Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

ARALIN 1

KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG FILIPINO, EDUKASYON AT KURIKULUM

Kahulugan at kahalagahan ng Kurso

Kritikal na maituturing ang basikong edukasyon dahil bahagi ito sa pagpapatatag ng pundasyon
ng/sa pagkatuto ng mag-aaral na nasa ganitong antas. Ang basikong edukasyon ay binalangkas upang
makatugon sa pangunahing pangangailangang pampagkatuto (basic learning needs). Ayon sa United
Nations Educational, Scientific and Cultural Organization na hinalaw naman mula sa World Conference
on Education for All (EFA): Meeting Basic Learning Needs na ginanap sa Jomtien, Thailand noong 1990,
binigyang kahulugan niya ang Basikong Edukasyon (Basic Education) ay isang buong sangay ng mga
gawaing pang-edukasyon na nagaganap sa iba’t ibang daluyan, na may hangaring makatugon sa
pangangailangan ng basikong pagkatuto. Ayon naman sa pamantayan ng International Standard
Classification of Education (ISCED) ang basikong edukasyon ay binubuo ng edukasyong primarya (unang
baitang ng basikong edukasyon) at lower secondary education (pangalawang estado). Dagdag pa ng
ISCED, sumasaklaw rin ito sa malawak na anyo ng non-formal at impormal na pampubliko at pribadong
mga gawain/aktibidad na naglalayong tumugon sa pangangailangan ng basikong pagkatuto ng mga tao
(anuman ang kanilang edad). Sa gayon, sumasaklaw ito sa mga antas na Kindergarten, Elementarya at
Sekondarya gayundin sa Alternative Learning System para naman sa hindi pumapasok sa paaralan (out-
of-school) at sa iba pang may espesyal na pangangailangan.

Dahil nga rito patuloy itong pinalalakas ng Kagawaran ng Edukasyon (Department of Edukasyon
o DepEd) katuwang ang pamahalaan upang umagapay sa mabilis na pagbabago ng institusyong pang-
akademiko sa buong mundo. Katibayan nito ang Batas Republika Blg. 10533 (Republic Act 10533) o ang
An Act Enhancing the Philippine Basic Education System by Strengthening Its Curriculum and Increasing
the Number of Years for Basic Education, Appropriating Funds Therefor and for Other Purposes. Nilayon
ng batas na ito na maitatag, mapanatili at magsuportahan sa kabuoan nang sapat ang hanay ng
edukasyon at magtiyak sa pagtugon upang maging ganap ang isang integratibong sistema ng edukasyon
na nakabatay sa pangangailangan nang tao, lipunan at bansa sa kabuoan. (malayang salin ng may-akda
sa Seksyon 2 ng Batas).

Alinsunod sa Seksiyon 3 ng Batas, nilalayon ng batayang edukasyon na tugunan ang mga


pangangailangan sa batayang pagkatuto na nagkakaloob ng mga pundasyon na siyang pagbabatayan ng
mga kasunod na pagkatuto. Binubuo ito ng kindergarten, elementarya, at mataas na paaralan gayundin
ang mga sistema ng alternatibong pagkatuto para sa mga nag-aaral na out-of-school at sa mga may
espesyal na pangangailanga.

Upang tumugon din sa kautusang ito, patuloy ring pinauunlad ng mga


pamantasan/unibersidad/kolehiyo ang mga programang pang-edukasyon (sa bahagi ng batayang
edukasyon) salig naman sa pamatayang ibinababa ng Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon
(Commission on Higher Educatio o CHEd).

