Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 18

10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:
(Linggo: Una)

Pamagat
Edukasyong Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 1: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Amancio M. Gainsan Jr.
Editor: Amancio M. Gainsan Jr.
Tagasuri: Conchita T. Caballes Cita J. Bulangis
Tagaguhit: Edyl Kris B. Ragay
Tagalapat: Amancio M. Gainsan Jr.
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Adolf P. Aguilar Elmar L. Cabrera
Donre B. Mira Nilita L. Ragay

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph
10

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Unang Markahan – Modyul 1:
Ang Mataas na Gamit at
Tunguhin ng Isip at Kilos Loob
(Linggo: Una)
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa Pagpapakatao 10 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Mataas na Gamit at
Tunguhin ng Isip at Kilos Loob !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos
nang sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na
ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda
mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas
nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iii
Ang Mataas na Gamit At Tunguhin ng Isip at Kilos Loob

Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. (ESP10MP-la-1.1)

Nakilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasya at nakagagawa ng mga


konkretong hakbang upang malampasan ang mga ito. (ESP10MP-la-1.2)

Mga Layunin

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na


kaalaman, kakayahan, at pag-unawa:

1. Natutukoy ang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob sa angkop na sitwasyon


2. Nasusuri kung ginagamit nang tama ang isip at kilos loob ayon sa tunguhin
ng mga ito
3. Naipaliliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin
4. Naisabuhay ng mag-aaral ang tamang paggamit bg isip at kilos loob

1
Panimula

Sa modyul na ito malalaman mo kung ano ang ka ibahan ng Isip sa Kilos-loob


o ano ang kaugnayan ng dalawa sa isa’t isa. Matutunan mo rin kung ano ang halaga
ng Kilos- Loob bilang isang tao at Bakit mahala ang Kilos-Loob ng isang tao
Maaring narining mo na ang mga katagang ”Madaling maging tao ngunit
mahirap magpakatao” sa mga katagang ito maiisip mo ano ba ang kaibahan ng tao
sa ibang nilikha ng Diyos. Sa anong paraan mo ba gagamitin ang iyong natatanging
kakayahan na ipinagkaloob sa iya ng Maykapal. Tuklasin mo ang mahalang
kaalaman na inihanda para sa iyo sa pagpapatuloy ng iyong pag-aaral ng modyul na
ito. Paano dapat gamitin ang isip at kilos-loob ng tao

Panimulang
Pagtataya

Panuto:Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang mga sagot sa
iyong kuwaderno.

1. Maliban sa isip ano ang ginagamit ng tao upang itoy makaalam sa mga
pangyayari sa paligid nito?
A. Pagmamahal
B. Galit
C. Balita
D. Pandama
2. Alin sa mga sumusunod ang tamang gawin?
A. Huwag gumawa ng padaraya sa iyong kapwa
B. Maaring padaya kung kinakailangan.
C. Magiging ok lamang madayan kung ang ikay mahirap
D. Huwag alalahanin kung ano ang iniisip ng ibang tao ang importanti ay
natulungan moa ng iyong pamilya kahit galling sa pandaraya.
3. Bilang tao na nilikha ayon sa larawan at kawangis ng Diyos, at naiiba sa lahat
ng nilalang , ano ang pinakamahalagang mahubog natin?
A. Ang mga taglay nating katangian dahil ito ang bumubuo sa ating
pagkatao.
B. Ang ating kayaman dahil ato ang magagamit natin upang makatulong
sa iba.
C. Ang ating pananamit dahil ito ang tinitignan ng mga tao.
D. Ang ating kinakain dahil ito ang basihan kung tayo bay malusog.

2
4. Bakit mahalagang malaman ng tao na iba siya sa hayop?
A. Upang malaman niya na siyay maganda
B. Upang maging matatag ang pagkaunawa ng layunin mo sa buhay at
mabigyang direksyon ang inyong kilos at malinang ka bilang tao sa
paggawa nang mabuti.
C. Upang maging matatag ang iyong relasyon sa iyong kapwa at lalo na
sa iyong pamilya.
D. Upang alam mo na ang mga hayop ay mababang nilalang kay sa sa
iyo.

