Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Name: ____________________ Section: __________________ Date: ________________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na pahayag. Isulat sa papel ang salitang inilalarawan ng
sumusunod na bilang sa tulong ng jumbled letters.
1. Ako ang interaksiyon ng mga ahensya at opisyal ng pamahalaan sa corporate sector, civil society organizations at
mga partido politikal.
ANVEGOERNC
2. Ako ang paggamit ng posisyon sa pamahalaan upang palaganapin ang pansariling interes.
IONORCRPUT
3. Ako ang nagbibigay ng pagkakataon na magkaroon ng aktibong ugnayan ang mga mamamayan sa pamahalaan
upang bumuo ng karampatang solusyon sa mga hamon ng lipunan.
ICIPAPARTTROYVEANRNCEGO
4. Ako ang nagbibigay sa mga mamamayan na magkaroon ng kamalayan sa nagaganap sa pamahalaan at makalahok
sa mga gawain nito.
ENCYNSPARTAR
5. Ako ang prosesong naghahatid ng kapakanang pampubliko, nangangasiwa sa pag-aaring yaman ng publiko, at
tumitiyak na mapangalagaan ang mga karapatang pantao, maging malaya sa pang-aabuso at korapsiyon, at may
pagpapahalaga sa rule of law.
ODGORONGVEANCE

Panuto: Isulat sa papel ang salitang DAPAT kung tama ang diwang ipinahahayag ng sumusunod at HINDI DAPAT
naman kung mali.
______1. Mahalaga ang gampanin hindi lamang ng pamahalaan kundi maging ng mga mamamayan upang masiguro
na tama at wasto ang paggamit ng mga resources ng Estado.
______2. Batay sa 2019 Democracy Index, itinuturing na isang flawed democracy ang umiiral sa Pilipinas dahil sa
hindi pagrespeto ng bansa sa karapatan ng mga mamamayan nito.
______3. Ang kapangyarihan ng isang Estado ay tunay na nagmumula sa pamahalaan kaya’t maliit na partisipasyon
lamang mula sa mga mamamayan ang inaasahan.
______4. Ang tunay na manipestasyon ng pagkakaroon ng good governance ay ang antas ng pagpapaabot ng mga
pangako ng mga karapatang pantao sa lahat ng aspekto: sibil, kultural, ekonomiko, politikal, at sosyal.
______5. Hindi magiging posible ang pagkakaroon ng isang mabuting pamamahala kung walang kapanagutan at
katapatan sa panig ng pamahalaan at mamamayang laging mulat sa mga gawain ng pamahalaan.

1. Ito ay tumutukoy sa interaksiyon ng mga ahensya at opisyal ng pamahalaan sa corporate sector, civil society
organizations at mga partido politikal.
A. administrasyon C. pamahalaan
B. gobyerno D. pamamahala
2. Upang mapag-aralan ang estado ng demokrasya sa 167 na bansa sa mundo, ginagamit ang panukat na ito.
A. political index C. consumer price index
B. democracy index D. corruption perceptions index
3. Sa isinagawang 2019 Democracy Index, ang Pilipinas ay lumabas na nasa:
A. 49th sa buong mundo. C. 59th sa buong mundo.
B. 54th sa buong mundo. D. 64th sa buong mundo.
4. Sa kabila ng pagkakaroon ng demokrasya sa Pilipinas, itinuturing na flawed democracy ang umiiral sa bansa dahil
sa:
A. hindi nagkakaroon ng malayang halalan.
B. mahinang politikal na pakikilahok ng mga tao.
C. hindi matalinong pagboto ng mga mamamayan.
D. mababang pagpapahalaga sa karapatan ng mga tao.
5. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng posisyon sa pamahalaaan upang palaganapin ang pansariling interes.
A. korapsiyon C. pandarambong
B. pagnanakaw D. pang-aabuso
6. Sa isinagawang Corruption Perception Index noong 2019, lumabas na ang bansang may pinakamababang marka sa
buong mundo pagdating sa pamamahala ng katiwalian ay ang:
A. Kenya. C. Senegal.
B. Pilipinas. D. Somalia.
7. Noong 2019, nakakuha ang Pilipinas ng markang 34/100 sa Corruption Perception Index. Sa buong mundo, tayo ay
nasa:
A. 103rd na puwesto. C. 123rd na puwesto.
B. 113rd na puwesto. D. 133rd na puwesto.
8. Ang sumusunod ay maituturing na dahilan ng mababang ranggo ng mga bansa sa Asya-Pasipiko pagdating sa
laganap na katiwalian maliban sa:
A. lumiliit na espasyo para sa civil society.
B. hindi pagiging accountable ng pamahalaan.
C. hindi pagiging transparent ng pamahalaan.
D. kawalan ng sistema ng pagtingin sa gawain ng pamahalaan.
9. Ito ay tumutukoy sa isang uri ng pansibikong pakikilahok kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ay
katuwang ng pamahalaan sa pagbabalangkas at pagpapatupad ng mga solusyon sa suliranin ng bayan.
A. governance C. good governance
B. civic governance D. participatory governance
10. Ang sumusunod ay bunga nangg maayos na ugnayan at interaksiyon ng pamahalaan, civil society organizations at
corporate sector maliban sa:
A. mahusay na makagawa ng mga polisiya.
B. matukoy ang mga nararapat na prayoridad.
C. mailaan nang mabuti ang mga pinagkukunang-yaman.
D. makalikom ng sapat na pondo para sa iba’t ibang proyekto.
11. Ito ay isang pandaigdigang institusyong pinansiyal na nagpapautang sa mga papaunlad na bansa o developing
countries kagaya ng Pilipinas.
A. World Bank C. International Monetary Fund
B. Asian Dvelopment Bank D. Development Bank of the Philippines
12. Ang mabuting pamamahala ang isa sa mga salik na nakaaapekto sa mabuting paggamit ng mga resources upang
mabawasan ang antas ng kahirapan sa isang bansa. Ang sumusunod ay indikasyon ng good governance maliban sa:
A. partisipasyon ng mga civil society
B. pagkakaroon ng financial accountability
C. paggalang sa mga karapatang pantao
D. transparency sa mga prosesong pampamahalaan
13. Isa ito sa mga katangian ng mabuting pamamahala na nakaugat sa malayang pagdaloy ng mga impormasyon para
sa mga tao.
A. accountability C. responsiveness
B. participation D. transparency
14. Isa ito sa mga katangian ng mabuting pamamahala na nakaugat sa pananagutan ng mga namumuno sa paggawa
ng desisyon
A. accountability C. responsiveness
B. participation D. transparency
15. Isa ito sa mga katangian ng mabuting pamamahala na nakaugat sa pagtugon ng pamahalaan sa mga
pangangailangan ng mga tao sa takdang panahon.
A. accountability C. responsiveness
B. participation D. transparency

You might also like