Malaking gamapanin ng batayang edukasyon bilang tungtungan tungo sa holistikong pagkatuto


ng mag-aaral. Nililinang nito ang mga basikong karanasan at kaaalaman bilang paghahanda sa higit na
masalimuot (complex) na mga paksain sa panahong panagunahing (major) mga kurso na ang kinukuha
ng mag-aaral. Sa pangkalahatan, mahalagang nakatutugon ang batayang edukasyon ng bansa , pababa
sa mga tiyak na sektor at/o institusyong pang-akademiko sa paghubog ng mga produktibo at
responsableng mamamayan na nagtataglay ng mga esensyal na kasanayan, kakayahan at mga
halagahang kapwa kailangan sa habambuhay na pagkatuto (life-long learning) at pangkabuhayan. Upang
maging ganap naman ang hangaring ito, marapat na pagtuunang pansin ang sumusunod: (a). bigyang
pagkakataon ang bawat mag-aaral nang pagkakataong magtamo ng dekalidad na edukasyon na
natutugon sa pamantayang global na nakabatay naman sa pedagohikal na nilalaman ng kurikulum na
naglalapit naman sa international na pamatayan; (b). mapalawak ang hangarin ng/sa edukasyong
pansekondarya bilang paghahanda sa mga oportunidad sa kolehiyo, bokasyonal at teknikal gayundin sa
sining, palakasan at paghahanapbuhay na nakatutugon sa mabilis na pagbabagong pangglobal; at, (c).
gawing learner-oriented ang edukasyon at nakatutugon sa mga pangangailangan, kognitbo at kutural na
kapasidad, sa isang diverse na learning environment gamit ang angkop na wikang panturo at wikang
pampagkatuto kabilang ang unang wika.
ANG EPEKTIBONG GURO AT MALIKHAING PAGTUTURO

Sa pagtakalay sa unang aralin makikita ang pangangailangan sa pagbalangkas ng isang maunlad


na Batayang Edukasyon (mula primarya, sekondarya at maging sa kolehiyo). Binalangkas ang bawat
batayang edukasyon mula sa primarya patungong higit na kompleksidad nito. Ibinatay rin sa mga
pangunahing pangangailangan ng tao, lipunan at bansa sa kabuuan. Higit pa rito nakita sa naunang
talakay ang kahalagahan ng kurso upang maging tungtungan at/o lunsaran upang higit pang mapaunlad
ang pagkatuto. Sa ganitong gana, higit na mabibigyang kaganapan ang mga hangaring ito sa
pamamagitan ng isang mahusay at epektibong at malikhaing pamamaraan ng pagtuturo. Gayundin,
natatangi rin ang pangangailangan sa mataas na kalidad ng mga dalubguro (dalubhasang guro) na siyang
tuwirang magpapadaloy ng kaalaman sa lahat ng mag-aaral. Sa gayon, kritikal din ang gampanin ng guro
dahil sa kanyang gampanin sa proseso ng pagkatuto. Nakasalalay ang lahat nang ito sa kanyang
natamong karanasan bilang guro at mga inobatibong at malikhaing dulog sa pagtuturo.

Ayon sa Philippine Standards for Teachers na inilabas ng Kagawaran ng Edukasyon, krusyal ang
ginagamapanan ng mga guro sa pagbubuo ng lipunan at ng bansa sa kabuuan. Sa pamamagitan ng
dekalidad na mga guro, ang Pilipinas ay maaaring makahubog ng isnag holistikong indibidwal na
nagtataglay ng mabuting kaasalan, mga kasanayang sa ika-21 siglo, at kayang pangunahan ang bansa
tungo sa pautloy nitong pagyabong at pag-unlad. Umaayon din ito sa hangarin ng DepEd sa pagsasabing,
“Filipinos who passionately love their country and whose values and competencies enable them to
realize their full potential and contribute meaningfully to building the nation” (DepED Order No. 36, s.
2013).

Mga Katangian ng Guro

Ang guro bilang propesyon ay kinikilalang isa sa pinakamatandang propesyon sa sibilisasyon.


