Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

!"#2 B lg .

1 20 22

PUWEDENG MAGING MASAYA


KAHIT MAGULO ANG MUNDO
!"#2
Vol. 103, No. 1 2022 TAGALOG
Produksiyon Bawat Isyu: 31,460,000
Available sa 216 na Wika
Talaan ng mga Nilalaman
Awake! (ISSN 0005-237X)
July/August 2022 is published by
Watchtower Bible and Tract Society of
New York, Inc.; Harold L. Corkern, President;
Mark L. Questell, Secretary-Treasurer;
1000 Red Mills Road, Wallkill, NY 12589-3299. PUWEDENG MAGING MASAYA
˘ 2022 Watch Tower Bible and Tract
Society of Pennsylvania.
KAHIT MAGULO ANG MUNDO
Printed in Japan.

1 Ingatan ang Kalusugan Mo


Para sa PILIPINAS:
Jehovah’s Witnesses
PO Box 2044
1060 Manila
2 Ingatan ang Kabuhayan Mo
Para sa UNITED STATES OF AMERICA:
Jehovah’s Witnesses
1000 Red Mills Road 3 Ingatan ang Kaugnayan Mo sa Iba
Wallkill, NY 12589-3299

Para sa adres sa iba pang mga bansa,


tingnan ang www.jw.org/tl/contact. 4 Ingatan ang Pag-asa Mo

Palala nang palala ang mga problema sa mundo,


at parami nang parami ang nagdurusa dahil sa
likas na mga sakuna at mga problemang gawa
ng tao. Alamin ang puwede mong gawin para
maprotektahan ang mga mahal mo sa buhay
kapag napaharap kayo sa ganitong mga
sitwasyon.

s Gusto mo bang matuto


pa tungkol sa Bibliya?
Magpunta sa
www.jw.org/tl,
o sumulat sa isa sa
mga adres sa itaas.

Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahagi ng pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliya na sinusuportahan
ng kusang-loob na mga donasyon. Para sa donasyon, magpunta sa donate.jw.org. Malibang iba ang ipinapakita, ang mga teksto
sa Bibliya ay mula sa makabagong-wikang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan.
Puwedeng Maging Masaya
Kahit Magulo ang Mundo
Mas nahihirapan ka ba ngayon dahil
sa mga nangyayari sa mundo? Alin
sa mga ito ang nagiging problema
sa lugar ninyo?

˘ digmaan

˘ epidemya

˘ likas na sakuna

˘ kahirapan

˘ pagtatangi

˘ krimen

Kapag may trahedya, nagugulat ang karamihan sa


mga biktima at nawawalan ng pag-asa. Ang ilan
naman ay natutulala na lang at parang wala nang
ˆ
pakiramdam. Pero lalong makakasama kung gano-
on na lang lagi ang nararamdaman natin.
Sa panahon ng matinding problema, dapat mong
protektahan ang mga mahal mo sa buhay, ang
kalusugan ninyo, kabuhayan, at kaligayahan.

Ano ang puwede mong gawin ngayon


para mabawasan man lang ang epek-
to sa iyo ng mga problemang pinag-
dadaanan natin?

GUMISING! Blg. 1 2022 3


1
MAGULO ANG MUNDO

Ingatan ang
Kalusugan Mo
BAKIT DAPAT ITONG PAG-ISIPAN?

Maraming masamang epekto sa kalusugan


ang krisis o sakuna.

Nakaka-stress ang mga Dahil sa krisis, posibleng hindi Apektado ng mga kalamidad ang
sakuna, at kapag nagtagal maalagaan ng mga ospital ang pinansiyal na kalagayan ng mga tao.
ang stress, mas madaling lahat ng maysakit at baka hindi Nahihirapan tuloy silang bumili ng
magkasakit ang isa. sapat ang suplay ng gamot. mga kailangan nila gaya ng masu-
sustansiyang pagkain o gamot.

