Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

Republic of the Philippines

PHILIPPINE STATE COLLEGE OF AERONAUTICS


INSTITUTE OF LIBERAL ARTS AND SCIENCES
Piccio Garden, Villamor, Pasay City

KULTURANG
POPULAR NG
PILIPINAS
MODYUL NG PAGKATUTO
Ikalawang Edisyon (2022)

Larawan: https://www.pngitem.com/middle/TRTwTTb_clipart-
philippines-vector-png-transparent-png/

Inihanda ni:

LUIGI REGINALD B. RESOLES


Guro ng Agham Panlipunan
MODYUL 6
RELIHIYON NG MGA PILIPINO
Itinakdang Oras: Anim (6) na Oras
Ikalabing-apat hanggang Ikalabinlimang Linggo

Layunin ng Pagkatuto:

• Matukoy ang iba’t ibang klase ng katutubong at sibilisadong mga relihiyon na


umiiral sa Pilipinas.
• Makilala ang iba’t ibang kapistahan at pagdiriwang na pangkomunidad,
pangnayon at pangkalungsuran sa Pilipinas

Layunin sa Paksa ng Pagkatuto:

• Pagtukoy sa hahat ng umiiral na relihiyon at sistema ng paniniwala sa


Pilipinas.
• Pagkilala sa mga sikat na pagdiriwang at okasyon na nakabatay sa kultural na
mga tradisyon at panlipunang institusyong panrelihiyon.

Talaan ng mga Nilalaman Pahina Bilang ng Oras

Layunin 2 10 minuto

Kasaysayan ng Relihiyon sa Pilipinas 3-5 60 minuto


Iba’t Ibang Relihiyon at Sistema ng Paniniwala sa
6-14 120 minuto
Pilipinas
Mga Okasyong Panrelihiyon sa Pilipinas 15-23 60 minuto

Relihiyon sa Makabagong Panahon 24-25 50 minuto


Mga Gawain
• Gawain 1 26 30 minuto
• Gawain 2 27 30 minuto
Mga Sanggunian 28

2
Kasaysayan ng Relihiyon sa
Pilipinas
Sinipi at isinalin mula sa akda ni Jack Miller/ Asia Society

Natatangi ang Pilipinas sa Asya sa pagkakaroon ng pinakamataas na bilang


ng mga Kristiyano. Mahigit 79.5 na porsyento ng populasyon ay mga Katoliko,
mahigit 10 na porsyento ay kabilang sa iba't ibang katutubong Kristiyanong sekta
at higit sa 100 mga denominasyong Protestante. Bilang karagdagan sa
nakararaming Kristiyano, ang Pilipinas ay binubuo rin ng 6 na porsyentong mga
Muslim, na nakatuon sa Kanlurang Mindanao, Sulu, at Palawan. Nagkalat sa mga
magkakahiwalay na bulubunduking rehiyon sa bansa ang 2 porsyento na
sumusunod sa mga katutubong paniniwala at relihiyon. Ang minorya ng mga
Tsino, bagaman kakaunti, ay nakaimpluwensya sa pagbibigay ng kulay sa
tradisyong Katoliko sa Pilipinas na halaw sa maraming paniniwala at gawi ng
Budhismo, Taoismo, at Konfusiyanismo.
Ang mga pre-kolonyal na paniniwalang Pilipino ay nakatuon sa maraming
mga diyos, espiritu at mga nilalang na nagbabantay sa mga sapa, bukirin, puno,
kabundukan, kagubatan at mga tahanan. Si Bathala, na lumikha sa daigdig at
sangkatauhan, ang pinakamataas sa lahat ng mga diyos at espiritu. Ang mga alay
at dasal ay kadalasang ibinibigay sa mga diyos at espiritung ito-- ilan ay
mabubuti, habang ang iba ay masasama. Ang mga imaheng halaw sa kahoy at
metal ay kumakatawan sa mga sinaunang espiritu. Ang gantimpala at parusa sa
kabilang buhay ay nakabatay sa kilos at pag-uugali ng isang tao sa kanyang
mortal na buhay.

Ang bulul, bul-ul o


tinagtaggu, ay isa
lamang sa maraming
diyos, espiritu o
nilalang na gabay ng
mga sinaunang
sibilisasyong Pilipino.
(Larawan mula sa
Wikimedia Commons)

Ang sinomang taong kinikilalang may kapangyarihan sa natural at


supernatural ay awtomatikong inilalagay sa mataas na posisyong espiritwal. Ang
bawat barangay ay may kani-kaniyang mga pari o babaylan na nagpapamalas ng
kanilang kakayahan sa ritwalistikong panggagamot. Marami sa mga ito ang
naging tanyag at kilala dahil sa kanilang kakayahan na gumawa ng mga anting-
anting na siyang ginagamit na proteksyon ng mga tao sa mga masasamang
elemento. Ang iba naman ay naging matagumpay sa paggawa ng mga gayuma.

3
Mula sa mga katutubong relihiyong ito, dalawang banyagang relihiyon ang
ipinakilala sa bansa-- Islam at Kristiyanismo-- kung saan ang proseso ng kultural
na adaptasyon at sintesis ay nagsimula, at siyang patuloy pa rin na nangyayari.
Ipinakilala ng mga Espanyol sa Pilipinas ang Kristiyanismo noong 1565 sa
pagdating ni Miguel Lopez de Legaspi. Dalawang siglo bago ito, simula noong
1330, lumalaganap na ang Islam pahilaga mula sa mga kapuluan ng Indonesia
patungo sa Pilipinas. Pagdating ng mga Espanyol noong ika-16 na siglo, ang Islam
ay tuluyan nang naging laganap sa Mindanao, Sulu at may iilan na ring
pamayanang Muslim na sumisibol sa Cebu at Luzon. Dala na rin ng kanilang
tradisyon na palayasin ang mga Hudyo at mga Moro mula sa Espanya, mabilis na
pinalayas ni Legaspi ang mga Muslim sa Luzon at Visayas at sinimulan ang
prosesyo ng Kristiyanisasyon sa mga pulong ito. Gayunpaman, nahirapan ang
mga Espanyol na sakupin ang kabuuan ng Mindanao at Sulu, sa kabila ng kanilang
mahigit 300 taong kolonisasyon, dahil na rin sa matatag na sistemang
panlipunan at politikal ng mga Moro. Pagdating ng mga Amerikano sa unang
bahagi ng ika-20 siglo, nanatili ang pag-aalsa ng mga Muslim sa Mindanao sa
tinaguriang Digmaang Moro. Matapos makamit ng Pilipinas ang kalayaan,
partikular na sa mga nakaraang dekada, mayroon pa ring mariing pagtutol ang
mga Muslim sa Mindanao sa pambansang integrasyon. Ayon sa mga tumututol,
ang integrasyon na ito ay magdudulot ng pagkawala ng kanilang sariling
tradisyon at kultura. Dito rin sa pagtutol na ito umusbong ang labanan sa
pagitan ng pamahalaan ng Pilipinas at ng iba’t ibang milisyang Muslim, gaya ng
Moro National Liberation Front at Moro Islamic Liberation Front, na
nagtataguyod sa mas mataas na antas ng awtonomiya o ganap na kalayaan.
Habang nanatiling matatag ang Islam sa Mindanao, patuloy na sinakop at
ipinalaganap ng mga Espanyol ang Kristiyanismo sa nalalabing bahagi ng
Pilipinas. Kadalasang gumagamit ng pwersang militar ang mga Espanyol upang
sapilitang ipalaganap ang Kristiyanismo. Upang maiwasan ang pandurukot at
mas madaling makontrol ng mga Espanyol ang mga Kristiyanisadong Pilipino,
binago ang iskema ng paninirahan ng mga Pilipino mula sa mga hiwa-hiwalay na
pamayanan patungo sa mga organisadong bayan o pueblo. Ang iskema ng
paninirahang ito ay kita pa rin sa kasalukuyang anyo sa karamihan ng mga bayan
sa Pilipinas. Ang mga pueblo na ito ay may sibil at eklesiyastikong
kapangyarihan; ang pinaka-dominanteng kapangyarihan noong panahon ng mga
Espanyol ay nagmumula sa mga kura-paroko. Ang mga simbahan, na kadalasang
nasa gitna ng mga plaza, ay naging sentro sa pamumuhay ng mga Pilipino. Ang
mga misa, kumpisal, bautismo, paglilibing at kasal ay naging kabahagi ng pang-
araw-araw na buhay. Tinatakda naman ng kalendaryo ng simbahan ang ritmo o
kilos ng pamayanan batay sa mga pistang bayan at pagdiriwang ng mga
relihiyosong okasyon. Ang mga palengke at sabungan ay umusbong din sa palibot
ng mga simbahang ito. Ang 400 taong pamamalagi ng Katolisismo ay nagkaroon
ng magkahalo ngunit permanenteng resulta sa pamumuhay ng mga Pilipino--
mula sa pagkakaroon ng malalim na teolohikal na pag-unawa ng mga edukadong
Pilipino hanggang sa mababaw na pag-unawa ng mga karaniwang tao. Ang
mababaw na pang-unawang ito ay umusbong sa kilala bilang Sinkretisadong
Kristiyanismo, kung saan ang batayang paniniwalang Kristiyano ay naihalo sa
mga katutubong paniniwala o animismo. Maaari itong masaksihan sa mga
magsasaka na humihiling sa mga butil ng palay ng pagpapala bago ito itanim, o
ang paglalagay ng mga krus na gawa sa kawayan upang mapigilan ang
pamiminsala ng mga insekto sa kanilang sakahan. Maaari rin itong makita sa
pamamagitan ng mga albularyong gumagamit ng Katolikong simbolo at liturhiya
sa panggagamot gamit ang mga katutubong ritwal.

