Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

4 Department of Education

National Capital Region


SCHOOLS DIVISION OF FICE
MARIKINA CITY

Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan 4


Gawaing Pang-Industriya
Ika-apat na Markahan-Modyul 2
Paggamit at Pagsalin ng Dalawang Sistemang Panukat
(English at Metric)

Manunulat: Cecilia F. Macapagal


Tagaguhit: Claide G. Pekas
Tagaguhit ng Pabalat: Christopher E. Mercado

City of Good Character 0


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin

May mga layunin na dapat ninyong isaisip sa pag-aaral ng


modyul na ito:
 Makikilala ang dalawang pamamaraan ng pagsusukat.
 Magagamit ang dalawang pamamaraan ng pagsusukat sa
mga gawaing pang-industriya at nasasalin ang sistemang
panukat na English sa Metrik at Metrik sa English; at
 Mapapahalagahan ang tamang paggamit ng dalawang
pamamaraan ng pagsusukat. EPP4IA-0b-2

Subukin

Basahin ng mabuti at pag-aralan ang dalawang sistema; ang


Sistemang Ingles at Sistemang Metrik.

Sistemang Ingles Sistemang Metrik


12 pulgada = 1 piye o
10 millimetro = 1 sentimetro
talampakan
3 piye = 1 yarda 10 sentimetro = 1 desimetro
6 pulgada = ½ piye o
10 desimetro = 1 metro
talampakan
1 ½ piye = ½ yarda 100 sentimetro = 1 metro
1000 metro = 1 kilometro

City of Good Character 1


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Napag-aralan mo na ba? Sagutan ang pagsubok na ito.

Lagyan ng tsek () ang kahon kung ang yunit ng pagsusukat ay


Sistemang Ingles o Sistemang Metrik
English Metrik

1. yarda

2. sentimetro

3. pulgada

4. metro

5. desimetro

Balikan
Basahin ng mabuti ang mga pangungusap, sitwasyon o tanong.
Piliin ang letra ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ito ay kasangkapang yari sa kahoy na ang haba ay umaabot


ng anim na piye at panukat ng mahahabang bagay.
A. Iskuwalang asero C. Pull-Push Rule
B. Meter stick D. Zigzag rule
2. Kung ang protractor ay gamit panukat sa mga arko at pabilog
na guhit, ano naman ang ginagamit na panukat sa mga tuwid
na guhit at linya?
A. Ruler C. Tape Measure
B. Steel Square D. Zigzag Rule

City of Good Character 2


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
3. Ito ay karaniwang ginagamit ng mga mananahi sa pagsukat
para sa paggawa ng pattern at kapag nagpuputol ng tela.
A. Iskuwalang asero C. Ruler
B. Meter Stick D. Zigzag Rule
4. Alin sa sumusunod ang hindi kagamitan sa pagsusukat?
A. Martilyo C. Ruler
B. Pull-Push Rule D. Zigzag Rule
5. Ito ay ginagamit sa pagkuha ng mga digri kapag ikaw ay
gumagawa ng mga anggulo sa iginuguhit na mga linya.
A. Martilyo C. Ruler
B. Protraktor D. Zigzag Rule

Tuklasin

Malaya
Ni Rogelio Sukat
(Hango sa mahabang tula)

Kung may bukid ako na sariling akin,


Sukat na kaya ko’y aking sasakahin
Ibig kong magsaka na ang aking aanihin,
Ikabubuhay ko ma’y sa pawis ko galing.

Balak ko’y magtayo ng kubong maliit at matibay


Sa may dakong tabi ng sapang isdaan
May balak din akong dito mag itikan
Dahil ito’y malawak at sukat sa paninirahan.

