Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Erandio, Angela P.

10-Palma A (Set B) 05-30-23

Pagsusuri ng El Filibusterismo
PETA # 4 - Q4

Ang nobelang El Filibusterismo o Ang Paghahari ng Kasakiman ay ang pangalawang


nobelang isinulat ng pambansang bayani ng Pilipinas na si Jose Rizal, na kaniyang
buong pusong inialay sa tatlong paring martir na lalong kilala sa bansag na
Gomburza o Gomez, Burgos, at Zamora. Ito ang karugtong o sequel sa Noli Me Tangere
at tulad sa Noli, nagdanas si Rizal ng hirap habang sinusulat ito at, tulad din nito,
nakasulat ito sa Kastila. Sinimulan niya ang akda noong Oktubre ng 1887 habang
nagpapraktis ng medisina sa Calamba.
Sa London, noong 1888, gumawa siya ng maraming pagbabago sa plot at
pinagbuti niya ang ilang mga kabanata. Ipinagpatuloy ni Rizal ang pagtatrabaho sa
kaniyang manuskrito habang naninirahan sa Paris, Madrid, at Brussel, at
nakompleto niya ito noong Marso 29, 1891, sa Biarritz. Inilathala ito sa taon ring iyon
sa Gent. Isang nagngangalang Valentin Ventura na isa niyang kaibigan ang
nagpahiram ng pera sa kanya upang maipalimbag at mailathala ng maayos ang aklat
noong Setyembre 22, 1891.
Ang nasabing nobela ay pampulitika na nagpapadama, nagpapahiwatig at
nagpapagising pang lalo sa maalab na hangaring makapagtamo ng tunay na
kalayaan at karapatan ng bayan.

Ang tatlong tauhan na tumatak sa aking isipan ay si Simoun ang mayamang mag-
aalahas, na nakasalaming may kulay, na umano'y tagapayo ng Kapitan Heneral
ngunit siya ay si Juan Crisostomo Ibarra na nagbalik upang maghiganti sa kanyang
mga kaaway. kung mapapansin niyo maraming tao ang katulad kay simoun
mayroong matatag na pag-iisip at katapangan na hindi mapapantayan. Hindi
nagpapatinag anuman ang gawin o sabihin ng iba. Mayroon din siyang
paninindigan.
pangalawa ay si Padre Florentino siya ay isang anak-mayamang klerigo na
napilitang magpari dahil sa pamimilit ng kaniyang ina at dahil na rin sa
pagmamahal niya rito siya rin ang amain ni isagani. siya ay maihahambing sa mga
taong walang sawa tumulong sa kanilang kapwa.
Si Macaraig naman ang mayamang mag-aaral na masigasig na nakikipaglaban para
sa pagtatatag ng Akademya ng Wikang Kastila para sa mga kabataang Pilipino. sa
panahon ngayon marami ka ng makikita kagaya kay macaraig kagaya ng mga
kabataang pilipino na may tiwala at paninindigan sa sarili..At susundin kung anong
gustong maabot sa buhay.

Ang tatlong pamagat o kabanata ng nobela at ang natutunan ko rito ay ang


"Kabanata 5: Ang Noche Buena ng Isang Kutsero" Sa kabanatang ito masasalamin na
ang bawat kakulangan at pagkakamali ay may katapat na parusa. dapat hindi tayo
magpapaapi sa mga taong walang awtoridad na tapakin tayo. Bawat tao ay may
karapatan at dapat natin to gamitin ng maayos at malaki ang pag-asa sa ilang
nilalang kahit tila puro pasakit na ang kanilang nararanasan. Likas sa mga Pilipino
na maniwalang darating din ang liwanag sa kabila ng tinatahak nilang malubak at
madilim na landas.

"Kabanata 14: Sa Bahay ng mga Mag-aaral" Ipinapakita dito na mulat ang mga
kabataan sa kanilang karapatan, kalayaan at katarungan. upang itaguyod ang
kapakanan ng mga Pilipino, nagkaroon sila ng lakas ng loob. ang mga estudyante
ay sumasagisag sa mga mamamayang nasa gitnang uri ng panahong iyon. Ninais
nilang magtatag ng Akademya ng Wikang Kastila upang magkaisa ang mga
Pilipino at maunawaan ang mga nagaganap sa lipunan at Isang magandang gawi
ang pagpaplano ang pag-uusap tungkol sa mga adhikain. Kung kikilos nang
sabay-sabay at iisa ang pangkat, tiyak na makakamit ang mithiin. "

"Kabanata 19: Ang Mitsa" Huwag mag paapekto sa mga suliraning


nararansan,maging matatag sa lahat ng pagsubok na dumarating sa buhay. at
huwag din pairalin ang galit at huwag magpadalus-dalos ng desisyon dahil sag
alit na nararamdaman natin minsan nakakaisip tayo ng hindi maganda, hindi na
natin naiisip ang mga madadamay na tao sa mga gagawin nating paghihiganti,
sapagkat ang nais na lamang natin ay ang makaganti sa mga taong may ksalalan
sa atin. Ipinapakita rin nito ang pagiging mapusok at mapangahas ng kabataan sa
pagharap sa kanilang mga problema, ngunit nagbibigay-diin din sa kahalagahan
ng pagpapayapa ng emosyon at pagsunod sa payo ng mga magulang upang
maiwasan ang pagkakamali sa mga desisyon sa buhay.

You might also like