Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ARALING PANLIPUNAN I na bahagdan ng pagkakatuto ng aralin.

Nobyembre 28, 2022


Ikalawang Markahan Lunes

Ika-apat na Linggo

(Unang Araw)

I. LAYUNIN:

Nailalarawan ang mga mahahalagang pangyayari sa buhay ng pamilya sa


pamamagitan ng timeline/family tree.
- Naipapaliwanag ang timeline/family tree.
II. PAKSANG-ARALIN:
A. Aralin: Mahahalagang Pangyayari sa Aking Pamilya
B. Sanggunian:
MELC-DBOW pp. 4
PIVOT Module
C. Kagamitan:
Larawan
D. Integrasyon ng aralin sa Art, Edukasyon sa Pagpapakatao at Health
III. PAMAMARAAN:

A. Panimulang Gawain:

1. Balitaan: (Mga napapanahong balita)

B. Panlinang na Gawain:

1. Paunang Pagtataya

Itanong:

Ano ang mga pangyayari sa inyong pamilya na nagpapasaya sa inyo?

2. Pagganyak:

Mag-isip ng tatlong nangyari sa inyo kahapon.


Iguhit sa kahon ang tatlong bagay na nangyari sa inyo kahapon.

3. Paglalahad

Makinig sa kuwento ng guro tungkol sa mahahalagang pangyayari sa buhay ng


kanyang pamilya.

4. Pagtalakay:

Ipakita ang larawan ng isang masayang pamilya na nakatapos sa pag-aaral ang


anak.
Talakayin ang nilalaman ng larawan.

5. Paglalahat:

Tandaan: Ang Timeline ay ginagamit upang maitala ang sunud-sunod na

pangyayari sa buhay, kasaysayan o anumang gawain na gusto nating ilarawan.

6. Paglalapat:

Pumili ng 5 mahahalagang pangyayari sa buhay ng inyong pamilya. Iguhit ang


bawat pangyayari ayon sa pagkakasunod-sunod sa loob ng malaking bilog.

IV. Pagtataya:

Gamit ang ginawang timeline muling ilarawan ang mahahalagang pangyayari

sa buhay ng inyong pamilya.

V. Kasunduan

Pag-aralan ang iginuhit na pangyayari sa buhay ng iyong pamilya.

Puna:

_______bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuoang bilang na ______ang

nagpakita ng _____

You might also like