Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

LAKBAY SANAYSAY

Caniaw Heritage and Forest Park

Noong nakaraang linggo, nakapaglakbay kami sa Caniaw Heritage and Forest Park at nakapag-
ikot sa mga magagandang lugar doon. Isang masaya at kakaibang karanasan ito na hindi ko
malilimutan. Isang araw na punong-puno ng kasiyahan, pagtitiyaga at paghahanda ang
pinagdaanan namin upangumabot sa taas. Ang bawat hakbang na ginawa ay may kasamang
pagod, pero nakakaaliw ang mga nakikita naming tanawin at ang sariwang hangin na nakakapawi
ng pagod.

Dahil sa aming paglalakbay, ating mapapag-isip-isip kung gaano kahalaga ang mga taong
nakakasalamuha natin, at ang likas ng ganda ng kalikasan sa ating paligid. Lalo pa't nakatulong
din ito upang mas lumawak ang aming kaalaman sa kulturang taglay ng lugar.

Ito ang aking pinakaunang pagkakataon na ako ay nakapaghiking kasama ang aking mga
kakalase at kaeskuwela. Kami ay naglakad mula sa provicial jail papunta sa pasukan ng
kagubatan. Pagkarating namin doon kami ay binigyan ng paalala at payo ng mga tagapangalaga
bago kami pumasok sa loob. Habang kami ay paakyat, kami ay namumulot ng mga basura na
aming makikita sa aming madadaanan. Ito ay nakakapagod pero ito ay sulit sa pagkat nakikita mo
ang magagandang puno at halaman na nagbibigay ng sariwang hangin sa kapaligan, na
nakakapagrelax sa mga taong pupunta sa lugar na ito.

You might also like