4
Ang mga pamayanang
isinailalim sa reduccion
ay karaniwang
napalilibutan ng
simbahan, palengke,
paaralan, bahay
pamahalaan at plaza sa
gitna nito. (Larawan mula
sa Wikimedia Commons)

Noong 1898, dumating at pumalit sa posisyon ng mga Espanyol ang mga


Amerikano. Ang dahilan nila sa kanilang pagdating ay upang ipalaganap ang
demokrasya at Kristiyanismo sa bansa. Naniniwala sila na ito ay matatamo
lamang sa pamamagitan ng edukasyon. Karamihan sa mga gurong ipinadala ng
mga Amerikano sa Pilipinas ay mga Protestante, at ang ilan pa sa mga ito ay
mga ministro o pastor ng mga Protestanteng denominasyon ng Kristiyanismo.
Dahil dito, nagkaroon ng pagkiling ang mga gurong ito laban sa mga Katoliko. At
dahil kontrolado ng mga Protestanteng guro ang sistema ng edukasyon sa
panahong ito, nagkaroon sila ng malawak na impluwensya.
Sa panahon ng rebolusyon laban sa Espanya, isang pambansang simbahan
ang itinatag sa ilalim ng pamamahala ni Gregorio Aglipay. Ang mga obispong
Espanyol ay tinanggal sa pwesto at ipinaaresto, lahat ng pagmamay-ari ng
simbahan ay inilipat sa Iglesia Filipina Independiente (IFI)-- mas kilala bilang
mga Aglipayan. Sa unang bahagi ng ika-20 siglo, umabot sa 25 hanggang 33
porsyento ang mga miyembro ng IFI. Ngayon, ang bilang nila ay umaabot na
lamang sa 5 porsyento at kaagapay na ng Simbahang Episkopal ng Estados
Unidos. Isa pang katutubong sekta ng Kristiyanismo ang umusbong noong 1914
nang itatag ni Felix Manalo ang Iglesia Ni Cristo. Bukod dito, may maliliit na
sekta pa ang umusbong gaya ng mga Rizalista, na naniniwalang si Jose Rizal ang
ikalawang anak ng Diyos at muling pagsasakatawang-tao ni Hesukristo
Kadalasang ipinapahayag ng mga pinuno ng maliliit na sektang ito na sila ay
reinkarnasyon nina Jose Rizal, Santa Maria, o mga pinuno ng rebolusyon;
inihahayag na malapit na ang paghuhukom sa mga hindi sumasampalataya; at
ang kaligtasan ay sa pamamagitan lamang ng pagsali sa kanilang sekta. Isa sa
mga kasalukuyang halimbawa ng mga maliliit na sektang ito ay ang PBMA o
Philippine Benevolent Missionary Association na itinatag ni Ruben Ecleo.
Ang mga umusbong at patuloy pang pag-usbong ng iba’t ibang relihiyon sa
bansa ay sumasalamin sa mayaman at minsan ay masalimuot na kasaysayan ng
Pilipinas. Mula nang matamo ng Pilipinas ang kalayaan, nanatili na ang
paghihiwalay ng estado at simbahan, na siya namang nagbibigay garantiya sa
malayang pananampalataya (o hindi pananampalataya) ng mga Pilipino, bilang
bahagi ng karapatan at kalayaang itinatakda, hindi lamang ng konstitusyon,
kundi pati na rin ang kultura ng pagtanggap ng mga Pilipino.

5
Iba’t Ibang Relihiyon at Sistema ng
Paniniwala sa Pilipinas
Isinalin mula sa mga piling akda

Sa naunang bahagi ng modyul na ito, masasabi na ang iba’t ibang relihiyon


at sistema ng paniniwala sa Pilipinas ay hinulma ng karanasang historikal. Ayon
sa tala ng Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas (Philippine Statistics
Authority) nasa 79.5% ng mga Pilipino ay mga Katoliko. Tinatayang 9.5% naman
ay nabibilang sa iba’t ibang minoryang relihiyon at mga denominasyong
Protestante. Nasa 6% naman ang mga Muslim na karamihan ay matatagpuan sa
kanlurang Mindanao at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao
(BARMM). Samantala, 2.6% naman ay kabilang sa Iglesia ni Cristo habang ang
nalalabing 2.4% naman ay kasapi ng Philippine Council of Evangelical Churches
(PCEC).

Katolisismo
Ang Simbahang Katoliko ang pinakamalaking organisasyong panrelihiyon na
umiiral sa Pilipinas. Noong 2015, tinatayang nasa 79.5% o mahigit 87 milyong
mga Pilipino ang miyembro ng simbahang ito. Si Papa Francisco, na Obispo ng
Roma, ang pinakamataas na pinuno nito. Katulad ng ibang sangay ng
Kristiyanismo, ang Bibliya ang pinakabanal na aklad ng mga Katoliko.

Si Papa Francisco ang


kasalukuyang Santo Papa
ng Simbahang Katoliko.
Siya rin ang kauna-
unahang Santo Papa na
nagmula sa labas ng
Europa sa loob ng halos
1,300 na taon. (Larawan
mula sa ABC News)

6
Ilan sa mga batayang paniniwala ng Simbahang Katoliko ay ang mga
sumusunod:
 Ang Diyos Ama, Anak, at Espiritu Santo ay iisang diyos sa tatlong persona.
 Apat na Marka ng Simbahan (Iisa, Banal, Katoliko at Apostoliko).

 Ang kaligtasan ay matatagpuan lamang mula sa awa ng Diyos.

 Ang Bibliya at ang libong taong mga batayan at saligan ng mga paniniwala at
kaugalian sa loob ng simbahan.

 Ang purgatoryo ay tumutukoy sa estado ng paglilinis sa kaluluwa ng mga


namayapang nakadestino patungong langit.

 Maaaring manalangin sa pamamagitan ng mga santo patungo sa Diyos.

Bukod sa mga batayang paniniwala nito, binibigyan din ng simbahan ng


lubos na pagpapahalaga ang pitong sakramento nito:
 Binyag- Ang pinakaunang sakramento na tinatanggap ng isang Katoliko.
Sinasabi na dito nagsisimula ang kanyang buhay bilang isang mananampalataya
sapagkat ito rin ang unang hakbang sa pagtanggap ng iba pang mga
sakramento.

 Kumpil- Ang kumpil ay tumutukoy sa pagtanggap sa Espiritu Santo ng isang


Katolikong nasa wastong gulang na upang sagutin ang mga pangako ng binyag
na unang sinagot ng mga magulang, ninong at ninang.

