Grade 9 6 7

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

NORTHEASTERN INTEGRATED SCHOOL

QUARTER IV OF SAN AGUSTIN, INC. FILIPINO 9

ARALIN 6 at 7:
KULTURA NG BAYAN AT LIGAYA AT
LUNGGATI-DALAWANG MUKHA NG
BUHAY
Targeted Most Essential Learning Competencies (MELCS)
 Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa pagpapahayag ng: damdamin at matibay na paninindigan;
 Natitiyak ang pagkamakatotohanan ng akdang napakinggan sa pamamagitan ng pag-uugnay sa ilang pangyayari sa
kasalukuyan;
 Naipaliliwanag ang mga akaugaliang binanggit sa kabanata na nakatutulong sa pagpapayaman ng kulturang Asyano;
 Naipaliliwanag ang iba’t ibang paraan ng pagbibigya-pahiwatig sa kahulugan;
 Naipaliliwanag ang mga kasipang nakapaloob sa aralin gaya ng:
- pamamalakad ng pamahalaan;
- paniniwala sa Diyos;
- kalupitan sa kapuwa;
- kayamanan;
- kahirapan at iba pa;
 Naihahambing ang mga katangian ng isang ina noon at sa kasalukuyan batay sa napanood na dulang pantelebisyon o
pampelikula;
 Nagagamit ang mga angkop na ekspresyon sa:
- pagpapaliwanag;
- paghahambing;
- pagbibigay ng opinyon; at
 Nasusuri ang pinanood na dulang panteatro na naka-video clip batay sa pamantayan.
Lesson Objectives
 Natatalakay ang ilang bahagi ng Noli Me Tangere (Kultura ng Bayan at Ligaya at Luggati-Dalawang Mukha ng Buhay)
 Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginamit sa nobela;
 Nasusuri ang pagkakaiba ng opinyon at damdamin;
 Nakabubuo ng isang paghahambing gamit ang venn diagram tungkol sa katangian ng ina noon at ngayon;
 Nakabubuo ng isang pagsusuri tungkol sa isang dulang panteatro na napanood.

SUBUKIN (INITIAL TASK) Sagutin ang gawain sa sagutang papel.


Ano ang natatanging pagdiriwang sa inyong lungsod o bayan? Iguhit ito sa loob ng kahon.

Sagutin ang mga tanong.

1. Paano ipinagdiriwang ang okasyong igunuhit? Ano-anong paghahanda ang inyong ginagawa para rito?
2. Ano-anong kaugaliang Pilipino ang isinasagawa sa pagdiriwang na ito?

TALAKAYAN (DISCUSSION)

Iba’t ibang Kaugalian at Tradisyon: Tanda ng Mayamang Kultura?


Salusalo – ang walang kaabog-abog na paghahanda ni Kapitan Tiyago ng isang hapunan noong isa sa mga huling araw
ng Oktubre ay naging paksa ng usap-usapan sa lahat ng dako ng Maynila. Si Tiya Isabel na pinsan ni Kapitan Tiyago ang tanging abala
sa pagtanggap sa mga panauhin. Maya-maya pa ay dumating na ang may-ari ng bahay kasama si Ibarra. Ang hapunan ay sadyang
idinaos bilang pasasalamat sa Mahal na Birhen dahil sa pagdating ng binata.

Property of Northeastern Integrated School of San Agustin, Inc.


For Inquiries, Call or Text 09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) 1
NORTHEASTERN INTEGRATED SCHOOL
QUARTER IV OF SAN AGUSTIN, INC. FILIPINO 9
Sabungan –sa Pilipinas, ang Linggo nang hapon ay inilalaan sa pagtungo sa sabungan. Ang mahihirap ay naparoroon
upang kumita ng salapi nang hindi napapagod; ang mayayaman ay upang maglibang. Ang pagsasabong ay pinahihintulutan ng
pamahalaan kaya’t itinakdang idaos tuwing Linggo at mga pista lamang.