Ang Dapat Mong Malaman Ang Puwede Mong Gawin Ngayon

˘ Kapag may malalang sakit ka o nai-stress, Kadalasan nang pinag-iisipan ng matalino ang
baka mahirapan kang gumawa ng tamang mga posibleng panganib at gumagawa ng para-
desisyon. Dahil dito, baka mapabayaan mo an para maiwasan ang mga ito. Ganiyan din sa
ang kalusugan mo at lalo kang magkasakit. pagkakasakit. Kadalasan nang puwede itong
maiwasan o hindi na lumala kung malinis tayo
˘ Kung ipagwawalang-bahala mo ang sakit sa katawan at sa bahay. Maging maingat para
mo, lalo itong lalala at baka manganib pa hindi magkasakit.
nga ang buhay mo.
“Kung malinis tayo sa katawan at sa bahay natin,
˘ Kung malusog ka, mas madali kang maka- hindi na natin kailangang magpadoktor at bumili
kagawa ng tamang desisyon kahit napakara- ng gamot.”—Andreas.
ming problema.
 Binago ang ilang pangalan sa magasing ito.
˘ Mayaman ka man o mahirap, puwede mong
ingatan ang kalusugan mo.

4 GUMISING! Blg. 1 2022


MAGING
MALINIS
KUMAIN NG
MASUSTANSIYANG
PAGKAIN

Sa panahon ng krisis, maiingatan


mo ang iyong kalusugan kung
susundin mo ang mga tip na ito

MAGPAHINGA

MAG-EXERCISE
ANG PUWEDENG GAWIN

Mga Tip
MAGING MALINIS MAG-EXERCISE AT MAGPAHINGA

Ang sabi ng Bibliya: “Nakikita ng matalino ang pa- Ang sabi ng Bibliya: “Mas mabuti ang sandakot na
nganib at nagtatago.” (Kawikaan 22:3) Maging alisto pahinga kaysa sa dalawang dakot ng pagpapakapagod
at huwag isapanganib ang kalusugan mo. at paghahabol sa hangin.” (Eclesiastes 4:6) Kailangan
nating balansehin ang trabaho at ang sapat na pahinga.
˙ Palaging maghugas ng kamay gamit ang sabon at
tubig, lalo na bago humawak ng pagkain o pagkatapos ˙ Manatiling aktibo. Puwede mong umpisahan ito sa
gumamit ng CR. regular na paglalakad lang. Makakatulong ito para gu-
manda ang kalusugan mo kahit may-edad ka na, may
˙ Regular na maglinis at mag-disinfect ng bahay, lalo kapansanan, o nalilimitahan dahil sa sakit.
na ng mga bagay na palaging hinahawakan.
˙ Magpahinga. Kapag kulang ka sa tulog, nakakadag-
˙ Kung posible, iwasang lumapit sa mga may nakaka- dag ito ng stress at mahihirapan kang mag-concentrate.
hawang sakit.
Kapag nagtagal ito, puwede kang magkaroon ng mala-
                                                                                                                                                                                                                                                         
lang sakit.
KUMAIN NG MASUSTANSIYANG PAGKAIN ˙ Magtakda ng tamang oras ng pagtulog, at sundin
Ang sabi ng Bibliya: “Walang sinumang napopoot iyon. Sikapin mong matulog at gumising sa magkaka-
sa sarili niyang katawan, kundi pinakakain niya ito at parehong oras araw-araw.
inaalagaan.” (Efeso 5:29) Maipapakita nating mahal ˙ Iwasang manood ng TV o gumamit ng gadyet kapag
natin ang ating katawan kung mag-iingat tayo sa mga oras na ng tulog mo.
kinakain at iniinom natin.
˙ Iwasang kumain nang marami, at huwag uminom ng
˙ Uminom ng maraming tubig. may caffeine o alkohol bago matulog.
˙ Kumain ng iba’t ibang prutas at gulay. “Nakita kong may epekto ang pagtulog sa kalusugan ko.
˙ Huwag kumain ng masyadong mamantika, maalat, Kapag kulang ako sa tulog, sumasakit ang ulo ko kung
at matamis na mga pagkain. minsan at nananakit ang katawan ko. Pero kapag sa-
pat ang tulog ko, ang gaan ng pakiramdam ko! Malakas
˙ Iwasan ang paninigarilyo, paggamit ng ipinagbaba- na malakas ako at hindi ako basta-basta nagkakasakit.”
wal na gamot, at sobrang pag-inom ng alak. —Justin.