Nabasa na ninyo ang maikling tula. Sagutin ang mga tanong sa


ibaba, isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Tungkol saan ang tula?
A. Tungkol sa bukid. C. Tungkol sa magsasaka
B. Tungkol sa pangarap D. Tungkol sa pangarap ng
Magsasaka

City of Good Character 3


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
2. Gaano kalaki ang kanyang lupang sasakahin?
A. Maliit na sukat C. Hindi nabanggit sa tula
B. Malawak na sukat D.Sukat na kaya niyang
sakahin
3. Anong uri ng kubo ang kanyang ipapatayo?
A. Maliit at matibay C. Palasyo ang laki
B. Malaki at matibay D. Maliit at marupok

4. Gaano kalaki ang kanyang pag-iitikan?


A. masikip na lugar C. sukat sa paninirahan
B. malawak na malawak D. eksakto sa mga itik niya
5. Ano ang pamagat ng tula?
A. Malaya C. Sukat
B. Bukid D. Palasyo

Suriin

Ang bawat sistema ay may iba’t ibang yunit na ginagamit. Bawat


yunit ng Sistemang Ingles ay may katumbas na sukat sa
Sistemang Metrik. Sa matatanda, nakasanayan na ang paggamit
ng Sistemang Ingles, at sa kasalukuyan ay binibigyang-pansin
ang pagsusukat gamit ang Sistemang metrik. Subalit, mayroon
ding pagsasalin ng pagsusukat sa magkaibang sistema ng
pagsusukat. Halimbawa, kung ang sukat ay nasa Sistemang
English, maaari itong isalin sa Sistemang Metrik.

Ang kaalaman sa pagsukat ay napakahalaga sa paggawa ng


anumang proyekto, maging sa kahoy, metal, tela o plastic.
Kailangang tiyak ang sukat lalo na sa pagbili ng mga gagamitin.
Dapat tiyak ang sukat ng kapal, lapad at haba kung bibili ng

City of Good Character 4


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
kahoy; haba at kapal (gauge) ng yero; haba at kapal ng bakal;
haba ng pako. Ang presyo ng mga nabanggit na bilihin ay batay
sa kanilang sukat. Kailangan ang wasto at maingat na pagsukat
upang maiwasan ang makasira at mag-aksaya ng materyales.
May paalala sa Ingles: “Measure twice, cut once.” Dalawang ulit
na sukatin bago putulin. Kahit ilang ulit para makatiyak.
May dalawang paraan o Sistema ng pagsusukat. Ito ang
Metric System at ang isa naman ay ang English system. Higit na
madali ang Metric system dahil sampu-sampu ang pagbilang.
Ang pinakamalaking sukat ay milimetro, susunod ang sentimetro
at ang pagkatapos ay ang metro. Sa English system, ang
pinakamaikli ay inch o pulgada. Sumunod ang foot o piye o
talampakan at ang yard ay yarda. May pagkakataong ginagamit
ang dalawang sistema.
Kung gagamitin ang sistemang metric

City of Good Character 5


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Kung gagamitin ang sistemang metric sa pagsukat ng haba,
lapad, kapal, taba ng isang bagay sa isang proyekto, ganito ang
tumbasan. Ang bawat guhit sa sentimetro ay binabasang isang
milimetro kaya:
10 millimetro (mm) = 1 sentimetro (sm)
10 sentimetro (sm) = 1 desimetro (dm)
10 desimetro (dm) = 1 metro (m)
100 sentimetro = 1 metro (m)
1000 metro = 1 kilometro
Ganito naman ang sukatan sa sistemang English:
12 pulgada (in /”) = 1 talampakan o piye (pye) (foot / ft. / ‘)
3 piye (ft) = 1 yarda (yd)
pulgada (in) = 1 yarda (yd)
May mga dapat ding tandaan ang kaalaman na ito. Paano mo
papalitan ang mga sukat mula sa sentimetro upang maging
milimetro at baliktaran? Maaari tayong magpalit mula sa isang
yunit tungo sa isa gamit ang mga conversion factor mula sa
listahan sa ibaba.

