Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

SILABUS ng KURSO

Ateneo de Manila University


PH 103
Pilosopiya ng Relihiyon
Kagawaran ng Pilosopiya
Mga Paaralang Loyola
Ikalawang Semestre, TA 2017-2018
3 Units
Pre-rekwisit: PH 101
Jovino G. Miroy, Phd
Schedule: 15:00-16:00
Venue: B106

PILOSOPIYA NG RELIHIYON
Ang kursong ito ay kritikal na pagsusuri sa makataong karanasan ng relihiyon, mga argumento
para at laban sa pag-iral ng Diyos, at penomenolohiya at metapisika ng pag-asa.

Paglalarawan sa klaseng ito:


Bilang klase sa Pilosopiya ng Relihiyon, magsasagawa ang klaseng ito ng kritikal na
pagmumuni tungkol sa relihiyon bilang makataong karanasan. Una, layon ng klaseng sanayin
ang mag-aaral sa pilosopikal na pagmumuni, lalo na tungkol sa kaugnayan ng relihiyon at
kasalukuyang mga usapin: halimbawa, a) pilosopikal na atheismo, b) pasismo at paniniwala, k)
pag-asa, pagbabagong klima at pagkilos. Nais sagutin ng klaseng ito kung paano nag-uumpugan
ang relihiyon at mga moderno at posmodernong adhikain.
Layunin ng Kurso (Learning Outcomes):
Layon ng kurso na magbuo sa mag-aaral ng ugali (habitus) ng pagmumuni, lalo’t higit sa
panahon ng kaguluhan at kasagsagan ng trabaho. Ikalawa, layon ng kursong isagawa ng mag-
aaral ang pangunahing kilos ng pamimilosopiya, lalo na ang metodikong pagdududa at
pangingilatis, kritikal na pag-iisip, at malikhaing pag-iisip kaugnay ng mga konsepto ng
pilosopiya ng relihiyon upang maiugnay niya ang relihiyosong karanasan sa mga
kontemporanyong usapin. Ikatlo, hahasain ng kurso ang mga kasanayan sa pakikipagtalakayan,
pagsasalita, pagsusulat, at pagkabukas ng isip sa kapwa at daigdig.

Balangkas ng Kurso

A. Pambungad: relihiyon at pasismo

B. Kaalaman, Paniniwala at Di-paniniwala


a. Mga anyo ng paniniwala at di-paniniwala
1. Bagong atheismo
2. Naturalismo
b. Pagdududa at Pangingilatis: Ignacio de Loyola, Rene Descartes, Miguel de
Unamuno, Roque Ferriols
c. Diyalektiko: Hegel
d. Pilosopikal na Humanismo ni Sigmund Freud at Sinaung Larawan ng Ama

C. Espasyo: Banal, Pampubliko, at Birtwal; Pagkain at Paggawa ng Lugar (Placemaking)

D. Panahon: Di-banal, Banal, at ang Walang Hanggan

E. Pagkilos at Paniniwala

F. Pag-asa: pagkilos sa panahong walang magagawa


*Tumutukoy sa bilang ng artikulo/teksto mula sa Kinakailangang Teksto, cf. ibaba.

Balangkas ng Panahon

PAKSA Panahon NB (Nota Bene)


