Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III – CENTRAL LUZON
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
Camiling Central District
LIBUEG ELEMENTARY SCHOOL
Camiling, Tarlac

(Enclosure No. 1 to Division Memorandum No. 281, s.2020)

Document Code: TarPr-QF-CID-LRMDC-


05
Quality Form Revision: 01
Effectivity date: 10-16-2018
Name of Office:
CERTIFICATION OF APPROVAL CID-LRMDC

___________________
Date

This is to certify that the Learning Resource entitled RBI Scripts in Edukasyon sa Pagpapakatao 1 is approved and
recommended for possible use in public schools of Camiling Central District.

____School Level ____District Level ____ Division Level. It is further certified that the evaluation report is based on the
standards set by the Regional Office, and no any influence from others.

Prepared by:

ILYN L. LORENZO
Scriptwriter

Reviewed and Evaluated :

CLARITA A. PABLORENA
District EsP Specialist

LEONY G. LABISA
Master Teacher II

Recommending Approval:

MARITES R. AQUINO, PhD


Principal I

Approved:

LAILANI M. JUNIO, EdD


District Supervisor
Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
CAMILING CENTRAL DISTRICT
Camiling, Tarlac

Tittle: Paaralang Panghimpapawid sa Grade 1 Edukasyon sa Pagpapakatao


Topic: Pagsunod sa mga Utos ng Magulang, Ugaling Dapat Tuparin
Length: 30 minutes
Scriptwriter: ILYN L. LORENZO
Objective: Pagkatapos makapakinig sa episode na ito ang mga mag-aaral ng
Grade 1 ay inaasahang:
Nakasusunod sa utos ng magulang at nakatatanda.
EsP1PD-IVa-c-1

1. Welcome at magandang buhay,


2. mga giliw kong mag-aaral .
3. BIZ:MISC UP AND UNDER
4. Magandang araw, naririto na naman tayo nagsisikap at nagpupunyagi na
5. maging Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan at Makabansa.
6. Kamusta kayo mga ginigiliw kong mag-aaral?
7. Ang aking pagbati at paghanga sa inyong masidhing pagpupunyagi sa pag
8. aaral sa himpapawid upang matuto sa kabila ng hamon ng pagkakataon.
9. Ako ang inyong guro, Gng. Ilyn L. Lorenzo
10. sasamahan at gagabayan kayo na maunawaan

