaklase tungkol sa pag-
uugali mo.Ano ang iyong sasabihin?
A. Respetuhin B. balewalain C. wala lang D. awayin
_____17. Habang nanonood kayo ng paligsahan sa barangay narinig mo ang iyong kaibigan
na wala nang ginawa kundi pintasan ang mga kalahok.Ano ang iyong gagawin?
A. Isumbong sa mga kalahok ng paligsahan
B. Sabihin ko sa mga magulang ko
C Kausapin ko at pagsabihan na hindi maganda ang mamintas ng kapwa
D. Suntukin para tumahimik
_____18. Ang magkakaibigan ay nagkaisang sumali sa patimpalak ng sayaw sa kanilang
barangay. Ano ang ipinahihiwatig sa sitwasyon na ito. Sila ay nagkaisa ng opinion.
A. Pakikipagkaibigan B.Pagmamahal
C. Pagpapasalamat D. Pakikipag-away
_____19. Marami sa mga gawaing pampaaralan ang nangangailangan ng pakikiisa ng mga
bata upang maging matagumpay ito. Ilan dito ay sa mga paglalaro, paligsahan,
pagdiriwang atbp.
A. tama po B. mali C. hindi po ako cigurado D. hindi ko po alam
_____20. Pagsali ng paligsahan sa barangay ay kailangang _________________
A. sapilitan B. bukal sa puso C. tulakan D. agawan

You might also like