Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 5

I. Pagsunod-sunurin ang mga pangungusap. Piliin ang letra ng tamang sagot.


I- Nagluto na ako ng aking almusal pati na rin baon
II- Umuwi na lamang at bumalik kinabukasan
III- Paggising sa umaga ay agad akong nagdarasal
IV- Kumain muna ako bago umalis ng bahay
V- Natuto na ako ng gawaing bahay at maghanapbuhay

1. a. I,II,III,IV,V b. V,IV,III,II,I c. II,IV,III,I,V d. IV,III,I,IV,II

2. ______ ang gagamitin kung ang nais tukuyin ay tao o tauhan.


a. Ano b. kailan c. sino d. bakit
3. Ito ang gagamitin kung ang gustong tukuyin ay lugar.
a. Ano b. kailan c. saan d. bakit
4. _____ ang gagamitin kung ang nais tukuyin ay ang mga bagay,pangyayari,katangain, at pagpapahalaga.
a. Ano b. kailan c. sino d. bakit
5. _____ ang gagamitin kung ang nais na sagot ay ang oras o panahon.
a. Ano b. kailan c. sino d. bakit

6. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag ng pag-iisip at damdamin ng isang tao sa pamamgitan ng pagsasatitik ng mga
sagisag o simbolo ng mga tunog ng salita.
a. Pagsasalita b. pagbasa c. pagsulat d. pagtotono
7. Ito ay isang pahayag o mensahe sa pamamagitan ng pagsulat mula sa isang tao patungo sa isa pang tao na kadalasan
ay nasa malayong lugar.
a. Telepono b. text c. liham d. chat
8. Ito ay uri ng sulatin na kinapapalooban ng mga salitang kinikilala,tanggap ng nakararami, at kadalasang ginagamit
sa paaralan.
a. Sulating-di pormal b. Sulating pormal c. email d. chat
9. Ito ay uri ng sulatin na hindi gaanong sumusunod sa tamang pamantayan at mga tuntunin sa pagsulat.
a. Sulating di-pormal b. sulating pormal c. email d. chat
10. Uri ng liham na nagbibigay ng suhesyon hinggil sa isang paksa o isyu.
a. Liham pagkaibigan c. liham na nagbibigay ng mungkai
b. Liham nang naghahanap ng trabaho d. liham pangangalakal

11. Tumutukoy ito sa estorya o mga pangyayari kung saan umiikot ang pelikula.
a. Pamagat b. tauhan c. kuwento d. tema
12. Ito ang paksa ng pelikula. Ito ang diwa, kaisipan, at pinakapuso ng pelikula.
a. Pamagat b. tauhan c. kuwento d. tema
13. Ito ang nagpapakilala sa pelikula.
a. Pamagat b. tauhan c. kuwento d. tema
14. Mga karakter na gumaganap at nagbibigay buhay sa kuwento ng pelikula.
a. Pamagat b. tauhan c. diyalogo d. tema
15. Ito ang usapan ng mga tauhan sa kuwento.
a. Pamagat b. tauhan c. diyalogo d. tema
II. Bilugan ang letrang B kung ang pahayag ay opinyon, bilugan ang letrang C kung ang pahayag ay katotohanan.
16. Ang COVID-19 ay isang nakakahawang sakit na dulot ng bagong corona virus.
17. May mga taong ang Gawain ay magsilbi sa kapuwa.
18. Sa palagay ko, si Manny ang pinakamatalino sa kanilang klase.
19. Sa aking opinyon, mas magandang pasyalan ang Masao kaysa sa Caasinan Beach.
20. Ayon sa balita, magsisimula na ang tag-init sa buwan ng Abril.