11. ang nilalaman ng ating aralin,

12. Pagsunod sa mga Utos ng Magulang, Ugaling Dapat Tuparin

13. Halina’t sabay-sabay nating alamin .

14 . BIZ:MISC UP AND UNDER


15. Bago pa man tayo magsimula sa ating talakayan ay narito
16. ang ilan sa mga paalala.
17. Siguraduhin ninyo na nasa isang lugar kayo ngayon na komportable at 18.
maayos na naririnig ang panghimpapawid na talakayan.
19. Sa puntong ito nais kong kunin ninyo ang inyong mga sagutang papel
20. at makinig nang mabuti.
21. Ihanda na rin ang inyong lapis upang maitala ninyo ang mga
22. mahahalagang impormasyon na aking babanggitin. (PAUSE)
23. Matanong ko lang, kumain na ba kayo? (PAUSE)
24. Mabuti naman! dahil nararapat lamang na may laman ang inyong tiyan
25. upang mas maging alerto
26. ang inyong pag-iisip at maunawaan ang ating aralin sa araw na ito.
1. BIZ:MISC UP AND UNDER
2. Ang ating Paksang aralin ay patungkol sa Pagsunod sa mga Utos ng Magulang.
3 Bago tayo magsimula ay mayroon akong katanungan (PAUSE)
4 Paano mo maipakikita ang pagiging masunurin sa iyong mga magulang
5 at iba pang nakatatanda? Tama!
6. Sinusunod kaagad ang mga utos ng magulang.
7. Marami tayong pagpapala na natatanggap mula sa Panginoon.
8. Ano-ano ang mga ito? Oo! Ang ating mga magulang ay mga biyayang
9. natanggap natin mula sa Panginoon. Alam n’yo ba na ang pagsunod sa
10. utos ng mga magulang ay tanda ng paggalang
11. at pagmamahal natin sa kanila? Ang mga biyayang pinagkakaloob
12. sa atin ang nagpapatatag ng ating pananampalataya.
13. Ang mga pagpapalang ito ay dapat nating ipagpasalamat
14. sa pamamagitan ng pananalangin, pag-awit at pagsamba sa Kanya.
1 BIZ:MISC UP AND UNDER
2 Handa na ba kayo sa ating mga Gawain? Ihanda na ang puso’t isipan
3 para masagutang mabuti ang mga ito.
4 Para sa Unang Gawain, basahin muna natin ang Panuto: Ayusin ang ginulong
5 letra upang makabuo ng salita. Isulat ang sagot sa patlang.
6 Para sa unang bilang, u s o t Ito ay gawain o kaugalian na dapat sundin.
7 Sa pangalawang bilang, m a l a n g g u Sila ang biyayang ipinagkaloob sa
8 iyo ng Panginoon.
9 Sa ikatlong bilang naman, P a n o o n n g i Siya ang nagbibigay ng
10 pagpapala sa atin.
11 Para naman sa pang-apat na bilang, yabiya Ito rin ay tumutukoy sa mga
12 pagpapalang ibinibigay sa atin.
13 At ang panglimang bilang, s a m a t l a Isang paraan ng pagkilala sa isang
14 gawain o serbisyo.
15 Atin ng itama ang inyong mga kasagutan.
16 Sa unang bilang, ano ang inyong sagot?
17 Magaling! Utos ang tamang sagot.
18 Kung ang sagot n’yo sa pangalawang bilang ay magulang, tama kayo!
19 Sa pangatlong bilang naman, Tama! ang sagot ay Panginoon.
20 Ano naman ang sagot sa pang-apat na bilang, Magaling! ang sagot ay
21 biyaya.
22 Para naman sa panglimang bilang, ang sagot ay salamat.
23 Nakuha n’yo ba lahat mga bata? Binabati ko kayo sa inyong kahusayan,
1 BIZ:MISC UP AND UNDER
2 Ano ang napakagandang biyaya na natatanggap natin mula sa ating
3 Diyos?
4 Tama kayo! Ang ating mga magulang.
5 Paano maipakikita ang pagmamahal at pagpapasalamat sa Panginoon?
6 Oo, Ang pagsunod sa utos ng ating magulang ay isang paraan ng
7 pagpapakita ng
8 pananampalataya, pagmamahal at pagpapasalamat sa Panginoon.
9 Sa pamamagitan nito, napapasaya n’yo ang inyong mga magulang
10 at ang ating Panginoon.
11 BIZ:MISC UP AND UNDER
12 Kaway-kaway naman d’yan mga bata.
13 Para sa Pangalawang Gawain
14 Basahin ang mga sitwasyon. Isulat sa patlang ang tsek ✓
15 kung tama ang sitwasyon at ekis X kung hindi.
16 Unang bilang, Ang pagsunod sa utos ng mga magulang ay tanda ng
17 pagmamahal sa Panginoon.
18 Pangalawang bilang, Hindi na dapat ipagpasalamat ang mga
19 biyaya ng Panginoon.
20 Pangatlong bilang naman, Ang pagdarasal ay isang
21 pagpapasalamat sa Panginoon.
22 Sa pang-apat na bilang, Ang pag-awit ng praise and worship ay isang
23 Paraan ng pagpapasalamat sa Panginoon.
24 Panglimang bilang, Ang pagtugon sa utos ng magulang ay nakabubuti.
25 Ngumiti lang habang ginagawa ang aktibidad,
26 unawaing mabuti para makuha ang tamang sagot.
27 Tapos na ba mga bata?
28 Atin nang iwasto ang inyong mga kasagutan.
29 Para sa Unang bilang ang sagot ay tsek. Nakuha ba mga bata? Mahusay!
30 Sa pangalawang bilang naman, kung ang sagot n’yo ay ekis, Tama kayo!
31 Sa pangatlong bilang, Magaling! Ang sagot ay tsek.
32 Ang sagot naman sa pang-apat na bilang ay tsek.
33 At sa panglimang bilang, Magaling! Ang sagot ay tsek.
34 Ako’y nagagalak sa inyong patuloy na pakikinig.
35 Para sa Karagdagang Gawain,
36 Basahin ang Panuto, Isulat sa hugis puso ang iyong nararamdaman sa tuwing
37 sumusunod ka sa utos ng iyong mga magulang.
38 Isaisip, isapuso at laging isagawa ang pagiging masunurin sa mga magulang
39 at nakatatanda upang mapasaya sila at maipadama ang pasasalamat sa
40 ating Dakilang Panginoong Hesus.
41 Muli ako ang inyong guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao, Gng. Ilyn L.
42 Lorenzo,
43 nagpapaalala na ugaliing maging masunurin sa tuwina, upang bubuhos ang
44 pagpapala ng ating Diyos na Dakila. Tandaan, ang batang masunurin ay
45 kinalulugdan ng ating Diyos na butihin.
46 Maraming Salamat sa inyong makabuluhang pakikinig.
47 Hanggang sa muli, Paalam!

