Sining Reading Visual Arts

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

SEMIOTIKANG PAGSUSULIT:

PUP MURAL

I. Historical na Saligan
Ang PUP mural ay isang eskultong nililok ng nasyonal na iskultor na si Eduardo
Castrillo noong 1974 para igunita ang ika-70 taong anibersaryo ng noo’y Philippine
College of Commerce (PCC), at ngayon ay Polytechnic University of the Philippines
(PUP). Ito ay gawa sa tanso na may laking 2.5x9.3 na metro. Ang tema ng likhang
sining na ito ay Consolidated Growth through Education o Samasamang Paglago sa
Pamamagitan ng Edukasyon. Nirerepresenta nito ang papel ng PUP sa paghasa ng
murang pagiisip ng kabataan bilang paghahanda sa kanilang magiging kontribusyon sa
pagunlad ng bayan. Ito ay matatagpuan sa Mabini Campus ng PUP.

II. Simbolo ng mga Sangkap


Signifier: Taong may gulong o Gear

Signified: Ang taong ito ay sumisimbolo sa pagsisikap natin na


palaguin ang teknolohiya para sa ating bansa

Signifier: Iba’t-ibang mga bagay

Signified: Sinisimbolo nito ang ating mayabong na kultura


Signifier: Taong may maso at babaeng hubad

Signified: Maaaring sinisimbolo nito ang mga


manggagawa at ang walang wakas na paglalaban para sa
kaunlatan at pagbubuti ng ating mga karapatan.

Signifier: Mga puno na tila naputol at mga tao

Signified: Ang pagputol ng mga puno ay maaaring


sumisimbolo ng endustriyalisasyon at ang pagyabong nito
sa ating bansa

Signifier:

Iba’t-ibang mga tao. Mga tila nagsasaka, mga manggagawa, mga nagbabasa at iba pa

Signified:

Makikita sa mural na may iba’t-ibang mga tao na may iba-iba ring ginagawa. Sa aking
pananaw, sumisimbolo ito sa pagkakaisa sa iisang layunin na pagunlad sa kabila ng
mga pagkakaiba. Iba’t-iba ang paraan ng mga tao kung paano sila makakatulong sa
pagpapaulad ng bansa. Mapa estudyante o trabahador man ang mga taong nakalilok,
ipinapakita nila na iba-iba man ang paraan, iisa ang layunin: ang pagunlad mapa
sosyal, ekonomiko, industriyal, teknolohikal, o kultural man ito, ang nais natin ay ang
pag-unlad.

III. Pagtatasa ng mga Sangkap ng Dibuho


A. Kulay
Ang PUP mural ay gawa sa tanso na konokonsiderang kulay dilaw. Ang material
na ito ay kumukupas papunta sa mala-abong kulay. Ang kulay ng tanso ay
sumisimbolo sa tagumpay ngunit hindi ng yaman tulad ng ginto na may malapit
na kulay dito.
B. Linya
Iba’t-ibang mga linya ang ginamit sa paglikha ng mural na ito gaya ng patayo,
pahalang, at palihis na mga linya. Ang pinaka mapapansin ay ang mga palihis na
linya sa mga tao na nagpapakita din ng pag-galaw at sumisimbolo sa aksyon.
Kapansin pansin din ang kakulangan sa mga paikot na linya bukod sa mga nasa
tao. Ang mga paikot na linya ay nangangahulugang banayad na pagbabago at
fluidity o pagkapinong anyo. Sa kabilang dako, makakapansin tayo ng mga
jagged lines na nagpapakita ng konplik at paggalaw dahil ang landas papunta sa
kaunlaran ay puno ng pagsubok ngunit hindi dapat tayo matinag.
C. Medyum
Ang PUP mural ay isang welded na tansong mural. Kilala si Eduardo Castrillo sa
paggamit ng mga metal sa kanyang iskultura at isa ito sa malakas niyang punto.
D. Istilo
Kilala si Eduardo Castrillo para sa mga likhang sining niya na dumedepikto sa
mga historical na pangyayari. Ang likhang ito naman ay nagpapakita ng nais
niyang mangyari para sa kaunlaran ng kinabukasan. Ang istilo nito ay may
pagkakahawig sa cubism at dadaism.