Unang araw ng klase Agosto 15, 2018 Information Sheet;
Diagnostic Paper (due sa
susunod na meeting, sa klase)
Simulain Ikatlong Linggo ng Agosto Paliwanag sa Silabus,
Pambungad, diagnostic
discussion at presentation.
Faculty Day Walang Pasok
Araw ng Pagpatay kay Ninoy Agosto 21 TBA
Aquino ng Diktadurya
Araw ng mga Bayani Agosto 27 TBA
Pasismo at Relihiyon Ikaapat na Linggo ng Agosto SIMULA
Mahabang Pagsusulit Ikalawang Linggo ng Pasulat (written)
Setyembre
Kaalaman, Paniniwala, at Di- Ikatlong Linggo ng Pagwawasto ng eksamen
paniniwala Setyembre
Diyalektiko Ikalawang Linggo ng Oktubre Konsultasyon Papel 1
Panayam tungkol sa Syudad Oktubre 12, 2018 5-6 Ikalawang Linggo ng Oktubre
Unang Papel (Relihiyoso at Due Date: Huling Linggo ng
Pampublikong Espasyo) Oktubre
Araw ng mga Banal Nobyembre 1, 2018
Freud at Tugon sa kanya Unang mga Linggo ng Pagwawasto ng Papel 1
Nobyembre
Ahensya at Relihiyon Ikatlong Linggo ng Konsultasyon (Munting
Nobyembre Check in)
Mirrored Discussion Huling Linggo ng Talakayan na may
Nobyembre ebalwasyon
Pag-asa at pagbabagong Unang mga Linggo ng Konsultasyon tungkol sa
klima Disyembre Mirrored Discussion
Araw ng Pag-aaral Disyembre 7, 2018
Huling Pagsusulit Disyembre 10-15, 2018 Pabigkas (orals)
BABASAHIN/TEKSTO (Kailangan)
1. Albright, Madeleine, “Bad Dreams” and “Right Questions” in Fascism:A Warning. NY:
Harper Collins Publishers, 2018: pp. 225-254. [A]
2. Baldwin, Christina, “Creating a Story of the Self,” in Storycatcher, Making Sense of Our
Lives Through the Power and Practice of Story. CA: New world Library, 2005, pp. 117-
141. [D]
3. Bregman, Rutger, “The End of Poverty,” in Utopia for Realists How We Can Build the
Ideal World. Translated from Dutch by Elizabeth Manton. Boston: Little, Brown and
Company, 2014. [F]
4. Burnett, Bill and Dave Evans, “Designing Your Lives” in Design Your Life How to Build
a Well-lived a Joyful Life. NY: Knopf, 2017, pp. 87-106. [E]
5. De Cruz, Helen and Ryan Nichols, Advances in Religion, Cognitive Science, and
Experimental Philosophy. London: Bloomsbury, 2016. [B. a. 2]
6. Glaeser, Edwar, “What’s Good about Slums?” Triumph of the City How Our Greatest
Invention Makes us Richer, Smarter, Greener, Healthier, and Happier. NY: Penguin,
2011, pp. 69-86. [C]
7. Kahle, Lyn, et al, “Dialectical Thinking in Consumer Decision Making,” Journal of
Consumer Psychology Vol. 9, Issue 1, p. 53-58 (2000). [B. c]
8. Kennelly, Jacqueline, Citizen Youth: Culture, Activism, and Agency in a Neoliberal Era.
New York: Palgrave Macmillan, 2011. [E]
9. Miroy, Jovino, “Atheismo at Paniniwala,” Ad Veritatem MultiDisciplinary Research
Journal of the UST Graduate School Vol. 6, No. 2 March 2007, pp. 521-543. [B. b]
10. Miroy, Jovino, “The Malady of Apathy and the Task of Philosophy.” Ad Veritatem
MultiDisciplinary Research Journal of the UST Graduate School Vol. 8 Number 2 March
209, 393-412. [F]
11. Roberts, Peter, “Doubt, Despair, and Hope in Western Thought: Unamuno and the
Promise of Education,” Educational Philosophy and Theory Vol. 47, No. 11, 2015, pp.
1198-1210. [B. b]
12. White, Dominic, “Contemporary Spiritualities: Old and New?” in The Lost Knowledge of
Christ. Minnesota: Liturgical Press, 2015: 8-29. [B. a]
13. Williston, Byron, “Climate Change and Radical Hope,” Ethics & the Environment Fall
2012, Vol. 17 Issue 2, pp. 165-186. [F]
14. Vance, Erik , “Mind over Matter,” National Geographic December 2016, Vol. 230, No.
6., pp. 30-55 [B]
Tumutukoy ang mga titik sa braket sa bahagi ng Balangkas ng kurso. Maaring i-download ang
mga artikulo mula sa EBSCO. At ilalagay ang lahat sa e-reserve. Hinggil sa E-reserve, hingin
ang password sa e-Librarian. Kung hindi naman, may hard copy para ipakopya ng lahat. Ang
interesado sa mga kopya ng babasahin, antemano ay mag-sbi sa guro.
Minumungkahing Babasahin:

Primaryang Teksto

1. Rene Descartes, Meditations on First Philosophy, Mike Moriarty translator. Oxford:


Oxford University Press, 2008. eBook.

2. Soren Kierkegaard, Either/Or, translated by David F. Swenson and Lillian Marvin


Swenson ; with revisions and a foreword by Howard A. Johnson. Garden City, NY:
Doubleday, 1959.

3. Sigmund Freud, Future of an Illusion. UK: Penguin Great Ideas, Random House,
2008.

4. William James, Will to Believe and Other Essays in Popular Philosophy. Auckland,
N.Z.: The Floating Press. 2010. eBook.

5. Gabriel Marcel, “Balangkas ng isang Penomenolohiya at Metapisika ng Pag-asa”


(mula sa Homo Viator), translated by Rogue J., S.J . Loyola Hts., Q.C.: Office of
Research and Publications, School of Arts and Sciences, Ateneo de Manila
University, 2001, pp. 64-108.