Mga Yunit Simbolo Conversion Factor


1 kilometro km 1 kilometro = 1,000 metro
2 hektometro hm 1 hektometro = 100 metro
3 dekametro dam 1 dekametro = 10 metro
4 metro m metro = meter (Filipino to English)
5 desimetro dm 10 desimetro = 1 metro
6 sentimetro sm 100 sentimetro = 1 metro
7 milimetro mm 1,000 milimetro = 1 metro

City of Good Character 6


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Ang conversion factor ay ang halaga o proporsiyon na
kailangan mong multiplikahin sa numero upang baguhin ang
isang yunit ng sukat tungo sa isa. Kaya’t maaari mong palitan
ang sentimetro upang maging metro, o metro upang maging
kilometro.
Ang mga conversion factor ay inihahayag sa uri ng
proporsiyon.

Halimbawa, 1 metro = 100 sentimetro ay kailangang ihayag


sa ganitong paraan:
1 metro o 100 sentimetro  numerator
100 sentimetro 1 metro  denominator

Pansinin na may dalawang posibleng pagkakaayos para sa


proporsiyon ng conversion factor. Ang mga halimbawa sa ibaba
ang tutulong sa iyo upang magdesisyon kung ano sa dalawang
posibleng pagkakaayos ang dapat mong gamitin.
Upang palitan ang isang yunit tungo sa isa, kailangan mo
munang palitan ang mga kasalukuyang yunit ng sukat upang
maging metro kung ito ay wala pa sa metro na yunit. Matapos
palitan ang mga yunit upang maging metro, palitan ito sa yunit
ng sukat na ninanais mo.
Halimbawa:
Palitan ang 14 na sentimetro sa metro.
Solusyon:
Kailangan mo munang palitan ang sentimetro upang
maging metro:
Unang Hakbang:
Ang conversion factor ay 1 m = 100 sm.

City of Good Character 7


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Mayroong dalawang posibleng pagkakaayos para sa
proporsiyon ng conversion factor:

1m o 100 sm
100 sm. 1m

Upang makansela ang mga yunit sa sm, piliin ang isa kung
saan ang 100 cm ay nasa denominator.
Ikalawang Hakbang:
Multiplikahin ang conversion factor sa 14 sentimetro.
1m
14 sm x 100 sm. = 0.14
ang yunit sa sm ay nasa denominator kaya’t kanselahin ito.

Pagyamanin

A. Ibigay ang katumbas na sukat ng sumusunod.Isulat ang sagot


sa sagutang papel.
1.) 48 pulgada = ______ piye 4.) 4.5 sm = ______ mm
2.) 6 piye = ______ yarda 5.) 1.5 km = _______ m
3.) 30 mm = ______ sentimetro
B. Piliin ang titik ng tamang sagot.
6. Ang dalawang Sistema ng pagsusukat.
A. Ingles at Metric C. English at Roman
B. Roman at Italian D. Japanese at Chinese
7. Ang mga sumusunod ay mga yunit sa pagsusukat. Alin ang
hindi nabibilang sa pangkat?
A. Kilometro C. Talampakan
B. Pulgada D. Yarda

City of Good Character 8


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
8. Ang 60 na pulgada ay katumbas ng isang ________________.
A. 1 Kilometro C. 5 Piye
B. 2 Yarda Metro D. 1 Yarda
9. Ilang metro ang katumbas ng 150 sm.?
A. 1.5 C. 3.5
B. 2 D. 4
10. Ikaw ay guguhit ng linyang may sukat na tatlong
sentimetro. Dudugtungan ito ng 25 milimetro, ano ang
sukat ng linya na iyong iguguhit?
A. 4.5 sm. C. 3 mm.
B. 5.5 sm. D. 45mm.

Isaisip
Basahin ng mabuti ang mga pangungusap at piliin ang tamang
letra ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel.

