Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

P. O. I. N. T. E. R.S T. O. R. E. V. I. E.

 Hierarchy- Isa sa pagkakapareho ng mga bansang China, Japan, North at South Korea
ay ang pagkakaroon ng sariling kultura at ang kanilang paggalang sa awtoridad, at
mga kombensiyon tungkol sa kung paano sila kumilos sa publiko, ano ang tawag ditto?
 Bayanihan - Sa Pilipinas, nabuo ang samahan na ito kung saan ang mga
magkakapitbahay ay nagtutulungan kahit kalian o saan man kailangan ng tulong.
Kadalasan makikita ito sa mga sasakyang nasisiraan ng gulong.
 Xout Lao- Ang kultura ng Laos ay naimpluwensyahan ng Theravada Buddhism na
mula sa India at mula din sa China. Ano ang tradisyunal na kasuotan nila na pwede
isuot ng mga babae, lalaki at mga bata?
 Pagtangkilik at pagmamahal sa sariling kultura,produkto at kaalamang
angkinin ng sariling bansa- Ano ang pinakamabuting gawin upang mapigilan ang
paglaganap ng neokolonyalismo?
 Dahil napapanatili ng dating mananakop ang panlipunan at pampulitikong
impluwensya-Ano ang dahilan at itinuturing na uri ng pananakop ang
neokolonyalismo?
 Isusulong ang interes at Karapatan anuman ang mangyari- Kapag may
pagkakataong magiging isang kinatawan ng isang maliit at mahirap na bansa, anong
pananaw ang iyong isusulong upang ipagtanggol ang iyong bansa laban sa mas
malakas at makapangyarihang bansa?
 Ekonomiko- Mahilig bumili kada dalawang taon ang Pilipinas ng mga sasakyang may
tatak na Toyota, Honda, at Suzuki na mula sa Japan. Anong anyo ng neokolonyalismo
ang pahayag na ito?
 Taiwan at Vietnam- Ang bansang hindi sumuporta sa patakarang “9-Dash Line” ng
China na ipinatupad nito sa West Philippine Sea.
 Foreign Debt- Ang anyo ng neokolonyalismo ang tumutukoy sa pagpapautang ng isang
bansa na nagtatakda ng mga kondisyon bago pa man makautang ang ibang mga
bansa.
 Disiplinahing kailangang buuin sa pamamagitan ng yoga- Ang kaluluwa ay nalilinis
at nagiging Dalisay sa paggawa ng kabutihan hanggang ito ay makawala sa tanikala ng
reinkarnasyonng katawan at ang kaluluwa ay makakaisa ni Brahman sa habang
panahon na estado na tinawag na Nirvana. Ano ang kailangang gawin upang
matulungang makamit ang Nirvana?
 Islam- Ito ay salitang Arabik na nangangahulugan ng ganap na pagsuko at
pagpapasakop.
 Santo Papa-Ayon sa pananampalatayang Kristiyano, siya ang pinakamataas na lider
ng Simbahang Katolika na sumisimbolo bilang unibersal
 Shintoismo- Tumutukoy sa tradisyunal na pagsamba ng mga Hapon sa kalikasan at
paniniwala sa mga diyos o anito.
 Vaishya- Ang bumubuo sa hanay ng mga alipin.
 Relihiyon- Ang salitang ito ay nangangahulugang “re-ligare” na ang ibig sabihin ay
pagbubuklod at pagbabalik-loob
 Polo y Servicio -Ang tawag sa patakarang ipinatupad ng mga Español sa Pilipinas na
kung saan sapilitang pinagtrabaho ang mga kalalakihan na may edad 16 hanggang 60?
 Divide and Rule Policy -Ang isang paraan ng pananakop kung saan pinag-aaway-
away ng mga mananakop ang mga lokal na pinuno o mga naninirahan sa isang lugar.
 Spain at Portugal- Ang mga kanluraning bansang nanguna sa pananakop sa Timog-
Silangang Asya?
 Indonesia- Ang bansang tanyag sa panggagalugad at pagtuklas dahil sa masaganang
produkto ng pampalasa na matatagpuan sa iba’t-ibang bahagi ng kapuluan nito lalo na
sa pulo ng Moluccas.
 Netherlands Ang Dutch East India Company ay itinatag upang pag-isahin ang mga
kompanya na nagpapadala ng paglalayag sa bansang Indonesia. Aling bansang
kanluranin ang nagtatag nito?
 Pagbili ng lupain sa mga pinuno ng bansa- Ang hindi kabilang sa paraan ng mga
imperyalistang bansa para makakuha ng bagong lupain
 Pang-ekonomiya- Ipinatupad ng mga Dutch ang culture system at pagkontrol sa mga
sentro ng kalakalan. Ito ay bahagi ng pagbabago sa larangan ng:
 Industriyal na paraan- Ang hindi kabilang sa paraan ng kolonisasyon.
 Imperyalismo- Ang tawag sa dominasyon ng isang makapangyarihang nasyon-estado
sa aspektong pampolitika, pangkabuhayan, at pangkultural sa pamumuhay ng mahina
at maliit na nasyon-estado upang maging pandaigdigang makapangyarihan?
 Tanggapin ang mga pagbabagong naganap sa at gamitin para mapaunlad ang
bansa- Maraming pagbabago ang dulot ng kolonyalismo at imperyalismong kanluranin
sa Asya. Isa rito ay ang pagbabago sa kultura na naging dahilan sa kawalan ng tunay
na pagkakaisa ng mamamayang Asyano sa kani-kanilang bansa. Makikita na may