Maihahanay ito sa iba pang propesyon gaya ng pag-aaral sa mga batas (law), medisina at iba pa kung
ang pag-uusapan ay tagal nang pag-iral sa mundo. Malaki ang kanyang tungkulin upang malinang ang
kakayahan ng mga mag-aaral. At sa gawaing ito, marapat lamang na taglay ng isang guro ang mga
katangiang kinakailangan upang higit na na maging epektibong tagapagdaloy rin ng kaalaman at/o
karunungan di lamang sa loob ng silid-aralan gayundin sa kanyang pakikilahok sa mabilis na
pagbabagong nagaganap sa loob at labas ng lipunan sa kabuuan. Kaugnay sa mga katangiang nabanggit,
nagkaroon ng pagsasalin si Dr. Patrocino Villafuerte sa pagsusuri nina Wayne at Youngs noong 2003 sa
labindalawang (12) katangiang dapat taglayin upang maging epektibong guro. Lumabas din ito sa pag-
aaral ni Robert J. Walker noong 2008 na may paksang Twelve Characteristics of an Effective Teacher: A
Longitudinal, Qualitative, Quasi-Research Study of In-service and Pre-service Teachers’ Opinions.

1. Walang itinatangi. Sa loob ng klase, dapat na siya'y walang kinikilingan at mahalagang maging
pantay ang kanyang pagtingin sa lahat ng mga mag-aaral para walang masabi ang mga mag -
aaral at nang hindi makadama ng pagkaselos sa nagiging paborito ng guro.
2. May positibong ugali. Nasisiyahan ang mga mag-aaral kung sila'y nabibigyan ng papuri at
pagkakilala o rekognisyon. Malaki ang impak nito sa kanilang tiwala sa sarili at direksyon.
Naniniwala at nasisiyahan siya sa tagumpay ang kanilang mga mag-aaral.
3. Laging handa sa lahat ng oras. Ang kahusayan (competence) at kaalaman sa saklaw ng
nilalaman ng mga paksang itinuturo ay kinikilala ng mga mag-aaral. Madaling makilala ng mga
mag-aaral ang gurong organisado at handa nang magturo. Kapag palaging handa ang isang
guro, dun nakukuha ang atensyon ng mga mag – aaral.
4. May haplos-personal. Ang pagkikipag - ugnayan ng guro sa mag -aaral hindi lamang sa oras ng
talakayan pati na rin sa labas ng apat na sulok ng silid - aralan yaong tumatawag sa kanilang
pangalan, palangiti, nagtatanong tungkol sa kanilang nadarama at opinyon, tinutuklas ang
kanilang interes at tinatanggap ang tunay nilang pagkatao. Mapakahalaga para sa mga mag -
aaral ang madama ang pagmamalasakit sa kanila dahil dito, kailangan bigyang pansin upang
gabayan at patnubayan sila.
5. Masayahin. Naaalala ng mga mag-aaral ang gurong masayahin sa klase. Ang dagling pagbibiro