1. Ang ruler na kasangkapang pansukat ay may habang 1 piye o


talampakan sa sistemang ingles at may katumbas na
_________ sa sistemang metrik.
A. 30 sentimetro C. 30 metro
B. 30 millimetro D. 30 kilometro
2. Ang bawat yunit ng sukat ay may simbulo. Ano ang simbulong
sukat ng yunit na yarda?
A. “ C. dm.
B. „ D. yd.
3. Kung ang isang yarda ay katumbas ang 3 piye o talampakan,

City of Good Character 9


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Ang __________ na piye o talampakan ay katumbas ng 3 yarda.
A. 8 C. 10
B. 9 D. 11
4. Bukod sa gamit sa paggawa ng tuwid na guhit, ang ruler ay
ginagamit din sa pagkuha ng maikling sukat. Kung ang haba ng
ruler ay 1 piye na may 12 pulgada, Ano ang katumbas ng 2 piye?
A. 24 pulgada C. 50 pulgada
B. 42 pulgada D. 70 pulgada
5. Sa sistemang metric ang isang metro ay may katumbas na
_____ sentimetro.
A. 100 desimetro C. 100 millimetro
B. 100 kilometro D. 100 sentimetro

Isagawa

ONLINE
Upang ipakita ang mahusay at maayos na pagsasalin ng
sistemang metric at sistemang ingles. Narito ang video
presentation. “Mga bata manood nang mabuti!”

https://youtu.be/JBe8lRwSI1Y

OFFLINE
I. Isulat ang letra ng magkakaugnay na kaisipan.

A. Binubuo ang gawaing industriyal ng


a. gawaing-kahoy
b. maraming guhit

City of Good Character 10


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
c. maraming gawain
d. wastong pagtabas
e. kaalaman sa pagguhit
f. kasanayan sa pagsukat

B. Pagsukat sa paraang metric


a. madaling gawin
b. madalas gamitin
c. pulgada ang gamit
d. sampuan ang bilang
e. millimetro ang batayan

Tayahin
I. Basahin ang talata. Sagutan ang nakahandang solusyon.

Kailangan ni Aling Senyang ng 1.5 metro ng tela. Wala


siyang meter stick o medida na may gradong metro. Siya
ay mayroon lamang ruler sa gradong sentimetro. Gaano
karaming sentimetro ang kailangan niyang sukatin
upang makakuha ng 1.5 metro ng tela?

Solusyon: Kailangan mong palitan ang 1.5 metro sa


sentimetro.
a) Ano ang conversion factor?
b) Multiplikahin ang 1.5 metro sa conversion factor.

1.5 m x ________
= _________

City of Good Character 11


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
II. Isulat ang katumbas na titik ng bawat bilang sa tulong ng
may sagot na. Buuin ang salita at kaisipan.

A
I. Punan ang mga kahon ng mga yunit sa pagsusukat, maaaring

Metrik o English. Piliin ang letra ng tamang sagot sa dagdag na


tanong.

Karagdagang Gawain

YUNIT SA

SENTIMETRO

Huling Pagtatasa (Post Test)


Sagutin ang sumusunod. Ibigay ang katumbas na sukat at isulat
ang sagot sa patlang.
1.) 9 talampakan = _________________ piye
2.) 30 pulgada = _________________ yarda
3.) 40 milimetro = _________________ sentimetro
4.) 2 ½ sentimetro = _________________ milimetro
5.) 1 ½ kilometro = _________________ metro
6.) 30 pulgada = _________________ piye
7.) 6 talampakan = _________________ yarda
8.) 30 millimetro = ___________ sentimetro

