Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Blg.

1 2023

34567
Mental na
Kalusugan
Tulong Mula
sa Bibliya
Sa buong mundo, milyon-milyon ang nagkakaproblema
sa mental na kalusugan nila. Bata man o matanda, anu-
34567
man ang kanilang kalagayan sa buhay, pinag-aralan, Vol. 144, No. 5 2023 TAGALOG
lahi, at relihiyon ay puwedeng magkaroon ng nakakaba- Produksiyon Bawat Isyu: 24,400,000
Available sa 413 WIKA
halang mga sintomas nito. Ano ba ang mga problema
sa mental na kalusugan, at ano ang epekto nito sa mga ANG MAGASING ITO, Ang Bantayan, ay
nagpaparangal sa Diyos na Jehova, ang
tao? Sa magasing ito, tatalakayin kung bakit mahalaga Tagapamahala ng uniberso. Nagbibigay
ito ng pag-asa sa mga tao sa pamamagi-
ang tamang paggamot at kung paano makakapagbigay tan ng mabuting balita na malapit nang
ng praktikal na tulong ang Bibliya sa mga mayroon nito. kumilos ang Kaharian ng Diyos sa langit
para alisin ang lahat ng kasamaan at ga-
wing paraiso ang lupa. Pinapasigla nito
ang mga tao na manampalataya kay Jesu-
Kristo, na namatay para magkaroon tayo
ng pag-asang mabuhay nang walang hang-


TA L A A N N G M G A N I L A L A M A N
gan at namamahala na ngayon bilang Hari
sa Kaharian ng Diyos. Ang magasing ito ay
walang pinapanigan sa politika at patuloy
Problema sa Mental na Kalusugan sa Buong Mundo 3 na inilalathala mula pa noong 1879. Sinu-
 sunod nito ang Bibliya bilang awtoridad.

Nagmamalasakit ang Diyos sa Iyo 5 The Watchtower (ISSN 0043-1087)



May/June 2023 is published by
Watchtower Bible and Tract Society of
1 Manalangin—‘Ihagis
´ Ninyo sa Kaniya ang Lahat New York, Inc.; Harold L. Corkern, President;
´
ng Inyong Alalahanın’ 6 Mark L. Questell, Secretary-Treasurer;
 1000 Red Mills Road, Wallkill, NY 12589-3299.
˘ 2023 Watch Tower Bible and Tract
2 “Ang Kasulatan ay Nagbibigay sa Atin ng Lakas” 8 Society of Pennsylvania.
 Printed in Japan.

3 Makakatulong ang mga Halimbawa sa Bibliya 10




4 Nagbibigay ang Bibliya ng Praktikal na Payo 12


Para sa PILIPINAS:

Jehovah’s Witnesses
PO Box 2044
Paano Matutulungan ang mga May Problema sa 1060 Manila
Mental na Kalusugan? 14
Para sa UNITED STATES OF AMERICA:

Jehovah’s Witnesses
1000 Red Mills Road
Nangangako ang Diyos ng Perpektong Mental na Kalusugan 16
Wallkill, NY 12589-3299


Para sa adres sa iba pang mga bansa,


tingnan ang www.jw.org/tl/contact.

s Gusto mo bang matuto pa


tungkol sa Bibliya?

Hindi ipinagbibili ang publikasyong ito. Inilaan ito bilang bahagi ng pambuong-daigdig na pagtuturo sa Bibliya na sinusuportahan
Magpunta sa
www.jw.org/tl,
o sumulat sa isa sa
mga adres sa itaas.

ng kusang-loob na mga donasyon. Para sa donasyon, magpunta sa donate.jw.org. Malibang iba ang ipinapakita, ang mga teksto sa
Bibliya ay mula sa makabagong-wikang Bagong Sanlibutang Salin ng Banal na Kasulatan.
Problema
sa Mental na
Kalusugan sa
Buong Mundo
“Lagi akong nag-aalala kahit mag-isa
lang akong nakaupo sa kuwarto ko.”

