Professional Documents
Culture Documents
SG8 Filipino103
SG8 Filipino103
MODULE OVERVIEW
LEARNING OBJECTIVES
LEARNING CONTENTS
LAYUNIN NG EFA
-Pangkalahatang saklaw ng Out of School Youth (OSY) at mga nasa hustong gulang sa
pagbibigay ng mga pangunahing pangangailangan sa pag-aaral;
-Pangkalahatang paglahok sa paaralan at pag-aalis ng mga drop out at pag-uulit sa unang tatlong
baitang.
-Pangkalahatang pagkumpleto ng buong cycle ng basic education schooling na may kasiya-
siyang antas ng tagumpay ng lahat sa bawat baitang o taon;
-Kabuuang pangako ng komunidad sa pagkamit ng mga pangunahing kakayahan sa edukasyon
para sa lahat.
B.UNDERSTANDING BY DESIGN
Hakbang 2: Pagtukoy sa mga tatanggaping patunay kung ang nais na resulta ay nakamit
Pagpili ng wastong paraan ng pagtataya.
Kalakasan ng Ubd
Prayoridad ng Kurikulum
MULTIPLE INTELLIGENCES
-Tinatayang ang konseptong ito ay binubuo upang palawakin ang tradisyunal na pag-unawa natin
sa sinasabing katalinuhan ng mga mag-aaral.
1.Visual Spatial
Ang mga taong may talinong visual/spatial ay mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin at
mag-ayos ng mga ideya. Nakagagawa ng mga ideya at kailangan din niyang makita ang
paglalarawan upang maunawaan ito.
2.Verbal/ Linguistic
Ang mga taong may talinong visual/spatial ay mabilis matuto sa pamamagitan ng paningin at
mag-ayos ng mga ideya. Nakagagawa ng mga ideya at kailangan din niyang makita ang
paglalarawan upang maunawaan ito.
4.Bodily/Kinesthetic
Ang taong may ganitong talino ay natututo sa pamamagitan ng mga kongkretong karanasan o
interaksiyon sa kapaligiran. Mas natututo siya sa pamamagitan ng paggamit ng kaniyang
katawan, tulad halimbawa ng pagsasayaw o paglalaro.
5.Musical or Rhythmic
Ang taong nagtataglay ng talinong ito ay natututo sa pamamagitan ng pag-uulit, ritmo, o musika.
Hindi lamang ito pagkatuto sa pamamagitan ng pandinig kundi pag-uulit ng isang karansan.
6.Intrapersonal
Sa talinong ito natututo, ang tao sa pamamagitan ng damdamin, halaga, at pananaw. Ito ay
talinong kaugnay ng kakayahang magnilay at masalamin ang kalooban. Karaniwang ang taong
may ganitong talino ay malihim at mapag-isa o introvert.
7.Interpersonal
Ito ang talino sa interaksiyon o pakikipag-uganayan sa ibang tao. Ito ang kakayahan na
makipagtulungan at makiisa sa isang pangkat. Ang taong nabibilang dito ay kadalasang bukas sa
kaniyang pakikipagkapwa o extrovert.
8.Naturalist
Ito ang talino sa pag-uuri, pagpapangkat at pagbabahagdan. Madali niyang makilala ang
mumunti mang kaibahan sa kahulugan (definition). Hindi lamang ito angkop sa pag-aaral ng
kalikasan kundi sa lahat ng larangan.
9.Existentialist
Ito ay talino sapagkilala sa pagkakaugnay ng lahat sa daigdig. “Bakit ako nilikha?” “Saan ako
nanggaling?” Ano ang papel na ginagampanan ko sa mundo?”. Ang talinong ito ay naghahanap
ng paglalapat at makatotohanang pag-unawa ng mga bagong kaalaman sa mundong ating
gingalawan.
Ayon naman kay Dr. Lydia B. Liwanag sa kanyang artikulong “Ang Edukasyong
Multilingguwal na Batay sa Unang Wika” (Mayo, 2011) sa De La Salle University – Manila, ang
ilang mga layunin at kahalagahan ng Edukasyong Multilingguwal.
•Pagturo gamit ang unang wika para sa pagpapaunlad ng kalidad ng edukasyon na nakabatay sa
kaalaman at karanasan ng mag-aaral at guro.
•Ito ay nagtutungo upang palakasin sa simula ng pag-aaral ang unang wika upang magkaroon ng
matibay na pundasyon sa paggamit ng wikang pambansa at iba pang wika.
•Malaking tulong din ito sa pagsabay sa globalisadong mundo kung saan hindi lamang Ingles
ang namamayani.
•Ito ay inilahad sa ulat ni Stephen L. Walter at Diane E. Dekker (2008) ng Summer Institute of
Linguistics International. Isinaad ditto na mabisa ang paggamit ng unang wika ng bata sa pagturo
ng asignaturang Filipino, English at Mathematics sa elementarya.
Differentiated Instructions
•Naglalayon ito na malaman ng mga guro ang mga estratehiya na magpapaunland sa pagkatuto
ng mag-aaral.
•Ito ay napapatungkol sa mga paraan para sa mga visual learners, audio learners, at kenisthetic
learners
•Nagsimula ito batay sa resulta ng mga achievement test na nagpapatunay na ang bawat mag-
aaral ay may iba’t ibang lebel ng pagkatuto.
•Ito ay ginamit nang naipasa ang Individuals with Disabilities Education Act (IDEA) 1975.
Diversed Learners
-Ito ang tawag sa mga mag-aaral na may iba’t ibang interes at pangangailangan pang-
akademiko.