at pagpapatawa sa mga sitwasyong nahihirapan at napapahiya ang mga mag-aaral ay
nakababawas sa paghihirap o kahihiyang dinaranas ng mga mag-aaral.
6. Malikhain. Nagugunita ng mga mag-aaral ang kanilang gurong malikhain sa mga gawaing
pangklasrum, lalo na sa oras na ginaganyak sila para sa isasagawang aralin, pati na ang pag-
aayos sa klasrum ng kanilang guro.
7. Marunong tumanggap ng kamalian. Nababatid ng mga mag-aaral kung nagkakamali ang
kanilang guro lalo't sila ang labis na naaapektuhan bunga ng pagkakamaling ito. Nagiging
modelo ang isang guro kung tinatanggap niya ang kanyang pagkakamali at buong
pagpapakumbabang humingi siya ng kapatawaran sa pagkakamaling kanyang nagawa.
8. Mapagpatawad. Ang gurong marunong magpatawad sa kasalanang kanilang nagawa ay
kinalulugdan ng kaniyang mga mag - aaral, lalo't yaong nauukol sa kanilang maling gawi at
ikinilos. Ang guro ang tagabuo ng anumang tunggaliang nagaganap sa klase kaya't mahalagang
maiwasan din niyang magbigay ng di-magandang puno ukol dito.
9. May respeto. Ang kinalulugdang guro ay yaong marunong maglihim ng markang kanyang
ibinigay sa kanyang mga mag-aaral o yaong kinakausap ang mag-aaral na maynagawang
pagkakamali o kasalanan nang walang nakaririnig o nakakaalam, o yaong nagpapakita ng
sensitibiti sa nadarama ng kanyang mga mag-aaral, nagiging marubdob ang mga mag-aaral na
matupad ang kanyang mga tunguhin.
10. May mataas na ekspektasyon. Ang di-malilimutang guro ay yaong nagpapakita ng napakataas
na pamantayan lalo't hinahamon ang kanyang mga mag-aaral na gawin nang napakahusay ang
kanyang ipinag-uutos. Madalas na nawawalan ng tiwala sa sarili ang mga mag-aaral. Kung
maniniwala ang guro na may mga kakayahan ang kanyang mga mag-aaral, nagiging marubdob
ang mga mag-aaral na matupad ang kanyang mga tunguhin.
11. Mapagmahal. Kung aalamin ng guro kung bakit naalis sa isang laro, ang kanyang mag-aaral at
kikilos siya upang makagawa ng paraan halimbawa para malutas ang suliranin nito ay
naglalarawan ng pag-aalala at pagmamahal.
12. Ipinadaramang kabilang ang bawat mag-aaral. Sinasabing tunay na kapamilya at kapuso ang
guro na nagpapakita ng interes sa bawat mag-aaral. nagagawan ng paraan ng guro na maging
kabilang ang bawat isa na makasagot at makabahagi sa mga gawaing pampagkatuto na
inihanda ng guro. Ang mabuting guro ay nakikita ang iba’t ibang istilo sa pagkatuto ng mga
mag-aaral at isinasaalang-alang ang multiple intelligences ng mga mag-aaral (Corpuz, 2003)