5. Ano ang ating gagamitin upang tayo ay makakagawa nga tama, wasto at
nararapat na mga desisyon sa pang araw-araw nating pamumuhay.
A. Pandama
B. Katawan
C. Isip
D. Mata
6. Alin sa mga sumusunod ang tamang gawin?
A. Tumulong sa pamayanan upang malutas ang mga suliranin
B. Hayaan na lang ang mga namumuno na lumutas sa mga suliranin sa
pamayan
C. Isisi sa mga namumuno sa pamayanan ang mga suliranin
D. Ilayo ang sarili sa mga suliranin at hahayaan sila sa kanilang suliranin
7. Kailan natin masasabi na nagagamit natin nang tama ang ating isip at kilos-
loob?
A. Kapag naging maganda ang iyong buhay
B. Kapag naging matagumpay ka sa iyong ginagawa
C. Kapag tayo ay marunong umunawa sa mga bagay-bagay para sa
katotohanan at tayo’y kumilos tungo sa kabutihang panlahat.
D. Kapag naabot mo ang iyong gusto sa buhay
8. Sa panahon ng Eleksyon ano ang tamang gawin?
A. Maging maingat sa pagpili ng mga kakandidato sa gobyerno na may
kayahang pamunuan ang ating pamahalaan
B. Huwag nalang bumuto kung wala ang mga gusto na maging pinuno
C. Ibubuto ang kandidato na nagbibigay ng pera.
D. Wala sa mga nabanggit
9. Ayon sa pilosopiya ni Santo Tomas de Aquinas, ano ang bumubuo sa tao?
A. Ispiritwal at materyal na kalikasan
B. Katawan at Isip
C. Pag-iisip
D. Lahat ng nabanggit
10. Sa mga katagang “ Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos” ano ang ibig
sabihin?
A. Tayo’y kapantay ng Diyos.
B. Tayo ang may mas karapatan sa mundo kaysa mga hayop.
C. May katangiang taglay ang tao tulad ng katagiang taglay niya.
D. Walang makikialam kung ano man ang ating gagawin

3
Gawain 1

Tunghayan ang dalawang larawan sa ibabaw ng box at pagkatapos ay sagutin ang


mga sumusunod na tanong sa loob ng box.

Tanong Tao Aso


1. Ano ang mayroon
sa bawat isa upang
makita ang babala?
2. Ano ang mayroon
sa bawat isa upang
maunawaan ang
sinasabi ng babala?
3. Ano ang
kakayahang taglay
ng bawat isa upang
sundin ang sinasabi
ng babala?
4. Ano ang
inaasahang
magiging tugon ng
bawat isa sa
babala?
5. Saan binatay ang
pagtugon ng bawat
babala? Ipaliwanag.

4
Pagsusuri

Mula sa Gawain 1, sagutin ang sumusunod.

1. Ano ang pagkakatulad ng hayop at tao?

2. Ano ang pagkakaiba ng hayop at tao?

3. Paano kumilos ang hayop? Ang tao?

4. Ano ang natuklasan mo tungkol sa hayop at tao batay sa pagsusuri ng larawan?

5. Kung ikaw ang tao na nasa larawan ano ang iyung gagawin?

Pagpapalalim

Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos na nangangahulugang ang tao


ay may katangiang katulad ng katangiang taglay Niya. Binigyan niya ang tao ng
kakayahang mag-isip, pumili at gumusto. May kakayahang alamin kung ano ang
mabuti at masama.
Ayon sa pilosopiya ni Santo Tomas de Aquinas, ang tao ay binubuo ng
ispiritwal at materyal na kalikasan. Kakabit ng kalikasang ito ay ang dalawang
kakayahan ng tao.(E.Esteban, 1990, ph.48)

5
1. Ang pangkaalamang pakultad (knowing faculty) dahil sa kanyang panlabas at
panloob na pandama at dahil sa isip kaya’t siya ay nakauunawa,
nanghuhusga, at nangangatwiran.
2. Ang pagkagustong pakultad (appetitive faculty) dahil sa mga emosyon at dahil
sa kilos-loob

Ipinakita ito ni Esteban gamit ang tsart sas ibaba:

Ang Kabuuang Kalikasan ng Tao


Kalikasan ng Tao Pangkaalamang Pakultad Pagkagustong Pakultan
Materyal Panlabas na Pandama Emosyon
(Katawan) Panloob na Pandama
Ispiritwal Isip Kilos-loob
(Kaluluwa)
(Rasyonal)