•Ayon kay Carlson (2008) maaring gamitin ang differentiated instruction sa pag modify ng
nilalaman (ano ang ituturo) proseso (paano ituturo), at produkto (paano ipapakita sa mag-aaral
ang kanyang natutunan).
-Ayon kay Tomlison (banggit nina Ellis, et. al 2008), ang differentiated instruction ay isang
proseso na nagsisiguro na ang nilalaman, paano matutunan ito, at paano maipapahayag ang
mga natutunan ay akma sa kanilang kahandaan, interes at kakayahan ng bawat mag-aaaral.
-Sinabi rin ni Anderson (2007), kapag ang guro ay gumamit ng differentiated Instruction
maaring gawing simple ang nilalaman ayon sa kung ano at paano matuto ang mga mag-aaral.
Maaring gumamit ng iba’t ibang teksto, nobela at maikling kwento na aakma sa lebel ng
pagbasa ng bawat isa.
Lokalisasyon at Kontekstuwalisasyon
•Ang kurikulum ay buhay. Ito’y nagbabago depende sa kung sino ang nagpapatupad nito, saan
at kailan ipinatutupad.
Lokalisasyon at Kontekstuwalisasyon
PAANO?
Relating
Experiencing
Applying
Cooperating
Transferring
RELATING (Pag-uugnay)
Ang pagkatuto sa konteksto ng karanasan sa buhay, o pag-uugnayan, isang uri ng
kontekstuwal na pagkatuto na karaniwang umuusbong sa murang edad pa lamang ng mga mag-
aaral. Sa mga “adult learners”, ang pagbibigay ng mga makabuluhang konteksto para sa
pagkatuto ay higit na mahirap. Ang kurikulum na nagnanais maglagay sa pagkatuto sa kontesto
ng karanasan sa buhay ay humihikayat sa atensiyon ng mag-aaral sa araw-araw na karanasan,
pangyayari at kondisyon. Kailangang maiugnay ito sa araw-araw na sitwasyon at impormasyon
na dapat matutuhan at suliraning dapat malutas.
EXPERIENCING (Pagpaparanas)
Ang pagpaparanas sa pagkatuto sa konteksto ng eksplorasyon, pagtuklas, at pag-
imbento, ay ang puso ng pagkatutong kontekstuwal. Ngunit ang mga “motivated” o “tunes-in
students” ay umuusbong bilang resulta ng ibang estratehiya sa pagtuturo tulad ng video, naratibo,
o batay sa nilalaman na Gawain, nananatiling ang mga ito ay pasibong paraan ng pagkatuto. At
ang pagkatuto ay higit na magaganap kapag ang mga mag-aaral ay nahahayang makamanipula
ng mga kagamitan at gumawa ng mga aktibong pamamaraan ng pananaliksik.
APPLYING (Paglalapat)
Ang paglalapat ng mga konsepto at impormasyon sa isang kapaki-pakinabang na
konteksto, karaniwang sa proyekto ng mga mag-aaral sa isang “imagined future (possible
career)” o sa isang di-kilalang lokasyon (workplace) ay karaniwang nagaganap sa pamamagitan
ng mga teksto, video, laboratory, mga gawain, at mga pagkatutong kontekstuwal na karanasan ay
karaniwang sinusundan ng “first-hand” na mga karanasan.
COOPERATING (Pakikilahok)
Ang pakikilahok sa konteksto ng pagbabahagi, pagtugon, at pakikipagtalastasan sa ibang
mag-aaral ay pangunahing estratehiya sa pagtuturong kontekstuwal. Ang karanasan sa
pakikilahok ay hindi lamang higit na nakatutulong sa mas maraming mag-aaral na matuto sa
aralin, kundi ito rin ay nakatuon sa tunay na pokus ng pagtuturong kontekstuwal.
TRANSFERRING (Paglilipat)
Ang pagkatuto sa konteksto ng kung anong umiiral na kaalaman, o paglilipat, ay
gunmagamit at bumubuo batay sa kung anong alam na ng mag-aaral. Nalilinang ang tiwala sa
sarili ang mag-aaral na lumutas ng mga suliranin kapag nakapagbigay tayo sa mga mag-aaral ng
mga bagong karanasan sa mga alam na nila.
•Upang makontekstuwalisado, ang guro ay gagamit ng mga bagay na may buhay, awtentikong
kagamitan, totoong mga materyal, gawain, karanasan, interes o hilig, isyu, at pangangailangan
mula sa paraan ng pamumuhay ng mga mag-aaral.
•Nakakalikha ito ng pagkakataon para sa mga mag-aaral na harapin ang mga problema at
usapin at sama-samang makabuo ng estratehiya upang tugunan at solusyunan ang mga ito.
a.Malikhain at nag-iisip.
b.Gumagamit ng kritikal/mapanuring pag-iisip sa paglutas ng suliranin.
3.Kakayahang makipagtalastasan
LEARNING ACTIVITIES
GAWAIN BLG. 1
GAWAIN BLG. 2
REFERENCES
https://www.slideshare.net/Tonieolvez24/multiple-intelligences-15447648
https://www.scribd.com/presentation/395572150/9-lokalisasyon-at-kontekstuwalisasyon-pptx
https://www.scribd.com/presentation/442716560/Lokalisasyon-at-Kontekstwalisasyon-ppt
https://www.academia.edu/29356488/Chapters_1
https://www.scribd.com/presentation/331690688/LATEST-21st-Century-Skills-Revised