Ayon naman sa Philippine Professional Standards for Teachers na binuo at inilunsad ng Department
Education – Teacher Education Council noong 2007 sa pakikipagtulungan ng Research Center for
Teacher Quality (RCTQ) at Australian Government, may pitong (7) domeyn ang kinakailangan sa mga
guro upang maging epektibo sa ika-21 siglo. Kinakailangan nilang taglayin ang sumusunod na katangian:

• Domeyn 1. Natutukoy ang kahalagahan ng mastery of content knowledge at kung paano ito
maiuugnay sa iba pang nilalaman ng kurikulum, na ginagabayan ng kabatiran at kritikal na pag-
unawa sa paglalapat ng mga teorya at tuntunin sa pagtuturo at pagkatuto. Nakapaglalapat ng
angkop at makahulugang pedagohiya na hinalaw mula sa kaalaman at makabagong
pananaliksik. Nakapagpapakita nang kahusayan sa Unang Wika (Mother Tongue), Filipino at
Ingles sa pagpapadaloy ng pagtuturo at proseso nang pagkatuto, gayundin nakapagpapakita
ng kinakailangang kasanayan gamit ang iba’t ibang mga estratehiya sa
pakikipagkomunikasyon, pagtuturo at teknolohiya na naglalayong magtamo nang mataas na
pagkatuto sa katapusan.
• Domeyn 2. Nakapaglalaan ng kapaligirang ligtas, sigurado, makatarungan at matulungin upang
mataguyod ang responsibilidad at pagtatamo sa mga mag-aaral. Lumilikha ng isang kapaligiran
na nakatuon sa pagkatuto at epektibong napamamahalaan ang kaasalan ng indibidwal sa isang
pisikal o birtwal na espasyo. Gumagamit nang malawak na mga hanguan at nakapananabik na
mga gawain na nagbubunsod sa isang konstraktibong ugnayan sa loob ng silid-aralan tungo sa
pagtatamo ng mataas na pamantayan nang pagkatuto.
• Domeyn 3. Nakapagtatag ng kapaligiran sa pagkatuto na tumutugon sa pagkakaiba-iba ng mga
mag-aaral. nabibigyang pagpapahalaga ang magkakaibang katangian at karanasan ng
indibidwal at nagiging batayan sa pagsasaplano at pagbabalangkas ng mga oportunidad sa
pagkatuto. Kinikilalal sa loob ang silid-aralan ang dibersidad at angpangangailangan sa
pagkakaiba-iba sa paraan ng pagtuturo upang mahikayat ang indibidwal na maging
matagumpay na mamamayan kasabay nang mabilis na pagbabago ng lokal at global na
kapaligiran.
• Domeyn 4. Nakatutugon sa pambansa at lokal na mga pangangailangan ng kurikulum.
Nabibigyang ganap ang nilalaman ng kurikulum bilang isang gawain na pagmumulan nang
pagkatuto na lubhang mahalaga para sa indibidwal na nakaugnay naman sa tuntunin sa
epektibong pagtuturo at pagkatuto. Nilalapat nila ang kanilang kaalaman bilang propesyonal
upang magplano at bumalangkas, indibidwal man o kolaboratibo kasama ang iba pa ng
mahusay na balangkas na mahalaga para sa indibidwal at tumutugon sa kanilang
pangangailangan.
• Domeyn 5. Gumagamit ng iba’t ibang pagtataya at estratehiya sa pagmomonitor, pagtatasa,
dokumentasyon at pag-uulat ng mga pangangailangan, pag-unlad at mga natamo ng mag-
aaral. Gumagamit ang mga guro ng datos na tinaya sa iba’t ibang paraan upang ipabatid at
mapahusay pa ang proseso at mga programang pampagtuturo at pagkatut. Naglalaan ang mga
guro ng kinakailangang fidbak kaugnay sa kinalabasang pagkatuto upang maging batayan sa
pagpili, pagsasaayos at pag-papaunlad ng iba pang gawain sa pagtataya.
• Domeyn 6. Nabubuo ang ugnayan ng paaralan at komunidad na may hangaring higit na
mapagyaman ang kapaligiran para sa pagkatuto gayundin ang gampanin ng Komunidad sa
prosesong pang-edukatibo. Tinutukoy at tumutugon ang mga guro sa mga pagkakataong
naiuugnay ang pagtuturo at pagkatuto sa silid-aralan.
• Domeyn 7. May pagpapahalaga sa pansarili at propesyonal na pag-unlad at nakapagpapakita
ng mataas na pagpapahalaga sa propesyon sa pamamagitan ng pagpapanatili ng/sa dignidad
ng pagtuturo gaya ng mapangalaga, marespeto at may integridad. Pinahahalagahan nila ang
pampersonal at pampropesyonal na karsanasan at pagkatuto upang higit na mapaunlad ang
kanilang larang. Ang patuloy na pagpapaunald pampersonal at propesyonal ay ipinalalagay
nilang isang panghabambuhay na pagkatuto.

Upang mapanatili at higit na magabayan ang mga guro sa kanilang gampanin bilang mahalagang
sektor ng lipunan, sa bisa ng probisyon ng Artikulo 11 ng Batas Pangrepublika Blg. 7836 o mas kilala
bilang Philippines Professionalization Act of 1994, sa seksyon 6, P.D. 223 inilalahad ang Code of Ethics
for Professional Teachers. Saklaw ng kodang ito ang lahat ng pampubliko at pribadong mga guro sa lahat
ng institusyong pang-akademiko kabilang ang mga antas na preschool, primarya, elementarya, at
sekondarya ito man ay nabibilang sa akademiko, bokasyonal, special, teknikal o non-pormal.

