Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

"PAG-IBIG SA KAPWA"

Ika'y tumunghay at igala ang paningin

Munti mong daigdig sikaping palawakin,

Sa tila hindi mo nadarama man din

Sa paghihirap ng kapwa sa paligid natin.

II

May ibang may tahanan ngang naturingan

Ngunit tinig ay bahaw na sa labis na kagutuman,

Ama at ina'y walang tiyak na pagkukunan

Puso'y nawawasak tuwing bunso'y pinagmamasdan.

III

Ni minsan ba'y naranasan mo nang mabasa

Maginaw, mamaluktot sa maliit na dampa

O kaya'y maanod habang himbing sa pagtulog

At biglang magising sa labis na pangangatog?

IV

Huwag sanang pumikit, ito'y sa mata mo ituon

Maging bukas-palad sa biktima ng pagkakataon

Trumpeta ng kagalakan sa iyo'y tutugtugin

Isang tagalikha na ika'y kanyang pupurihin

You might also like