 Banal na Eukaristiya- Ang Banal na Eukaristiya ay pinaniniwalaan bilang


sentro ng isang buhay Kristiyano. Nagaganap ito sa pamamagitan ng
pagtanggap ng mga mananampalataya ng katawan ni Hesukristo.

 Kumpisal- Ang kumpisal ay tumutukoy sa paghingi ng tawad ng isang


mananampalataya mula sa mga sala at kasalanang mortal nito.

 Pagpapahid ng Langis sa Maysakit- Katulad ng pagtulong ni Hesukristo sa mga


may karamdaman, ipinapanalangin ng mga pari ang mga may karamdaman at
pinapahiran ng banal na langis.

 Banal na Orden- Ang isang lalaking nahubog sa paglilingkod sa simbahan ay


makatatanggap ng ordinasyon bilang isang diyakono o pari, at bilang isang
obispo sa kautusan ng Santo Papa.

 Kasal- Ang kasal ay ang pagbubukod ng isang babae at isang lalaki upang
bumuo ng isang pamilya

Ilan sa mga natatanging gusali ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas na matatagpuan sa


Laoag sa Ilocos Norte, Miag-ao sa Iloilo, Maynila at Santa Maria sa Ilocos Sur na
napabilang sa UNESCO World Heritage Site list. (Larawan mula sa Wikimedia Commons)

7
Islam
Ang Islam ang ikalawang pinakalaganap na relihiyon sa Pilipinas.
Tinatayang nasa 6%, o 6.6 na milyong mga Pilipino ang kabahagi o miyembro ng
relihiyong ito.

Katolisismo Islam

] Ang kanlurang
Mindanao ang may
pinakamataas na
konsentrasyon ng
mga Muslim sa
bansa. (Larawan mula
sa Wikimedia
Commons)

Ang Islam ay may tatlong pangunahing sekta, ang Sunni na bumubuo sa


84% na kabuuang bilang ng mga Muslim sa mundo; ang Shia na bumubuo sa 15%
at Sufi na bumubuo sa 1%. Ang talahanayan sa baba ay nagpapakita ng
pagkakaiba at pagkakapareho ng paniniwala ng mga nabanggit na sangay ng
Islam.

Sunni Islam Shia Islam Sufi Islam


Hindi kinakailangang Tanging mga kamag- Ang mga Sufi ay
kamag-anak ni anak lamang ni maaaring kabahagi ng
Muhammad ang maging Muhammad ang Sunni o Shia Islam. Ang
Caliph o tagapangasiwa maaaring maging tanging pokus ng
ng relihiyon. Caliph o tagapangasiwa Sufismo ay mistikong
ng relihiyon. tradisyon nito na hindi
kadalasan natatagpuan
sa mainstream na
sangay ng Sunni o Shia
Islam.
Nag-iisa lamang ang Diyos, si Allah.
Ang Al Qur’an ang banal na aklat ng Islam.
Kinakailangang isagawa ang limang haligi ng Islam.

Sa Pilipinas, higit 90% ng mga Muslim ay napapabilang sa sangay ng Sunni


Islam, katulad ng mga kalapit-bansa nito na Malaysia, Brunei at Indonesia. Ang
Al-Qur’an (the recitation) ay ang batayang aklat ng Islam na pinaniniwalaang
inilahad nang pasalita ng Diyos sa kanyang huling mensahero na si Muhammad sa
loob ng 23 taon. Ang aklat ay naglalaman ng 114 na kabanata na nahahati rin sa
mga taludtod.
Anoman ang sangay na kinabibilangan, lahat ng mga Muslim ay inaasahan
ang pagtalima sa limang haligi ng Islam. Ang limang haligi ng Islam ay ang mga
sumusunod:

8
 Shahada- Ang Shahada ay salitang Arabe na tumutukoy sa pagpapahayag ng
pananampalataya sa iisang Diyos at kanyang mensahero. Ito rin ay isa sa
limang mga haligi ng Islam.

Ang pagbigkas sa Shahada ang unang hakbang sa paglago ng isang tao sa pananampalataya bilang
Muslim. (Larawan mula sa Islamic Society of Frederick)

 Salah- Ang Salah ay tumutukoy sa limang ispesipikong panalangin, na may


iba’t ibang katawagan, ay kinakailangang isagawa bawat araw. Ang Fajr ang
pinakaunang panalangin na ginagawa bago sumikat ang araw. Ang Dhuhr
naman ay isinasagawa sa tanghali. Ang Asr ay isinasagawa naman tuwing
hapon. Ang Maghrib ay ginagawa sa paglubong ng araw at ang Isha ay
ginagawa sa gabi.

 Zakat- Ang Zakat (pagbibigay-limos) ang ikatlong haligi ng Islam. Ang zakat
ay kadalasang ibinibigay bilang 2.5% ng kita ng isang indibidwal.
Gayunpaman, maaari rin itong ibigay sa pamamagitan ng pagkakawang-gawa.

 Sawm- Ang Sawm (pag-aayuno) ang ikaapat na haligi ng Islam. Ito ay


tumutukoy sa pag-aayuno sa buwan ng Ramadan bilang pagpapakumbaba at
paggunita ng mga Muslim sa kanilang pananampalataya.

 Hajj- Ang Hajj (paglalakbay sa banal na lugar) ay ang ikalimang haligi ng


Islam. Ito ay tumutukoy sa responsibilidad ng mga Muslim (na may kakayahan)
na pumunta sa Mecca bilang pagpapahayag ng debosyon sa Diyos. Ang mga
nakagawa ng paglalakbay na ito ay binibigyan ng titulong haji o hajjah.

Ang Masjid Sultan Haji Hassanal Bolkiah sa Lungsod ng Cotabato (kaliwa) ang pinakamalaking
moske sa Pilipinas na may kapasidad na 15,000 katao. Ang Masjid Al Dahab naman sa Maynila
ang pinakamalaking moske sa NCR. Itinayo ito noong dekada ‘70 mula sa donasyon ng
pamahalaan ng Libya.

9
Ang Masjid Dimaukom (kaliwa) naman sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao ay naging tanyag
dahil sa natatanging kulay ng gusali nito. Samantalang ang Masjid Sheik Karimul Makhdum naman
sa Simunul, Tawi-Tawi ang pinakamatandang moske sa Pilipinas na itinayo noong 1380.

Sa bisa ng Batas Republika Blg. 9996 na naisabatas noong Pebrero 18,


2010, itinatag ang Pambansang Komisyon ng mga Pilipinong Muslim upang
mapangalagaan ang karapatan ng mga Pilipinong Muslim. Ang ahensyang ito, na
nasa direktang pangasiwaan ng Tanggapan ng Pangulo, ay kasalukuyang
pinamumunuan ni Saidamen Balt Pangarungan. Ilan sa mga tungkulin ng
ahensya ay ang mga sumusunod:
 Ugnayan sa mga bansang Muslim

 Pag-agapay sa mga nais maglakbay sa Mecca.

 Pagpapatupad ng mga sosyo-ekonomiko at kultural na programa.

 Pagsasagawa ng patimpalak sa pagbasa ng Al Qur’an.

 Pagsulong at pagpapaunlad ng mga pamayanang Muslim at mga kaagapay na


institusyon.

 Pagtulong sa mga sumukong rebelde.

 Pag-agapay sa pagpapatupad ng Shari’ah.

Protestantismo
Ang Protestantismo sa Pilipinas ay isang sangay ng Kristiyanismo na
dumating sa Pilipinas sa pagpasok ng mga Amerikano noong 1898. Noong 2015,
tinatayang nasa 8% o halos 9 na milyong mga Pilipino ang bahagi ng sangay na
ito. Ang Protestantismo ay umusbong noong 1517 sa paglalathala ni Martin
Luther ng kanyang 95 Theses na kumukuwestiyon sa ilang katuruan ng
Simbahang Katoliko. Hindi rin katulad ng Simbahang Katoliko, ang
Protestantismo ay hindi isang sentralisadong organisasyong panrelihiyon. Ito ay
nahahati pa sa mas maliliit na mga sangay o sekta na mayroong pagkakaiba sa
teolohiya at estilo ng pagsamba.

