Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

JADJULI, ZEEYADH ADJIMUDDIN EDITORYAL

10-ARCHIMEDES
“PAGTATANGI SA KABABAIHAN: PAGKAKAKULONG SA SARILING PIITAN”
Sa mga lumipas na taon at makabagong henerasyon, samu’t-saring mga kataga ang patuloy
na lumilitaw, katagang “Ika’y babae lamang, babae lang” Kailan ba matutuldukan ang mga
katagang patuloy na isinasambit? Mga katagang nagmamaliit sa kakayahan nilang maging
manlulupig, tayo’y nakabilanggo sa sarili nating piitan sa pagtatangi na isinasagawa sa bawat
kasarian, patikular na ang mga kababaihan na siyang sentro ng diskriminasyon at karahasan.
Tayo’y nakakulong sa sarili nating piitan, tahimik tayong sumisigaw, at tila ba’y nalulunod sa
rumaragasang tubig ng katanungan kung kailan ba tayo darating sa ating paroroonan,
paroroonang sakop ang kalayaan sa pagkakabilanggo nang walang katiyakan.
Talamak ang pang-aalipusta na kinakaharap ng bawat babae sa panahon ngayon. Sila’y
napagkakaitan ng karapatan at napagkakaitan ng kalayaan, trato sa kanila’y parang lupa na
madaling apak-apakan ngunit tayo’y walang magawa dahil tayo’y sunud-sunuran. Hindi ba’t
ang karapatan nila’y karapatan din ng lahat? Ang kalagayan nila’y, kalagayan din natin?
Kaya’t nararapat na mamayani ang tinig nila sa bawat oras at matutuhan ng isang nilalang
ang pagkakapantay-pantay na dapat ituon sa bawat pagkakataon. “Ang babae ay mahina,
lupaypay, at walang silbi” Ito’y kadalasang maririnig sa lipunang ating kinabibilangan na tila
ba’y manika ang tingin na mapaglalaruan. Sa pagpapalawak ng ating kaisipan patungo sa
pagkakapantay-pantay, nararapat na isaalang-alang ang karapatan ng kababaihan,
samakatuwid ang karapatan nila’y karapatang pantao at ito’y hindi na maalis sa ating
prinsipyo. Sa limitadong pribelehiyo sa edukasyon, at limitadong oportunidad sa trabaho sa
nagdaang mga taon, masisilayan natin na hindi pa rin pantay ang pagtingin na itinutuon sa
kanila, tila ba’y wala silang karapatan at wala silang ambag sa ating lipunan, tanging ang
pagiging ilaw lamang ng tahanan ang kinikilalang adhikain ng bawat kababaihan, wala na ba
tayong magagawa? Wala na ba? Sa pagtindig ng babaeng ito, tila ba’y nabuo muli ang pag-
asa ng bawat babae sa palaisipan, siya’y naihalal, siya’y nailathala, at itinalaga ang
pagsasakatuparan sa pangakong “lahat ay pantay, lahat ay patas” sino nga ba siya? Siya’y si
dating bise president at mananaggol, Leni Robredo. Nawa’y lahat ay maging katulad niya, na
tumindig at tumayo para sa lahat, wika nga niya “To fight, not to heed the wounds” kaya’t
ikaw, bilang babae ay magsilbing tinig sa rumaragasang tubig, at susi sa pagkakabilanggo sa
sarili mong isipan, dahil kayo, bilang babae ay hindi basta’t babae lamang, kayo ay tinig,
kayo’y susi, at lupa, na hindi inaapak-apakan ngunit nangingibabaw.
Ang katagang “Ikaw ay babae lang” ay huwag nang dinggin, sa halip “Ikaw ay hindi basta’t
babae lang, ikaw ay babae” ang pakikinggan. Ang iyong tinig ang magsisilbing susi sa
pagkakabilanggo sa pagtatangi, at tindig ang magsilbing simula sa pagbabago. Sa mga
lumipas na taon, at makabagong henerasyon, sa mga nagpipitagang isyung kalakip ang
karapatan ng mga kababaihan, ang iyong boses bilang babae ang magsilbing simula at
pagtatapos, ang pagkakaiba ay pagyamanin at dapat na ipinagdiriwang natin. Kaya’t ikaw ay
magsalita bilang babae, hindi basta’t babae lang.

You might also like