III. Bilugan ang tamang sagot.


21. Anong uri ng sanggunian na naglalaman ng kahulugan at tamang pagbigkas ng isang salita?
a. Diksyunaryo b. atlas c. kompyuter d. Almanac
22. Anong uri ng sanggunian ang gagamitin na naglalaman ng datos na nakatala nang su nod-sunod?
a. Diksyunaryo b. atlas c. kompyuter d. Almanac
23. Anong tawag sa isang sanggunian, aklat o set na naglalaman ng impormasyon tungkol sa iba’t-ibang larangan?
a. Diksyunaryo b. atlas c. Ensayklopidya d. Almanac
24. Anong gagamitin kung ikaw ay magdedeposit ng pera sa bangko?
a. Cedula b. Deposit slip c. withdrawal slip d. bio-data
25. Kapag nais mo na maglabas ng pera sa bangko, anong pormularyo ang iyong gagamitin?
a. Cedula b. Deposit slip c. withdrawal slip d. bio-data

IV. Piliin ang tamang Pang-angkop sa bawat bilang.


26. Makulit ___ bata a. g b. na c. ng d. gg
27. Bayan ___ magiliw a. g b. na c. ng d. gg
28. Balon ___ malalim a. g b. na c. ng d. gg
29. Paaralan ___ malinis a. g b. na c. ng d. gg
30. Butas ___ bulsa a. g b. na c. ng d. gg

V. Basahin ang mga pangungusap na nasa ibaba. Piliin ang titik ng tamang ng sagot.

“Ang COVID-19 ay isang nakakahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus”


31. Alin sa pangungusap ang Simuno?
a. Ang COVID-19
b. Ay isang nakakahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus
c. Walang binanggit
d. A at B
32. Alin sa pangungusap ang Panaguri?
a. Ang COVID-19
b. Ay isang nakakahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus
c. Walang binanggit
d. A at B

“May mga taong ang Gawain ay magsilbi sa kapuwa”.


33. Alin sa pangungusap ang Simuno?
a. Mga tao b. Ang Gawain c. magsilbi sa kapuwa d. ang Gawain ay
34. Alin sa pangungusap ang Panaguri?
a. Mga tao b. Ang Gawain c. magsilbi sa kapuwa d. ang Gawain ay

“Sa palagay ko, si Manny ang pinakamatalino sa kanilang klase”


35. Alin sa mga sumusunod ang Simuno?
a. Sa kanilang klase b. sa palagay ko c. Si manny d. pinakamatalino
36. Alin naman ang Panaguri?
a. Sa kanilang klase b. sa palagay ko c. Si manny d. pinakamatalino
37. Ang makapagtapos ang kanilang anak sa pag-aaral ang laging inaasam ng magulang. Ang kasingkahulugan ng
inaasam ay______.
a. Hindi gusto b. tunay c. kinikilala d. pangarap
38. Iwasan ang pagkamuhi sa ating kapuwa. Ano ang kasingkahulugan ng pagkamuhi?
a. Pagkasuklam b. makipag-away c. mapagmataas d.manglamang

VI. Basahin ang mga sumusunod na parirala. I-shade ang letrang C kung ang pangungusap ay Pang-abay at i-shade
ang letrang D kung ito ay Pang-uri.
39. Matagumpay na nakapasa sa pagsusulit si Ana.
40. Patiwarik na nahulog ang mangga at santol na nasa mesa.
41. Napakaganda ng boses ng batang umawit sa Tawag ng Tanghalan.
42. Pagalit na kinausap ni nanay si bunso dahil sa pasong nabasag.
43. Mabilis na tumakas ang batang kumuha ng malalaking manga sa puno.
44. Malunkot ang taong nagpositibo sa COVID-19.
45. Siya ang pinakamatangkad sa klase.

VII. Kompletuhin ang mga sumusunod na pangungusap.


46. ______na magsalita ng aming panauhin.
a. palukso b. tahimik c. maingat d. napakabilis
47. Tinawid ni Ericson nang __________ ang kanal.
a. palukso b. tahimik c. maingat d. napakabilis
48. __________ na naglakad palayo ang pulubi.
a. palukso b. tahimik c. maingat d. napakabilis
49. Si Noli ay ___________ bumaba mula sa itaas ng niyog.
a. palukso b. tahimik c. maingat d. padausdos
50. Ang bundok ay __________ niyang inakyat.
a. palukso b. tahimik c. maingat d. napakabilis

You might also like