“Para hindi magkasakit, sinisikap naming laging kumain


ng masusustansiyang pagkain. Kasi kung hindi, mapu-
punta lang sa doktor at gamot ang kinikita namin. Ibibili
na lang namin ito ng masustansiyang pagkain.”—Carlos.

HIGIT PANG IMPORMASYON. Panoorin ang video na


Ang Puwede Mong Gawin Kapag May Kumakalat na Virus.
Hanapin ang video na ito sa jw.org. Basahin din ang “Paraan
Para Maging Mas Malusog.” Hanapin ang artikulong ito sa jw.org.
2
MAGULO ANG MUNDO

Ingatan ang
Kabuhayan Mo
BAKIT DAPAT ITONG PAG-ISIPAN?

Maraming tao ang nahihirapang makaraos sa araw-araw.


Nakakalungkot, dahil sa dami ng problema sa mundo,
lalo pang nahihirapan ang mga tao na makaraos. Bakit?

Kapag may krisis sa komuni- Kapag may krisis, puwedeng Dahil sa mga sakuna, puwedeng bu-
dad, tumataas ang mga bilihin mawalan ng trabaho o ma- magsak ang mga negosyo, masira
at gastusin, gaya ng pagkain bawasan ang suweldo. ang mga bahay o iba pang mga ari-
at upa sa bahay. arian, kaya maghihirap ang mga tao.

Ang Dapat Mong Malaman Ang Puwede Mong Gawin Ngayon

˘ Kung marunong kang humawak ng pera, Ang sabi ng Bibliya: “Maging kontento na
mas magiging handa ka sa panahon ng krisis. tayo kung mayroon tayong pagkain at damit.”
—1 Timoteo 6:8.
˘ Tandaan na ang mga kinikita mo, ipon, at
ari-arian ay puwedeng mawalan ng halaga. Kung kontento tayo, masaya na tayo kapag
mayroon tayo ng mga pangangailangan natin.
˘ May mga bagay na hindi nabibili ng pera, Napakahalaga nito lalo na kung naapektuhan
gaya ng kaligayahan at pagkakaisa ng pamilya. ang kabuhayan natin.
Para maging kontento, baka kailangan mong
magtipid. Kung mas malaki ang ginagastos
mo kaysa sa kinikita mo, lalo ka lang magka-
kaproblema sa pera.

GUMISING! Blg. 1 2022 7


IWASANG
UMUTANG /
MAG-IPON

MAGTIPID

Sa panahon ng krisis, maiingatan


mo ang iyong kabuhayan kung
susundin mo ang mga tip na ito
MAGBADYET

MAGING
MASIPAG
SA TRABAHO
ANG PUWEDENG GAWIN

Mga Tip
MAGTIPID IWASANG UMUTANG / MAG-IPON

˙ Huwag munang magpalit ng mga gamit o bumili ng ˙ Gumawa ng paraan para makabawas sa utang. Kung
damit kung hindi mo pa naman kailangan. Tanungin ang posible, huwag na lang umutang. Sa halip, sikapin mong
sarili: ‘Puwede kayang magtanim ako ng mga gulay kay- pag-ipunan ang mga kailangan mong bilhin.
sa bumili nito? Kailangan ko ba talaga ng sasakyan?’
˙ Buwan-buwan, magtabi ng kaunting pera para sa mga
˙ Bago bumili ng isang bagay, tanungin ang sarili: ‘Kai- inaasahan at di-inaasahang gastusin.
langan ko ba talaga ito? May badyet ba ako para dito?’                                                                                                                                                                                                                                                              