Ang Protestantismo ay
binubuo ng daan-daang
mga denominasyon na
may pagkakaiba sa
teolohiya at estilo ng
pagsamba. (Larawan
mula sa Diffen)

10
Kahit na may pagkakaiba sa teolohiya at estilo ng pagsamba ang iba’t
ibang denominasyong Protestante, sila naman ay nakabigkis sa tatlong batayang
paniniwalang ito:
 Ang Bibliya ang natatanging awtoridad pagdating sa mga usaping espiritwal at
panrelihiyon.

 Ang kaligtasan ng sangkatauhan ay tanging nagmumula lamang sa biyaya ng


Diyos (hindi sa ano mang uri ng gawa ng tao).

 Lahat ng mga Kristiyano ay may kakayahang magkipag-ugnayan sa Diyos,


magpatotoo sa mga biyaya ng Diyos, at humingi o tumanggap ng kapatawaran
sa Diyos.

Matapos ang pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas, lumobo ang bilang


ng mga denominasyong Protestante sa Pilipinas. Dahil dito, may mga umbrella
organizations na itinatag upang mapaigting ang ugnayan sa iba’t ibang mga
simbahan at denominasyong Protestante.
Itinatag noong 1963, ang National Council of Churches in the Philippines
ay isa ring katipunan ng mga simbahang Protestante na nagsusulong ng
ekumenismo sa Pilipinas. Ilan sa mga simbahang miyembro nito ay ang
independent Catholic churches, Baptists, Methodists, at marami pang iba.
Makalipas ang dalawang taon, itinatag naman ang Philippine Council of
Evangelical Churches. Isa itong samahan ng 78 iba’t ibang denominasyon at
organisasyong Protestante kabilang na ang mga Baptists, Methodists,
Lutherans, Pentecostals at marami pang iba.

Ang NCCP at PCEC ay dalawa lamang sa marami pang samahan ng mga simbahang
Protestante sa Pilipinas. (Larawan mula sa NCCP at PCEC)

Ang mga logo ng iba’t ibang mga simbahang Protestante na matatagpuan sa Pilipinas.

11
Ang Central United Methodist Church (kaliwa) sa Maynila ang pinakamatandang simbahang
Protestante sa Pilipinas na itinatag noong 1899. Ang Church of Saint Mary the Virgin naman sa
Sagada, Mountain Province ay tanyag sa mga turista na bumibisita doon. Kalakhan ng mga taga-
Sagada ay mga Episcopalian.

Iglesia ni Cristo
Ayon sa Senso 2015, nasa 2.6% o 2.86 na milyong mga Pilipino ang
miyembro ng Iglesia ni Cristo. Isa rin ito sa mga pinakamalaking katutubong
sangay ng Kristiyanismo. Si Eduardo V. Manalo ang ikatlo at kasalukuyang
Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia ni Cristo. Ang mga sumusunod ay ilan
lamang sa mga batayang paniniwala nito:
 Ang Diyos Ama lamang ang nag-iisang diyos at ang tradisyonal na pananaw ukol
sa trinity ay itinuturing na heretiko.

 Ang Iglesia ni Cristo ang tunay na iglesia na itinatag ni Hesukristo.

 Ang kaligtasan ay matatagpuan lamang sa loob ng Iglesia ni Cristo.

 Ang Bibliya ang tanging batayan at saligan ng mga paniniwala at kaugalian sa


loob ng Iglesia.

Ang kapilya sa Lokal ng Punta, Santa Ana, Maynila (kaliwa) ang kauna-unahang kongregasyon ng
Iglesia ni Cristo na itinatag noong 1914. Isa na itong museo sa kasalukuyan. Ang Templo Sentral
naman sa Commonwealth Avenue, Quezon City ang pinakamalaking kapilya ng Iglesia ni Cristo.
Binuksan noong 1984, ang nasabing gusali ay may kapasidad na 7,000 katao.

12
The Church of Jesus Christ of
Latter-day Saints
Ayon sa talaan ng The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints
(Mormon o LDS), 0.74% o nasa 805,000 na mga Pilipino ang kabilang sa
simbahang ito. Dahil sa natatanging teolohiya at paniniwala nito, itinuturing
itong hiwalay sa mainstream na Kristiyanismo. Si Joseph Smith, na kinikilala
ring propeta, ang nagtatag ng simbahang ito noong 1830. Siya rin ang kauna-
unahang Presidente nito. Ang mga sumusunod ang ilan lamang sa mga batayang
paniniwala ng The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints:
 Paniniwala sa Godhead o ang pagkakaroon magkakaibang persona ng Ama,
Anak, at Espiritu Santo

 Ang tradisyonal na pananaw ukol sa trinity ay itinuturing na heretiko.

 Ang Bibliya, Aklat ni Mormon, Doktrina at mga Tipan at Mahahalagang Perlas


ang mga banal na aklat ng mga Mormon.

 Paniniwala na itatatag ni Hesukristo ang kanyang bagong kaharian sa Amerika.

 Paniniwala sa Plano ng Kaligtasan na tumutukoy sa pag-iral ng espiritu ng tao


bago, habang, at pagkatapos ng pag-iral sa mundo.

Pinasinayaan noong 1984, ang Manila Philippines Temple (kaliwa) sa Quezon City ang ika-29 na
templo ng The Church of Jesus Christ of Latter-day Saints. Ang larawan naman sa kanan ay ang
tipikal na kapilya ng simbahan. Mayroong higit sa 800 na kapilya ang matatagpuan sa buong
Pilipinas.

Saksi ni Jehova
Tinatayang nasa 0.21% o 230,000 na mga Pilipino ang kabilang sa mga
Saksi ni Jehova. Ang sangay na ito ng Kristiyanismo ay itinatag ni Charles Taze
Russel sa Estados Unidos noong 1870s. Nagsimula ang pagmi-misyon nito sa
Pilipinas noong 1946 sa pamamagitan ng kanilang Disaster Relief Committees
bilang pagtulong sa mga naging biktima ng sakuna. Ilan sa mga paniniwala ng
simbahang ito ay ang mga sumusunod:
 Katulad ng Iglesia ni Cristo at ng mga Latter-day Saints. Ang mga Saksi ni
Jehova ay restorationist na sangay ng Kristiyanismo.

 Jehova ang pangalan ng Diyos at lahat ng pagsamba ay sa kanya lamang.

 Si Hesus ang natatanging likha ni Jehovah at lahat ng iba pang mga nilikha ay
sa pamamagitan ni Hesus sa kapangyarihan ni Jehova.

 Ang Espiritu Santo ay puwersa ng kapangyarihan ni Jehovah at hindi persona.

13
 Ang impiyerno sa nakasanayang konteksto ay hindi umiiral at ang kamatayan
ay estado lamang ng kawalan ng kamalayan.

 Tanging 144,000 lamang ang makapupunta sa langit (Pahayag 14:1-4) at ang


nalalabing mga mananampalataya ay muling bubuhayin sa pagtatapos ng
Armageddon at ang daigdig ay magiging paraiso para sa mga
mananampalatayang ito.

Ang Kingdom Hall


ang tipikal na
gusaling sambahan
ng mga Saksi ni
Jehova. (Larawan
mula sa JW.org)

Iba pang mga Relihiyon


Bukod sa mga naunang nabanggit, ang Pilipinas ay may maliit na
komunidad ng mga kabilang sa Budhismo, Sikhismo, Hinduismo, Judaismo at
Orthodox Churches. Binubuo nila ang mas mababa pa sa 1% ng kabuuang
populasyon ng Pilipinas.

Mula itaas: Ang Beit Yaacov Synagogue sa Makati ang nag-iisang sinagoga sa Pilipinas. Ang
Annunciation of the Theotokos Orthodox Cathedral naman sa Sucat, Parañaque ay isa sa
mga iilang simbahang Orthodox sa Pilipinas. Ang Khalsa Dewan Temple naman ay isang
templo para sa mga Indian expatriates (na karamihan ay mga Sikh at hindi Hindu) na
naninirahan sa Pilipinas. Ang Seng Guan Temple naman ay isang Buddhist temple na
matatagpuan sa Tondo, Maynila.