“Kapag masayang-masaya ako, natatakot ako kasi mahalagang malaman kung ano ang dapat na ma-
pakiramdam ko, made-depress na naman ako pag- ging pananaw mo at ng mga mahal mo sa buhay
katapos nito.” tungkol dito.
“Sinisikap kong magpokus sa mga nangyaya- Ano ang mental na kalusugan?
ri bawat araw. Pero kung minsan, bigla na lang
akong nag-aalala sa iba pang mga bagay.” Kapag maganda ang iyong mental na kalusugan,
maganda rin ang pakiramdam mo at nakakagawa
Nakaka-relate ka ba sa mga sinabing ito ng mga ka nang maayos. Nakakayanan mo ang mga prob-
taong may problema sa mental na kalusugan? Na- lema sa araw-araw, marami kang nagagawa, at ma-
raranasan mo ba iyan o ng isang mahal mo sa bu- saya ka sa buhay mo.
hay?
Kung oo, hindi ka nag-iisa. Marami sa ngayon Problema sa mental na kalusugan
ang may problema sa mental na kalusugan. ˙ Hindi ito dahil sa personal na kahinaan.
Talagang nabubuhay na tayo sa panahong “ma- ˙ Isa itong medikal na kondisyon na nagdudulot
panganib at mahirap ang kalagayan.” (2 Timoteo ng sobrang pag-aalala, at binabago nito ang pag-
3:1) Ayon sa isang pag-aaral, mga isa sa walong tao iisip, emosyon, at paggawi ng isang tao.
ang may problema sa mental na kalusugan sa bu-
˙ Kadalasan nang nagiging dahilan ito kung kaya
ong mundo. Noong 2020, dahil sa COVID-19 pan-
demic, mas mataas ng mga 26 na porsiyento ang mahirap para sa isang tao na makitungo sa iba at
harapin ang mga hamon sa buhay.
bilang ng mga may anxiety kaysa noong 2019, at
mas mataas naman ng mga 28 porsiyento ang du- ˙ Puwede itong makaapekto sa isang tao anuman
maranas ng depression. ang kaniyang edad, kultura, lahi, relihiyon, pi-
nag-aralan, o kalagayan sa buhay.
Mahalagang malaman kung gaano karami ang
nagkakaroon ng anxiety at depression. Pero mas

ANG BANTAYAN Blg. 1 2023 3


Tulong para sa mga may problema
sa mental na kalusugan
Kung napansin mong ikaw o ang isang mahal
mo sa buhay ay nagkaroon ng malaking pag-
babago sa ugali, tulog, o pagkain, o nakaka-
ranas ng nagtatagal na kalungkutan o pag-
aalala, baka kailangan ninyong magpatingin
sa doktor para malaman ang sanhi nito at
matulungan.
Sinabi ni Jesu-Kristo, ang pinakamatali-
nong tao na nabuhay kailanman: “Ang malu-
lusog ay hindi nangangailangan ng mangga-
gamot, kundi ang mga maysakit.” (Mateo
9:12) Maraming maysakit na tumanggap ng
tamang therapy at paggamot ang natulu-
ngang mabawasan ang sintomas ng kanilang
sakit at magkaroon ng masaya at makabulu-
hang buhay. Kung malala na o nagtatagal ang
mga sintomas, makakabuting magpagamot
agad.1
Ang Bibliya ay hindi aklat sa medisina,
pero makakatulong ito sa ating mental na ka-
lusugan. Sana mabasa mo ang kasunod na
mga artikulo para malaman mo kung pa-
ano makakatulong ang Bibliya na makaya-
nan ang problema sa mental na kalusugan.
1 Ang Bantayan ay hindi nagrerekomenda ng partikular na pag-
gamot. Dapat maingat na suriin ng bawat isa kung anong pagga-
mot ang pipiliin niya bago siya gumawa ng desisyon.