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
Camiling Central District
LIBUEG ELEMENTARY SCHOOL
Camiling, Tarlac

Pangalan: ______________________________________________

Baitang: ________________________________________________
GAWAING PAMPAGKATUTO
Edukasyon sa Pagpapakatao 1 Ikaapat na Markahan
- Unang Linggo
Pagsunod sa mga Utos ng Magulang, Ugaling Dapat Tuparin

I. Panimula

Marami tayong pagpapala na natatanggap mula sa Panginoon. Ang mga biyayang


pinagkakaloob sa atin ang nagpapatatag ng ating pananampalataya. Ang mga pagpapalang
ito ay dapat nating ipagpasalamat sa pamamagitan ng pananalangin, pag-awit at pagsamba
sa Kanya.
Ang ating mga magulang ay mga biyaya na natanggap natin mula sa Panginoon. Ang
pagsunod sa utos ng mga magulang ay tanda ng paggalang at pagmamahal natin sa kanila.

II. Kasanayang Pampagkatuto

Nakasusunod sa utos ng magulang at nakatatanda.


(EsP1PD–IVa–c-1)

III. Mga Layunin:


Pagkatapos ng gawaing pampagkatuto na ito, ikaw ay inaasahang:

a. maipapakita ang kahalagahan ng pagsunod sa utos ng magulang.


b. makasusunod sa mga utos ng magulang.
IV. Pagtatalakay:

Ang mga pagpapalang natatanggap natin tulad ng pagkain, tahanan,


edukasyon, kalusugan at pamilya ay nararapat nating ipagpasalamat sa Diyos.
Ang ating magulang ay isa sa mga magandang biyaya na natanggap natin mula sa
Kanya. Ang pagsunod sa utos ng ating magulang ay isang paraan ng pagpapakita
ng pananampalataya, pagmamahal at pagpapasalamat sa Panginoon. Sa
pamamagitan nito, napapasaya mo ang iyong magulang at ang Panginoon.

Gawain 1

Panuto: Ayusin ang ginulong letra upang makabuo ng salita. Isulat ang sagot sa
patlang.

1. u s o t Ito ay gawain o kaugalian na dapat


sundin.

2. m a l a n g g u Sila ang biyayang ipinagkaloob sa iyo ng


Panginoon.

3. P a n o o n n g i Siya ang nagbibigay ng


pagpapala sa atin.

4. y a b i y a Ito rin ay tumutukoy sa mga pagpapalang


ibinigay sa atin.
5. s a m a t l a Isang paraan ng pagkilala sa isang gawain o
serbisyo.

Gawain 2

Panuto: Basahin ang mga sitwasyon. Isulat sa patlang ang tsek ✓


kung tama ang sitwasyon at ekis X kung hindi.

1. Ang pagsunod sa utos ng mga magulang ay tanda ng pagmamahal


sa Panginoon.
2. Hindi na dapat ipagpasalamat ang mga biyaya ng Panginoon.

__________3. Ang pagdarasal ay isang pagpapasalamat sa Panginoon.

4. Ang pag-awit ng praise and worship ay isang paraan


ng pagpapasalamat sa Panginoon.
5. Ang pagtugon sa utos ng magulang ay nakabubuti.

Karagdagang Gawain : Isulat sa hugis puso ang iyong nararamdaman sa tuwing


sumusunod ka sa utos ng iyong mga magulang.
_

Sanggunian

Abac, Felamer E., et. al. 2015. Department of Education. Edukasyon sa


Pagpapakatao, Kagamitan ng Mag-aaral: Material DepEd 5th Floor Mabini
Bldg. DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City.

Department of Education. Edukasyon sa Pagpapakatao-Unang Baitang (Kagamitan


ng Mag-aaral sa Kapampangan). Binagong Edisyon 2017. Department of
Education Bureau of Learning Resources(DepEd-BLR).Ground Floor,
Bonifacio Bldg.,DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines
1600

Most Essential Learning Competencies (MELC) K to Grade 12 S.Y.


2020-2021. Accessed on May10,
Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. utos
2. magulang
3. Panginoon
4. biyaya
5. salamat

Gawain 2
1. /
2. x
3. /
4. /
5. /

You might also like