Ap7 Q4 Modyul-2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

7 Department of Education

National Capital Region


SCHOOLS DIVISION OFFICE
MARIKINA CITY

Araling Panlipunan
Araling Asyano
Ikaapat na Markahan – Modyul 2
Nasyonalismo sa Silangan at
Timog-Silangang Asya

Manunulat: Magdalena R. Tavarra

0
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE• EXCELLENCE
Aralin Mga Salik, Pangyayari at Kahalagahan ng
Nasyonalismo sa Silangan at
1 Timog-Silangang Asya

Alamin

"Mabuhay ang Pilipinas, Mabuhay ang Kalayaan! " ang sigaw ng mga katipunero
para simulan ang pagkamit ng kalayaan ng bansa. Masarap ang mabuhay at kumilos
sa isang malayang bansa. Maraming mga Asyano ang nakilala dahil sa pagtatanggol at
pagmamahal sa kalayaan ng kanilang bansa.

Iyong natalakay sa nakaraang aralin na ang mga bansa sa Silangan at Timog


Silangang Asya ay hindi nakaligtas sa pananakop ng mga Europeo. Paano nga ba
nakalaya sa mga mananakop ang mga mamamayan sa Silangan at Timog Silangang
Asya? Sino-sino ang mga Asyano na nanguna sa pakikipaglaban para sa kalayaan
ng kanilang bansa? At paano sumibol ang damdaming Nasyonalismo sa mga rehiyong ito
ng Asya? Ang mga katanungang ay sasagutin sa modyul na ito kaya't simulan mo na ang
pagbabasa at pag-aaral.

Sa pagtatapos ng aralin, inaasahan na ikaw ay:


1.nasusuri ang mga salik, pangyayari at kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng
mga bansa sa Silangan at Timog-Silangang Asya;
1.1. naiisa-isa at naipaliliwanag ang mga salik na naging daan sa pagsibol at
pag-unlad ng nasyonalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya;
1.2. nakikilala ang mga Asyano na nanguna sa pagtataguyod ng nasyonalismo
sa Silangan at Timog Silangang Asya;
1.3. napahahalagahan ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo sa
pagbuo at pagtaguyod ng kalayaan ng Silangan at Timog Silangang Asya.

1
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE• EXCELLENCE
Subukin
Basahin ang bawat pahayag at isulat sa patlang ang tamang kasagutan. Hanapin ang
sagot sa kahon

Sun Yat Sen Mapayapa Lumaya Marahas

Dutch Mao Ze Dong Pagkakaisa Kastila

1. Ang kagustuhan na ______________ sa mga dayuhan ang nagtulak sa mga


mamamayan ng Silangan at Timog Silangang Asya upang ipahayag ang kanilang
damdaming makabayan.
2. Si ________________ ang tinaguriang Ama ng Republikang Tsino.
3. Ang kawalan ng _______________ ang nagiging hadlang sa pag-unlad ng
nasyonalismo sa mga bansa sa Timog Silangang Asya.
4. Ang kilusang Propaganda ay isang samahang makabayan na lumaban sa mga
dayuhan sa paraang ________________.
5. Layunin ng Indonesian Nationalist Party ang makalaya sa mga hindi makatwirang
pamamahala ng mga _________________.

Balikan
Marahil ay natatandaan mo pa ang iyong nakaraang aralin sa Modyul 1 kaya sagutan
mo ang sumusunod na gawain.
Bilugan ang mga letra na naglalahad ng mga tunay na kaganapan sa unang yugto ng
kolonyalismo at imperyalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya.

A. Ang Portugal at Spain ay ang mga bansa na nanguna sa pananakop ng mga lupain sa Timog
Silangang Asya.
B. Ang paghahangad na makakuha ng maraming ginto, makontrol ang mga rutang pangkalakalan
at pampalasa ang naging dahilan ng pananakop.
C. Si Marco Polo ay isang manlalakbay na nakarating sa China at nakita niya ang kasaganahan
nito.
D. Narating ni Magellan ang bahaging Silangan sa pamamagitan ng rutang pakanluran.
E. Palaganapin ang kristiyanismo ang isa sa mga layunin sa pananakop ng mga Europeo.