Ayon naman kay De Torre(1980) ang isip ay ang kaalaman o impormasyong


nakalap ng pandama ng tao ay pinalalawak at hinahatid sa isip upang magkaroon ito
ng mas malalim na kahulugan. Nangangahulugan lamang na magsisimulang
gumana ang isip kapag nalinang na ang pandama ng tao. Ang isip ay walang taglay
na kaalaman o ideya mula sa kapanganakan ng tao. Nakukuha niya ito sa ugnayan
niya sa reyalidad sa pamamagitan ng mga panlabas na pandama. Samakatuwid and
kakayahang ito na nakakabit sa materyal na katawan ang nagbibigay ng kaalaman
sa isip. Kung ang pandama ay depektibo, nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Ang
kilos-loob ay umaasa sa isip. Ibinigay ng isip ang katwiran bilang isang kakayahan
upang maimpliwensiyahan ang kilos-loob.

Tayong mga ato ay nilalang ng Panginoon na may likas na kaalaman tungkol


sa mabuti at masama. Ang kakayahan na gumawa ng malayang pagpili ay isa pang
sumasalamin sa paglalang ng tao na kawangis ng Diyos. Mayroon din siyang
tungkulin upang sanayin, paunlarin at gawing ganap and isip at kilos-loob. Tayong
mga tao ay biniyayaan ng napakalaking handog at iyong ang kalaayang mag-isip at
magdesisyon sa kung ano ang ating gagawin at gugustohin sa ating sarili. Ang
handog na ito ay maaring magamit ng tao sa maling paraan ngunit kung gagamitin
ang isip ng buong ingat , maaari tayong makaiwas sa maling kilos na magiging
resulta nito. Kaya bago gawin ang isang bagay dapat isiping mabuti kung nakakabuti
ba ito sayo, sa kapwa, sa pamilya at lalong lalo na hindi ba ito taliwas sa gusto ng
Panginoong Maykapal.

Ayon kay Santo Tomas ang Kilos-Loob ay isang makatuwirang pagkagusto


(rational appentency) sapagkat ang tao na may kilos-loob ay naakit sa mabuti at
kusang lumalayo sa masama. Halimbawa ang galit na aso ay maaring mangagat

6
ngunit ang tao na may Kilos-Loob gagamitin niya ang kanyang isip upang kumuha
nag buod o esensiya sa mga bagay na umiiral, maaring ang emosyon at ang kilos-
loob na magkaroon ng magkaibang pagkilos.

Mga gawain na ginagamit nang tama ang isip at kilos-loob, maaring magagamit mo
ang iyong isip at kilos-loob kung patuloy mong pinapanigan ang wasto at naayon sa
katwiran.

1. Huwag gumawa ng pandaraya sa iyong kapwa


2. Kahit na ikaw ay nasa gipit na kalagayan ay patuloy na tumulong sa
nangangailangan.
3. Tumulong sa pamayanan upang malutas ang mga suliranin
4. Maging maingat sa pagpili ng mga kakandidato sa gobyerno na may
kakayahang pamunuan an gating pamahalaan.

Ipinanganak man tayo na magkaiba, ngunit wag kalimutan tayo ay nilikha na


kawangis ng Diyos may isip at kilos-loob upang tayo ay maging malaya na ukitin ang
ating magiging kapalaran. Nakasalalay ang magiging bukas sa kung papaano natin
gagamitin ang ating isip at kilos-loob. Sa panahon ngayon ng pandemiya nararapat
mas kailangan nating gamitin ang ating isip at kilos-loob kung ano ang tamang
gawin. Halimbawa sa ilalim GCQ (General Community Quarantine) bawal lumabas o
gumala ang may edad 20 pababa at 60 pataas ngunit si Pablito na 15 taong gulang
ay patuloy pa ring gumagala , at sa kanyang paggala nahawa siya ng COVID 19. Sa
kanyang pag uwi sa bahay nahawaan din niya ang kanyang pamilya. Sa iyong
palagay nagamit ba ni Pablito ang isip at kilos-loob sa tamang paraan? Laging isipin
kung ano ang magiging kahinatnan ng iyong ginagawa, gamitin sa mabuti ang Isip at
Kilos-loob.

Paglalapat

Gawain 2

Punan ang loob ng kahon ng hinihinging sagot tungkol sa mataas na gamit at


tungkulin ng isip at kilos-loob at sagutin ang mga tanong sa ibaba ng kahon.
Pamatayan sa Pagmamarka
Katiyakan ng sagot 5
Organisasyon 3
Wika 2
10

7
Mahalagang gamit Kahalagahan nito
ngayong panahon ng
pandemic
Isip

Kilos-loob

1. Ano ang nauunawaan mo sa isip at kilos loob?

2. Bakit mahalagang gamitin ang isip at kilos-loob sa mataas na uri na gamit nito?

Gawain 3

Mag-isip ng pangyayari o senaryo na kung saan ay ginamit ng tama ang isip


at kilos-loob.