4 ANG BANTAYAN Blg. 1 2023


Nagmamalasakit
ang Diyos sa Iyo
NASA Bibliya ang pinakamagagandang payo “Si Jehova ay malapit sa mga may
dahil galing ito sa Diyos. Hindi ito aklat pusong nasasaktan; inililigtas niya
na pangkalusugan, pero makakatulong ito sa
praktikal na paraan para maharap ang mahi- ang mga nasisiraan ng loob.”
hirap na sitwasyon, magulong pag-iisip, ne- —AWIT 34:18.
gatibong emosyon, at nakaka-stress na mga
problema sa pisikal at mental na kalusu- “Ako, si Jehova na iyong Diyos, ay
gan. nakahawak sa kanang kamay mo,
Higit sa lahat, tinitiyak sa atin ng Bibliya ang nagsasabi sa iyo, ‘Huwag kang
na wala nang mas nakakaintindi sa ating ini- matakot. Tutulungan kita.’ ”
isip at nararamdaman kaysa sa ating Mayla- —ISAIAS 41:13.
lang, ang Diyos na Jehova.1 Gustong-gusto
niya tayong tulungang makayanan ang mga Pero paano tayo tinutulungan ni Jehova na
problema natin. Tingnan natin ang dalawang makayanan ang mga problema sa mental na
nakakapagpatibay na teksto sa Bibliya: kalusugan? Gaya ng makikita mo sa susunod
na mga artikulo, talagang nagmamalasakit
1 Jehova ang personal na pangalan ng Diyos.—Awit 83:18.
sa atin si Jehova sa maraming paraan.

5
1
Manalangin
‘Ihagis Ninyo sa
Kaniya ang Lahat ng
´ ´
Inyong Alalahanın’

S I N A S A B I N G B I B L I YA :

‘Ihagis ninyo sa Diyos ang


´
lahat ng inyong alalahan ´
ın,
dahil nagmamalasakit siya
sa inyo.’—1 PEDRO 5:7.

Ibig Sabihin tayo. Nakikita tayo ni Jehova. Alam niya ang pi-
nagdaraanan natin at gusto niyang sabihin na-
Gusto ng Diyos na Jehova na sabihin natin sa ka-
tin sa kaniya ang anumang ikinababahala natin.
niya ang anumang problema na gumugulo sa isip
—2 Cronica 6:29, 30.
at puso natin. (Awit 55:22) Malaki man o maliit
ang problema, puwede natin itong ipanalangin. Kapag nananalangin tayo kay Jehova, mas na-
Kung malaking bagay ito sa atin, malaking bagay raramdaman nating nagmamalasakit siya sa atin.
rin ito kay Jehova. Ang panalangin ay isang maha- Mararamdaman din natin ang naramdaman ng sal-
lagang paraan para magkaroon ng kapayapaan ng mista: “Nakita mo ang pagdurusa ko; alam mo ang
isip.—Filipos 4:6, 7. paghihirap ng kalooban ko.” (Awit 31:7) Dahil
alam nating nakikita ni Jehova ang mga pinagda-
Kung Paano Ito Makakatulong raanan natin, malaking tulong na iyon para maka-
yanan ang mga problema. Pero hindi lang iyan.
Kapag may problema tayo sa mental na kalusugan,
Wala nang mas nakakaunawa sa atin kaysa kay Je-
baka maramdaman nating nag-iisa tayo. Hindi la-
hova, at pinapatibay niya tayo sa pamamagitan ng
ging naiintindihan ng ibang tao ang pinagdaraa-
Bibliya.
nan natin. (Kawikaan 14:10) Pero kapag sinasabi
natin sa Diyos ang nararamdaman natin, sigura-
dong papakinggan niya tayo at maiintindihan niya

6 ANG BANTAYAN Blg. 1 2023


Natulungan ng Bibliya
JULIAN
Ang Epekto sa Akin ng Anxiety
“Meron akong anxiety at obsessive-compul-
sive disorder (OCD). Bigla na lang akong
inaatake n’on. Ngayon, ayos lang ako; ’ta-
pos, bigla na lang akong mag-aalala nang wa-
lang dahilan. Lalo akong nag-aalala kapag
may mga kasama ako, kasi baka kung ano-
ano ang iniisip nila tungkol sa akin.
“Sinusuportahan naman ako ng mga na-
kakaalam sa problema ko. Kaya lang, kung
minsan, iba y’ong sinasabi nila sa kailangan
kong marinig. Pero nagpapasalamat pa rin
ako sa pagsisikap nilang makatulong.
“Kung minsan, dahil sa anxiety ko at OCD,
nahihirapan akong manalangin. Hirap na hi-
rap akong mag-concentrate at makipag-usap
kay Jehova. Ang gulo-gulo ng isip ko, nalili-
to tuloy ako. Kapag sobrang dami na ng inii- sabihin ko, sinasabi ko na lang: ‘Jehova, tu-
sip ko, hindi ko na alam kung paano iyon sa- lungan n’yo po ako.’ Kahit ganoon lang, na-
sabihin.” raramdaman kong naiintindihan ako ni
Jehova at ibinibigay niya kung ano ang kai-
Kung Paano Ako Natulungan ng Bibliya langan ko. Bukod sa panalangin, nagpapa-
therapy rin ako. Masaya ako kasi bumuti
“Sa pag-aaral ng Bibliya, natutuhan kong
ang kalagayan ko. Talagang sulit na lumapit
hindi kailangang mahaba o napakaganda ng
sa ating Ama sa langit at maramdaman ang
panalangin para tanggapin ito ng Diyos.
pagmamahal at suporta niya.”
Kung minsan, kapag hindi ko na alam ang sa-