2
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE• EXCELLENCE
Tuklasin
Marahil ay natatandaan mo pa ang mga napag-aralan mo sa elementarya
tungkol sa kasaysayan ng Pilipinas. Ito ay magagamit mo para masagutan ang
gawain na may kaugnayan sa tatalakayin sa modyul na ito.

Gawain 1: Hunt for the hidden word


Punan ng mga tamang letra ang mga patlang at kahon upang maibigay ang tinutukoy
sa kanan.

1. K __ T I __ __ __ E R O
1. Kasapi ng katipunan
2. B __ N __ __ L A
3. 2. Sagisag ng isang bansa
A __ __ __
4. 3. Pinakamalaking kontinente
E S __ __ __ Y O L
5. 4. Tawag sa mga kastila
B __ __ K __
6. 5. Gamit sa paglalakbay ng mga mananakop
T S __ __ O
7. 6. Mamamayan ng China
K A __ __ M A __ A N
8. 7. Nais kunin ng mga dayuhang mananakop
__ __ N A
9. 8. Isa sa mga Propagandista
R __ Z __ L
10. __ 9. Pambansang bayani ng Pilipinas
I N G L E
11. G O __ B __ __ Z A 10. Isa sa mga mananakop

12. __ __ K Y O
11. Tatlong paring martir

12. Kapital ng Japan

Mga Gabay naTanong:

1. Ano ang salitang nabuo buhat sa mga letra na nasa kahon? Ipaliwanag ang kahulugan
nito.

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Sino ang kakilala mo na Pilipino na may labis na pagmamahal sa ating bansa?


Bakit nasabi mo na mahal niya ang Pilipinas?

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

3
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE• EXCELLENCE
Suriin

BALIK TANAW

Sa nakaraang modyul ay napag-alaman mo ang ginawang pananakop at


pamamahala ng mga taga-kanluran sa Silangan at Timog Silangang Asya. May mabuti at
hindi mabuting epekto ang pananakop. Mas naramdaman ng mga mamamayang Asyano
dito ang negatibong dulot ng kolonyalismo. Naranasan nila ang diskriminasyon mula sa
mga Europeo, pag-angkin sa kanilang mga lupain, pagkasira ng likas na yaman, pang-
aapi, pagkakawatak-watak ng mga katutubo at pagbabago ng kultura. Sa madaling
salita ang pananakop ng mga Europeo sa Silangan at Timog Silangang Asya ay
nagdala ng mga suliraning pang-ekonomiya at panlipunan. Higit na nakinabang ang
mga taga-kanluran kaysa sa mga Asyano. Ang hindi katanggap -tanggap para sa mga
Asyano ay ang harapang pagmamalupit na ginagawa sa kanila ng mga dayuhan.
Tulad na lang sa bansa natin, nasaksikhan ng mga Pilipino ang ginawang paggarote sa
tatlong paring martir. Sa ibang bahagi pa ng Silangan at Timog Silangang Asya ay
maraming pinatay dahil sa pagtutol sa pamamahala ng mga kanluraning bansa. Sa mga
ganitong pangyayari ang mga Asyano ay nakakapag-isip-isip kung ano dapat gawin at
paano nila wawakasan ang ganitong kalagayan sa mga Europeo.

Nasyonalismo ang naging kasagutan para sa paglaya sa kolonyalismo at


imperyalismo ng mga taga kanluran sa Asya. Ang Nasyonalismo ay tumutukoy sa
diwang pagkakaisa para sa pagmamahal sa bansa. Paano nga ba nagsimula ang
Nasyonalismo sa Silangan at Timog Silangang Asya?

