Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Uri ng Pang-abay 1. Pang-abay na Pamaraan tumutukoy ito sa paraan kung paano ginawa ang isinasaad na aksyon ng pandiwa.

. Halimbawa: Taimtim na pinakinggan ang kanyang awitin hanggang sa huling nota. 2. Pang-abay na Pamanahon tumutukoy ito sa panahon kung kalian naganap ang isinasaad na aksyon ng pandiwa. Halimbawa: Agad napalalambot ng musika ang isang matigas na kalooban. 3. Pang-abay na Panlunan tumutukoy ito sa pook na pinagganapan ng aksyong isinasaad ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na saan. Halimbawa: Umawit si Nelsa sa isang amateur singng contest sa radyo. 4. Pang-abay na Pang-agam - nagsasaad ito ng pag-aalinlangan at walang katiyakan. Halimbawa: Tila nagwagi siya ng unang gantimpala. 5. Pang-abay na Panggaano tumutukoy ito sa bilang o dami ng isinasaad ng pandiwa. Sumasagot ito sa tanong na gaano o ilan. Halimbawa: Kaunti ang sumali sa paligsahan ng pagtakbo. 6. Pang-abay na Panang-ayon ito ay nagsasaad ng pagpapatotoo o pagsang-ayon. Halimbawa: Opo, mahusay sumayaw si Gabby. 7. Pang-abay na Pananggi nagsasaad ito ng pagtutol o di pagsang-ayon. Halimbawa:

Ayaw siyang tantanan ng palakpak ng mga tao. 8. Pang-abay na Panulad ito ay ginagamit sa pagtutulad ng dalawang bagay. Halimbawa: Higit na magaling sumayaw si Anna kaysa kay Nena.

MGA URI NG PANG-ABAY 1. Pang-abay na Pamanahon nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa. May pananda Nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, hanggang Hal. 1. Kailangan mo bang pumasok nang araw-araw? 2. Tuwing pasko ay nagtitipon silang mag-anak. 3. Umpisa bukas ay dito ka na manunuluyan. Walang pananda Kahapon, kangina, ngayon, mamaya, bukas, sandali,atb. Hal. 1. Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino. 2. Ipagdiriwang ngayon ng ating pangulo ang kanyang ika 40 na kaarawan.

Nagsasaad ng dalas Araw-araw, tuwing umaga,taun-taon atb. Hal. 1. Tuwing Mayo ay nagdaraos kami sa aming pook ng santakrusan. 2. Nag-eehersiyo siya tuwing umaga upang mapanatili ang kanyang kalusugan.

2.

Pang-abay na panlunan tumutukoy sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Karaniwang ginagamit ang pariralang sa/kay . Sa ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pambalana o panghalip. Kay /kina ginagamit kapag ang kasunod ay pangngalang pantanging ngalan ng tao. Hal. 1. Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina. 2. Nagpaluto ako kina aling Ingga ng masarap ng keyk para sa

iyong kaarawan. 3. Pang-abay na pamaraan naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng pandiwa. Ginagamit ang panandang nang o na/-ng. Hal. 1. Kinamayan niya ako nang mahigpit. 2. Bakit siya umalis na umiiyak? 3. Tumawa siyang parang sira ang isip.

4.

Pang-abay na pang-agam nagbabadya ng di-katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Mga halimbawa: marahil, siguro, tila, baka, wari, atb. Hal. 1. Marami na marahil ang nakabalita tungkol sa desisyon ng Sandiganbayan. 2. Higit sigurong marami ang dadalo ngayon sa Ateneo Home Coming kaysa nakaraang taon. 3. Tila patuloy na ang pag-unlad ng turismo sa Pilipinas.

5.

Pang-abay na panang-ayon nagsasaad ng pagsang-ayon. Hal. Oo, opo, tunay, sadya, talaga, atb. Hal. 1. Oo,asahan mo ang aking tulong. 2. Talagang mabilis ang pag-unlad ng bayan. 3. Sadyang malaki ang ipinagbago mo.

6.

Pang-abay na pananggi nag-sasaad ng pagtanggi, tulad ng hindi/di at ayaw. Hal. 1. Hindi pa lubusang nagagamot ang kanser. 2. Ngunit marami parin ang ayaw tumigil sa paninigarilyo. Pang-abay na panggaano o pampanukat nagsasaad ng timbang o sukat. Sumasagot sa tanong na gaano o magkano. Hal. 1. Tumaba ako nang limang libra . 2. Tumagal nang isang oras ang operasyon. Pang-abay na pamitagan nagsasad ng paggalang. Hal. 1. Kailan po kayo uuwi? 2. Opo, aakyat na po ako.

7.

8.

You might also like