Ang sabungan sa San Diego ay walang itinatangi sa mga sabungan sa ibang bayan. Nahahati ito sa tatlong bahagi. Ang una
ay ang pasukan. May isang pinto kung saan isang babae ang karaniwang nagbabantay, na siyang katiwala sa paniningil. Sa bawat
ibinabayad ng tao, tumatanggap ang pamahakaan ng isang bahagi, mga ilang daang piso sa isang taon. Dito nanggagaling ang
ipinampapatayo ng maiinam na paaralan, ipinampapagawa ng mga tulay at mga daan, at ipinampapatatag ng mga pagsasaka at
pangangalakal. Dito rin matatagpuanang nagbebenta ng hitso, tabako, at mga pagkain.

Sa ikalawang bahagi makikita ang mga Tahur at dito rin nagkakasundo saa laki ng pusta. Dito rin tinatarian ang mga manok
na maglalaban.

Ang ikatlong bahagi ay tinatawag na ruweda. Ang tuntungan nito na nababakuran ng kawayan ay karaniwang mataas. Sa
dakong itaas makikita ang mga upuan para sa mga manonood o mga magsasabong. Narito ang mga mayayaman, mga kilalang tahur,
ang kontralista, at ang sentensiyador o tagahatol. Sa sahig na lupang pinatag naglalaban ang mga manok; dito ipinamamahagi ng
kapalaran sa mga pamilya ang mga tawanan o mga pagtangis, ang kasaganan o kagutuman.

Araw ng mga Patay– sa dulo ng isang makipot na landas sa dakong kanluran ng San Diego ay naroon ang nayon ng
mga patay. Ito ay nasa gitna ng palayan at naliligiran ng bakod na kalahating bato at kalahating kawayan. Ang mga titik na INRI na
nakasulat sa isang latang yupi ay malaon nang pinanlabo ng panahon. Sa paanan ng krus ay nakatambak ang maraming buto at mga
bungo ng mga patay. Ang buong libingan ay masukal at pinaggugubatan ng mga damo at halamang gumagapang. Ang mga ito ang
tanging palamuti ng mga bangkay na tahimik nang naidlip sa ilalim ng lupa.

Ang mga tagapaglibing ay abala sa paghuhukay at paghahagis ng mga buto. Mayamaya pa ay unti-unti nang dumaraan ang
mga taong nagsisidalaw sa libingan ng kani-kanilang kamag-anak. Marami ang naghahanap ng mga libing na hindi matunton kaya’t sa
kanilang pagod ay nagsisiluhod na lamang sa harap ng ilang puntod at doon ay taimtim na nagdarasal. Sa pagdalaw ni Ibarra sa
libingan ng mga patay, natuklasan niya ang malagim na sinapit ng bangkay ng kaniyang ama.

Nang gabing yaon, ang mga tao sa bayan ay natatahimik na at nahihimbing sa gitna ng dilim. Sila ay nakapagdasal na ng
patungkol sa kaluluwa ng mga nagsiyaong kamag-anak. Sila ay nakapagtirik na rin ng maraming kandila sa harap ng larawan ng mga
banal. At upang lubos na magkabisa ang kanillang mga panalangin ay paroroon sila sa simbahan kinabukasan uoang makinig sa
sunod-sunod na misa at gumanap sa isang tungkuling ikapagtatamo nila ng indulgencia.

Halos ikapito na ng umaga nang matapos sa kaniyang huling misa si Padre Salvi. Kasunod nito, ang balong si Manang Juana
at iba pa ay nag-usap tungkol sa pagtatamo nila ng indulgencia at paglalaan ng plenaria para sa paghango ng mga kaluluwa sa
purgatoryo.

Pista – nagkaroon ng pulong tribunal tungkol sa nalalapit na pista. Nasa pagpupulong si Don Felipo, ang pinuno ng partido
liberal; si Kapitan Basilio, isang lalaking nasa katanghalian nan g panahon at mahigpit na kalaban ng namatay na si Don Rafael; at si
Kapitan Valentino na isa sa mga Conservador. Dumalo rin si Ibarra at ang guro sa pagpupulong. Pinag-usapan sa pulong ang perang
gugugulin at kung paano ipagdiriwang ang pista, tulad ng pagtatayo ng malaking dulaan sa gitna ng liwasan. Iminungkahi rin ni
Kapitan Basilio ang pagkakaroon ng sabong sa loob ng labinlimang araw at ang pagbubukas ng lahat ng bahay-sugalan.

Tatlong araw ang matuling nakaraan sa paghahanda sa nalalapit na kapistahan ng bayan ng San Diego. Kaalinsabay noon ang
maraming bulong-bulungan at puna laban sa kapitan, sa tiyente mayor, sa kabataan, at sa lahat ng tao.