Mga Salik at Pangyayari na Naging Daan sa Pagsibol at Pag-unlad ng


Nasyonalismo sa Silangan at Timog-Silangang Asya

Iyong mababasa ngayon ang tungkol sa pagsisimula ng pagkahubog ng


damdaming makabayan ng mga Asyano sa Silangan at Timog-Silangang Asya. Ang
nasyonalismo ang naging daan at kasagutan upang maging malaya at matatag ang
mga bansa na nabibilang sa mga rehiyong ito.

4
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE• EXCELLENCE
Silangang Asya

CHINA----------> Pinamunuan ang China ng mga dinastiya sa loob ng mahigit 2,000 taon.
Ang huling dinastiya na naghari dito ay ang Manchu o Qing. Nagmula sa Manchuria
ang mga Manchu. Hindi naibigan ng mga Tsino ang pamunuang ito dahil sa mga krisis
at katiwalaan na nagaganap. At sa panahong ito ay nagsimula na rin ang pagkontrol
sa China ng mga Ingles mula ng sila ay matalo sa digmaang Opyo. Kung kaya’t
naghangad sila na palayain ang bansa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga
rebelyon o paghihimagsik. Ito ang simula ng pag-usbong ng damdaming makabansa
ng mga Tsino.

1. Rebelyong Taiping----------> Si Hung Hsiu ang nanguna sa panghihikayat na ibagsak


ang dinastiyang Manchu at mapaalis ang mga dayuhang taga-kanluran na
nanghihimasok sa kanilang bansa. Hindi nagtagumpay ang rebelyong ito dahil
tumulong ang mga dayuhang Ingles at Pranses sa pamahalaang Manchu. Maraming
Tsino ang namatay sa rebelyongTaiping.

2.Rebelyong Boxer---------> Ito ay pinasimulan ng isang lihim na samahan na


tinawag na I-ho Chu'an o Righteous and Harmonious Fists. May kaalaman sa Martial Arts
ang mga miyembro nito. Ito ang dahilan kayat tinawag na Rebelyong Boxer ang pag-aalsang
ito. Ang pinakalayunin ng rebelyon ay patalsikin ang lahat ng mga dayuhan na nasa bansa
lalong lalo na ang mga taga-kanluran. Ipinakita ng mga Tsino na nagrerebelde ang kanilang
galit at kagustuhan na makalaya at makapagsarili sa pamamagitan ng pagsalakay at
pagpatay sa mga opisyal ng iba't ibang bansa na nasa China. Pati mga misyonerong
kristiyano ay kanilang pinatay. Upang mapatigil ang mga Boxer ay nagpadala ng mga
pwersang militar ang mga kanluraning bansa. Ito ang naging dahilan ng pagkabigo ng
Rebelyong Boxer. Dahil sa ito ay nagapi ay nagpatuloy ang paghahari at pakikialam
ng mga dayuhan sa China.

3. Hundred Days Reform----------> Sa kabiguan ng Rebelyong Boxer ay sinikap pa


rin ng mga Tsino na magsagawa ng mga reporma o pagbabago para palakasin ang
kanilang bansa. Hindi rin ito naging matagumpay dahil sa pakikialam ng mga
dayuhang mula sa kanluran.

4. Sun Yat Sen-----------> Siya ang tinaguriang "Ama ng Republikang Tsina.” Siya ang
naglunsad ng Double Ten Revolution na naganap sa ikasampung araw ng ikasampung
buwan ng taong 1911(October 10,1911) na naging wakas at pagbagsak ng dinastiyang
Manchu. Kaniyang binigyang diin na ang pagkakaisa ng mga Tsino ang daan sa
pagtatagumpay laban sa imperyalistang bansa.

