8

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pangalan: ________________________________ Petsa:______________________________________

Baitang at Pangkat: ________________________ Iskor: ______________________________________

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin at ilagay sa patlang ang titik ng tamang sagot.

________1. Nararapat gawin ng tao sa mga biyayang natatanggap mula sa kabutihang-loob ng


kapwa.
A. Pagpapasalamat B. Pagmamalaki C. pagbabayad D. pagpapakumbaba

________2. Ito ay salitang ingles ng pasasalamat.


A. thoughtful B. Humility C. Gratitude D. desiciveness

________3. Ang sumusunod ay mga pakinabang na dulot ng pasasalamat, maliban sa:


A. Pagkakaroon ng kagalakan dahil sa kinikilala mo ang mga kabutihang kaloob ng kapwa
B. Gumagaan ang pakiramdam sa kabila ng pagsubok dahil nagiging positibo ka sa pananaw sa buhay
C. Pagkakaroon ng maraming kaibigan dahil ipinapakita mo ang pasasalamat sa kanila
D. Pagiging maingat sa mga material na pagpapala buhat sa ibang tao

________4. Alin ang hindi kasama sa tatlong antas ng pasasalamat ayon kay Sto. Tomas Aquinas?
A. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
B. Pagpapasalamat
C. Paggawa ng kabutihan sa ibang tao bilang pagbabalik ng kabutihang ginawa sa iyo
D. Pagpapakita ng pagpapahalaga sa kapwa sa abot ng makakaya

________5. Ano ang entitlement mentality?


A. Ito ay paggawad ng título o parangal sa isang tao
B. Ito ay isang paniniwala o pag-iisip na anumang inaasam mo ay karapatan mo na dapat bigyan ng dagliang pansin.
C. Ito ay ang pagbibigay serbisyo sa mga pangunahing pangangailangan ng mga tao.
D. Ito ay ang pag-aabuso ng mga mamamayan sa kakayahan ng pamahalaan na tustusan ang kanilang pangangailangan.

________6. Ano ang isang halimbawa ng entitlement mentality?


A. Ang hindi pagbabayad ng buwis ng mamamayan kung hindi nakukuha ang sapat na serbisyo
B. Ang hindi pagbibigay ng pasasalamat ng mga anak sa kanilang magulang
C. Ang pagiging abusado sa kapwa sa paghingi ng tulong
D. Ang kawalan ng utang-na-loob sa taong tumutulong

________7. Ang sumusunod ay pagpapakita ng kawalan ng pasasalamat, maliban sa:


A. Kawalan ng panahon o kakayahan upang matumbasan ang tulong na natanggap sa abot ng makakaya
B. Pagpapasalamat nang hindi bukal sa puso
C. Hindi pagkilala o pagbigay-halaga sa taong gumawa ng kabutihan
D. Paghingi ng suporta sa mga magulang sa mga pangunahing pangangailangan dahil menor de edad

________8. Ang mga sumusunod ay mga gawain ng pasasalamat sa loob ng tahanan, maliban sa:
A. pagsasabi ng salamat sa pagkaing inihanda ng magulang
B. pagtulong sa mga simpleng Gawain sa bahay
C. paghinto sa pag-aaral upang magtrabaho at makatulong sa pamilya sa kabila nang
may pantustos ang mga magulang
D.pag-alala sa kaarawan ng taong tumulong sa iyo upang maipakita ang pagpapahalaga at pagmamahal sa kanya

________9. Alin sa sumusunod ang hindi magandang dulot ng pasasalamat sa kalusugan?


A. Nagiging mas pokus ang kaisipan at may mababang pagkakataon na magkaroon ng depresyon.
B. Naghihikayat upang maging maayos ang sistema ng katawan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas malusog na presyun ng
dugo at pulse rate.
C. Nakapanghihina ng katawan dahil lagging nag-iisip kung paano magpapasalamat.
D. Nakapagdadagdag ng likas na antibodies na responsible sa pagsugpo sa mga bacteria sa katawan.

________10. Alin ang hindi antas ng pasasalamat ayon kay Sto. Tomas de Aquino?
A. Pagkilala sa kabutihang ginawa ng kapwa
B. Pagpapasalamat
C. Pagpapahalaga sa kabutihang ginawa ng kapwa
D. pagbabayad sa kabutihang ginawa ng kapwa sa abot ng makakaya

________11. Ang salitang paggalang ay nagmula sa salitang Latin na "respectus" na ang ibig sabihin ay
A. pagsasabi ng po at opo c. implikasyon ng pagiging palaaway
B. paglingon o pagtinging muli D. mahirap na bansa

________12. Paano mo maipakikita ang paggalang sa may awtoridad?


A. maging matapat C. nagkaroon ng awtoridad
B. maging mabuting halimbawa sa kapwa D. maging masunurin

________13. Bilang ang pamilya ang nagsisilbing proteksyon sa mga kasapi, duyan ng pagmamalasakit
at pagmamahalan.
A. halaga B. presensya C. hamon D. hiwaga
________14. Ang pamilya ay sa iyo dahil nagmula ang iyong pag-iral sa magkakasunod at
makasaysayang proseso na mula sa mga relasyong nauna sa iyong pag-iral.
A. malapit B. malayo C. nakasentro D. nakahatol

________15. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag na, "Ang pagsunod ay pagkilos sa pagitan ng katwiran at ng kakayahang magpasakop."
A. Ang marapat na pagsunod ay naipapakita sa pamamagitan ng pagpapasakop.
B. Kailangang sumunod at magpasakop dahil ito ang makatwiran at nararapat.
C. Maipakikita sa pamamagitan ng pagsusuko ng sarili ang marapat na pagsunod sa mga ipinag-uutos.
D. May pagkakataon na kailangang sumunod at magpasakop at may pagkakataong di kailangang magpasakop at sumunod.