14
Mga Okasyong Panrelihiyon sa
Pilipinas
Isinalin mula sa mga piling akda

Dahil na rin sa hitik na kasaysayan ng Pilipinas, maraming iba’t ibang


okasyon at kapistahang panrelihiyon ang ipinagdiriwang ng mga Pilipino. Sa
bahaging ito ay isasalarawan ang mga okasyong panrelihiyon na binibigyang
halaga ng mga Pilipino.

Pasko
Bilang isa sa may pinakamalaking bilang ng mga Kristiyano, hindi lamang
sa Asya, pati na rin sa buong mundo, ang Pilipinas ay kilala na sa mahabang
pagdiriwang nito ng Pasko. Sa unang araw pa lamang ng Setyembre, nagsisimula
nang marinig ang mga awiting pamasko sa mga iba’t ibang mga lugar katulad ng
mga mall, grocery store pati na rin sa telebisyon. Sa katunayan, sa araw din na
ito nagsisimula ang countdown o pagbibilang ng araw bago sumapit ang pasko sa
bansa.

Sa unang araw pa
lamang ng
Setyembre, puno na
ng pagdiriwang at
dekorasyon ang
studio ng Unang Hirit
ng GMA. (Larawan
mula sa GMA News)

Tanging ang mga countdown at pagpapatugtog ng mga awiting pamasko


lamang ang magpapatuloy mula Setyembre hanggang sa ikalawang linggo ng
Disyembre. Pagsapit ng Disyembre 16, magsisimula ang unang umaga ng Misa de
Gallo na magtatapos sa Disyembre 24. Ang siyam na misang ito ay kinikilalang
Novena ng mga Katoliko at ng mga Aglipayan. Ito ay tumutukoy sa kinasanayang
siyam na araw na paniniwala para makakuha ng magandang biyaya. Ang siyam
na araw ay nangangahulugan ng siyam na buwan ng pagdadalang tao ng Birhen
Maria.
Nakasanayan o nakaugalian na rin ng mga Pilipino na pagkatapos ng misa,
ang mga nagsisimba ay kumakain na ng agahan sa bahay o bumibili sa Plaza o
bangketa ng bibingka (gawa sa harina, kanin, at may itlog sa ibabaw na niluluto
gamit ang uling sa lutuang gawa sa palayok), puto bumbong (malagkit na kanin
na pinasok sa kawayan na may asukal at kinayod na niyog), salabat (mainit na
tsaang gawa sa luya) at inuming tsokolate (tradisyonal na panimpla).

15
Bukod sa relihiyosong
konotasyon ng Misa de
Gallo, inaabangan din
ang mga kakanin na
inilalako tuwing sasapit
ang okasyong ito.
(Larawan mula sa Medium)

Pagsapit ng ika-10 ng gabi sa bisperas ng Pasko, tradisyon na para sa mga


Katolikong Pilipino na dumalo para sa huling Simbang Gabi bilang pasasalamat
sa biyayang binigay sa nagdaang taon at para ipagdiwang ang kaarawan ni
Hesus. Ang mga Pilipino, tulad ng ibang nagdiriwang ng Pasko sa buong mundo,
ay nagsasalo pagsapit ng hating-gabi sa tradisyonal na Noche Buena. Ang tipikal
na handang Pilipino tuwing Pasko ay ang queso de bola, inuming tsokolate,
hamon, at ibang mga handa na impluwensiya ng Kanluran katulad ng spaghetti,
macaroni o fruit salad at Silangan katulad ng lumpiang Shanghai at pancit.
Pagkatapos ng kainan ay binubuksan na ang mga regalo.
Sa ilang probinsya sa Pilipinas ay may prosisyon bago ang huling Simbang
Gabi. Sinasadula nila ang panunuluyan ni Jose at Birheng Maria hanggang makita
ang sabsaban.
Ang araw ng Pasko ay tradisyonal na gawaing pampamilya. Ang misa sa
umaga pagkatapos ng huling Simbang Gabi ay tinatawag na Misa de Aguinaldo.
Pagkatapos ng misa, ang mga pamilyang Pilipino ay bumibisita sa kanilang
mga kamag-anak, ang iba sa mga ninong at ninang. Sinisimulan ito sa
pagmamano bilang respeto sabay ng pag-abot ng regalo na kadalasan ay perang
bagong imprenta ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Pagkatapos nito ay nagsasalo
ang buong angkan sa tradisyonal na tanghalian. Sa hapon, ang ibang pamilya ay
umuuwi na o pumunta sa pampublikong lugar tulad ng parke, mall, sinehan at
tabing dagat. Mula 1975, naging tradisyon na ng mga sinehan sa Maynila, at
ngayon sa buong Pilipinas, na hindi magpalabas ng pelikulang banyaga at ito ay
tinatawag na Metro Manila Film Festival. Isa ring kakaibang tradisyon ay
nagpapaputok ng rebentador, kwitis at iba pa sa araw ng Pasko.

Naging bahagi na ng
pagdiriwang ng Pasko sa
Pilipinas ang panonood
ng sine na karamihan ay
mga pelikulang gawang-
Pilipino na kalahok sa
Metro Manila Film
Festival. (Larawan mula sa
Esquire)

16
Mahal na Araw
Mula sa akoaypilipino.eu

Ang Mahal na Araw ay ang panahon ng paggunita at pagbabalik-loob ng


mga Kristiyanong Filipino sa tagapagligtas na kumakatawan kay Hesukristo.
Taon-taon, ipinagdiriwang ito upang palalimin ang pananampalataya, binubuhay
ang mahabang tradisyon ng mga Kristiyano, gaya ng pag-aayuno at pamamanata.
Nakikiisa sa ginawang pagpapakasakit ni Hesukristo para sa kaligtasan ng buong
daigdig. Naniniwala na muling nabuhay si Hesukristo at magbabalik bilang
patotoo sa mga ipinangaral nito sa kaniyang mga alagad at mananampalataya.

Ang Miyerkules ng Abo ay


naghuhudyat ng
pagsisimula ng Mahal na
Araw. (Larawan mula sa
Catholic News Service)

Ang Mahal na Araw ay nagsisimula pagsapit ng Miyerkules ng Abo, ang


araw na kinukrusan ng abo sa noo ang mga deboto bilang tanda ng kanilang
pagsisisi. Paalaala rin iyon na “sa abo nagmula ang lahat, at sa abo rin
magbabalik pagsapit ng wakas.” Miyerkules ng Abo ang naghuhudyat ng
pagbubukas ng panahon ng pagsisisi, pag-aayuno, at pangungumpisal, na pawang
paghahanda sa malagim na pasyon ni Hesukristo sa kamay ng kaniyang mga
tagausig. Tumatagal nang 40 araw ang taunang tradisyon, at nagtatapos sa
Pasko ng Pagkabuhay ni Kristo na ginaganap pagsapit ng Linggo.
Kilala ang mga Filipino sa paggunita ng Mahal na Araw. Ito ang
pinaniniwalaang paraan upang magbalik-loob sa Diyos at talikuran ang mga
maling pamumuhay.
 Mga Sakripisyo at Gawain
 Pabasa- Inaawit o kaya’y binabasa ng mga deboto ang mahabang
pasyon ni Hesukristo. Ang nasabing pasyon na nasa anyong patula ay
hango sa Bibliya ng mga Katoliko Romano. Ang grupo ng mang-aawit ay
kakanta nang sabay sa saliw ng luma o bagong kanta.
 Senakulo- Ginaganap sa lansangan o entablado, ang senakulo ay
pagsasadula ng mga pangyayari hinggil sa mga dinanas ni Hesukristo
bago at matapos ipako siya sa krus. Hango ang nasabing tradisyon sa
Bibliya at iba pang tekstong apokripa. Pinakatanyag na senakulo ang
ginaganap sa Marinduque, na tinawag na Pista ng Moriones.