˙ Mag-apply para sa tulong na ibinibigay ng mga MAGING MASIPAG SA TRABAHO


ahensiya ng gobyerno kung mayroon sa lugar ninyo.
Ang sabi ng Bibliya: “May pakinabang sa bawat
“Pinag-usapan ng pamilya namin ang mga gastusin pagsisikap.”—Kawikaan 14:23.
namin. Nagbawas kami ng mga libangan na magastos.
Naging mas matipid na rin kami sa paghahanda ng pag-
˙ Maging positibo sa trabaho mo. Kahit hindi mo gusto
ang trabaho mo, ang mahalaga, kumikita ka pa rin.
kain.”—Gift.
                                                                                                                                                                                                                                                         ˙ Maging masipag at maaasahan. Makakatulong ito
para hindi ka mawalan ng trabaho. At kung sakali mang
MAGBADYET
mawalan ka ng trabaho, mas madali kang makakaha-
Ang sabi ng Bibliya: “Ang mga plano ng masipag ay nap.
tiyak na magtatagumpay, pero ang lahat ng padalos-
“Hindi ako mapili sa trabaho. Okey lang sa ’kin kahit
dalos ay tiyak na maghihirap.” (Kawikaan 21:5) Maka-
hindi ko gusto ang trabaho o mababa ang suweldo.
katulong ang pagbabadyet para hindi lumampas sa
Pinagbubuti ko ang trabaho ko, na para bang ako rin
kinikita mo ang ginagastos mo.
ang makikinabang sa ginagawa ko.”—Dmitriy.
˙ Ilista ang kikitain mo sa isang buwan.
Kung naghahanap ka ng trabaho . . .
˙ Ilista ang mga bayarin mo buwan-buwan at pag-
˙ Huwag basta maghintay. Tumawag sa mga kompanya
aralang mabuti ang mga pinagkakagastusan mo.
o negosyo kahit walang nakapaskil na naghahanap sila
˙ Ikumpara ang kinikita mo sa gastos mo, at kung ng empleyado. Magsabi din sa mga kaibigan at kapamil-
kailangan, bawasan ang gastusin para hindi ka lu- ya na naghahanap ka ng trabaho.
mampas sa badyet mo.
˙ Mag-adjust. Mahirap makahanap ng trabaho na
“Buwan-buwan, gumagawa kami ng listahan kung mag- talagang gustong-gusto mo.
kano ang kinikita namin at ginagastos. Sinisikap naming
magtabi para sa mga biglaang gastusin at iba pang kai-
langang bilhin. Kaya hindi na kami masyadong kinaka-
bahan kasi alam na namin ang badyet namin.”—Carlos.

HIGIT PANG IMPORMASYON. Basahin ang


“Paano Ka Makakapag-adjust Kapag Nabawasan ang
Iyong Kita?” Hanapin ang artikulong ito sa jw.org.
9
3
MAGULO ANG MUNDO

Ingatan ang
Kaugnayan Mo sa Iba
BAKIT DAPAT ITONG PAG-ISIPAN?
´ ´
Habang tumitindi ang mga alalahanın dahil sa dumaraming
problema sa mundo, napapabayaan ng marami ang
kaugnayan nila sa mga mahal nila sa buhay.

Nilalayuan ng mga tao ang Unti-unting nawawala ang Hindi masyadong pinapansin ng
mga kaibigan nila. pagmamahal ng mga mag- mga magulang ang iniisip at na-
asawa sa isa’t isa. raramdaman ng mga anak nila.

Ang Dapat Mong Malaman Ang Puwede Mong Gawin Ngayon

˘ Mahalaga sa kalusugan at emosyon natin Ang sabi ng Bibliya: “Ang tunay na kaibigan
ang pagkakaroon ng mga kaibigan, lalo na ay nagmamahal sa lahat ng panahon at isang
sa mahihirap na kalagayan. kapatid na maaasahan kapag may problema.”
—Kawikaan 17:17.
˘ Nakaka-stress ang dami ng problema sa
mundo at puwede itong magdulot ng mga Mag-isip ng kaibigan na handang tumulong at
puwedeng magbigay ng magandang payo sa iyo.
di-inaasahang problema sa pamilya ninyo.
Malaman mo lang na may nandiyan para sa iyo,
˘ Posibleng maapektuhan nang husto ang magkakaroon ka na ng lakas na harapin ang
mga bata kapag nakarinig sila o nakapanood mga problema sa bawat araw.
ng masasamang balita.