5
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE• EXCELLENCE
JAPAN-----------> Alam mo ba na ito ay isa sa mga mayayaman at industriyalisadong bansa
sa daigdig. Nanakop din sila ng mga bansa sa Asya, ibig sabihin naging imperyalistang
bansa ito. Malaki ang kinalaman ng nasyonalismo sa kaunlaran na mayroon ang Japan
sa kasalukuyang panahon.
Tulad ng China isinara din ng Japan ang kanilang bansa at mga daungan sa
mga kanluranin. Ngunit napilitang buksan ng mga Hapones ang kanilang bansa sa
mga dayuhang Amerikano sa bisa ng kasunduang Kanagawa noong 1854.
Naisip ng mga Hapon na magastos ang pakikidigma lalo’t malakas ang pwersang
pandigma ng mga Amerikano at iniwasan ang pagkadamay ng mga inosenteng
mamamayan. Maliban sa bansang Amerika marami na rin ang nakipagkasundo sa
Japan para malayang makapasok dito, ito ay ang Great Britain, France at Netherlands.
Ang pagbabagong kaunlaran sa Japan ay naganap sa panahon ng Meiji
Restoration sa pamamahala ni Emperador Mutsuhito.Tinanggap niya ang impluwensya
ng mga kanluranin dahil naniniwala sya na magagamit ang mga ito upang mapaunlad
ang Japan.Tinularan din ng mga Hapones ang istilo ng pamumuhay ng mga
taga-kanluran na maaaring makatulong sa pagsulong ng ekonomiya at lipunan ng
Japan.

Timog Silangang Asya

PILIPINAS-----------> Napakahabang panahon na nagtiis ang mga Pilipino sa kalupitan ng


mga Kastila. Ang salitang kalayaan ay unti-unting nabuo sa isipan ng mga Pilipino dahil sa
paglahok ng Pilipinas sa pandaigdigang pangkalakalan, pagbubukas ng Suez kanal na
naging daan sa pagpasok ng mga makabagong kaisipan mula sa Europa patungo sa
Pilipinas, naranasan ang liberal na pamamahala ni Gobernador Heneral Carlos Ma. Dela
Torre at ang isyu ng sekularisasyon (alitan ng mga paring Pilipino at ng mga prayle).

Maliban sa mga ito ay may mga pangyayari na naganap sa Pilipinas na higit na


nagbigay daan sa pagkakaisa at nagpatindi ng pagmamahal ng mga Pilipino sa kanilang
bansa. Ito ay ang mga sumusunod;
Paggarote sa Gomburza
Habang binibitay ang tatlong paring martir lingid sa kaalaman ng mga kastila na ang
damdamin ng mga Pilipino ay nagkakaisa na wakasan na ang kalupitan ng mga ito. Ang
pangyayaring ito ang naging simula din sa pagkabuo ng mga samahang laban sa mga
Espanyol.
Kilusang Propaganda
Ang kilusang Propaganda ay itinatag ng mga ilustrado. Ito ay isang samahan na
may layunin na gisingin ang damdaming makabayan ng mga Pilipino. Iminulat ng
mga propagandista ang kamalayan o kaisipan ng mga Pilipino sa tunay na
kalagayan ng Pilipinas sa kamay ng mga kastila sa pamamagitan ng kanilang mga
akda sa pahayagang La Solidaridad. Sa mga Nobela ni Jose Rizal ay inihayag niya
ang kasamaan ng mga kastila lalo na ng mga prayle. Marami pang propagandista ang
nagsulat ng mga laban sa kastila.
Katipunan
Ang pagkakatatag ng katipunan. Isang lihim na samahan na pinamunuan ni
Andres Bonifacio. Layunin ng samahan na ito na palayain ang Pilipinas sa paraang
himagsikan. Handang ibuwis ng mga Pilipino ang kanilang buhay kapalit ng kalayaan
ng bansa

6
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE• EXCELLENCE
INDONESIA----------> Ang kawalan ng kaunlaran sa ekonomiya at edukasyon sa ilalim
ng pamunuan ng Dutch ang naging sanhi ng pag-aalsa ng mga Indones noong
1825. Maraming samahang makabayan ang nabuo para humingi ng pagbabago at
kalayaan.

