Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Dalawang uri ng Birtud

Intelektuwal na Birtud
Ito ay may kinalaman sa pag-iisip ng tao. Ito rin ay
tinatawag na gawi ng kaalaman o habit of knowledge.

Moral na Birtud
Ito ay may kinalaman sa pag-uugali ng tao. Ito ay mga
gawi na nagpapabuti sa tao at nagtuturo sa atin na iayon ang
ugali sa tamang pangangatuwiran.

Mga uri ng Intelektuwal at Moral na


Birtud
Intelektuwal na Birtud
 Pag-unawa - Ang pag-unawa ang pinakapangunahin sa lahat ng birtud na
nakapagpapaunlad ng isip, ito ay nasa buod ng lahat ng ating pag-iisip.
 Agham - Ito ay sistematikong kalipunan ng mga tiyak at tunay na kaalaman na bunga
ng pagsasaliksik at pagpapatunay.
 Karunungan – Kaisipan ng tao sa gabay ng karunungan. Ito ang pinakawagas na
uring kaalaman.
 Maingat na Paghuhusga - Ito ang birtud na nagbibigay-liwanag at gumagabay sa
lahat ng ating mabuting asal o ugali.
 Sining - Ito ang birtud na nagbibigay ng tamang kaalaman tungkol sa mga bagay na
dapat gawin.

Moral na Birtud
 Katarungan - Isang birtud na gumagamit ng kilos-loob upang ibigay sa tao ang
nararapat lamang para sa kanya, sinuman o anuman ang kanyang katayuan sa lipunan.
 Pagtitimpi - Isang birtud na ginagamit para sa pagkontrol sa mga gusto ng tao.
 Katatagan - Isang birtud na nagpapatatag at nagpapatibay sa tao sa harap ng mga
pagsubok sa buhay.

Maingat na Paghuhusga - Ito ang tinuturing na ina ng mga birtud sapagkat ang
pagsasabuhay ng ibang mga birtud ay dumadaan sa maingant na paghuhusga. Ito ang birtud
na parehong intelektuwal at moral..
Mga halimbawa ng Birtud
 Hustisya  Kapakumbabaan

 Pag-ingat  Karunungan

 Kalakasan  Pagpapatawad

 Katotohanan  Pasasalamat

 Pananampalataya  Pagtanggi sa sarili

 Pag-asa  Pagbibigay

 Charity  Pagtitiyaga

 Kagandahang loob  Hiya

 Pagpasensya  Tapang

 Kabaitan
PK 10

Pearl Marinel V.

Birtud

Ano ang Birtud?


Ang Birtud ay tumutukoy sa pag-uugali at mabuting pagkilos ng isang tao. Ito rin ay
tumutukoy sa taglay na kakayahan ng tao upang maging matatag at malakas. Ang salitang ito
ay nagmula sa salitang Latin na virtus (vir) na ang ibig sabihin ay “pagiging tao”.

Ang Birtud ay hindi taglay ng isang tao mula sa kaniyang kapakanakan, ito ay nagiging
kagawian o nakasanayan sa paglipas ng panahon at patuloy na pagpapayaman ng kaugalian.

Isa pang kahulugan ng Birtud ay ang pagsunod sa prinsipyong moral, pati na rin sa mga
bagay na naaayon sa tamang gawi at nakabubuti sa kapwa’t sarili. Ang pagsunod na ito ay ang
mga magagandang gawi na kinakailangang gawin upang maisagawa ang gawain na kaakibat ng
responsibilidad.

Makikita ang pagkakaroon ng birtud sa isang tao sa pamamagitan ng pagpapakita nito ng


kagalangan, katapatan, pagkakaroon ng dignidad, at pagiging disente.

Ang birtud ay laging nakakabit sa mga iniisip at kilos ng isang tao, kaya kung ito ay
napapairal sa araw-araw na pamumuhay at lagi itong naisasagawa, magiging makabuluhan ang
pagpapahalaga sa mga bagay na ating natututuhan sa mundo.

You might also like