Sekondaryang Teksto

1. Albright, Madeleine, The Mighty and The Almighty Reflections on America, God, and
World Affairs, Int. by Bill Clinton. NY: Harper Collins Publishers, 2006.
2. Brooks, David, The Road to Character. New York: Random House, 2015.
3. Costas, Jana and Taheri, Alizeri, ‘The Return of the Primal Father\ in “Postmodernity? A
Lacanian Analysis of Authentic Leadership,” Organization Studies Vol. 33 (9), Sep,
2012. pp. 1195-1216.
4. Cowan, David, “Embedded Spirituality as a Leadership Foundation for Sustainable
Innovative Learning,” R e V i s i o n , Vol. 30 Issue 3/4, Winter 2010, pp. 89-97.
5. Lauer, Quentin, “The Problem of Unbelief” in R. Ibana ed., A Lauer Reader The Ateneo
Collection (Quezon City, Office of Research and Publications, 1991, pp: 91ff.
6. Losonsky, Michael, Enlightenment and Action from Descartes to Kant. Cambridge:
Cambridge Unviversity Press, 2001.
7. Marie, Belle, “Workplace Spirituality,” Culture & Religion Review Journal Vol. 2011
Issue 2 2011, pp. 52-62.
8. Roeser, Sabine, “Risk Communication, Public Engagement, and Climate Change: A Role
for Emotions,” Risk Analysis Vol. 32, No. 6, 2012.
9. Interview with Paulo Alcazaren, Asian Perspectives in the Arts and Humanities,
September 2012.

Sa katunayan, pambungad ang klaseng ito sa mga klasikal na teksto sa Pilosopiya ng Relihiyon.
Bagaman pinakamainam na basahin ng mag-aaral ang mga primaryang teksto, mulat ang guro na
bibihira ang may panahon at inklinasyon an gawin iyon. Ibibigay ang listahan ng mga tekstong
ito sa klase. Ang mga tekstong nakalista rito ay GABAY lamang sa mga talakayan. Magiging
mas mahalaga ang pagmumuni sa klase kaysa sa mga nakasaad sa mga teksto. Bilang patikim,
hindi naman masama na makinig sa mga podcast o manuod sa mga On Line Lectures tungkol sa
mga teksto na ito. Maging mapili lamang sa kokonsultahin.

Mga Kahingian
1. Isang mahabang pagsusulit
2. Isang papel:
Tungkol sa banal na espasyo (3pp); may bahaging paglalarawan, pagsasalaysay,
pamimilosopiya*
3. Isa-Dalawang Oras na Mirrored Discussion: isang talakayan na may ebalwasyon.
4. Mga presentasyon, ulat, at iba pang ipapasa mula sa mga gawaing pangklase. (bagaman
walang marka at kailangang tupdin).
NB: sa katunayan, ang pagsusulat at paglalahad ang kasanayang hihingin sa tunay na buhay at
propesyunal na pag-aaral.
4. Huling Pagsusulit (mag bahaging pasulat). Kulminasyon ng personal na pakikipagtagpo ng
mag-aaral sa Guro, na siyang tunay na naratibo ng klase.

Sistema ng Pagmamarka:
A. Katayuan sa Klase: 2/3
1. Mahabang Pagsusulit 30%
2. Papel 1 30%
3. Mirrored Discussion 30%
4. Maikling pagsusulit, mga pag-uulat, reflection paper, atbp. 10%
*Susunod ang paliwanag at patnubay.
*Kasama sa pagpapasya sa huling marka ang atendans
*May mga munting proyektong iaaatas ang guro (film or exhibit viewing, atbp.)
B. Panghuling Pagsusulit: 1/3
May pasulat na bahagi. Isasaalang-alang ang pangkalahatang pilosopikal na aktitud sa
pagmamarka. Kasangkot sa pilosopikal na aktitud: pagkabukas sa kaisipan ng iba, lohikal at
kritikal na pagiisip, paghahanap sa katotohanan. Sa katapusan, pinakamahalaga ang
pagpapamalas ng mag-aaral ng kanyang kasanayan sa pilosopikal na pagmumuni at sa mga
kasanayan ng elokwensya at sapyensya.

Mga Marka (bago ng Final Marks)


A=4
B+/A = 3.75
B+ = 3.5
B/B+ = 3. 25
B=3
C+/B = 2. 75
C+ = 2.5
C/C+ = 2.25
C=2
C- = 1.75
D=1
C- = .75
F=0
FINAL MARKS
A = 3. 76- 4
B+ = 3. 26 – 3. 75
B = 2.76- 3.25
C+ = 2. 26 – 2.75
C = 1.76 – 2.25
D = 1.75 below
F=0

Atendans:

Pagkahuli: Kung wala sa klase mula ikalawang batingaw hanggang limang minuto. (1/2 cut)
Pagliban: Kung wala sa klase pagkaraan ng limang minuto. (1 cut)

Responsabilidad ng mag-aaral na malaman ang opisyal na record ng kanyang atendans.

