MIDTERM EXAM Pointers For Review

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

 Ang uri ng pamamaraan sa pagbasa na nakatuon sa pangunahing detalye.

 Ito ay ang tawag sa kayariang balangkas ng dating kaalaman.

 Pangunahing layunin ng tekstong ito ay ang magpaliwanag sa mga mambabasa ukol sa isang
paksa.

 Sino/sino-sino ang nagsabi na ang pagbasa ay isang proseso ng pagpapakahulugan at


pagtanggap?`
 Ito ay isang uri ng teksto na ginagamit ng may-akda upang kumbinsihin ang mga mambabasa
na tama o tiyak ang kanyang isinulat.

 Alin sa mga katangian ng tekstong Impormatibo sa ibaba ang hindi kabilang?

 Bakit kailangan ng tempo o ang bagal o bilis ng takbo ng mga pangyayari sa mabisang tekstong
nagsasalaysay.

 Ito ay isang teksto na nagtataglay ng paniniwala o paniningdigan maaaring tama o mali.

 Ang layunin ng tekstong ito ay magkwento ng mga pangyayari.

 Uri ng pagbasa na mabilisan at tanging ispisipikong impormasyon lang ang tinutukoy.

 Katangian ng isang manunulat ng Tekstong Naglalahad/Nagpapaliwanag.

 Isang pag-apela sa hindi angkop na pangangatwiran na kung saan ay ginagawang eksaherado


ang pangangatuwiran ng oposisyon.

 Ano ang wastong pagkasunod-sunod ng mga hakbang sa proseso ng pagbasa ayon kay William
Gray.

 Bilang mambabasa, makatutulong sa iyo ang kaalaman sa pagtukoy sa paksa ng teksto upang
___________.

 Ang paraang ito ay pagiging rasyonal ng isang anunulat. Ito ay paraan ng mga manunulat
upang manghikayat ayon kay Aristotle.

 Kung ikaw ay magtatayo ng isang negosyo, paano mo hihikayatin ang mga tao upang bumili?

 Ano-ano ang mga gabay sa pagsulat ng Tekstong Nangangatwiran?

 Sa iyong palagay, makakatulong ba ang mga hakbang sa pagsulat ng Tekstong Nanghihikayat?

 Ito ay isang uri ng sanggunian na naglalaman ng tala ng maikling pagpapakahulugan ng ng


mga salita.

 Inaatasang magsulat ng sariling talambuhay ang mga mag-aaral sa baiting 11. Anong uri ng
teksto napabilang ang kanilang akda?

 Paano mo magagamit ang mga kaalaman sa tekstong nagsasalaysay bilang mag-aaral?

 Mata mo ay kasing kinang ng mga bituin. Anong uri ng paglalarawan ito?

 Sa iyong palagay, mahalaga ba ang paglalarawan sa isang tao o bagay?

 Anong tawag sa teorya ng pagbasa ang tinatawag ding “inside-out” o “conceptually driven”?

 Uri ng pagbasa ayon sa pamamaraan, ito ay isang pinaraanang pagbasa na may layuning
nabatid ang pangkalahatang pananaw sa matatagpuan sa tekstong binasa.

 Ito ay mga gabay sa paggawa ng reaksiyong papel maliban sa isa.

 Sa tauhang ito ng tekstong naratibo umiikot ang pangyayari ng kwento.

 Siya ang nagsasalaysay sa teksto ngunit wala siyang relasyon sa mga tauhan nito.
 Ang pagkakaroon ng saglit na kasiglahang hahantong sa pagpapakita ng aksiyong gagawin ng
tauhan tungo sa paglutas sa suliranin ay isang uri ng banghay na tinatawag sa Ingles na
 Natakot si Pilato na matanggal siya sa kanyang tungkulin bilang isang gobernador, inutusan
niya ang kanyang kawal na kumuha ng tubig at sa mismo gitna ng maraming tao “At winika
niya na wala akong kasalanan sa taong iyan . Kayo na ang manghusga”.

