Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Wednesday

Talahulugan:
Igorot – mula sa salitang Tagalog na golot na nangangahulugang “bulubundukin”. Sa pagdagdag ng
unlaping “i”, ito ay nangangahulugang “taga-bulubundukin”.
Moro – ang katagang “Moro” ay buhat sa “Moors” o ang pangkat-etnikong sumakop sa Spain na tulad ng
mga katutubong Pilipino sa Mindanao na mga tagasunod ng Islam.
Jihad – banal na digmaang inilulunsad ng mga Muslim upang ipagtanggol ang kanilang relihiyon at
paraan ng pamumuhay.

Mga Paraan ng Pagtugon ng mga Katutubong Pilipino sa Kolonyalismong Espanyol

Ang mga Igorot sa Cordillera


A. Pagsuway ng mga Igorot sa patakarang Espanyol.
1. Hindi pagsunod ng mga Igorot sa mga patakaran ng monopolyo ng tabako.
2. Pagbenta ng mga tabako sa ibang mangangalakal maliban sa mga hinirang ng pamahalaang
Espanyol.
3. Hindi pangingilag sa kabila ng pagtatatag ng pamahalaang military sa Cordillera.

B. Pangangayaw ng mga Igorot.


Pangangayaw (head hunting) ang tradisyon ng mga Igorot ng pakikidigma at pagpugot sa kaaway.
Kinatatakutan ang tradisyong ito ng mga misyonerong prayle sa Cordillera kung kaya’t nililisan nila ang
luga dahilan upang hindi matagumpay na napalaganap ang Kristiyanismo sa mga katutubo.

Thursday
Ang mga Muslim sa Mindanao
A. Pakikidigma ng mga Muslim
 May tatlong Sultanato ang Mindanao na namuno sa pakikidigma sa mga Espanyol. Noong 1571,
nilabanan ng mga Muslim ang puwersa ng mga Espanyol na sumalakay sa Mindanao sa serye ng
labanang tinawag na Anim na Digmaang Moro (Moro War).

 Sultan Kudarat – namuno sa kauna-unahang jihad o Banal na Digmaan laban sa mga Espanyol.
 Gobernador-Heneral Sebastian Hurtado de Corcuera – nanguna sa kampanya ng mga
Espanyol laban sa mga Muslim.

 Dahil hindi tuluyang magapi si Kudarat, napilitan ang mga Espanyol na makipagsundo sa sultan
noon 1645.

B. Paglagda ng kasunduan ng mga Muslim


 Noong 1851, napilitang lumagda sa kasunduan ang mga Muslim dulot ng panggigipit ni
Gobernador-Heneral Juan Antonio de Urbiztondo.
Ayon sa kasunduan, maibabalik lamang sa mga sultan ang kanilang kabisera kung kikilalanin nila
ang kapangyarihan ng pamahalaang Espanyol sa sultanato ng Sulu at mga katabing teritoryo nito.
 Para sa mga Espanyol, hudyat ito ng pagpapasakop ng mga Muslim ngunit para naman sa mga
Muslim, ito ang pagkakaibigan at pantay na estado ng mga Espanyol at Muslim.

You might also like