Batay naman sa tuntunin III ng Mga Tuntunin at mga Regulasyong Pampatupad ng Batas sa
Pinabuting Batayang Edukasyon ng 2013 inilahad ang sumusunod na mga kwalipikasyon, pagsasanay, at
patúloy na pag-unlad na propesyonal ng mga guro. Upang matiyak na natutugunan ng programa sa
pinabuting batayang edukasyon ang mga kahingian para sa mahuhusay na guro at pinunong
pampaaralan, magsasagawa ang DepEd at CHED ng mga programa para sa pagtuturo at pagsasanay sa
mga guro, sa pakikipagtulungan ng mga kaugnay na katuwang sa pamahalaan, akademya, industriya, at
mga samahang di-pampamahalaan. Ang mga naturang programa sa pag-unlad na propesyonal ay
pasisimulan, isasagawa, at tatayain nang regular sa buong taon upang matiyak ang palagiang
pagpapataas sa mga kasanayan ng guro. Ang mga programa sa pagtuturo at pagsasanay sa mga guro ay
kabibilangan ng mga sumusunod, bagaman hindi limitado sa mga ito: (1) Pagsasanay sa Nilalaman at
Pedagohiya na In-service. Ang mga guro ng DepEd na magpapatupad ng kurikulum ng pinabuting
batayang edukasyon subalit hindi sumailalim sa edukasyong bago-ang-paglilingkod na naaayon sa
kurikulum ng pinabuting batayang edukasyon ay sasanayin upang matugunan ang mga pamantayan sa
nilalaman at pagsasakatuparan ng kurikulum ng pinabuting batayang edukasyon; (2) Pagsasanay ng mga
Bagong Guro. Ang mga bagong nagsipagtapos sa kurikulum ng Edukasyong Pangguro na hindi naaayon
sa kurikulum ng pinabuting batayang edukasyon ay sasailalim sa dagdag na pagsasanay, kapag
natanggap na sila sa trabaho, upang maingat ang kanilang mga kasanayan sa mga pamantayang
pangnilalaman ng bagong kurikulum. Maliban dito, titiyakin ng CHED, sa pakikipag-ugnayan sa DepEd at
mga may-kaugnayang stakeholder, na ang mga kurikulum ng Edukasyong Pangguro na ibinibigay sa mga
TEI na ito ay makatutugon sa kinakailangang kalidad ng mga pamantayan para sa mga bagong guro. Ang
mga samahang may kaukulang pagkilala na gumaganap bilang mga TEI, sa pakikipag-ugnayan sa DepEd,
CHED, at iba pang mga may-kaugnayang stakeholder, ang titiyak na ang kurikulum ng mga
organisasyong ito ay nakatutugon sa kinakailangang kalidad ng mga pamantayan para sa mga gurong
sinanay. Para sa mga layunin ng subtalatang ito, tumutukoy ang terminong “mga samahang may
kaukulang pagkilala na gumaganap bilang mga TEI” sa mga organisasyon, maliban sa mga paaralan o
mga HEI, na kinontrata sa labas ng DepEd sa panahon ng transisyon at para sa isang tiyak na yugto,
upang magsagawa ng pagsasanay sa mga guro para sa mga layunin ng muling-paghasa sa mga
nagsipagtapos sa kurikulum ng Edukasyong Pangguro, at sa mga paksa lamang na may kakulangan sa
mga gurong sinamay; (3) Pagsasanay sa Pamumunong Pampaaralan. Ang mga superintendénte, mga
prinsipal, mga tagapag-ugnay ng aralin, at iba pang mga pinuno ng mga paaralang pampagtuturo ay
sasailalim din sa mga palihan at pagsasanay upang mas mapabuti ang kanilang mga kasanayan sa
kanilang mga papel bilang mga pinunong akademiko, administratibo, at pangkomunidad; at (4)
Pagsasanay sa mga Tagapag-ugnay ng Sistema ng Pagkatutong Alternatibo (ALS), mga Tagapamahala sa
Pagtuturo, mga Gurong Mobile, at mga Tagapagpadaloy ng Pagkatuto. Sasailalim din sa mga palihan at
pagsasanay ang mga tagapag-ugnay ng ALS, mga tagapamahala sa pagtuturo, mga gurong mobile, at
mga tagapagpadaloy ng pagkatuto upang mas mapabuti ang kanilang mga kasanayan sa kanilang mga
papel bilang mga pinunong akademiko, administratibo, at pangkomunidad.