Tulong sa mga Kabataan


Sa website na jw.org, alamin kung bakit ka
makakapagtiwala na pinapakinggan at si-
nasagot ni Jehova ang mga panalangin mo.
Panoorin ang video na Maging Kaibigan
ni Jehova—Laging Manalangin.

7
2
“Ang Kasulatan
ay Nagbibigay
sa Atin ng Lakas”
S I N A S A B I N G B I B L I YA :

“Ang lahat ng bagay na isinulat noon


ay isinulat para matuto tayo, at may
pag-asa tayo dahil ang Kasulatan
ay nagbibigay sa atin ng lakas at
tumutulong sa atin na magtiis.”
—ROMA 15:4.

Ibig Sabihin ˙ Tinutulungan tayo ng Bibliya na huwag isiping


hindi tayo mahalaga.—Lucas 12:6, 7.
Tinutulungan tayo ng Bibliya na magkaroon ng la-
kas at makapagtiis para makayanan natin ang ne- ˙ Tinitiyak ng maraming teksto sa Bibliya na hindi
gatibong kaisipan. Binibigyan din tayo nito ng tayo nag-iisa at na talagang nauunawaan tayo ng
pag-asa na malapit nang mawala ang mga negati- ating Diyos, ang ating Maylalang.—Awit 34:18;
bong emosyon. 1 Juan 3:19, 20.
˙ Nangangako ang Bibliya na aalisin ng Diyos ang
Kung Paano Ito Makakatulong
lahat ng masasakit na alaala. (Isaias 65:17; Apo-
Lahat tayo ay nalulungkot paminsan-minsan. Pero calipsis 21:4) Kapag gulong-gulo ang isip natin at
ang mga may depression o anxiety, araw-araw sobra tayong nag-aalala, makakatulong ang pa-
silang pinapahirapan ng matinding kalungkutan. ngakong iyan para makapagpatuloy sa buhay.
Paano makakatulong ang Bibliya?
˙ Matutulungan tayo ng Bibliya na manatiling po-
sitibo. (Filipos 4:8) Pinupuno nito ang isip natin
ng nakakapagpatibay na mga bagay kaya napapa-
natag tayo at nakokontrol natin ang emosyon na-
tin.—Awit 94:18, 19.

8 ANG BANTAYAN Blg. 1 2023


di iyon ang sinasabi ng Bibliya. Sinasabi nito
Natulungan ng Bibliya na ang Diyos ay isang mapagmahal at maa-
JESSICA waing Ama na nagmamalasakit sa bawat isa
sa atin. Unti-unti kong natutuhang pahala-
gahan ang sarili ko gaya ng pagpapahala-
Ang Epekto sa Akin ng Depression
ga ng Diyos sa akin. Mahalagang paraan ito
“Noong 25 ako, nagka-nervous breakdown para maalis ang negatibong pananaw sa sari-
ako at na-diagnose na may matinding de- li ko.
pression. Biglang bumabalik sa isip ko ang
“Excited na akong mawala ang lahat ng
masasakit na alaala. Ipinaliwanag sa akin ng
masasakit na alaala at negatibong paraan ng
mga doktor na dahil lagi kong iniisip ang ma-
pag-iisip. Alam kong malapit nang mawa-
sasamang nangyari sa buhay ko, nagkaroon
la ang problema sa mental na kalusugan,
ako ng depression. Bukod sa mga gamot, ka-
kaya natitiis ko na ang mga pinagdaraanan
ilangan ko ring magpa-therapy para matu-
ko ngayon. At umaasa akong darating ang
koy at maitama ang mga negatibong iniisip
panahong mawawala na rin ang depression
ko.”
ko.”
Kung Paano Ako Natulungan ng Bibliya
“Noong depressed na depressed ako, nagka-
roon ako ng panic attack, sobrang pag-aala-
la, at hindi ako makatulog. Sa gabi, mada-
las na gulong-gulo ang isip ko. Gaya nga ng
sabi sa Awit 94:19, kaya tayong payapain at
paginhawahin ng Diyos kapag sobra tayong
nag-aalala. Kaya laging nasa tabi ko ang Bib-
liya ko at isang notebook na may nakalistang
nakakapagpatibay na mga teksto. Kapag hin-
di ako makatulog, nagbabasa ako ng ilang
teksto kaya parang pinagiginhawa ng Diyos
ang isip ko.
“Tinutulungan tayo ng Bibliya na itama
ang mga iniisip natin na kontra sa alam natin
tungkol sa Diyos. Noon, pakiramdam ko,
wala akong kuwentang tao, mahirap maha-
lin, at walang silbi. Pero natutuhan kong hin-