Nabalita sa buong bayan na darating si Maria Clara na pinipintuho ng lahat dahil sa kaniyang kayumian at kagandahan, at
nang dumating na siya kasam ni Tiya Isabel ang lahat ay nagalak.

Sa ikasampu ng Nobyembre ang bisperas ng pista ng bayan ng San Diego. Masigla ang buong bayan. Ang mga durungawan
ng bahay ay napapalamutian ng mga bandera at mga kurtinang may iba-ibang kulay. Ang tugtugan at putukan ang nanaig saan man.

Sa tahanan ng mga nakaririwasa ay makikita ang mga mesang puno ng matatamis na nakalagay sa sisidlang Kristal, at iba’t
ubang prutas tulad ng lasones, suha, atis, tsiko, at manga. Hindi rin nakaligtaang maghanda ng serbesa at sari-saring alak na binili sa
Maynila. Maririnig din ang siyukan ng mga manok at iyakan ng mga baboy sa bakuran. Ang lahat ng ito ay inuukol sa mga panunahing
banyaga, kaibigan man o kaaway, at sa mga Pilipino, mahirap man o mayaman, upang sila ay masiyahang lahat.

Ang lahat ng magagandang kasangkapan ay inilalabas para sa pagdiriwang ng pista. Ang mga sahig ay parangsalamin sa
kintab, ang mga bintana ay may iba’t ibang kulay ng parol, at pati ang mga santo at imahen ay nagagayakan din.

Property of Northeastern Integrated School of San Agustin, Inc.


For Inquiries, Call or Text 09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) 2
NORTHEASTERN INTEGRATED SCHOOL
QUARTER IV OF SAN AGUSTIN, INC. FILIPINO 9
Ang masasayang pook ng San Diego ay tinayuan ng mga arkong kawayan. Sa paligid ng patyo ng simbahan ay may isang
malaking tolda na tinurukan ng kawayan upang maraanan mh prusisyon. Sa liwasan naman ng bayan ay itinayo ang isang magarang
entablado na pagdarausan ng komedya. Ang mga kampana ay malimit patunugin at ang mga kuwitis at bomba ay madalas susuhan.

Isa sa may pinakamalalaking handa sa pista ng San Diego ay si kapitan Tiyago. Kinusa niyang pagmalakihan ang
mayayamang tagalalawigan dahil sa kaniyang anak na dalaga at sa mamanugangin niyang tanyag na binata.

Madilim-dilim pa ay ginising nan g tugtugin ng musiko ang mga hapong katawan ng mga ito. ang tunog ng kampana at ingay
ng mga paputok ay muling umalingawngaw sa buong bayan. Iyon ang simula ng kasayahan. Ang lahat ng mamamayan ay nagbihis
nang magara at ginamit ang kanilang mga hiyas.

Ang prusisyon na idinaos sa ikawalo at kalahati ng umaga ay idinaan sa ilalim ng tolda. Ang mga nagsiilaw ay pawang
nakaabitong ginggon na bawat isa ay nagkakahalaga ng labing-anim na piso. Ang mga abitong iyon ay nagdudulot ng maraming
indulhensiya lalo na kung sira-sira na. sa kanilang suot na abito ay nakilala ang kanilang katayuan sa buhay. Ang abito ng mahihirap
ay magaspang at tela at ang sa mayayaman ay sutla naman.

Sa simbahan punong-puno ng tao. Ang palabas at papasok ay siksikan. At lalong masikip sa lugar na kinaroroonan ng agua
bendita. Ang sumasawak sa sisidlan ng banal na tubig ay nalalayo sa tulak at ang iba’y natatapakan. Si Padre Damaso ang nagsermon
sa misa.

Ang maringal na prusisyon nang gabing yaon ay inilabas sa simbahan sa saliw ng mga nakatutulig na paputok at
maalingawngaw na tunog ng mga batingaw. Iyon ang ikaapat na labas ng prusisyon. Ito ay pinangunahan ng tatlong sakristang may
guwantes na puti na siyang may hawak ng mga siryakes na pilak. Sumusunod sa mga ito ang batang mag-aaral na kasama ng kanilang
guro, at pagkatapos ay ang iba pang batang may dalang parol na nakasabit sa puno ng kawayan.

