Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

WESTFIELD ONLINE LEARNING

GRA BF Resort Drive, BFRV, Las Piñas City


GRADE SCHOOL DEPARTMENT

Taghoy ni Kabayan

Dalubhasang mga kamay ang sa akin ay nagpala

At sa hawlang parisukat, iniluwal ng tadhana

Lahat noon ay nagalak at marami ang namangha

Naging laman ng balita at sumikat sa balana.

II

Pagsiyap ko ay musika, mahika ang bawat galaw

Piling - pili ang pagkain kapag ang t'yan ay kumalam

Bawat hakbang na gawin ko, kamera ay umiilaw

Parang mutya kung ituring, para akong dugong - bughaw.

III

Kung sa gubat na luntian, doon ako nagkamalay

Ako kaya'y makaranas ng ganitong kapalaran?

Akin kayang maabot ang ganitong kalagayan

Ang mamuhay nang sagana at lunod sa kasikatan?

IV

Hindi lingid sa isip ko ang tunay na pangyayari

Kaya ako'y naririto't sa kulungan na lumaki

Lahi nami'y nauubos kaya dapat na dumami

Artipisyal na paraan ang sa aki'y humahabi.

Dumalang ang mga puno, gumuho ang mga bundok

Sa gubat na dapat sana'y roon kami nakaluklok

Inabuso ng maraming tampalasan at dayukdok

Kinuha ang kayamanan, trahedya ang idinulot.


VI

Ano pa nga't nang dumatal itong araw ng paglaya

Nabuksan ang aking kural, lumabas na tuwang - tuwa

Sasapiting kapalaran ay hindi ko alintana

Basta't ako'y makalipad, makalayo, makawala.

VII

Nasanay na sa maalwan at maluhong pamumuhay

Ang lahat ay laging dulot, gumabi man o umaraw

Di ko batid ang panganib palibhasa'y hindi gamay

Na mamuhay nang malaya sa pusod ng kagubatan.

VIII

O kay lupit ng tadhana, kay saklap ng kapalaran

Ang buhay ko ay kay igsi, dahil sa kamangmangan

Bakit kaya may alambre sa gitna ng kagubatan?

Patawarin sila ng Diyos, pagkat sila'y tao lamang.

You might also like