Para sa Basahin ang artikulong “Tulong Mula sa ‘Diyos ng Kaaliwan,’ ”


sa Hulyo 2009, isyu ng Gumising! sa jw.org/tl.
Higit Pang
Pakinggan ang rekording ng aklat ng mga Awit sa jw.org/tl.
Tulong:
9
3
Makakatulong ang
mga Halimbawa
sa Bibliya
M A BA BA S A S A B I B L I YA . . .

Ang tapat na mga lalaki at babae na


“may damdaming tulad ng sa atin.”
—SANTIAGO 5:17.

Ibig Sabihin ˙ Mababasa natin sa Bibliya ang tungkol kay Hana.


“Napakabigat ng kalooban” niya dahil hindi siya
Sa Bibliya, marami tayong mababasa tungkol sa
magkaanak at laging iniinsulto ng karibal niyang
mga lalaki at babaeng nakaramdam ng iba’t ibang
si Penina.—1 Samuel 1:6, 10.
emosyon. Sa pagbabasa natin ng Bibliya, baka ma-
kakita tayo ng isang karakter na may karanasang ˙ Makaka-relate din tayo kay Job. Matibay ang pa-
gaya ng sa atin. nanampalataya niya pero noong dumanas siya ng
napakatitinding problema, nasabi niya: “Kina-
Kung Paano Ito Makakatulong mumuhian ko ang buhay ko; ayoko nang mabu-
hay pa.”—Job 7:16.
Gusto nating lahat na may makaintindi sa atin.
Pero lalo nating kailangan iyan kapag may proble- Kapag pinag-aralan natin kung paano napagta-
ma tayo sa mental na kalusugan. Kapag nababasa gumpayan ng mga karakter na ito sa Bibliya ang
natin ang karanasan ng ilang karakter sa Bibliya, negatibong kaisipan, magkakaroon din tayo ng la-
baka maka-relate tayo sa kanila. Dahil diyan, nara- kas para makayanan ang mga pinagdaraanan na-
ramdaman nating may karamay tayo at hindi tayo tin.
nag-iisa kapag sobra tayong nag-aalala o nalulung-
kot.
˙ Sa Bibliya, mababasa natin ang sinabi ng ilang
nakaramdam na nag-iisa sila at wala nang pag-
asa. Nasabi mo na rin ba, ‘Hindi ko na kaya’? Na-
sabi iyan nina Moises, Elias, at David.—Bilang
11:14; 1 Hari 19:4; Awit 55:4.