17
 Paghahagupit ng latigo sa harap ng Madla—Ito ang pagsasadula ng
pagpapahirap at pagkamatay ni Kristo na ipinako sa krus. Ginagawa ito
ng mga Katoliko na may panata, gaya ng masisilayan sa Pampanga at
Rizal. Ang gayong pamamanata ay ang paraan ng mga deboto upang
magpasalamat sa mga biyayang natamo nila sa Maykapal.

Tanyag ang San Pedro


Cutud sa San Fernando,
Pampanga sa taunang
tradisyon nito ng
pagsasadula ng Senakulo
na nagpapakita ng
makatotohanang
pagpepenitensya ng mga
sumasali rito. (Larawan
mula sa Cebu Pacific)

 Ang Biyernes Santo- Ang araw na ito ay tanda ng pagkamatay ni Kristo.


Karamihan sa mga bayan ay nagdaraos ng malaking prusisyon at ang
mga imahen ng simbahan ay may balabal at talukbong ng itim na belo
at nasa tuktok ng karosa. Isang paniniwala ng mga Filipino ay ang
pagbabawal sa mga bata na maglaro sa araw na ito sapagkat patay si
Kristo at kapag nasugatan ay matagal umanong maghilom.
 Pasko ng Pagkabuhay- Eksaktong ikaapat ng umaga ay ginaganap ang
salubong. Ang mga imahen ni Birheng Maria at ang imahen ng Kristong
Buhay ay magsasalubong sa gitna ng bakuran ng simbahan, habang ang
mga batang nakasuot ng pakpak ng anghel ay masayang nagsasaboy ng
mga talulot at umaawit nang taimtim.

Pista ng Itim na Nazareno


Mula sa balita.net.ph

Ang Pista ng Itim na Nazareno, na idinaraos taun-taon tuwing Enero 9, ay


gumugunita sa traslacion o ang rituwal na paglilipat ng maitim na imahe ni
Kristo, na gawa sa kahoy, sinlaki ng tao, at may pasan na krus, mula sa Quirino
Grandstand hanggang sa Basilika Minore ng Itim na Nazareno (Simbahan ng
Quiapo), kung saan naroong nakadambana ang orihinal na imahe mula pa noong
1787. Nakakintal sa prusisyon ang dakilang debosyon ng mga Pilipino at
matinding paniniwala sa mga milagro ng Mahal na Poong Nazareno pati na ang
kapangyarihan nitong magpagaling.
Inilalabas ang imahe mula sa Simbahan ng Quiapo upang pagpugayan ng
publiko: tatlong beses sa isang taon – Enero 1, Enero 9 at Biyernes Santo. Ang
traslacion sa Enero 9 na nilalahukan ng mahigit isang milyong deboto, ay ang
pinakamalaki sa tatlo. Laksa-laksang naka-paang deboto na nakadamit ng
maroon, na lalaki ang karamihan, ang kalahok sa gahiganteng prusisyon na
gumugugol ng halos sampung oras. Ang Itim na Nazareno ay lulan ng isang
sinaunang pulang karosa o andas na hila ng mga namamasan ang lubid na abaca
patungo sa mga landas ng Maynila. Sa himig ng awiting Viva Señor, layunin
nilang mahipo ang imahe o makahawak sa lubid.

18
Sa gitna ng pandemya,
nanatili ang
pananampalataya at
debosyon ng mga
namamanata sa Itim na
Nazareno. (Larawan mula
sa Rappler)

Ang mga manonood, kabilang ang mga lokal at banyagang turista, sa mga
daraanan ay naghahagis ng mga tuwalya o mga panyo sa hijos na nakasampa sa
karosa at pupunasan ng mga iyon ang imahe saka ibabalik sa naghagis.
Pinaniniwalaan na ang lubid sa kanang balikat ang pinaka-sagrado sa pahalik na
una sa traslacion. Naroon ang paniniwalang may nakagagaling na kapangyarihan
ang tuwalya o panyong naipahid sa imahe.
Hatid ng mga prayleng Augustinian Recollect mula Mexico ang imahe ng
Itim na Nazareo, na inukit ng isang karpinterong Aztec, sa Pilipinas noong Mayo
31, 1606. Ang dahilan ng itim na kulay nito ay isang sunog na barko habang
naglalayag. Una itong idinambana sa Rizal Park na ngayon, at doon din inilipat
kalaunan ng noo’y Manila Archbishop Basilio Rufina noong 1608. Hindi naman
nagalaw ang imahe sa mga sunog na naganap noong 1791 at 1929, at mga lindol
noong 1645 at 1863. Noong World War II, binomba ang Maynila, ngunit hindi
nagalaw ang Itim na Nazareno.
Ang kakaibang debosyong ito ng mga Pilipino sa Itim na Nazareno ay
aprubado ni Papa Inocencio X noong 1650 sa isang Papal Bull na nagtatag ng
Cofradia de Santo Cristo Jesus Nazareno. Nagkaloob si Pope Pius VII noong ika-
19 siglo ang indulhensiya sa mga masugid na nananalangin sa Itim na Nazareno
sa Simbahan ng Quiapo.

Kapistahan ng Santo Niño


Mula sa akda ni Clemen Bautista/ balita.net.ph

Bahagi na ng tradisyon at kaugalian na tuwing sasapit ang ikatlong Linggo


ng malamig na Enero, ay ipinagdiriwang ng Simbahang Katoliko ang kapistahan
ng Santo Niño– ang itinuturing at kinikilalang patron ng mga bata. At ngayong
ikatlong Linggo ng Enero, sa lahat ng mga Simbahan sa iniibig nating Pilipinas
tulad sa Tondo, Maynila, tampok na bahagi ng pagdiriwang ang mga misa na
susundan ng prusisyon. Makikita sa prusisyon ang mga imahen ng Santo Niño na
may iba’t ibang kasuotan. Hawak ng mga bata at ng mga senior citizen at iba
pang may panata at debosyon sa Santo Niño.

19
Sa parokya ni San Clemente sa Angono, Rizal, ang kapistahan ng pista ng
Santo Niño ay sinimulan ng siyam na araw na nobena sa Simbahan matapos ang
misa sa umaga. Ang imahen ng Santo Niño ay nakalagay sa kanang bahagi ng
altar ng simbahan.

Ang Kapistahan ng
Sinulog sa Cebu ang isa
sa mga pinakakilalang
pistang bayan sa
Pilipinas. Binibigyang
parangal nito ang imahen
ng Santo Niño ng Cebu.
(Larawan mula sa
Interaksyon)

Sa kapistahan ng Santo Niño, bahagi rin ng pagdiriwang ang pagbibigay-


buhay sa mga tradisyon na kaugnay ng selebrasyon. Ang Sinulog Festival ang
nagpakilala sa daigdig sa Cebu City na nagdaraos ng ganitong uri ng pagdiriwang
tuwing sasapit ang ikatlong Linggo ng Enero.
Sa Kalibo, Aklan, binibigyang-buhay sa kapistahan ng Santo Niño ang “Ati-
Atihan”o street dancing. Dinarayo ng mga turista sa iba’t ibang bayan at
lalawigan at maging ng mga turistang mula sa ibang bansa.

Ang Kapistahan ng Ati-


Atihan ay isa ring
pagdiriwang sa imahen ng
Santo Niño. Tanyag naman
ito dahil sa pagpipinta ng
itim na pintura sa mukha
at katawan ng mga
kalahok nito. (Larawan
mula sa Interaksyon)

Sa Lungsod ng Iloilo, ang pagpaparangal at pagdiriwang sa kapistahan ng


Santo Niño ay sa pamamagitan naman ng Kapistahan ng Dinagyang na dinarayo
na rin ng mga turista.
Ang Pista ng Santo Niño, ayon sa kasaysayan ay ang isa sa pinag-uukulan
ng debosyon. Nagsimula ito sa Santo Niño de Cebu nang ibigay ni Ferdinand
Magellan ang imaheng Santo Niño bilang regalo kay Reyna Juana matapos
binyagan. Si Reyna Juana ay ang asawa ni Raha Humabon ng Cebu. Ang dati
niyang pangalan ay Reyna Humamay. Ang nagbinyag sa kanya ay si Padre Pedro
Valderrama pati na rink ay Raha Humabon. Ang kanyang kristiyanong pangalan
ay Carlos.

