Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Sa pananaliksik ni Magtibay (2015), sinasabi na nagkakaiba ang klase ng wikang Filipino

(Dr. Alfonso Santiago). Isa na rito ay ang Puristic Tagalog, ang Enggalog o mas kilala sa tawag
na Taglish at ang Bertaglish. Ang pagbabago ng wika ay isa sa mga makabuluhang katangian
nito. Dulot ng pag-usbong ng teknolohiya, nagkakaroon ng panibagong kaalaman ang mga tao
nang dahil sa malikhain at masinsinang pananaliksik. Ngunit, hindi maiwasan na ginagamit ang
oportunidad na ito sa masamang paraan. Kabilang dito ang suliraning pangwika kung saan
kalimitan ang pagkakamali sa pagbaybay ng mga salita. Nakikita sa pag aaral na ito na
nagbabago ang wika dahil sa pag unlad ng modernong teknolohiya at sa paggamit ng social
media.

(Jimma, 2017). Makikita na dahil sa social media ay napaghahalo halo natin ang iba't-ibang mga
salita at nakagagawa tayo ng mga akronym.
Ayon sa pag-aaral, ang pakikipag-ugnayan ng wika at kultura sa iba ay nagdadala ng
pagbabago sa wikang Filipino. Ang pagbabagong ito ay hindi lamang nagmula sa natural na
pagbabago ng wika. Natural na aspeto ng anumang wika ay nagbabago, at ang pagpigil sa
pagbabago ay mismong pagpigil sa buhay ng wika. Makikita na ang wika ay patuloy na
nagbabago at patuloy na umuunlad sa pamamagitan ng paggamit ng social media dahil dito
nakakasalamuha natin ang iba't ibang klase na lenggwahe at natututo tayo ng mga bagong salita
sa paggamit ng social media (Gallego, 2016).

Sa panahon ngayon, ilang mga estudyante ang natatanggal sa paaralan dahil sa mga hindi
kanais nais na pag-uugali sa social media. Ang mga ganitong uri ng pagkilos ay hindi naaayon sa
pagkakonserbatibong ugat ng kultura ng mga Pilipino. Marami pang mga kontrobersyal na
pagkilos, kagaya ng nabanggit, sa internet. Ang mga liberal at walang habas na pag-uugali ay
madalas natutunan ng mga kabataan mula sa internet (Goggin at Hjorth, 2017). Bagaman
maraming tulong ang naidudulot ng internet, mayroon pa rin itong naidudulot na hindi maganda.

Ayon sa isang aklat, may ugnayang pagbasa-pagsulat sa kasalukuyan. Ipinaliwanag dito


na nagkakaloob ang internet ng bago at napapanahong oportunidad upang pag-ugnayin ang
pagbasa (Astorga, 2010).
Ang teknolohiya ay nagbibigay ng mga bagong paraan para sa wika, kultura, at mundo na
kinakatawan, maipakita, at maunawaan (Smith, Kern, & Chun, 2016). Ngunit ang mga bagong
paraan ng kinatawan, pagpapahayag, at Pag-unawa ay hindi mabibilang upang mabuo ng
awtomatik. Ang mga kabataan ngayon ay natututo ngdigital na mga paraan ng pagpapahayag
ang kanilang sarili mula sa isa't isa sa labas ng paaralan, at nakikipag-ugnayan sila sa mga digital
na teknolohiya sa mga paraan na madalas na paggamit nito at pag-usap sa iba-ibang tao at mas
sopistikado kaysa sa mga nakatagpo nila sa paaralan.

Patuloy na umuunlad ang Wikang Filipino. Mas ginagamit ng karamihan sa panahon


ngayon ay ang salitang balbal. Ang mga mag-aaral ay gumagamit ng ibat-ibang pagpapalawak ng
bokabularyo na nakaaapekto din sa kanilang pamumuhay maging sa lipunan at ekonomiya.
Gumagamit din ng ibat-ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas o paggamit ng salita. Sa
pananaliksik nina Baldon et al. (2014), nakita nila na karamihan Sa respondente nila ay
naniniwala ang pinakaunang factor sa pagbago ng Wika ay ang paggamit teknolohiya. Masasabi
na sa pananaliksik na ito, ang Wika ay nagbabago sa paggamit ng teknolohiya at social media.
Ayon kay Dinglasan (2015), Ang mga Pilipino ay patuloy na binabalewala ang
nakagisnang Wika kung saan ay mas pinahahalagahan pa nila ang wikang Ingles lalo na sa social
media partikular na sa facebook o twitter. Ito ay dahil sa madaling maimpluwensyahan ang mga
Pilipino na gumamit ng mga wikang pang dayuhan.

Batay sa nakalap na datos mula kina Rodrigo, Grosch, at Andres (2013) ipinapakita na
malakas ang pagkahilig ng mga estudyante tungo sa Google Search at ang pagkakaroon ng
Internet connection sa bahay. Para sa karamihan tinanggap ang media senices sa mga tuntunin
ng pagaaral, tulad ng netbook, printed handouts, online slides na galing sa mga guro, at iba pang
mga kagamitan sa pag-aaral sa sarili at mga mapagkukunan.
May pag-aaral naman na nagsasabing may mga positibong epekto pa rin ang paggamit ng
social media, kung ang tao ay gumagamit nito nang maayos. Malaki ang kontribusyon ng
Facebook sa buhay ng bawat indibidwal, lalo na sa mga mag-aaral at sa mga malalayong

Ayon kay Mallary Jean Tennore, higit na nakakatulong ang social media sa
pagpapaunlad at pagpapalakas ng wika. Ang Wika ay palagi at patuloy na
nagbabago(nageevolve) at ang magandang salik ng pagbabagong ito ay ang
teknolohiya.Ang Social media ang nagdadala sa atin sa makalumang panahon ng
pakikipagkomunikassyon o pakikiapg-usap gamit ang pagsasalita, dahil ito ay isang
konbersisyunal na pakikipagtalastasan.Ang SNS ang tumutulong sa pagpapakilala ng
mga bagong salita at kaalaman.

You might also like