10 ANG BANTAYAN Blg. 1 2023


depressed na depressed ako, at napakababa
Natulungan ng Bibliya ng tingin ko sa sarili ko. Pero naka-relate ulit
KEVIN ako sa sinabi ni David sa talata 10: ‘Dalisayin
mo ang puso ko, O Diyos, at bigyan mo
ako ng bagong saloobin na magpapatatag sa
Ang Epekto sa Akin ng Bipolar Disorder
akin.’ Ganiyan din ang sinasabi ko sa Diyos
“Na-diagnose ako na may bipolar disorder para mabago ang tingin ko sa sarili ko. At
noong malapit na akong mag-50. May mga ang talagang nagpatibay sa ’kin, y’ong tala-
panahong pakiramdam ko, kaya kong hara- ta 17. Sabi do’n: ‘Ang pusong wasak at durog,
pin ang kahit anong problema. Pero may O Diyos, ay hindi mo itatakwil.’ Tinitiyak
mga panahon din na parang ayoko nang ma- sa akin ng tekstong ito na mahal ako ng
buhay.” Diyos.
“Dahil nagpopokus ako sa mga halimbawa
Kung Paano Ako Natulungan ng Bibliya
sa Bibliya at sa mga pagpapala ng Diyos sa
“Naka-relate ako sa karakter sa Bibliya na si akin ngayon, tumitibay ang pag-asa ko sa hi-
apostol Pedro. Nakagawa siya ng mga pag- naharap. Totoong-totoo sa akin ang mga pa-
kakamali kaya pakiramdam niya, wala na ngako ng Bibliya at nakatulong ’yon sa akin
siyang halaga. Pero imbes na laging iyon ang para magpatuloy sa buhay.”
isipin, humingi ng tulong si Pedro sa mga ka-
ibigan niya na talagang nagmamalasakit sa
kaniya. Kapag sinusumpong ako ng bipolar
disorder, puro kahinaan ko na lang ang naii-
sip ko at pakiramdam ko, wala akong halaga.
Gaya ni Pedro, sinikap kong manatiling ma-
lapıt´ sa mga kaibigan kong nagpapatibay sa
akin na huwag sumuko.
“Napatibay rin ako sa karanasan ni Ha-
ring David. Madalas siyang ma-depress dahil
sa sitwasyon niya at sa mga pagkakamaling
nagawa niya. Nakaka-relate ako sa kaniya
kasi kung minsan, nakakapagsalita o naka-
kagawa ako ng mga bagay na pinagsisisi-
han ko. Napatibay ako ng sinabi ni David sa
Awit 51. Sa talata 3, sinabi niya: ‘Alam na
alam ko ang mga pagkakamali ko, at ang ka-
salanan ko ay laging nasa harap ko.’ Gani-
yang-ganiyan ang nararamdaman ko kapag

Para sa Basahin ang artikulong “Pamumuhay Nang May Mood Disorder”


sa Enero 8, 2004, isyu ng Gumising! sa jw.org/tl.
Higit Pang
Tulong:
11
4
Nagbibigay
ang Bibliya ng
Praktikal na Payo
S I N A S A B I N G B I B L I YA :

“Ang buong Kasulatan ay . . .


kapaki-pakinabang.”
—2 TIMOTEO 3:16.

Ibig Sabihin “Ang ehersisyo ay mabuti sa iyong


Hindi aklat sa medisina ang Bibliya, pero nagbibi- katawan.”—1 TIMOTEO 4:8, CONTEMPORARY
gay ito ng praktikal at kapaki-pakinabang na mga ENGLISH VERSION.
payo. Makakatulong ito sa mga may problema sa
mental na kalusugan. Tingnan ang ilang halim- Kapag naglalaan ka ng panahon para gumanda ang
bawa. pisikal na kalusugan mo, posibleng gumanda rin
ang mental na kalusugan mo. Kaya makakabuti
Kung Paano Ito Makakatulong kung regular kang mag-eehersisyo, kakain ng ma-
susustansiyang pagkain, at matutulog nang sapat.
“Ang malulusog ay hindi nangangai-
langan ng manggagamot, kundi ang “Ang masayang puso ay mabisang gamot,
mga maysakit.”—MATEO 9:12. pero ang pagkasira ng loob ay nakauubos
ng lakas.”—KAWIKAAN 17:22.
Sinasabi ng Bibliya na kung minsan, kailangan na-
ting magpagamot. Naintindihan ng maraming may Kung magbabasa ka ng mga teksto sa Bibliya at
problema sa mental na kalusugan ang tungkol sa magtatakda ng makatuwirang mga tunguhin na
sakit nila nang magpatingin sila sa doktor. kaya mong abutin, magiging masaya ka. Kapag

12 ANG BANTAYAN Blg. 1 2023


nagpopokus ka sa magagandang bagay na
nangyayari sa buhay mo at umaasang magi-
ging maganda ang kalagayan sa hinaharap,
makakatulong ito sa iyo.
“Ang karunungan ay nasa
mga mapagpakumbaba.”
—KAWIKAAN 11:2.