Mga Alituntunin sa Silid-aralan:


1. Hinihingi na umayon ang mag-aaral sa alituntunin ng pakikipagkapwa, cf. Student Handbook
at Handbook for Academic Integrity.
2. Inaasahan din na kumilos siya sa malugod, masipag, at magalang na paraan sa loob ng silid-
aralan. Keep the hand moving and heads bobbing.
3. Kailangang maging bahagi ng e-group ng klase (anumang katumbas niyon), at kailangan
regular na icheck ito ng mag-aaral.
4. Responsibilidad ng mag-aaral ang makuha sa Guro ang anomang impormasyon may
kinalaman sa klase.
5. BABASAHIN:
a. Nasa mag-aaral ang responsibilidad ng pagkuha ng artikulo.
b. Kailangan dalhin sa klase ang babasahin, lalo na sa mga aral na nakalaan sa pagbabasa.
Digital man o hard copy.
6. Kung wala sa “mood,” mabuting magliban o kausapin ang guro. Laging mas mahalaga ang
nararanasan sa kasalukuyan ng mag-aaral kaysa sa paksa sa klase. Ang emosyunal at sikolohikal
na aspeto ng buhay ay nakakaapekto nga sa gawaing akademiko, ngunit ang edukasyon ay
makita ang sariling kakayahang pangibabawan ang mga kahinaang ito at gawing ang
TUNGKULIN kahit ano pa man.
7. Kung may aktitud ang mag-aaral na maging sagabal sa pagkatuto ng iba (labis na pag-iingay,
walang puntong pagtatanong, palagiang paglabas sa gitna ng seryosong panayam, atbp),
tuturingin iyong kawalan ng disiplina at maaaring turingin punto iyon laban sa kanya.
a. Responsibilidad ng nasa unahan (mula gitna pataas): gaya ng guro, nakikita ng buong klase
ang kilos ng nasa unahan. Lalo’t higit silang may tungkulin na magpakita ng mabuting
halimbawa. Gayonpaman, nag-aaplay ito sa lahat, saan man siya nakaupo. May opsyon ang guro
na ilipat ng upuan ang mag-aaral kung lumalabag sa alituntunin na ito.
b. Pagtatanong sa klase: mas mainam kung ilalaan ang mga tanong sa panahon nakalaan dito.
Inaasahan din na bago magtanong ang estudyante ay a) sinubukan na muna niyang maging bukas
sa sinasabi ng guro o ng kaisipang tinatalakay sa klase, b) sinusbukan na muna na niyang
unawain ang tinatalakay sa abot ng kanyang makakaya.
c. Minumungkahi ang paglapit sa guro nang personal.
8. Kung hindi sigurado, magtanong. (E. g., tungkol sa pagkain sa loob aralan, paggamit ng
teknolohiya, kasuotan).
9. Pagkahanda sa hamon. Inaasahan ang mag-aaral na tanggapin ang mga hamon ng klase at
huwag isipin na kailangan itong madali. Ang core curriculum ay higit na tungkol sa pagbuo ng
character kaysa pagkuha ng impormasyon. Kaya nga, hindi lamang ang sagot ng mag-aaral sa
mga tanong sa eksam ang nakasangkot sa klaseng ito kungdi ang kanyang buong kamalayang
pilosopikal.
10. Totoo na ito. Ang Senior Year ay ang masinsinan paghahanda sa mag-aaral sa pagtatrabaho
o propesyunal na pagsasanay. Ikabubuti ng mag-aaral na kumilos na ganun na nga: act as if.
11. Pinakamainam na panatilihin niya ang bukas na isip, puso, at kamay sa lahat ng oras sa
buong semestre.

Mga Oras ng Pagsangguni:


MWF: 11:00-12:00
Sa anumang katanungan tungkol sa babasahain, kahingian, at kinuha sa klase: sumangguni via e-
mail. Para sa mas mahabang konsultasyon tungkol sa personal at akademikong buhay, mabuting
makipag-ayos sa email: jmiroy@ateneo.edu
Akademikong Biograpiya:
Jovino de Guzman Miroy, Phd. Nuong 1987, natapos ng AB Philosophy (ADMU). Sa kolehiyo,
naging kasapi ng Tanghalang Ateneo (TA). 1990-1997, naging bahagi ng Tanghalang Pilipino
(CCP). 1992, natamo ang MA Philosophy (ADMU). 2002, nagtamo ang doktorado sa Europa
(Katholieke Universiteit te Leuven, Belgium). Kasalukuyang interes: Mga Kontemporanyong
Usapin sa Relihiyon, Lipunan, Demokrasya, at Kaugnayang Internasyunal, Kapayaan;
Naratibong Pagtatanong; Kasaysayan ng Pilosopiya at Sining Biswal sa Pilipinas; Kasaysayan ng
Pilosopiya sa Pilipinas; Agham, Teknolohiya, at Lipunan at Pilosopiya.

You might also like