10 GUMISING! Blg. 1 2022


PATIBAYIN
ANG PAGSASAMA
NINYONG MAG-ASAWA

Sa panahon ng krisis, maiingatan


mo ang iyong kaugnayan sa iba
kung susundin mo ang mga tip
na ito
HUWAG KALIMUTAN
ANG MGA KAIBIGAN

ALALAYAN ANG
MGA ANAK
ANG PUWEDENG GAWIN

Mga Tip
PATIBAYIN ANG PAGSASAMA ˙ Tanungin kung ano ang ginawa ng mga kaibigan mo
NINYONG MAG-ASAWA na nasa sitwasyong kagaya ng sa iyo.

Ang sabi ng Bibliya: “Ang dalawa ay mas mabuti kaysa “Kapag parang binabagyo ka na ng mga problema, ma-
sa isa . . . Dahil kung mabuwal ang isa sa kanila, maiba- tutulungan ka ng mga kaibigan mo. Kapag hindi mo na
bangon siya ng kasama niya.” (Eclesiastes 4:9, 10) Ang alam ang gagawin mo, puwede nilang ipaalala sa iyo ang
mag-asawa ay parang pilot at copilot na may iisang ruta mga bagay na baka nakalimutan mo. Mahal ka ng mga
at destinasyon, at hindi parang dalawang fighter jet na kaibigan mo, at alam nila na mahal mo rin sila.”—Nicole.
magkalaban.                                                                                                                                                                                                                                                               

˙ Sikaping huwag mainis sa isa’t isa dahil lang sa ALALAYAN ANG MGA ANAK
nai-stress kayo. Maging matiisin sa isa’t isa.
Ang sabi ng Bibliya: “Maging mabilis sa pakikinig, maba-
˙ Kahit isang beses sa isang linggo, pag-usapan nin- gal sa pagsasalita.” (Santiago 1:19) Sa umpisa, baka nag-
yong mag-asawa ang mga problema ninyo. Ang target aalangan ang mga anak mo na ikuwento ang mga iniisip
ninyo ay lutasin ang problema at hindi ang magsisihan. nila. Pero kung matiyaga kang makikinig, mas gugustuhin
na nilang magkuwento sa susunod.
˙ Gumawa ng mga bagay na pareho ninyong gusto.
˙ Gawing komportable para sa anak mo na magkuwento.
˙ Pagkuwentuhan ang masasayang pangyayari sa bu- May ilang bata na mas gustong magkuwento kapag re-
hay ninyong mag-asawa. Puwede ninyong tingnan ang
laxed sila, halimbawa kapag nasa kotse o kapag naglala-
mga picture ng kasal ninyo o iba pang masayang pang-
kad, kaysa sa nakaupo lang at kaharap ang magulang.
yayari sa buhay ninyo.
˙ Tiyakin na hindi masobrahan sa panonood o pakikinig
“Hindi talaga magkakasundo ang mag-asawa sa lahat ng masasamang balita ang mga anak mo.
ng bagay, pero kahit ganoon, puwede pa rin silang magtu-
lungan. Puwedeng magkasamang gumawa ng desisyon ˙ Ipaliwanag sa anak mo kung ano ang mga ginawa
ang mag-asawa at magtulungan para maging maganda mong hakbang para matiyak na ligtas ang buong
ang resulta.”—David. pamilya ninyo.
                                                                                                                                                                                                                                                         
˙ Gumawa ng plano kung ano ang gagawin kapag
HUWAG KALIMUTAN ANG MGA KAIBIGAN nagkaroon ng emergency at i-practice ito kasama ang
mga anak mo.
˙ Puwede kang tumanggap ng tulong mula sa mga kaibi-
“Kausapin ang mga anak mo, at hayaan mo silang
gan mo, pero puwede ka ring mag-isip ng paraan kung
magkuwento. Baka natatakot sila, nag-aalala, o naga-
paano ka makakatulong. Kapag pinapatibay mo ang iba,
galit, pero hindi nila masabi sa ’yo. Sabihin sa kanila
mapapatibay ka rin.
na nararamdaman mo rin iyon, at ikuwento sa kanila
˙ Araw-araw, kumustahin ang ilan sa mga kaibigan mo. kung paano mo hinarap iyon.”—Bethany.