City of Good Character 12


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
13 City of Good Character
Edukasyong Pantahan at Pangkabuhayan – Ikaapat na Baitang 
KARAGDAGANG GAWAIN
I.  Sentimetro  Yarda  Millimetro  Talampakan/Piye
 Metro  Kilometro  Pulgada  Desimetro
 Hektometro  Dekametro
TAYAHIN
I.
a. 1.5 m. x 100 cm 100 cm
b. 1.5 m x 1 m. = 150 cm
II. M A I N A M A N G M A A L A M
PAGYAMANIN
ONLINE/OFFLIN A.
E 1. 4
I. 2. 2
A. a.  3. 3
b.  4. 45
d.  ISAISIP
5. 1500 1. B TUKLASIN BALIKAN SUBUKIN
e.  B. 2. D 1. D 1. D 1. English
f.  1. A 3. B 2. A 2. A 2. Metric
B. a.  2. C 4. C 3. B 3. B 3. English
b.  3. A 5. C 4. C 4. A 4. Metric
d.  4. C 5. C 5. B 5. Metric
e.  5. B
___________ metro = 10.) 1 ½ kilometro
___________ millimetro = 9.) 4 ¼ sentometro
Sanggunian
Kagamitan ng Mag-aaral
Unang Edisyon 2015
 http://dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/pagsukat_ng_ha
ba.pdf
 https://eskwelanaga.files.wordpress.com/2011/02/pagsukat-ng-timbang-
ikalawang-bahagi.pdf
 https://www.slideshare.net/arnelbautista1428/grade-4-epp-industrial-arts-
quarter-4-aralin-2-mga-sistema-ng-pagsusukat
 http://guroako.com/wp-content/uploads/2017/05/EPP4_TG_U4.pdf
 https://books.google.com.ph/books?id=wQ4osAXpJ3wC&pg=PP213&lpg=PP
213&dq=dalawang+sistema+sa+pagsukat&source=bl&ots=pPfrAUdqg&sig=A
CfU3U0PNB_xA_zau8g1MOst2evkIjvE0g&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwjqKGx
JfqAhWWQN4KHSmGDNwQ6AEwEnoECAwQAQ#v=onepage&q=dalawang%
20sistema%20sa%20pagsukat&f=false
 https://books.google.com.ph/books?id=wQcecZZ2gnkC&pg=PA247&lpg=PA
247&dq=Kwento+tungkol+sa+tamang+pagsukat+ng+mga+bagay&source=bl
&ots=s5zMegD01a&sig=ACfU3U2w2I36F8qQRkLVnccPoT9ZB4Hmng&hl=en
&sa=X&ved=2ahUKEwiGibG2kpjqAhWZPXAKHT0MC9oQ6AEwC3oECAcQA
Q#v=onepage&q=Kwento%20tungkol%20sa%20tamang%20pagsukat%20ng
%20mga%20bagay&f=false
 http://dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/pagsukat_ng_ha
ba.pdf
 https://www.google.com/search?rlz=1C1CHBD_enPH831PH831&source=un
iv&tbm=isch&q=ilan+ang+sukat+ng+meter+stick+sa+inches&sa=X&ved=2ah
UKEwigre7_5JfqAhUUfd4KHSG9DCQQsAR6BAgJEAE&biw=1272&bih=665#
imgrc=wqZS3rJuSzBoJM

City of Good Character 14


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Cecilia F. Macapagal (Teacher III, MalES)


Editors:
James G. Garcia (MT I, PES)
Pablo S. Salazar Jr. (Master Teacher I, MALES)
Jesseca M. Mandapat (T III, SNES)
Mary Grace O. Pariñas (Teacher II, NES)
Language Editor: Crisanta A. Deogracias (MT I, MalES)
Internal Reviewer:
Reingelyn P. Donato (OIC-Principal, Leonardo Victorino Elementary School)
Joseph T. Santos (Education Program Supervisor-EPP/TLE)
Illustrator:
Claide G. Pekas (T II, CISEL)
Christopher E. Mercado (MT I, JDPNHS)
Taggalapat:
Mary Grace O. Pariñas (Teacher II, NES)
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe - CID
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Joseph T. Santos
Superbisor sa TLE/EPP

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa LRMS

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character 15


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like