Mag-iikasampu ng gabi ng kapistahan, kasalukuyang pumapailanlang ang mga pangunahing kuwitis na wari’y mga bagong
talamg kumikinang sa kalangitan. Nasindihan na ang mga ruweda, kastilyo, torong may ilaw, at saka ang isang malaking bulkan.

Ang lahat ng tao ay patungo sa liwasang -bayan upang panoorin ang pagtatanghal ng huling dula. Ang daan ay nalalatagan
ng liwanag ng mga luses de Bengala na nagiging ilaw ng mga naglalakad. Ang entablado ay nagliliwanag sa maraming ilaw na
nakabitin sa bubong at paligid. Sa harap nito ay naroroon ang orchestra na nagpaparinig ng ilang tugtugin at sa likuran nila ay ang
mga Espanyol, mga maykatungkulan sa bayan, at panauhing mayayaman.

Kasayahan – nang dumating ang magkasintahang Ibarra at Maria Clara sa San Diego, nagdaos sila ng kapistahang para
sa magkakibigan. Ang magkakaibigan ay nagtungo sa lawa kasama ang ilang matatandang babae at utusan. Sumakay sa maglahiwalay
na Bangka ang mga lalaki at mga babae.

Nagpatuloy ang kasayahan sa gubat. Dumating ang mga naanyayahan tulad ni Padre Salvi at ang Alperes. Nang matapos ang
pananghalian ay nagpaalam ang Alperes at ang kabataan naman ay naglaro ng Gulong ng Kapalaran. Si Ibarra ay hinamon ni Kapitan
Basilio na maglaro ng adheres at ang matatanda ay pumaligid naman kay Padre Salvi upang sumngguni ukol sa kanilang mga
kaluluwa.

Ang kasiyahan sa paglalaro ng Gulong ng kapalaran ay tinapos ni Padre Salvi nang punitin niya ang aklat na ginagamit sa laro
at sinabi na isang kasalanan ang pagbasa noon. Ito naman ang ikinagalit ni Albino at ikinalulungkot ni Maria Clara dahil ang aklat na
iyon ay nagdulot sa kaniya ng kaligayahan.

Kapalaran ng Buhay
Idinaos ang paglalagay ng unang bato sa paaralang ipintatayo ni Ibarra. Ito ay dinaluhan ng mga makapangyarihan sa
bayan, kabilang si Padre Damaso, ang alkalde, ang apleres, si Padre Salvi, at si Kapitan Tiyago. Naroon din ang katipan ni Ibarra na si
Mari Clara. Sa ksawiang-palad ay may namatay sa pagdiriwang nang bumagsak ang panghugos ng bato.

Matapos ang malagim na pangyayari ay bumisita si Elias sa tahanan ni Ibarra. Sinabi niya sa binata na kung sakaling may
mag-usig dito tungkol sa nangyari ay huwag sabihin ang kaniyang sinabi tungkol sa narinig niyang masamamg balak sa paglalagay ng
unang bato sa paaralan. Pinaalalahanan din niya ang mga binata sa mga kalaban nito.

Pagkatapos ng paglalagay ng unang bato sa paaralan ay nagkaroon ng isang panaghalian. Dito pinasalamatan ni Ibarra ang
mga tumulong sa kaniyang balak, pati na ang arkitekto. Sa kabilang banda nag-usap si Padre Damaso ng laban kay Don Rafael na
naging dahilan upang magalit si Ibarra at mapagbuhatan ng kamay ang apri. Kung hindi lamang siya nahadlangan ni Maria Clara ay
napatay na niya ang pari. Naging bali-balita ang naganap sa tanghaliang iyon.

Property of Northeastern Integrated School of San Agustin, Inc.


For Inquiries, Call or Text 09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) 3
NORTHEASTERN INTEGRATED SCHOOL
QUARTER IV OF SAN AGUSTIN, INC. FILIPINO 9
Kinausap ng kura ang Alperes sa kaniyang natuklasang malaking pag-aalsa ng taong-bayan. Nang sandaling yaon ay
patakbong umakyat si Ellias sa hagdanan ng bahay ni Ibarra. Pinatuloy siya ng isang utusan sa gabinete. Sai Ibarra ay kasalukuyang
nagtitimpla ng gamot. Sinabihan ni Ellias si Ibarra na sunugin ang lahat ng kasulatan nito at tumakas dahil nabatid niya ang isang pag-
aalsa at si Ibarra ang itinuturong pinuno.