HIGIT PANG IMPORMASYON. Panoorin ang


Puwedeng Maging Masaya ang Iyong Pamilya.
Hanapin ang video na ito sa jw.org.
4
MAGULO ANG MUNDO

Ingatan ang
Pag-asa Mo
BAKIT DAPAT ITONG PAG-ISIPAN?

Kapag nag-aalala tayo sa mga problema sa mundo, puwedeng maapektuhan


nito ang kalusugan natin at emosyon. Sa ganoong kalagayan, marami ang
nawawalan na ng pag-asa. Ano ang ginagawa nila?

Ayaw na ng ilan na isipin Para matakasan naman ng iba Pakiramdam ng ilan, mas mabuti
ang kinabukasan. ang problema nila, dinadaan pang magpakamatay. Iniisip nila,
nila ito sa alak o droga. “Bakit pa kailangang mabuhay?”

Ang Dapat Mong Malaman Ang Puwede Mong Gawin Ngayon

˘ Baka pansamantala lang ang ilang problema Ang sabi ng Bibliya: “Huwag kayong mag-alala
mo at baka bumuti naman ang kalagayan. tungkol sa susunod na araw, dahil ang kasunod
na araw ay magkakaroon ng sarili nitong mga
˘ Kung hindi man magbago ang sitwasyon mo, ´ ´
alalahanın. Sapat na ang mga problema sa ba-
may magagawa ka pa rin para maharap iyon. wat araw.”—Mateo 6:34.
˘ Nangangako ang Bibliya ng tunay na pag-asa Kung sobra kang mag-aalala tungkol sa susunod
—isang permanenteng solusyon sa lahat ng na mga araw, baka mapabayaan mo ang mga
problema ng tao. dapat mong gawin ngayon.
Kung mag-aalala ka sa masasamang bagay na
posibleng mangyari, lalo ka lang mai-stress at
mawawalan ng pag-asa.

GUMISING! Blg. 1 2022 13


ANG PUWEDENG GAWIN

Mga Tip
MAGING POSITIBO HUMINGI NG TULONG

Ang sabi ng Bibliya: “Laging pangit ang araw Ang sabi ng Bibliya: “Itinatakwil [ng nagbubu-
ng napipighati, pero laging may pagdiriwang ang kod ng sarili] niya ang lahat ng karunungan.”
taong masaya ang puso.” (Kawikaan 15:15) Kung (Kawikaan 18:1) Kapag nasa malalim na hukay
sobra kang nakapokus sa mga problema, baka ka, hindi ka makakaahon kung walang tutulong
hindi mo makita na nasa harap mo lang pala ang sa iyo.
solusyon. Pero kapag positibo ka, makakahanap
ka ng paraan para harapin ang sitwasyon.
˙ Humingi ng tulong sa mga kapamilya
o kaibigan.
˙ Limitahan ang pakikinig o panonood ng
mga balita.
˙ Humanap din ng pagkakataon para makatu-
long ka sa kanila. Kung gagawin mo iyon, mas
˙ Maglista ng dalawa o tatlong magagandang gaganda ang pananaw mo sa mga bagay-bagay.
bagay na nangyari sa buong araw.
˙ Kung nawawalan ka na ng pag-asa at naiisip
˙ Maglista ng mga bagay na magagawa mo lang mong wala nang saysay ang mabuhay pa, pag-
sa isang araw. Kapag may malalaki kang gawain, isipang kumonsulta sa doktor. Baka sintomas ito
unti-untiin iyon para maramdaman mong may ng isang sakit, gaya ng depresyon. Marami na
natatapos ka sa bawat araw. ang bumuti ang kalusugan nang gawin nila iyon.