Disenyo ng Malikhaing Pagtuturo

Sa pag-aaral nina Bailey at Murcia, may apat na pangunahing dapat na isaalang-alang ang guro
tungo sa epektibong pagtuturo. Ito ay ang sumusunod: (1) Kaligirang Sosyal (social climate); (2)
Baryedad sa Gawaing Pampagkatuto (Variety in the learning Activities; (3) Pagkakataon ng mga Mag-
aaral sa Pakikilahok (Opprtunity for the Student Participation); at (4) Pagwawasto at pagbabalik-tugon
(corrections and feedback).
Sa kaligirang sosyal binibigyang diin sa kanilang pag-aaral na sinsaklaw nito ang kapaligirang
natural, kaayusang pisikal, sitwasyong instruksyonal at kaaya-ayang katauhan ng guro habang nakatuon
naman ang ikalawang punto sa baryasyon o ang iba’t ibang pamamaraan ng paglulunsad ng aralin sa
paglinang ng mga gawain at sa paraan ng pagtataya at ebalwasyon sa kakayahan ng bawat mag-aaral.
Nakatuon naman ang ikatlong punto sa pagtitiyak nang aktibong pakikilahok ng mga mag-aaral na
nagbubusod upang maipakita at malinang ang kanilang kakayahan at kasanayan. At ang huli, binibigyang
diin nito ang iba’t ibang anyo at/o antas sa pagwawasto, mag-aaral sa kanyang sarili, mag-aaral sa kapwa
mag-aaral, mag-aaral at pagtatanong.

Sa gayon, sa bahaging ito, mahalagang matalakay ang baryedad sa gawaing pampagkatuto na


nagbubukas sa isang malusog na talakayan at daloy ng kaalaman sa pagitan ng guro at mag-aaral. Hindi
itinatalaga ng disenyo ang isang obsulute na balangkas sa pagtuturo sa halip ipinalalagay lamangnnito na
ang lahat nang nagaganap sa kabuuan ng klase ay may kamalayang kinakailangan ng aktibong pag-
uugnayan o interaksyon.

Sa pagbalangkas at/o pagbuo tungo malikhaing pagtuturo maaaring bigyang pansin ang
inilalahad ni Edgar Dale sa kanyang Cone of Experience (tunghayan ang larawan sa ibaba). Ang Cone of
Experience ni Dale ay isang modelong biswal na binubuo ng labing-isang (11) baitang ng karanasan na
nagsisimula mula sa konkreto karanasan sa ilalim hanggang sa nagiging abstrakto habang umaabot ito sa
pinakatuktok ng apa. Ayon pa kay Dale, ang pagkakahanay ng mga karanasan ay hindi batay sa
komplesidad nito sa halip ito ay nakabatay sa abstraksyon at sa bilang ng pandama na nabibilang dito.

Mainam rin na mabigyang konsiderasyon ang halimbawang hanguang yunit nina Mayos et.al na
binalangkas sa pamamagitan ng pag-aangkop sa layunin ng mga teknik at estratehiya na maaaring
ipalagay ng mga guro na makatutulong upang maabot ang inalalahad na layunin.
Ang mga Kasanayang Pangwika sa Pagtatamo ng Kasanayang Akademik

Ayon sa papel ni Dr. Galileo S. Zafra na may pamagat na Ang pagtuturo ng Wika at Kulturang
Filipino sa Disiplinang Filipino (Konteksto ng K-12), sinabi niya na sa pagtuturo ng wika, idinidiin ang
oryentasyong linggwistiko. Saklaw ng pag-aaral nito ang Palabaybayan, Mga Makrong Kasanayan
(Pagbasa, Pagsulat, Pagsasalita, Pakikinig) ponemiko at balarila gayundin bahagi rin ng/sa p ag-aaral ang
panitikan at komposisyon.