Si Achmed Sukarno ang nagtatag ng Partido Nasyonalista. Naniniwala siya na


matatapos ang kahirapan ng Indonesia kung makakamit ang kalayaan mula sa mga
Dutch.

BURMA (MYANMAR)-----------> Nagkaroon ng kontrol sa bansang ito ang Great Britain


ng matalo nila sa digmaan ang mga Burmese. Ginawang lalawigan ng India ang
Burma at hindi ito tanggap ng mga Burmese. Ang India ay sakop na bansa din ng
mga Great Britain. Hangad ng mga Burmese ang lumaya sa mga British. Ang
kagustuhan na lumaya ang nagtulak sa mga mamamayan ng Burma na ipahayag ang
damdaming nasyonalismo. Pinasimulan ng mga nakapag-aral na Burmese ang
paghahayag ng pagiging makabayan. Sa kabila ng pagbibigay ng mga pinunong British ng
ilang pribilehiyo sa mga Burmese ay hindi nila ito tanggap. Hangad nila ang kalayaan
kung kayat ipinagpatuloy ang mga pag-aaklas at pagtatag ng mga samahang
makabayan.

KAHALAGAHAN NG NASYONALISMO SA ASYA

Maraming bansa sa Asya ang dumanas ng hirap sa mga imperyalistang


bansa sa mahabang panahon. Tanging nasyonalismo ang naging kasagutan sa
pagwakas ng kolonyalismo at imperyalismo. Nakalaya ang mga taga-Silangan at Timog
Silangang Asya ng dahil sa ipinakitang pagmamahal, pagmamalasakit sa sariling bansa
at pakikiisa sa mga kababayan. Napatunayan na ang mabisang sandata sa paglaya
o kalayaan ay ang nasyonalismo. Kung hindi nabuo ang mga samahang makabayan
hindi mababatid ang mapagkunwaring hangarin ng mga dayuhan sa bansa ng dahil
sa nasyonalismo ay nabuo at naging matatag ang mga bansa sa Silangan at Timog
Silangang Asya. Kaya sa kasalukuyang panahon ay isang malaking hamon sa atin
lahat ang pagpapalakas ng diwang nasyonalismo lalo’t nasa sitwasyon tayo ng
pandemya. Nasyonalismo din kaya ang kasagutan sa suliraning ito ng buong Asya?

7
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE• EXCELLENCE
Pagyamanin

Gawain 2: Who am I?
Isulat ang pangalan ng tinukoy sa bawat pangungusap. Hanapin ang sagot sa kahon.

1. Ako si ________________, isang katipunero na nanguna sa paghihimagsik sa mga


kastila.
2. Ako si_______________, na nanguna sa Double Ten Revolution.
3. Ako si _________________, na sumulat ng mga nobela tungkol sa kasamaan ng mga
kastila.
4. Ako si_________________ , na tumanggap sa impluwensya ng mga kanluranin para
sa pag-unlad ng Japan.
5. Kami ang___________________na gumising sa damdaming makabayan ng mga Pilipino.

Jose Rizal GOMBURZA Andres Bonifacio

Emperador Mutsuhito Sun Yat Sen

Gawain 3: Pole Chart

Sagutan ang Pole chart tungkol sa pag-unlad ng nasyonalismo sa Silangan at Timog


Silangang Asya.

Pilipinas

Mga Salik sa
Pag-unlad ng
Nasyonalismo
Indonesia

Mga Bansa sa Timog


Silangan Asya

BURMA

8
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE• EXCELLENCE
Mga Gabay na Tanong:

1. Ano-ano ang kaparaanan na ginamit ng mga taga-Silangan at Timog Silangang


Asya sa pagpapamalas ng damdaming nasyonalismo?