 Ang Gumising! ay hindi nagrerekomenda ng


anumang partikular na paggamot.

14
Nagbibigay ng Tunay na
Pag-asa ang Bibliya
Nanalangin sa Diyos ang isang lingkod niya
noon: “Ang salita mo ay lampara sa aking
paa, at liwanag sa aking landas.” (Awit 119:
105) Ganiyang-ganiyan nga ang Bibliya, ang
Salita ng Diyos. Tingnan natin kung bakit.
Kapag madilim, makakatulong ang ilaw para
malaman kung saan tayo hahakbang. Ang
Bibliya din ay makakatulong sa atin na ma-
kagawa ng mga tamang desisyon dahil sa
magagandang payo na makikita dito.
Makakatulong ang ilaw para makita mo ang
dadaanan mo kahit nasa malayo ka pa. Gani-
yan din ang Bibliya. Ipinapakita nito ang ma-
gagandang mangyayari sa hinaharap.

Ang Bibliya ay isang banal na aklat.


Ipinapakita nito hindi lang ang
kasaysayan ng tao kundi pati na
ang tunay na pag-asa sa hinaharap.
Sinasagot ng Bibliya ang mga
tanong na ito:

Paano? Bakit? Ano?


Paano nagsimula ang pagdurusa? Sinasa- Bakit hindi masolusyunan ng tao ang Ano ang gagawin ng Diyos? Ma-
bi ng Bibliya na “sa pamamagitan ng isang mga problema? Sinasabi ng Bibliya na babasa sa Bibliya na “papahirin
tao, ang kasalanan ay pumasok sa sang- “hindi para sa taong lumalakad ang niya ang bawat luha sa mga mata
katauhan at dahil sa kasalanan ay pumasok ituwid man lang ang sarili niyang hak- nila, at mawawala na ang kama-
ang kamatayan, kaya naman ang kamata- bang.” (Jeremias 10:23) Pinapatuna- tayan, pati ang pagdadalamhati
yan ay lumaganap sa lahat ng tao, dahil si- yan ng mga nangyayari ngayon na to- at ang pag-iyak at ang kirot.”
lang lahat ay nagkasala.”—Roma 5:12. too ang sinasabi ng Bibliya. —Apocalipsis 21:4.

HIGIT PANG IMPORMASYON. Panoorin ang


Bakit Magandang Mag-aral ng Bibliya?
Hanapin ang video na ito sa jw.org.
Sa Isyung Ito ng Gumising!

Napakaraming problema sa mundo. Lahat tayo, posibleng maapektuhan ng likas


na mga sakuna at mga problemang gawa ng tao. Ano ang puwedeng gawin ng
pamilya mo para makayanan ang mga ito? Alamin kung paano mo magagawang:

Ingatan ang
1 Kalusugan Mo

Ingatan ang
2 Kabuhayan Mo

Ingatan ang
3 Kaugnayan Mo sa Iba

Ingatan ang
4 Pag-asa Mo

PAKISUYONG PADALHAN AKO NG KOPYA NG WIKA 

Masayang Buhay Magpakailanman PANGALAN 

Para matuto pa tungkol sa magandang ADRES 


kinabukasan na ipinangako ng Diyos, 
pag-aralan ang Bibliya gamit ang brosyur Para sa adres, tingnan sa pahina 2. Sa pag-fill out at pagpapadala ng
M ASAYAN G BU HAY
MAGPAKAILANMAN na ito, na inilalathala ng mga Saksi ni form na ito, sumasang-ayon ako na iproseso ng mga Saksi ni Jehova ang
I N T R O D U K S I Y O N S A PA G - A A R A L N G B I B L I YA

Jehova at available online sa www.jw.org/tl. personal na impormasyong ibinigay ko hangga’t kinakailangan lang para
matugunan ang request ko kaayon ng Privacy Policy na nasa jw.org.

s
Magpunta
n Libreng download ng
magasing ito at ng p Bibliya online sa sa website
g22.1-TG

o daan-daang wika na jw.org˙ o


220303

nakaraang mga isyu i-scan ang code

You might also like