IV. Patakaran ng Likhang Sining


A. Empasis
Binibigyang diin ng mural na ito ang nasa sentro ng likha: ang taong may libro na
tila nagaara. Sinisimbolo nito ang nais na mangyari ng naglikha at ng paaralan
na ang maihanda mga magaaral upang makapagambag sila balangaraw sa
kaunlaran ng bansa.
B. Balanse
Mapapansin natin na nasakagitna sa iskultura ang karamihan sa mga malalaking
parte na karamihan ay mga tao. Sa magkabilang gilid naman ay tila mga
pangyayari o scenery. Dahil dito ay may pakiramdam ng pagkabalanse ang
likhang sining na ito.
C. Ritmo
Ang PUP mural ay walang tiyak na ritmo kaya maaari nating sabihin na ito’y
merong random rhythm.
D. Proporsyon
Makikita natin na ang pinakamalaking parte ng mural na ito ay ang mga tao, lalo
na ang taong nagbabasa o nagaaral. Ang mga ibang parte ay mas maliit na tila
ba mas malayo ito dahil ang atensyon ay dapat nasa pagaaral muna.
Sinusuportahan ng mga proporsyon ang pagtatag ng balanse at pagbibigay diin
sa emphasis ng likhang sining.

AKING NATUTUNAN:

Noon pa mang pagkabata, naramdaman ko na ang pagiging malapit ko sa


sining. Nakakaaliw ang iba’t-ibang hugis at kulay na makikita sa mga likhang sining.
Nakamamangha ang lawak ng iba’t-ibang paraan at istilo, pati na rin ng mga kagamitan
na maaaring gamitin upang makalikha. Nagkaroon ako ng interes sa pag guhit, at
naging paboritong asignatura ko ang sining. Dahil dito, nasabik ako sa asignaturang
pagbasa sa sining.

Iba’t-ibang likhang sining ang aming nasaksihan: Likhang sining na ipinanta at


nililok, mga hinabi at hinulma. May mga bagay na muli kong natutunan tulad ng mga
iba’t ibang kulay at paano ito ipinapares sa isa’t-isa upang magkaroon ng kaisahan ang
mga likhang sining, ngunit ang pinaka pumukaw ng aking atensyon ay ang pagbibigay
ng kahulugan sa mga sining na aming nakikita. Tinuruan kami na hanapin ang mga
simbolo na nakatago sa mga kulay at mga guhit, at bigyan ito ng kahulugan.

Sa dami ng mga asignaturang sining noon na aking naranasan, palagi kaming


tinuturuan paano lumikha. Tinuruan kaming maging pasyente sa paghulma ng mga
hugis, kung paano paghaluhaluin ang mga pintura upang makuha ang nais na kulay,
kung paano gamitin ang ilusyon ng anino at ilaw upang magkaroon ng dimensyon ang
iginuguhit. Napansin ko na noon ay lagging nakasentro ang mga asignaturang sining sa
paglikha at kung paano mas magiging malapit sa katotohanan ang mga sining na aming
ginagawa, ngunit ngayon ay nabibigyan kami ng pagkakataon na tignan naman ang
mga likhang sining hindi lamang base sa biswal na kagandahan at kung gaano ito
katugma sa realidad. Itinuro sa amin ang kahulugan ng mga kulay at hindi lamang kung
paano ito paghaluin. Itinuro din ang mga interpretasyon ng iba’t-ibang mga linya at kung
paano ito nakakaapekto sa nais ipahayag ng sining. Pinakitaan kami ng iba’t-ibang
sining na hindi malapit sa realidad. Natutunan namin na miski ang karanasan ng
lumikha sa sining ay posibleng magkaroon ng malaking epekto sa magiging kahulugan
ng kanyang likha. May mga abstract at iba-iba pang istilo ng paglikha, at natutunan ko
na ang lahat ng ito ay meron ding iba’t ibang kahulugan.

Sa totoo lang, hindi ko inaasahan na magiging ganito ako kainteresado sa


asignaturang ito. Akala ko noon ay sapat na ang pagpapahalaga na ibinibigay ko sa
pamamagitan ng pagtingin sa mga likhang sining sa mababaw na paraan. Madalas
kong pagbukod-bukodin ang mga likhang sining base sa pansarili kong paningin. Gusto
ko ba ang mga kulay na ginamit? Tugma ba sa aking kagustuhan ang bawat hagod ng
pintura sa lona? Pasok ba sa aking panlasa ang paraan paano nililok at hinububog ang
iba’t-ibang hugis ng eskultura? Sa pamamagitan ng asignaturang pagbasa sa sining ay
natutunan ko na tumingin lagpas sa pangibabaw na anyo ng sining.

Ngayo’y nauunawaan ko na kung gaano kalalim ang kahulugan ng bawat likhang


sining. Mas lalo pa akong namamangha sa mga pintor, eskultor, manlililok at iba pang
indibidwal na ginagamit ang kanilang talento sa sining. Ang bawat likha ay may bitbit na
kwento. Meron itong iba’t-ibang interpretasyong base sa lumikha at sa magkakaroon ng
pagkakataong masaksihan ito. Ang mga likhang sining ay may kakayahang magdala ng
kahulugang hindi kayang ipahayag ng mga simpleng salita lamang.

You might also like