Pamatayan sa Pagmamarka
Nilalaman 5
Organisasyon 3
Wika 2
10

Mga senaryo Pangangatwiran Repleksyon sa iyong sarili


1.

2.

3.

4.

5.

8
Pagpapayaman/
Pagninilay

Napag-alaman ko na ____________________________________.

Napagtanto ko na _______________________________________

Ang aking gagawin ay ___________________________________

PANGWAKAS NA PAGTATAYA

I. Tukuyin ang sumusunod na pahayag kung ang sitwasyon ay


nagpapakita ng tamang paggamit ng isip at kilos-loob. Isulat ang TP sa
patlang kapag tama ang paggamit ng ist at kilos-loob, HTP naman
kapag hindi.
__1. Patuloy na nagsisikap ni Sandra sa pag-aaral upang makamit niya
ang kaniyang pangarap sa buhay.
__ 2. Pinili ng magkaibigan na tatawid sa kalsada kaysa sa umakyat pa
sa overpass upang mas mabilis makarating sa pupuntahan.
__ 3. Gabi nang umuwi si Miko at hindi nagpaalam sa kanyang mga
magulang kung saan siya pupunta.
___ 4. Uminum si Justin ng Juice, nang maubos ito ay wala siyang
makitang basurahan kaya’t itinapon na lang iya ito sa
lansangan.
___ 5. Tumulong sa mga gawain sa bahay at sa paaralan si Maria na
hindi na naghihintay na pagsabihan pa siya.

9
II. Sagutin ang mga sumusunod.
Pamatayan sa Pagmamarka
Nilalaman 5
Organisasyon 3
Wika 2
10

1. Ano ang mga mahahalagang sangkap ng tao?

2. Bakit mahalagang sanayin ng tao ang kanyang kilos-loob?

10
11
Gawain1.
1. Mata Mata
2. isip isip
3. rational na mag isip hindi rational na mag-isip
Panimulang pagtataya: 4. Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba. Ang sa
sagot ay maaring magkaiba-iba.
1. d 5. Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba. Ang sa
2. a sagot ay maaring magkaiba-iba.
Pagsusuri:
3. a
1. Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba.
4. b 2. Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba.
3. Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba.
5. c
4. Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba.
6. a 5. Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba.
Gawain 2. Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba.
7. c Gawain 3. Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba.
8. a Pangwakas na pagtataya:
9. a I.
10. c 1. TP
2. HTP
3. HTP
4. HTP
5. TP
II.
1. Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba
2. Ang sa sagot ay maaring magkaiba-iba
SUSI SA PAGWAWASTO
Katulad; Kaparis;
Wangis
Lumikha; Diyos; Bathala
Maykapal
o tumatanggi at nagbibigay katwiran.
Ang element sa isang indibidwal na nakadarama, nakakamalay, tumatanggap
Isip
The following terms used in this module are defined as follows:
Glossary
MGA SANGGUNIAN

Mary Jean B. Brinzuela et.al, 2015, Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasampung


Baitang, Unang Edisyon, 5th Floor Mabini Bldg.,DepEd Complex Meralco Avenue,
Pasig City Philippines 1600

Division of Negros Oriental ESP DLP Initiated

Prepared by:

Prepared by: Prepared by:

May-akda: Amancio M. Gainsan Jr., nakapagtapos ng Associate in


Information Technology at Bachelor in Secondary Education major in
Mathematics sa Negros Oriental State University-Siaton Campus.
CAR in Master of Arts in Mathematics teaching sa Negros Oriental
State University-Main Campus. Siaton 3 District ESP Subject
Specialist and kasalukuyang nagtuturo sa Maloh Provincial Community High School.

Illustrator: EDYL KRIS B. RAGAY


Teacher III (DepEd) – Maloh Provincial Community High School

Bachelor of Science in Computer Engineering (2009) – Asian


College of Science and Technology-Dumaguete City
Continuing Professional Education; major in Mathematics (2013)
– Colegio de San Francisco Javier – Rizal, Zamboanga del Norte

12
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like