20
Nang mapatay si Ferdinand Magellan sa Mactan at tumakas ang kanyang mga
tauhan sa Espanya, naiwan ang imahen ng Santo Niño. Makalipas ang may apat
na dekada, ang imahen ng Santo Niño ay natagpuan sa isang nasunog na bahay
sa Cebu noong 1565 ni Juan Camus, isa sa mga tauhan ni Miguel Lopez de
Legazpi na kasama sa ekspidisyon.

Ang Kapistahan ng
Dinagyang ay tanyag
naman sa Iloilo sa sarili
nitong pagdiriwang sa
kapistahan ng Santo
Niño. (Larawan mula sa
SpotPH)

Sa pagkakatagpo ng imahen ng Santo Niño, tinawag ng mga Kastila ang


Cebu na Lungsod ng Kabanal-banalang Pangalan ni Hesus. Mula noon hanggang
ngayon, ang Simbahan sa Cebu ang naging o dambana ng Santo Niño de Cebu.
Nagsimula naman sa Espanya ang debosyon sa Santo Niño. Sinasabing si Santa
Teresa ng Avila ang pinaniniwalaang nagpasimula sa imahen ng batang si Jesus
na nakadamit na katulad ng isang hari.
Mula sa Cebu, mahigit na 400 taon na ang nakalipas, ang debosyon sa
Santo Niño ay lumaganap sa buong bansa. Marami na ring barangay sa iba’t
ibang bayan sa iniibig nating Pilipinas na isinunod ang pangalan sa Santo Niño.
At mula naman sa Europa, ang pamamanata ay ginagawa na rin sa Asia at iba
pang bansang Katoliko.

Undas
Mula sa The Philippine Star
Ang Undas o Araw ng mga Patay, ay ipinagdiriwang ng mga Katoliko
maging ng ibang denominasyong Protestante tuwing unang araw ng Nobyembre.
Naitala ang pinakaunang pagdiriwang nito noong ika-4 na siglo. Pero
noong ika-7 siglo lamang ito talagang sinimulang ipagdiwang nang taunan sa
ilalim ni Papa Bonifacio IV noong ika-13 ng Mayo 609 AD. Ginawa namang banal
na araw ni Papa Gregorio III ang Araw ng mga Kaluluwa noong ika-8 na siglo at
inilipat ito sa unang araw ng Nobyembre.

Ang taimtim na
paggunita sa mga
yumaong mahal sa buhay
sa araw ng Undas ay isa
rin sa mga mahahalagang
okasyon para sa mga
Kristiyano. (Larawan mula
sa Rappler)

21
Eid al-Adha
Mula sa Thomson-International

Ang Eid al-Adha ay kilala bilang Piyesta ng Paghahain, at sa gitna nito ay


ang kwento ni Ibrahim. Ang Diyos, tinawag na Allah sa Islam, ay nagpakita sa
isang panaginip at sinabi kay Ibrahim na isakripisyo ang kanyang anak upang
patunayan ang kanyang pagsunod. Sinunod ni Ibrahim ang mensahe ng panaginip
at dinala ang kanyang anak sa tuktok ng bundok para sa sakripisyo.
Gayunpaman, tulad ng pagsasagawa ni Ibrahim ng sakripisyo, ang bata ay
pinalitan ng isang tupang lalake. Dahil sa pagpayag ni Ibrahim na isakripisyo ang
kanyang anak mula sa isang hindi matitinag na pangako sa utos ng Diyos, ang
bata ay naligtas, at ang kanyang debosyon ay ginantimpalaan.

Ang pagdiriwang ng mga


Pilipinong Muslim sa Eid
al-Adha ang isa sa mga
pinakamahahalagang
okasyon. (Larawan mula sa
Rappler)

Ramadan
Mula sa The Asian Parent at New Muslim Guide

Ang Ramadan ay ika-9 na buwan sa Islamic o Hijri calendar. Batay sa


paniniwala ng mga Muslim, ito ang pinakamainam na buwan ng taon. Sapagkat
ito ang buwan na itinangi ng Diyos ng mga Muslim na si Allah ang banal na
kasulatan o Al Qur’an sa propetang si Mohammad, huling propeta ng Islam.
Naniniwala rin ang mga Muslim na sa tuwing sumasapit ang buwan ng
Ramadan ay binubuksan ni Allah ang pintuan ng Paraiso at isinasara nito ang
pintuan ng impyerno at ikinakadena ang mga demonyo. Kaya naman upang
makapasok sa Paraiso ay kailangang sumunod ng mga Muslim sa ipinaguutos ni
Allah at iwasan ang lahat ng mga ipinagbabawal niya.
Isa sa mga natatanging bahagi ng Ramadan ay ang pag-aayuno. Sa
Islamikong pananaw, ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadan ay isang uri ng
ibadah o gawang pagsamba) sa Allah sa pamamagitan ng pagpigil at pag-iwas
mula sa pagkain, inumin, pakikipagtalik at sa iba pang nakasisira sa pag-aayuno
simula sa pagsapit ng Fajr o bago ang bukang-liwayway-- na nagsisimula sa
pagtawag ng Adhan-– hanggang sa paglubog ng araw-– at ito ay ang oras ng
pagtawag ng Adhan sa Maghrib.

22
Eid al-Fitr
Mula sa New Muslims eLearning Site

Ang Eid al-Fitr ay isang pangunahing pagdiriwang para sa mga Muslim sa


pagtatapos ng buwan ng Ramadan. Ito ay panahon ng pasasalamat sa Allah,
pakikiisa sa pamilya, kasiyahan, at pagsasaya. Sa araw na ito ay binabati ng mga
tao ang isa’t isa at binibisita ang mga kamag-anak at mga kaibigan. Mayroon
ding handaan ng mga pagkain, ang mga bagong damit ay sinusuot, nagbibigayan
ng mga regalo, at ang mga bata ay nagsasaya.

Ang Zakat al-Fitr o


pagkakawanggawa sa mga
mahihirap ay isa sa mga
gawain tuwing Eid al-
Fitr. (Larawan mula sa
Rappler)

Ang mga sumusunod ay ilang mga naitagubiling gawain na dapat


isinasagawa sa Eid:
 Ghusl o pagligo ng maaga sa araw bago ang pagdarasal sa Eid.
 Pagandahin ang sarili: Ang Propeta at nagsusuot ng kanyang pinaka-
magandang damit bago magtungo sa Pagdarasal sa Eid. Siya ay may
espesyal na kapang parikular niyang isinusuot sa dalawang Eid at tuwing
Biyernes.
 Ang pagbigkas ng takbir (Allahu Akbar) o pagpapahayag na ang Allah ang
pinakadakila ay isang Kilalang bahagi ng Eid na nakasaad sa Quran.

23
Relihiyon sa Makabagong Panahon
Isinalin mula sa mga piling akda

Ang Pilipinas ay kilala bilang isa sa mga pinakarelihiyosong bansa sa buong


mundo. Sa katunayan, sa huling pag-aaral ng Gallup International, higit sa 90
porsyento ng mga Pilipino ang nagsasabing siya ay relihiyoso. Sa pag-usbong ng
modernidad, ay umuusad din ang mga pamamaraan ng mga institusyong
panrelihiyon upang maipalaganap nila ang kani-kanilang paniniwala.
Upang makahikayat ng mas mararaming kasapi, maraming mga simbahang
Protestante, kasama na rin ang iba pang denominasyon, ang naglulunsad ng
kani-kanilang mga Campus Ministry at cell groups o mga maliliit na pagtitipon
na nakatuon sa pagpapalaganap ng relihiyon sa mga mag-aaral sa mga mataas
na paaralan, kolehiyo, at unibersidad.

Ang mga cell groups ay


impormal at maliliit na
pagtitipon ng mga
kabataan na naglalayong
mahikayat ang mga ito
na mas mapalapit pa sa
pananampalataya.
(Larawan mula sa ENC
Leaders)

Dahil na rin sa pagkalat ng COVID-19, maraming aspeto ng buhay ng tao


ang nagbago, kasama na rin dito ang mga institusyong panrelihiyon. Dahil sa
limitadong kapasidad ng mga institusyong ito alinsunod na rin sa mga quarantine
protocols na ipinatutupad ng pamahalaan, maraming mga institusyong
panrelihiyon ang sumusunod na rin sa bugso ng makabagong teknolohiya.