Si Ellias ay tumulong sa pagbasa ng mga kasulatang makapipinsala sa binata. Ngunit bigla siyang napatigil nang mabasa ang
kasulatan na mag pangalamg G. Pedro Ibarramendia. Nabatid niyang ito ang nuno ni Ibarra na siyang naging dahilan ng kanilang
kasawian. Tinakbo ni Ellias ang sisidlan ng mga sandata subalit ilang saglit lamang ay nabitiwan ang dalawang balaraw na kinuha at
tinitigan si Ibarra na tila isang baliw.

Samantala, kasalukuyang naghahapunan sina Linares, Tiya Isabel, at kapitan Tiyago. Si Maria Clara ay hindi kumain sapagkat
wala siyang ganag kumain. Ang nais niya ay hintayin ang pagdating ni Ibarra. Pagsapit ng ikawalo ng gabi, dumating si Ibarra sa
tahanan ni Kapitan Tiyago. Ngunit ilang sandal lamang umalingawngaw ang maraming putok. Ang lahat ay gulong-gulo. Si Ibarra ay
nanaog sa kabila ng pagpigil sa kaniya ni Tiya Isabel. Muli siyang nagbalik sa kaniyang bahay at isinilid ang salapi sa supot, kinuha rin
ang mga alahas at ang larawan ni Maria Clara. Mayamaya pa ay dumating ang mga guwardiya sibil upang siya ay dakpin.

Nang magbalik s katotohanan ang isip ni Ellias dahil sa sunod-sunod na putok nanarinig, nagbalik siya sa tahanan ni Ibarra.
Nakita niya ng mga utusan na nag-uusap sa pinto ukol sa pagkakadakip sa binata. Lumundag siya sa bakod na bato at tinipon ang mga
ksulatang makapipinsala kaay Ibarra upang ibaon sa isang lihim na pook. Ngunit nang matanaw ang dalawang guwardiya sibil ay
nagbago ng isipan. Sinindihan niya ang mga ito. kinuha ang mga sandata at inilagay sa sako ang larawan ni Maria Clara at saka
tumakas. Maraming sabi-sabi at kuro-kuro ang kumalat tungkol sa malaking gulong nangyari.

Tanging si tarsilio Alarigan lamang ang nahuling buhay sa mga sangkot sa gulo. Nakita niya ang bangkay ni Pedro, ang asawa
ni Sisa, ang tadtad ng saksak na katawan ni Bruno, at ang kay Lucas na may tali pa ang leeg. Ang tanawing ito ay kaniyang
kinainggitan. Dangan kasi’y labis na pahirap ang knaiyang natamo mula sa utos ng alperes. Siya ay pinahirapan upang umamin ngunit
wala man lang nakuha sa kaniya hanggang sa siya ay mamatay.

Samantalamg si Ibarra ay pinaratangan ng mga tao na isang taksil. Bawat bilanggo ay may kamag-anak na tumatangis at
nagmamahal malibaan kay Ibarra. Bagkus, siya ay inulan ng bato. Siya ay hindi kumibo, ni nagalait, ni dumaing. Yaon ang alaala sa
kaniya ng bayang pinaglalaanan niya ng kaniyang pagmamahal. Walang sinuman ang dumama ng kaniyang pagdurusa. Wala siya
ngayong tahanan, pag-ibig, bayan, kaibigan, at kinabukasan.

Mula sa isang paltok ay nakatayo si Plosopo Tasyo at minamasdan ang paglalakbay ng mga bilanggo. Sa kabila ng kanilang
kahinaan ay pinilit niyang makabangon upang mamalas ang paglayo ng mga sawimpalad. Kinabukasan ay natagpuan ng isang pastol
ang bangkay ng matanda sa may pintuan ng bahay nito.

