4th Quarter. FILIPINO 4 - Si Aris at Si Anton

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

WESTFIELD ONLINE LEARNING

GRA BF Resort Drive, BFRV, Las Piñas City


GRADE SCHOOL DEPARTMENT
____________________________________________________________________

Si Aris at Si Anton

Matagal na panahon si Aris ay walang kapatid.


Solo niya ang pagmamahal ng mga tao sa paligid
Subalit isang araw ay isang balita ang nabatid
Magkakaroon na pala siya ng bunsong kapatid.

Naging mahirap kay Aris na may kahati siya sa atensiyon


Lalo pa’t mahina ang puso ng bunsong si Anton
Kaya naman magulang laging sa kanya nakatuon
Kay Aris ngayo’y tila nagkukulang na sila sa panahon.

Isang araw napaglaruan ng batang si Anton


Proyektong binuo ni Aris sa maghapon
Galit niya’y sumabog at sa bunso ibinunton
Nasaktan niya ito nang mawala ang hinahon.

Dahil dito’y sumumpong ang sakit sa puso


Sa ospital isinugod ang kawawang bunso
Nagsisi si Aris at hiniling sa Panginoon
Sana’y bumuti ang kalusugan ni Anton.

Ang panalangin niya’y hindi naman binigo


Gumaling din ang bunso at muling nakatayo
Ngayo’y masaya sila lagi sa kanilang paglalaro
Pagmamahal ni Aris sa kapatid, sadyang buong-buo.

Sa nangyari sa magkapatid, ang pinakamasaya


Ay wala nang iba pa kundi sina Ina at Ama
Payapa na ang lahat sa kanilang pamilya
Sa biyayang ito, sila’y wala nang mahihiling pa.

You might also like