Ang livestreaming sa
mga social media
websites ang isa sa
mga pinakalaganap na
pamamaraan upang
ipalaganap ang
relihiyon sa
pamamagitan ng mga
makabagong
teknolohiya. (Larawan
mula sa Facebook)

24
Bukod sa mga makabagong pamamaraan na ito, marami ring mga
relihiyosong kabataan na lumaki sa mga mas tradisyonal na relihiyon ang
nahuhumaling sa mga bago at karismatikong institusyong panrelihiyon dahil sa
mga makabagong musika at mas impormal na istruktura ng pagsamba.

Isa ang Hillsong


United sa mga
manlilikha ng mga
killala at
makabagong
awiting Kristiyano.
(Larawan mula sa
GMA News)

Gayunpaman, kahit na nanatiling matibay ang mga institusyong


panrelihiyon sa bansa, may mga bagong kaisipan pa rin tungkol sa relihiyon ang
umuusbong kagaya ng ateismo at agnostisismo. Ang ateismo ay ang paniniwala
na walang diyos o kataas-taasang pagkatao. Tinanggihan din nito ang
katotohanan ng anumang pananampalataya o paniniwala na nauugnay sa mga
banal o supernatural na nilalang, o mga doktrina batay sa kanilang pag-iral. Ang
agnostisismo naman ay tumutukoy sa isang paniniwala na hindi sapat ang mga
ebidensya upang itanggi o tanggapin ang pag-iral ng isang diyos. Ayon sa
pananaliksik ng Dentsu Communication Institute sa bansang Hapon, nasa 11
porsyento ng kabuuang bilang ng mga Pilipino ang hindi relihiyoso o walang
relihiyon. Isa sa mga tinutukoy na dahilan dito ay ang paglawak ng mga
pilosopikal at relihiyosong akda at panitikan, dala na rin ng paglaganap ng
makabagong teknolohiya.

Ang PATAS o Philippine


Atheists and Agnostics
Society at HAPI o
Humanist Alliance
Philippines, International
ay dalawa laman sa ilang
organisasyong nakatuon sa
ateismo, agnostisismo at
sekular humanista.
(Larawan mula sa PATAS at
HAPI)

25
MODYUL 6
MGA GAWAIN

Panunumpa ng Katapatan

“Mahigpit na ipinagbabawal ng Institusyon at ng Kolehiyo ang anumang


uri ng pandaraya tulad ng pangongopya sa kaklase o pagkuha ng sagot sa
internet. Ang sinomang mapatunayan na lumabag sa panuntunang ito ay
may karampatang parusa na igagawad, sang-ayon sa mga patakarang
ipinatutupad ng PhilSCA.”

___________________________
Pangalan at Lagda ng Mag-aaral

GAWAIN 1
Panuto: Gumuhit o magdikit ng isang larawan ng kapistahan na sa inyong bayan
o barangay lamang ipinagdiriwang. Pagkatapos nito, sumulat ng isang maiksing
sanaysay na nagpapaliwanag ng kahalagahan nito sa kultura at paniniwala ng
iyong bayan kasama na ang iyong sariling palagay ukol dito. Gamitin ang likod
na bahagi ng iyong modyul. Ang talahanayan sa ibaba ang siyang gagamiting
pamantayan sa pagmamarka.

PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA
Pamantayan Layunin Natamong
Puntos
Nilalaman Naipapakita at naipaliwanag nang
maayos ang ugnayan ng lahat ng
konsepto sa larawan at sanaysay.
Kaangkupan ng Maliwanag at angkop ang mensahe
Konsepto ng larawan at sanaysay.
Pagkamalikhain Gumamit ng mga angkop at
makukulay na salita upang
maipahayag ang konsepto at
mensahe ng sanaysay.
Kabuuang Malinis at maayos ang kabuuang
Presentasyon presentasyon.
Orihinalidad Orihinal ang ideya sa paggawa ng
sanaysay
5- Mahusay
4- Lubhang Kasiya-siya
3- Kasiya-siya Kabuuang Puntos
2 at 1- Pagbutihin pa

26
GAWAIN 2
Panuto: Magsagawa ng isang panayam sa iyong magulang o lolo at lola at
tanungin sila kung paano nila ipinagdiriwang mga okasyon na nasa talahanayan.
Punan mo naman ang hilera “Ngayon” ng iyong sariling sagot upang
maisalarawan kung paano isinasagawa at ipinagdiriwang ang mga nasabing
okasyon. Laktawan ang mga okasyon na hindi ninyo ipinagdiriwang. Sumulat sa
baba ng isang sintesis o maikling paliwanag pagkatapos makumpleto ang mga
kinakailangang datos.

OKASYON NOON NGAYON

Pasko

Mahal na
Araw

Undas

Kapistahan

Eid al-Adha

Eid al-Fitr

Ramadan

Sintesis
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________
_________________________________________________

27
Mga Sanggunian
Ano ang Mahal na Araw para sa mga Pilipino? Ako Ay Pilipino. (2013,
March 28). Retrieved September 29, 2021, from
https://www.akoaypilipino.eu/lifestyle/ano-ang-mahal-na-araw-
para-sa-mga-pilipino/.
Balita Online. (2015, May 26). Pista ng Itim na Nazareno. Balita Online.
Retrieved September 29, 2021, from
https://balita.net.ph/2015/01/09/pista-ng-itim-na-nazareno/.
Balita Online. (2018, January 20). Ang Kahalagahan ng Kapistahan ng
Santo Niño. Balita Online. Retrieved September 29, 2021, from
https://balita.net.ph/2018/01/21/ang-kahalagahan-ng-
kapistahan-ng-sto-nino/.
Manlapaz, I. M. (2020, April 24). Ramadan: Ano Ito at Bakit Ito Ginagawa
ng mga Muslim? The Asian Parent. Retrieved September 29, 2021,
from https://ph.theasianparent.com/ano-ang-Ramadan.
Merez, A. (2018, May 9). PH Among World's Most Religious Countries:
Study. news.abs-cbn.com. Retrieved September 30, 2021, from
https://news.abs-cbn.com/news/05/09/18/ph-among-worlds-
most-religious-countries-study.
Miller, J. (n.d.). Religion in the Philippines. Asia Society. Retrieved
September 29, 2021, from
https://asiasociety.org/education/religion-Philippines.
New Muslim Guide. (n.d.). Ang Pag-Aayuno sa Buwan ng Ramadan: Ang
Gabay para sa Bagong Muslim. New Muslim Guide. Retrieved
September 29, 2021, from
https://www.newmuslimguide.com/fil/your-fast/78.
New Muslims eLearning Site. (n.d.). Ang Eid at Ang Katapusan ng
Ramadan (Pagtatapos ng Ramadan). New Muslims eLearning Site.
Retrieved September 29, 2021, from
https://www.newmuslims.com/tl/lessons/27/eid-and-end-of-
ramadan/.
NSP-IE. (2021). Kahulugan ng Atheism. NSP-IE. Retrieved September 29,
2021, from https://tl.nsp-ie.org/ateismo-1573.
The Philippine Star. (2017, October 31). Ang Pinagmulan ng Araw ng mga
Patay. Philstar.com. Retrieved September 29, 2021, from
https://www.philstar.com/pang-masa/para-
malibang/2017/10/31/1754341/ang-pinagmulan-ng-araw-ng-mga-
patay.
Rappler Social Media Team. (2014, October 26). Atheists More Active on
Twitter Than Believers – Study. Rappler. Retrieved September 29,
2021, from https://r3.rappler.com/technology/social-
media/72764-atheists-active-twitter.
Thomson Intermedia. (n.d.). Ang Kasaysayan at Kahulugan sa Likod ng
Eid al-Adha. Thomson Intermedia. Retrieved September 29, 2021,
from https://tl.thomson-intermedia.com/the-history-and-
meaning-behind-eid-al-adha-482.

28

You might also like