kaugnay ito sa mga hamon na nararanasan ng mga Asyano sa kasalukuyan. Ano ang
nararapat na gawin upang maging bahagi sa paglutas ng nabanggit na suliranin?
 Maraming atletang Asyano ang hinangad na makuha ng ibang mga bansa- Sa
paglipas ng panahon ay patuloy na nadaragdagan ang pangalan ng mga Asyanong
nagtatagumpay sa iba’t-ibang larangan ng palakasan sa daigdig. Paano nakaapekto ang
tagumpay na ito ng mga bansang Asyano sa pananaw ng mga bansa sa daigdig?
 Pakikisama- Matinding pagkakabuklod-buklod ng mga anak, ang mga Pilipino ay
kadalasang malalapit sa kanilang kamag-anak at iba pang kamag-anak. Tawag sa
kaugaliang Pilipino na nagnanais magkaroon ng maganda at mabuting pakikitungo sa
iba.
 Thai Food- Ang lutuin ng mga Thai ay sagana sa mga aromatikong sangkap. Ang
kaanghangan ng Thai Cusine ay kilala. Ano naman ang kilala sa pagbalanse ng tatlo
hanggang apat na pangunahing lasa sa bawat ulam o pangkalahatang pagkain,
maasim, matamis, maalat at mapait.
 Japan- Ang bansang binibigyang halaga ang pag-uugali at panlabas na itsura ng isang
tao?
 Sakop at kolonya ng mga bansang kanluranin ang mga bansa sa Asya kung kaya di
maiwasan na masangkot din ang mga ito sa nagaganap na digmaan- Paano
nakaapekto sa Asya ang mga Digmaang Pandaigdig gayong nakasentro naman ang
Europa ang digmaan?
 Nagpatuloy ang kaguluhan at nagkaroon ng civil war- Sa paanong paraan
nakaapekto ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa paglaya ng mga bansa sa Timog
Silangang Asya?
 Masaya ang mga mamamayan sa pantay-pantay na karapatan at pribelehiyo sa
politika, panlipunan at pangkabuhayan -Bakit demokrasya ang piniling ideolohiya
para sa uri ng pamahalaan ng mga Asyano at iba pang bansa sa mundo?
 One Party Government- Ang China ay nakilala sa pagkakaroon ng sistemang
dinastiya sa larangan ng pamamahala. Itoy sistemang politikal na nahahawig dito.
 Pagtangkilik ng sariling produkto- Alin sa sumusunod ang nagpapamalas ng
nasyonalismo.
 pigilan ang paglaganap ng imperyalismong kanluranin- Ang nasyonalismo ay ang
pagsibol ng damdaming makabayan. Nagbigay-daan ito upang ang mga Asyano ay
matutong ____________.
 Pagtatagumpay ng Japan- Ang hindi epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?
 Thailand- Ang bansa sa Timog-Silangang Asya na hindi nasakop ng mga Kanluranin?
 Himagsikan- Ang ginamit ng mga Katipunero upang maipahayag ang kanilang
pagmamahal sa bayan.
 Rebolusyon- Nakamit ng Indonesia ang kalayaan noong Agosto 17, 1945 sa
pamumuno ni Achmed Sukarno. Sa pamamagitan ng anong paraan lumaban ang
Indonesia sa mga Olandes?
 Naisip ng mga pinuno ng Hapon ang mga benepisyo ng pagiging moderno at paano
ito makatutulong upang protektahan at paunlarin ang kanilang bansa laban sa
mga bansang kanluranin.Ano ang nagbunsod sa bansang Hapon upang hatakin ang
landas ng modernisasyon?
 Upang maiwasan ang pagsiklab ng digmaan sa pagitan ng mga bansang kanluranin
na may iba’t-ibang interes sa China- Sa iyong palagay, bakit hindi sinakop ng buo ng
mga bansang kanluranin ang China kundi pinaghati-hatian nila ito?
 Lumakas ang nasyonalismo at dahil ditto nakamit ang Kalayaan- Paano
naapektuhan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang Silangan at Timog-Silangang
Asya sa pag-angkat ng mga malawakang Kilusang Nasyonalista?
 Ang mga samahang pangkakabaihang naitatag ay nagsilbing daan upang makamit
ng mga kababaihan ang pantay na pagtingin sa kanila sa lipunan- Ang pahayag
nagpapatunay na malaki ang papel na ginagampanan ng mga naitatag na samahang
pangkababaihan sa mga rehiyon ng Silangan at Timog-Silangang Asya:
 Umigting ang damdaming nasyonalismo sa bawat bansang nasakop at pagkamit ng
kalayaan- Ang naging mabuting epekto ng pagkakaroon ng pandaigdigang digmaan?
 Pagbibigay ng sapat na edukasyon sa kababaihan katulad ng sa mga kalalakihan-
Paano maitataas ang partisipasyon at katayuan ng mga kababaihan sa Silangang Asya
at Timog-Silangang Asya?
 Pilipinas- Ang bansang nagbigay ng karapatang bumoto sa mga kababaihan noong
1937.
 Kilusan ng Kababaihang Pilipina (PILIPINA)- Ano ang kilusang nabuo sa Pilipinas
upang isulong ang paglaban sa kalayaan hindi lamang sa kababaihan kundi ng bayan
 Suffrage- Hango sa salitang kaugnay sa karapatang bumoto sa eleksyon o reperandum
at mahalal sa pamahalaan.
 Pagiging Babaylan-Paano nagamit ng mga sinaunang kababaihan ang kanilang
karapatan sa lipunan sa Pilipinas

You might also like