Pagbasa Paksa 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Persepsyon ng mga Mag-aaral sa Paggamit ng Panitikang Popular

Bilang Daluyan sa Pagpapalawig ng Identidad ng Wikang Filipino

Persepsyon ng mga Mag-aaral sa Paggamit ng Hatirang


Pangmadla Bilang Daluyan sa Pagpapalawig ng
Identidad ng Wikang Filipino

Hatirang Pangmadla: Persepsyon ng


mga Mag-aaral sa Balayan Senior High
School Bilang Daluyan sa Pagpapalawig
ng Identidad ng Wikang Filipino

INTRODUKSIYON
Bahagi na ng ating pangaraw-araw na pamumuhay ang paggamit ng hatirang
pangmadla o social media, at napakalaking papel ang ginagampanan nito sa
lumalagong lipunan ng ika-21 na siglo. Alinsunod sa paglago ng lipunan ay ang
paglitaw ng mga makabagong salita na siyang nagbibigay identidad sa lipunan. Ang
pananaliksik na ito ay isasagawa upang matukoy ang persepsyon ng mga mag-aaral
hinggil sa paggamit ng hatirang pangmadla bilang daluyan ng pagpapakilala ng
makabagong Wikang Filipino. Nais matukoy ng pag-aaral na ito kung gaano
nakaaapekto ang hatirang pangmadla sa pagpapalawig at pagkatuto ng mga mag-aaral
ng mga makabagong salitang Filipino sa modernong panahon.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pananaliksik na ito na may paksang “Hatirang Pangmadla: Persepsyon ng
mga Mag-aaral sa Balayan Senior High School Bilang Daluyan sa Pagpapalawig ng
Identidad ng Wikang Filipino” ay naglalayong bigyang kasagutan ang mga sumusunod na
suliranin:
1. Ano ang persepyon ng mga mag-aaral sa hatirang pangmadla bilang daluyan ng
pagpapalawig ng makabagong Wikang Filipino?
2. Gaano kaepektibo ang hatirang pangmadla bilang daluyan ng pagpapalawig ng
makabagong Wikang Filipino?
3. Paano nabibigyang identidad ng mga makabagong salitang Filipino ang Wikang
Filipino?
KALIGIRAN
Ilan sa mga pag-aaral na magiging sanligan at suporta ng pag-aaral na gagawin ay ang
mga nakaraang pag-aaral nina:
Gerard Panggat Concepcion (2016)
Rhea Jane N. Cañete et.al (2015)
Charles Lordwin D. Magtibay et.al (2015)

MGA MANANALIKSIK: Arroyo, Jillianne Isabhelle M.


Guevarra, Marielle Loriz U.
Blanca, John Echo Q.
Guevarra, Emmanuel G.
Ilao, Andrew Jhon G.
Ilao, Mark Johnsen T.
Leonzon, Jhon Rick B.
Correa, Jazryll Claire M.
Rendon, Jonelle Marie B.
Sebastian, Tiffany Kyle M.

You might also like