Upang umayon sa pangangailangan ng mag-aaral at lipunan gayundin ay matugunan ang mga


pangunahing kasanayan na kinakailang bilang bahagi ng batayang edukasyon, pinangunahan ng
Kagawaran ng Edukasyon ang pareresitraktura at/o muling pagbalangkas ng kurikulum sa batayang
edukasyon sa sumusunod na dahilan: (1) higit na magiging malikhain at/o inobatibo ang mga guro sa
kanilang mga estratehiya sa interdisiplinaring pagtuturo; (2) higit na mahahamon ang mga mag-aaral na
makapag-isip nang kritikal upang mahikayat silang masikap na matamo ang kanilang interes o pangarap
sa buhay; (3) Interaktibo ang pinaka-ideyal na proseso ng pagtuturo at pagkatuto; (4) Magkakaroon ng
resiprokal na interaksyon ang mga guro at mga mag-aaral sa iba’t ibang disiplina, s amga gagamiting
kagamitang panturo at hanguang multimidya; (5) kasangkapan ang wikang Filipino sa
pakikipagkomunikasyong sosyal at interpersonal at ito’y behikulo sa pagtuturo ng mga disiplinang
itinuturo sa Filipino.

Salalayan din sa mungkahing ito upang higit na matugunan ang kinakailangang mga kasanayan
ay nagsagawa rin ang kagawaran ng pagtataya sa mg anagdaang kurikulum ng Filipino. At sa ginawang
pagrerebyu lumabas ang sumusunod na obserbasyon: (1) Paulit-ulit lamang ang istrukturang gramatikal
na itinuturo mula elementarya hanggang tersyarya. Hindi panlinggwistika ang pagsusuri at pag-aanalisa
ang naisasagawa; (2) hindi maihanda ang mga mag-aaral tungo sa pagpapalawak ng kaalamang
kailangan sa pag-aaral sa kolehiyo; (3) Hindi lubusang nalilinang ang apat na komponent ng kasanayang
komunikatibo (kaalamang gramatikal, kaalamang diskorsal, kaalamang estratehiko, at kaalamanag
sosyo-linngwistik); (5) hindi wastong natatalakay ang panitikan bilang disiplina; (6) hindi halos
napagtutuunan ng mga mag-aaral ang iba pang asignatura na ginagamitan ng Filipino bilang wikang
panturo; at (7) Nananatiling napakababa ang iskor sa NSAT.
Ang pag-aaral at obserbasyong ito ng tanggapan ay nagpapatingkad sa pangangailangan sa
pagpapaunlad ng kurikulum, Pagtalakay at Dulog sa pagtuturo ng asignaturang Filipino. Kaya naman
upang muli itong mapalakas at tuwirang makatugon sa pinaunlad ito. Ang kurikulum ay naglalaman ng
sumsunod: (a) may integrasyon ng apat na makrong kasanayang pangkomunikasyon at mga kasanayan
sa pag-aaral; (2) pinalalawak o pinayayaman sa pamamagitan ng integrasyon ng bokabularyo, mg
apagpapahalaga o values at mga komptensi mula sa Agham Panlipunan at iba pang lawak na
Makabayan; (3) nakapokus sa paglinang ng mga kasanayan sa akadmeikong wika at mga kasanayan sa
batayang komunikasyong interpersonal at sosyal; (4) nakasentro sa pagtulong sa mga mag-aaral na
magkaroon ng akses na matutuhan ang nilalaman anuman ang anyo nito – teksto, grap, ilustrasyon at
iba pa; (5) may interaksyong mag-aaral-guro-teksto at multimidya; (6) humahamon sa mga mag-aaral
upang mapag-isip ng kritikal at malikhain sa target na wika; (7) binibigyang-diin ang aktibasyon at
integrasyon ng dating kaalaman, ginagamit ng mga alternatibong paraang ebalwasyon, kolaboratibong
pagkatuto, scaffolding at paglinang ng mga estratehiya sap ag-aaral; at (8) hinihikayat ang mga mag-
aaral na magkaroon ng control sa disenyo ng pagkatuto at pag-oorganisa sa klase.

You might also like