Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Kaharian ng Persia

Salin ni: Felicidad Q. Cuaño

“Ako ay narito upang pag-usapan ang Persian Empire. Isa sa mga dahilan
kung bakit pinili ko ang paksang ito ay sapagkat ako ay isang Persiyano. Ang isa
pang dahilan ay sapagkat may isang malaking komunidad ang Persiyano sa
Lower Mainland.

“Sa aking pagpapatuloy, ang Persian Empire ay naitatag noong 548 BC. Ito
ang unang pinakamalaking kaharian na nagmula sa Atlantic Ocean, Morocco, at
Indus River, hanggang sa India.

Ang Persian Empire ay bantog sa pagiging magalang sa ibang relihiyon at


kultura at ang Persiyano ang unang nag-akda ng Charter sa karapatang pantao.
Sila rin ang nag-imbento ng mga “coins”, mga daan, sistema sa koreo, at iba
pang pagbabago.

Isa sa pinakamakabuluhang imbensiyon ng Persia ay ang paglalagay ng


mga kanal (canal). Ginawa ito upang may sariwang tubig na maiinom, patubig sa
irigasyon, at upang may pagtapunan ng mga dumi at basura. Ang kahalagahan ng
imbensiyong ito sa makabagong sibisilasyon ay nakita ng daigdig nang
kasalukuyang ginagawa at hinuhukay ng mga inhinyerong taga-Europa ang Suez
Canal ng taong 1869 upang magamit sa komersiyo.

Nasa kalagitnaan na sila ng paggawa nang mahukay nila ang isang antigong
estatwa na may nakasulat na “Ako si Darius, ang magiting, Hari ng Persia, Hari
ng mga Hari, Hari ng Mundo, ay nag-uutos sa aking mga tao na gumawa ng
kanal upang ang Kanluran at ang Silangan ay magkalakal sa isa’t isa”. Ginawa na
pala ni Haring Darius ang kanal upang magsilbing daan ng kalakalan ng kanluran
at ng silangan noon pa mang 525 BC.

Ang sistema ng paghahatid ng koreo ay isa pang inobasyon at


kontribusyong Persia sa daigdig. Ang pag-aabang ng malakas na kabayo sa mga
takdang dinaraanan ng mensaherong nakasakay sa kabayo ay ginagawa upang
palipat-lipat na gamitin ang nagsisilbing palitan ng mahalagang mensahe. Ang
palitan ng komunikasyon sa sistemang ito mula sa magkabilang dulo ng kaharian
ng Persia ay inaabot lamang ng labindalawang araw.

Sa pagwawakas, ang Persian Empire ay laging maaalala na isa sa mga


malikhain at gumagalang ng karapatang kaharian na naitatag.

You might also like