Baka nahihirapan kang gawin ang mga bagay


na gusto mong gawin nang ikaw lang mag-isa.
Kaya humingi ng tulong sa iba. Malamang na
gusto ka namang tulungan ng mga kaibigan
mo at kapamilya. Pero baka hindi lang nila
alam kung paano iyon gagawin. Kaya sabihin
mo sa kanila kung paano ka nila matutulu-
ngan. Huwag ka namang umasa nang sobra-
sobra. Magpasalamat ka sa anumang tulong
na maibibigay nila.

Nakakatulong ang Payo ng Bibliya


sa mga May Pinagdaraanan “Hindi ko masabi sa iba ang pinagdaraa-
nan ko kasi nakakahiya. Pero may kaibigan
“Parang may mali sa akin kaya nagpadok-
akong handang makinig sa akin at nagsisikap
tor ako. Na-diagnose niya ang kondisyon ko.
siyang unawain ang nararamdaman ko. Dahil
Nakatulong iyon sa akin na matanggap ang
sa kaniya, nagiging okey ako at pakiramdam
sitwasyon ko at malaman ang mga paraan
ko, hindi ako nag-iisa.”—Ji-yoo, may eating
ng paggamot na makakatulong sa kalusugan
disorder.
ko.”—Nicole,1 may bipolar disorder.
“Dahil sa Bibliya, naging balanse ako at
“Nakatulong sa akin ang pagbabasa na-
makatuwiran pagdating sa trabaho at pahi-
ming mag-asawa ng Bibliya para maging ma-
nga. Nakatulong din ’yon para makayanan ko
ganda ang simula ng araw ko. At kapag may
ang mga negatibong emosyon na nagpapahi-
mga araw na inaatake ako ng depression, na-
rap sa ’kin.”—Timothy, may obsessive-compul-
papatibay ako ng isang partikular na teksto.”
sive disorder.
—Peter, may depression.
1 Binago ang ilang pangalan.

Para sa Higit Pang Tulong:


Panoorin ang whiteboard animation na
Madaraig Mo ang Kalungkutan sa jw.org/tl.
13
Paano Matutulungan
ang mga May Problema
sa Mental na
Kalusugan?

S I N A S A B I N G B I B L I YA :

“Ang tunay na kaibigan ay nagmamahal


sa lahat ng panahon at isang kapatid
na maaasahan kapag may problema.”
—KAWIKAAN 17:17.

Ibig Sabihin “Patibayin ang mga pinanghihinaan


Baka hindi natin alam ang gagawin kapag may ng loob.”—1 TESALONICA 5:14.
problema sa mental na kalusugan ang isang kaibi-
gan. Pero maipapakita natin sa kaniya na talagang Baka sobrang nag-aalala ang kaibigan mo o paki-
gustong-gusto natin siyang tulungan. Paano? ramdam niya, wala siyang halaga. Pero kung titiya-
kin mo sa kaniya na nagmamalasakit ka, mapapa-
Kung Paano Ito Makakatulong tibay mo siya kahit hindi mo alam ang eksaktong
sasabihin mo.
“Maging mabilis sa pakikinig.”
“Ang tunay na kaibigan ay
—SANTIAGO 1:19.
nagmamahal sa lahat ng panahon.”
Ang isa sa pinakamagandang paraan para matulu- —KAWIKAAN 17:17.
ngan ang kaibigan mo ay ang makinig sa kaniya.
Hindi mo kailangang sagutin ang lahat ng sinasa- Mag-alok ng praktikal na tulong. Sa halip na isi-
bi niya. Ipakita mong nakikinig ka at talagang ping alam mo na ang gagawin para makatulong, ta-
nagmamalasakit ka. Sikaping unawain ang nara- nungin mo siya. Kung nahihirapan siyang sabihin
ramdaman niya at huwag siyang husgahan. Baka kung ano ang kailangan niya, yayain mo siyang
makapagsalita siya ng mga bagay na hindi niya si- maglakad-lakad, samahan siya sa pagsa-shopping,
nasadya at pagsisisihan niya.—Job 6:2, 3. paglilinis, o iba pang mga gawain.—Galacia 6:2.