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

2. Ang pagtanggap ni Matsuhito sa impluwensya ng mga kanluranin ay maituturing na


pagmamahal sa bansang Japan? Ipaliwanag ang kasagutan.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

3. Ano ang kahalagahan ng nasyonalismo sa pagbuo ng mga bansa sa Silangan at


Timog Silangang Asya?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Isaisip
Gawain 4: For Me

Punan ng kasagutan ang patlang upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

1. Natutunan ko na ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ay


_________________________________________________________________________

2. Ang mga nasyonalista na tulad ni Jose Rizal ay dapat tularan dahil


_________________________________________________________________________

3. Ang nasyonalismo at kalayaan ay magkaugnay dahil

_________________________________________________________________________

City of Good Character 9


DISCIPLINE• GOOD TASTE• EXCELLENCE
Isagawa

Gawain 5: Pledge of Loyalty

Bilang isang mag-aaral isulat mo ang iyong pangako na mamahalin mo ang


bansang Pilipinas. Ilagay ito sa isang papel. Gamitin ang rubrik para maging gabay sa
gawain.

KRITERYA 5 4 3 2 1
Maayos na maayos ang Maayos ang May kaayusan ang Walang kaayusan ang Hindi nakita ang
paglalahad ng panimula, paglalahad ng paglalahad ng paglalahad ng panimula paksa sa
pangunahing paksa at panimula, panimula ngunit ngunit hindi ang sanaysay
NILALAMAN
konlusyon pangunahing paksa at hindi ang pangunahing paksa at
konklusyon pangunahing paksa konklusyon
at konklusyon
Maayos na maayos ang Maayos ang Hindi angkop ang May ideya sa paksa Walang nabuo
PAGKAKABUO O pagkakabuo o pagkakabuo o pagkakabuo o ngunit malabo ang na kaisipan sa
PAGKAKAHANAY pagkakasunod-sunod o pagkakasunod-sunod pagkakasunod – pagkakabuo paksa
NG KAISIPAN kaisahan ng mga ideya o kaisahan ng mga sunod o kaisahan ng
ideya mga ideya
Tama ang lahat ng Halos tama ang lahat Maraming mali sa Napakaraming kamalian Walang bantas
kapitalisasyon, ng kapitalisasyon, kapitalisasyon, sa kapitalisasyon, at tamang
GRAMATIKA/
pagbaybay, bantas at pagbaybay, bantas at pagbaybay, bantas pagbaybay, bantas at kapitalisasyon sa
KALINISAN
salitang ginamit salitang ginamit at salitang ginamit salitang ginamit mga salitang
ginamit

Tayahin
Basahin, pag-aralan at suriin ang bawat pares ng pangungusap sa mga sumusunod na
bilang. Piliin ang tamang letra na naglalarawan sa mga pares ng pangungusap.

A. -- Parehong tama ang pangungusap.


B. -- Parehong mali ang pangungusap.
C. -- Ang unang pangungusap ay tama at ang ikalawa ay mali.
D. -- Ang unang pangungusap ay mali at ang ikalawa ay tama.

______ 1. a. Layunin ng Rebelyong Taiping na pabagsakin ang mga Manchu.


b. Ang dinastiyang Manchu ang huling dinastiya sa China.
______ 2. a. Si Sun Yat Sen ang tinaguriang " Ama ng Republika ng China."
b. Ang Meiji Restoration ay pinangunahan ni Sun Yat Sen.
______ 3. a. Himagsikan ang paraan ng mga Propagandista sa paglaban sa mga
kastila.
b. Layunin ng kilusang Propaganda na gisingin ang damdaming
makabayan ng mga Pilipino sa kanilang mga akda.
______ 4. a. Ang Pilipinas ay nasakop ng Great Britain sa loob ng 333 taon.
b. Ang Indonesia ay nagpakita ng labis na pagmamahal sa bansa ng
ito ay nasakop ng Espanya.
______ 5. a. Karamihan ng mga mamamayang Asyano sa Silangan at Timog
Silangang Asya ay ipinakita ang damdaming nasyonalismo sa paraang
pakikidigma sa mga dayuhan.
b. Ang nasyonalismo ang nagwakas sa kolonyalismo at imperyalismo.