________16. Paano mas higit na maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?
A. Unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat sundin ay magiging kaaya-ayapara sa iyo.
B. Ipaglaban ang iyong karapatan lalo na kapag ikaw ay nasa katwiran.
C. Ipahayag ang iyong pananaw upang maiwasto ang kanilang mga
D. Suportahan ang kanilang mga proyekto at programa pagkakamali.

________17. Hinangaan ni Joseph si David sa taglay niyang kagalingan sa pamumuno. Nang si David ang naging lider ng kanilang grupo, lahat ng
sabihin ni David ay kanyang sinusunod at ginagawa nang walang pagtutol, kahit pa minsan ay napapabayaan na niya ang kanyang
sariling pangangailangan. Ang kilos ni Joseph ay nagpapakita ng
A. katarungan B. kasipagan C. pagpapasakop D. pagsunod

________18. Nararapat na gawin ang pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakatatanda at may awtoridad dahil
A. pagmamahal B. pagtataguyod C. pag-unawa D. pagmamatyag

________19. Hindi ka iiral at mabubuhay sa mundo kung di dahil sa __________________


A. pagtatagpo ng iyong mga magulang
B. ipinadala ka sa mundong ibabaw
C. pagmamahalan ng iyong mga magulang
D. hulog ka ng langit

________20. Saan nag-uugat ang tunay na kabutihan o kagandahang loob ng indibidwal?


A. Pag-uugali B. Nakasanayan C. pagkakaroon ng disiplina D.kanyang pagkatao

________21. Ito ay tumutukoy sa inner self o real self.


A. Labas B. Loob C. Gilid D. Tabi

________22. Ang kagandahang loob ay hindi patungkol sa sarili lamang, sa halip ito ay patungo sa
A. ibang tao B. kasapi ng pamilya C. mamamayan D. kabutihang panlahat

________23. Ang kagandahang loob ay likas na kaloob ng Diyos sa tao kaya naman ang tao ay
pinagkalooban ng
A. magandang isip B. ispiritwal na kabutihan C. material na kabutihan D. B at C

________24. Ang paghahanda sa mga bata sa buhay at paggabay sa kanila upang makamit ang tunay na tunguhin ng tao ay tungkulin ng:
A. Pamahalan B. Simbahan C. Paaralan D. Pamilya
________25. Blood is thicker than water. Ang kasabihang ito ay nangangahulugan na
A. Mas malapot ang dugo sa tubig
B. Kapag puso ang pumili, mas higit ang kasintahan
C. Mas matimbang ang kamag-anak kaysa sa ibang tao
D. Kampihan ang kaibigan kaysa kapamilya
E.
PANUTO: Tukuyin kung anong uri ng pagsisinungaling ang isinasabuhay ng mga tao sa sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot mula
sa sumusunod na pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot.
A. Pagsisinungaling upang pangalagaan o tulungan ang ibang tao
B. Pagsisinungaling upang isalba ang sarili upang maiwasan na mapahiya, masisi o maparusahan
C. Pagsisinungaling upang sadyang makasakit ng kapwa
D. Pagsisinungaling upang protektahan ang sarili kahit pa makapinsala ng ibang tao

________26. Ipinagkalat ni Janna na ampon ang kanyang kaklase kahit na ito ay hindi naman totoo. Naiinggit kasi siya rito dahil maraming tao ang nais
na makipagkaibigan sa huli.

________27. Pinatatawag sa paaralan ang magulang ni Kurt dahil sa isang paglabag sa panuntunan sa paaralan. Sa takot na mapagalitan, humanap siya ng
ibang kakilala na magpapanggap na magulang niya.

________28. Kilala si Vince sa kaniyang labis na pagiging madaldal sa klase. Madalas na nahuhuli siya ng kaniyang guro na hindi nakikinig sa klase at sa
halip ay kinakausap at ginagambala ang kaniyang kaklase. Kapag siya ay nahuhuli ng guro sinasabi niya na nadadamay lamang siya
dahil palagi siyang kinakausap ng kaklase.

PANUTO: Tukuyin kung anong pamamaraan ng pagtatago sa katotohanan ang ipinakikita sa sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na sagot
mula sa sumusunod na pagpipilian. Isulat ang titik ng tamang sagot.
A. Pag-iwas
B. Pananahimik
C. Pagtitimping pandiwa (mental reservation)
D. Pagbibigay ng salitang may dalawang ibig sabihin o kahulugan

________29.Kahit na nasasaktan dahil sa pamimilit ng hindi kilalang tao na sabihin niya ang lugar kung nasaan ang kaniyang ama ay hindi pa rin
nagsalita si Jezreel.

________30. Sinabi ni Charis sa kaniyang ina na pupunta siya sa bahay ng kaniyang kaibigan ngunit hindi niya sinabi rito na malayo ang tirahan ng mga
ito dahil alam niyang hindi siya papayagan ng mga ito.

You might also like