 Talagang , nagdadalawang isip ako kung paniwalaan ko ba ang mga sabisabi ng mga tao,
ngunit nang makita ko kung ano ang naging epekto ng apoy na galing sa espada ng mga
anghel, naiintindihan ko na ang lahat dahil ito ay pagpapakita ng pakikipaglaban sa mga
masasama.Dapat magkaroon ng pantay -pantay na karapatan ang mga kababaihan sa mga
kalalakihan maging sa estado man ng pamumuhay.

 Nakatulala na lang ang mga taong nagbubulungang tila hindi malaman ang kanilang na
gagawin maliban na lang sa mandilat, umismid at manuro kay Indong.

 Nabasa mo ang isang teksto tungkol sa busilak na pagmamahal ng isang babae sa kaniyang
kasintahang lalaki na kahit sa kamatayan ay hindi niya siya iniwan. Alin sa sumusunod na
reaksyon ang posibleng maibigay mo?

 Bahagi ito ng reaksyong papel kung saan nakasaad ang iyong sariling kaisipan ukol sa
pangunahing ideya.

 Nagbigay ang guro ng isang gawain na kung saan susulat kayo ng isang reaksyong papel.
Matapos ninyo itong maipasa, ibinalik niya ito sapagkat kailangan mo itong iwasto batay sa
komentong ibinigay.

 Ano ang pagkakaiba ng reaksyong papel sa ibang sulatin?

 Anong bahagi ng reaksyong papel ang pumupukaw sa interes ng mga mambabasa?

 Ano ang dahilan bakit nangangailangan pang suriin ng manunulat ang kanyang akda bago ito
ipamahagi sa mga mambabasa?

 Hindi nakapasa sa pagsusulit ang mag-aaral ay sapagkat hindi siya nagbalikaral.

Ano ang tinatalakay sa reaksyong papel ng mga sumusunod?

1. Lahat ng tao sa mundo ay may mga karanasan o naranasan na hindi malilimutan. Base sa
teksto, nakabuo ito ng mga tanong sa ating isipan. Anong silbi ng kayamanan kung nag-iisa ka
lamang. Ang pamumuhay sa mundong ito ay may kasamang lungkot at saya. Tagos sa ang
aking puso ang damdaming nais ipahiwatig ng may akda dahil sa mga pangyayari sa kanyang
buhay. Ito ang nagbigay sa akin ng inspirasyon upang mas lalo ko pang mahalin ang aking
mga magulang at pamilya.

2. Sino ba ang ating pambansang bayani? Ikaw, kilala mo ba siya? Siya ay walang iba kundi si
Dr. Jose P. Rizal. Pero bakit parang nawawalan ng interes ang mga tao dito at nakapokus sa
pagpapatayo ng Torre de Manila? Dahil ba sa pera? Dahil alam na alam nila na tataas ang
kitaan nila sa pagtatayo nito. Nang dahil dito, naging pambansang photobomber tuloy siya.
May kahalagahan pa ba ang ating pambansang bayani?. Nasaan na ang ganda ng monumento
ni Dr. Jose Rizal. Sana nabigyan ito ng hustiya.

3. Para sa mga taong magkakaroon ng panayam para sa inaapplayang trabaho, ang tekstong ito
ay nagbibigay ng paalala. Punuin natin ang ating mga sarili ng mga positibong bagay sa
pamamagitan ng paghanda at pag iinsayo sa harap ng salamin. Dapat maging simple lamang
tayo sa ating pananamit.

4. Lahat ay inaasahan sa pagsasagawa ng isang reaksyong papel,maliban sa____________.

5. Ang salitang “nabansot” ang isa sa mga salitang napag-aralan natin sa wikang Pilipino.Kung
ang isang bagay raw ay kailangan pang lumaki ngunit itoý tumigil na sa paglaki, ang bagay na
ito raw ay nabansot. Maraming uri ng pagkabansot,ngunit ang pinakamalungkot na uri nito ay
ang pagkabansot ng isipan, ng puso, at ng diwa. Anong reaksyong ang ipinahihiwatig ng
manunulat?

You might also like