City of Good Character 10


DISCIPLINE• GOOD TASTE• EXCELLENCE
Karagdagang Gawain
Isulat ang salitang Makabayan kung ang larawan ay nagpapakita ng
pagmamahal sa bansa at kung hindi ay isulat ang salitang Di-Makabayan at
ipaliwanag bakit hindi ito makabansa.

1. ____________________________________ 2. __________________________________

3. ____________________________________ 4. __________________________________

5. ________________________________

City of Good Character 11


DISCIPLINE• GOOD TASTE• EXCELLENCE
DISCIPLINE• GOOD TASTE• EXCELLENCE
12 City of Good Character
SUBIKIN
1. Lumaya
2. Sun Yat Sen
3. Pagkakaisa
4. Mapayapa
5. Dutch
BALIKAN
1. A 2. B 3. C 4. D 5. E
PAGYAMANIN
1. Bonifacio
2. Sun Yat Sen
3. Rizal
4. Emperador Mutsuhito
5. GOMBURZA
TAYAHIN TUKLASIN
1.A 1. Katipunero 7. Kayamanan
2.C 2. Bandila 8. Luna
3.D 3. Asya 9. Rizal
4.B 4. Espanyol 10. Ingles
5.A 5. Barko 11. GOMBURZA
KARAGDAGANG GAWAIN 6. Tsino 12. Tokyo
1. Hindi Makabayan
2. Makabayan
3. Hindi Makabayan
4. Makabayan
5. Makabayan
Susi ng Pagwawasto
Sanggunian

Mga Saliklik sa Aklat

Blando, Rosemarie C, Adelina A Sebastian , Angelo Espiritu, Erna C Golveque, August M


Jamora, Regina Capua, Arni S Victor, and Sandra I Balgos. 2014. Araling Asyano:
Araling panlipunan- Modyul para sa Mag-aaral. Edusources Publishing, Inc.

Estela et al., (2005). Kabihasnang Asyano: Kasaysayan at Kultura. Unang Edisyon. Vibal
Publishing House, Inc.

Mga Saliksik sa Online at Website

n.d. Biography: Jose Rizal. Accessed March 29, 2021. https://www.biography.com/political-


figure/jos%C3%A9-rizal.

n.d. Britannica:Sukarno. Accessed March 30, 2021.


https://www.britannica.com/biography/Sukarno

n.d. Historica: Sun Yat-sen. Accessed March 29, 2021.


https://historica.fandom.com/wiki/Sun_Yat-sen.

n.d. Philstar Global:Bonifacio foreshadows the age of Duterte. Accessed March 30, 2021.
https://www.philstar.com/lifestyle/arts-and-culture/2019/11/11/1967609/bonifacio-
foreshadows-age-duterte.

n.d. Slideshare:KKK. Accessed March 30, 2021. https://pt.slideshare.net/armialeonardo/kkk-


kataastaasan-kagalanggalangang-katipunan-para-sa-bayan.

n.d. Wikipedia:Emperor Meiji. Accessed March 29, 2021.


https://en.wikipedia.org/wiki/Emperor_Meiji.

n.d. Wikipedia:Gomburza. Accessed March 29, 2021. https://en.wikipedia.org/wiki/Gomburza

n.d. Wikipedia: Mariano Ponce. Accessed March 30, 2021.


https://en.wikipedia.org/wiki/Mariano_Ponce.

13
City of Good Character
DISCIPLINE• GOOD TASTE• EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Magdalena R. Tavarra

Mga Tagasuri: Aaron S. Enano

Tagaguhit ng kober: John Miciano


Tagaguhit ng mga larawan: Elijah Labasan
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola

Pangalawang Tagapamanihala

Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza

Hepe – Curriculum Implementation Division

Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano

Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero

Superbisor sa Learning Resource Management System

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE• GOOD TASTE• EXCELLENCE

You might also like