14 ANG BANTAYAN Blg. 1 2023


“Maging mapagpasensiya.” “Mabuti na lang, nandiyan ang asawa ko
—1 TESALONICA 5:14.
na tumutulong at sumusuporta sa ’kin. Ka-
pag sobra-sobra na ang pag-aalala ko, hin-
Baka hindi pa handang makipag-usap ang di niya ako pinipilit na gawin ang anu-
kaibigan mo. Tiyakin mo sa kaniya na handa mang bagay na ayaw kong gawin. Kaya tuloy
kang makinig kapag gusto na niyang magku- kung minsan, hindi na niya nagagawa ang
wento. Dahil sa sakit ng kaibigan mo, baka mga bagay na gustong-gusto sana niyang ga-
may masabi siya o magawa na makakasakit win. Mapagsakripisyo siya at mapagparaya
sa iyo. Baka kanselahin pa nga niya ang mga kaya mahal na mahal ko siya.”—Enrico, may
plano ninyo o maging iritable. Maging mau- anxiety disorder.
nawain at mapagpasensiya habang tinutulu-
ngan mo siya.—Kawikaan 18:24.

Malaki ang Magagawa ng Tulong Mo


“Tinitiyak ko sa kaniya na lagi akong nan-
diyan para sa kaniya. Hindi ko man masolus-
yunan ang problema niya, nakikinig naman
ako sa lahat ng sinasabi niya. Kung min-
san, kailangan niya lang ng mapagsasabi-
han.”—Farrah,1 may kaibigang dumaranas ng
eating disorder, anxiety, at clinical depression.
“Napakabait at napakapositibo ng isa
kong kaibigan. Niyaya niya akong kumain sa
bahay nila. Talagang naramdaman kong nag-
mamalasakit siya sa ’kin kaya nasabi ko ang
niloloob ko. Talagang napatibay ako do’n!”
—Ha-eun, may clinical depression.
“Napakahalaga ng pagiging mapagpasen-
siya. Kapag may nagagawa ang misis ko na
nakakainis, iniisip kong dahil iyon sa sakit
niya at hindi niya iyon sinasadya. Kaya nagi-
ging mas makonsiderasyon ako at hindi ako
nagagalit sa kaniya.”—Jacob, may asawang
dumaranas ng clinical depression.
1 Binago ang ilang pangalan.

Para sa Basahin ang artikulong “Kapag May Sakit ang Isang Minamahal”
sa Oktubre 2015, isyu ng Gumising! sa jw.org/tl.
Higit Pang
Tulong:
15
Nangangako ang
Diyos ng Perpektong
Mental na Kalusugan

Sa tulong ng Bibliya, naglaan ang Diyos Kapag tinupad na ng Diyos ang pangako niya,
ng patnubay at pampatibay para maka- ang sobrang kalungkutan, pag-aalala, at masasakit
na karanasan ay “hindi na maaalaala pa, at mawa-
yanan ang problema sa mental na kalu-
wala na ang mga ito sa puso.”—Isaias 65:17.
sugan.
Gusto ng mga Saksi ni Jehova na tulungan kang
Pero hindi lang iyan ang ginawa ng Diyos. Ipina- malaman kung kailan at kung paano tutuparin ng
ngako niya na aalisin niya ang lahat ng dahilan ng Diyos ang napakagandang pangakong iyan.
problema sa mental na kalusugan.

PAKISUYONG PADALHAN AKO NG KOPYA NG WIKA 

Masayang Buhay Magpakailanman PANGALAN 

Para matuto pa tungkol sa perpektong ADRES 


kalusugan na ipinapangako ng Diyos, 
M ASAYAN G BU HAY
pag-aralan ang Bibliya gamit ang brosyur Para sa adres, tingnan sa pahina 2. Sa pag-fill out at pagpapadala ng
MAGPAKAILANMAN na ito na inilalathala ng mga Saksi ni form na ito, sumasang-ayon ako na iproseso ng mga Saksi ni Jehova ang
I N T R O D U K S I Y O N S A PA G - A A R A L N G B I B L I YA

Jehova at available online sa www.jw.org/tl personal na impormasyong ibinigay ko hanggat kinakailangan lang para
matugunan ang request ko kaayon ng Privacy Policy na nasa jw.org.

s n Libreng download ng Magpunta sa


p Bibliya online sa
wp23.1-TG

magasing ito at ng website na jw.org


o daan-daang wika
221207

nakaraang mga isyu o i-scan ang code

You might also like