Nailathala ang nangyari sa mga pahayag sa Maynila. Dahil dito, ang mag-asawang Kapitan Tinong at kapitana Tincahng ay
nag-usap tungkol sa maaaring mangyari kapag nalaman ng mga maykapangyarihan na naanyayahang kumain ni Kapitan Tinong si
Ibarra sa kanilang bahay. Sa takot na huliin si Kapitan Tinong, naghandog ng mamahaling singsing si Kapitana Tinchang sa Kapitan
Heneral. Samnatala, si Kapitan TIyago ay tuwang –tuwa sa kanyang katahimikan. Hindi siya nahuli o natanong man lang.

Napag-usapan na ang kaparusahang igagawad kay Ibarra. Gayunpaman, siya ay naitakas ni Elias. Habang sila ay sakay ng
Bangka ay nagkapalitan sila ng palagay ukol sa kasawian ta pagmamahal sa bayan. Hindi nagtagal ay nasundan sila ng isang palwa.
Upang iligaw ang mga humahabol sa kanila, si Elias ay tumalon sa tubig kasabay ang pagtulak sa Bangka. Si Ibarra naman ay hindi
tumitinag sa pagkakhiga. Si Elias ay tunultulan ng palwa at sa tuwing lilitaw ay binabaril. Nang may sampung dipa na lamang ang
piloto sa pampang, siya ay pinaputukan. Pagkatapos noon ay hindi na siya lumitaw.

Nabalitaan sa pahayagn ni Maria Clara ang sinapit ng dating katipan. Dahil dito, sinabi niya kay Padre Damaso na dalawa na
lamang ang nalalabi sa kaniya- ang kumbento o ang libingan. Tunutulan naman ito ng pari at sinabing muli siyang iibig at matutuhang
mahalin si Linares. Subalit buo ang loob ni Maria Clara sa kaniyang nais. Kaya, pinili na lamang ng pari na ito ay magmongha kaysa
mamatay.

...

Si Basilio, ang panganay na anak ni Sisa, ay kinalinga ng isang pamilyang naninirahan sa libis ng bundok sa loob ng dalwang
buwan. Siya ay may sugat sa paa at inaaliw ng dalwang bata. Dahil ika-24 ng Disyembre, hinihiling niya sa pamilyang nag-aruga sa
kaniya na makababa na ng bayan dahil nais niyang dalawin ang kaniyang ina at kapatid. Batid niyang naghihinagpis ang mga ito sa
paghahanap sa kaniya. Kinuha ni Basilio ang kaniyang tungkod at lumuluhang nagpaalam.

Narrating din ni basilio ang San Diego. Tunungo niya kaagad ang tahanan nilang sira-sira, ngunit wla siyang dinatnang tao.
Siya ay nagtanong at nalamang nabaliw ang kaniyang ina at naging palaboy. Kay Crispin ay wala siyang nabalitaang anuman. Bagama’t
nangangalog ang kaniyang mag tuhod ay tumakbo siyang paika-ika upang hanapin ang kaniyang ina.

Property of Northeastern Integrated School of San Agustin, Inc.


For Inquiries, Call or Text 09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) 4
NORTHEASTERN INTEGRATED SCHOOL
QUARTER IV OF SAN AGUSTIN, INC. FILIPINO 9
Nakita ni basilio ang ina subalit hindi siya nakilala. Hinabol niya ang kaniyang ina hanggang sa narating nila ang kagubatan.
Pinilit ni Basilio na pumasok sa pinto ng libingan ng matandang Espanyol ngunit hindi nagging madali ito para sa kaniya dahil buong-
likas na inilalapat si Sisa ang pinto. Nang makakita ng puno si Basilio ay inakyat niya ito at nagpatihulog sa kinaroroonan ng ina.
Niyakap at pinaghahakan niya ang ina, at pagkatapos ay hinimitay. Ang duguang noong bata ang gumising sa kaisipan ng ina. Niyakap
ni Sisa ang anak at pinaghahagkan , at pagkatapos makapagbitiw ng isang malakas na tila ay napaahandusay sa ibabaw si Basilio.
Nang magkamalay si Basilio ay wala nang buhay ang kaniyang ina.

Nang itaas ng naghihinagpis na si Basilio ang kaniyang ulo ay nakita niya ang isang taong nagmamasid sa kaniya, si Elias.
Humingi rito ng tulong si Basilio upang mailibing ang ina. Gayunman, sahil sa sugat na tinamo sa habulan sa lawa, gutom at kawlan
ng tulog a hindi matulungan ni Elias ang bata. Sa halip ay inutusan niya itong kumuha ng mga panggatong upang sunugin ang
bangkay ng kaniyang ina at maging ang kanyang katawan dahil batid niyang hindi na siya aabutan ng umaga. Ibinilin din niya na
hukayin ang itingong salapikung wlang ibang taong darating.

Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Sagutin ang gawain sa sagutang papel.
1. Ayon sa binasa, anong kabutihan ang naidudulot ng sabungan sa mga tao at sa pamahalaan? Ano ang iyong opinyon tungkol
dito?
2. Ano ang gnawa ni Padre Salvi sa aklat na libangan ng mga dalaga at binata? Marapat bang gawain nita ito?
3. Sa iyong palagay, marapat bang pakialaman ni Padre Damaso ang pagmamahalan nin Maria Clara at Ibarra? Bakit?
4. Kung ikaw si Maria Clara, ano ang gagawin mo matapos malaman ang nangyari sa iyong dating katipan?
5. Ano-anong kaisipan ang nakapaloob sa binasa kaugnay ng sumusunod? Ipaliwanag ang tinutukoy ng mga kaisipan.
a. Pamamalakad ng pamahalaan
b. Paniniwala sa Diyos
c. Kalupitan sa kapuwa
d. Kayamanan at kahirapan

GAWAIN 1 (Learning Activity) Sagutin ang gawain sa sagutang papel.


Ibigay ang kasingkahulugan at kasalungat ng italikong salita sa bawat pangungusap.

Kasingkahulugan Kasalungat
1. Mula sa isng paltok ay nakatayo si Pilosopo Tasyo at
nagmamasid.
2. Kahit na siya ay nanghihina, pinilit niyang makabangon
upang mamalas ang paglayo ng mga sawimpalad.
3. Nasundan ng palwa ang pagtakas nina Elias at Ibarra
4. Alam ni Basilio na naghihinagpis ang kaniyang ina.
5. Si Sisa ay napahandusay.

GAWAIN 2 (Learning Activity) Sagutin ang gawain sa sagutang papel.

Ipaliwanag ang pagkakaiba o pagkakatulad ng pagkakamit ng katarungan sa bansa noong panahong isinulat ang
nobela sa pagkakamit nito ngayon. Isulat ito sa kahon

Property of Northeastern Integrated School of San Agustin, Inc.


For Inquiries, Call or Text 09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) 5
NORTHEASTERN INTEGRATED SCHOOL
QUARTER IV OF SAN AGUSTIN, INC. FILIPINO 9

GAWAIN 3 (Learning Activity) Sagutin ang gawain sa sagutang papel.


Sa pamamagitan ng Venn diagram, paghambingin ang mga katangian ng mga ina noon at ngayon batay
sa napanood na dulang pantelebisyon o pampelikula.

Ina Noon Ina Ngayon

GAWAIN 4 (Learning Activity) Sagutin ang gawain sa sagutang papel.


Magsaliksik ng isang dulang panteatro at bumuo ng isang pagsusuri patungkol dito. Gamit ang mga sumusunod:

- pagpapaliwanag;
- paghahambing;
- pagbibigay ng opinyon; at

REPLEKSYON: Sagutin ito sa sagutang papel.

1. Paano magagamit ang mga kaugalian at tradisyon ng bansa sa pagpapayaman ng Kulturang Asyano?
2. Mula sa sampung katangian ng isang mahusay na mag-aaral ng NISSAI, Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga at
ipagmamalaki ang kutura at tradiyong iyong kinagisnan?.

Property of Northeastern Integrated School of San Agustin, Inc.


For Inquiries, Call or Text 09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) 6
NORTHEASTERN INTEGRATED SCHOOL
QUARTER IV OF SAN AGUSTIN, INC. FILIPINO 9

SAGUTANG PAPEL PARA SA ARALIN

PANGALAN:_______________________________________
ISKOR:____________BAITANG:_____________

Property of Northeastern Integrated School of San Agustin, Inc.


For Inquiries, Call or Text 09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) 7
NORTHEASTERN INTEGRATED SCHOOL
QUARTER IV OF SAN AGUSTIN, INC. FILIPINO 9

Property of Northeastern Integrated School of San Agustin, Inc.


For Inquiries, Call or Text 09534157933 (Globe) / 09982614449 (Smart) 8

You might also like