Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

NORTHVILLE CHRISTIAN ACADEMY


National Road, Banica Roxas City

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 4

Pangalan______________________________________________ Iskor__________
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pangungusap at bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Wala itong impit sa lalamunan sa huling pantig at hindi na kailangang tuldukan.


a. Malumay b. Malumi c. Mabilis d. Maragsa
2. Dahan dahang pagbig-kas ngy salita na may impit sa lalamunan sa huling pantig.
a. Malumay b. Malumi c. Mabilis d. Maragsa
3. Tuloy-tuloy na pagbigkas nang walang impit sa lalamunan sa huling pantig.
a. Malumay b. Malumi c. Mabilis d. Maragsa
4. Binibigkas nang tuloy-tuloy at may impit sa lalamunan sa huling pantig.
a. Malumay b. Malumi c. Mabilis d. Maragsa
5. Ang tawag sa panlaping inilalagay sa unahan ng salitang-ugat.
a. Unlapi b. Gitlapi c. Hulapi d. Kabilaan
6. Ang tawag sa panlaping inillaagay sa gitna ng salitang-ugat.
a. Unlapi b. Gitlapi c. Hulapi d. Kabilaan
7. Ang tawg sa panlaping inilalagay sa hulihan ng salitang-ugat.
a. Unlapi b. Gitlapi c. Hulapi d. Kabilaan
8. Ang tawag sa mga panlaping inilalagay sa unahan at hulihan ng salitang-ugat.
a. Unlapi b. Gitlapi c. Hulapi d. Kabilaan
9. Binubuo ito ng basal na salita o salitang-ugat lamang.
a. Payak b. Maylapi c. Inuulit d. Tambalan
10. Ang salita ay inuulit ng ganapo di-ganap.
a. Payak b. Maylapi c. Inuulit d. Tambalan
11. Pangungusap na nagbibigay ng impormasyon,naglalahad o nagkukwento ng isang bagay,taol, hayop o
lugar.
a. Pasalaysay b. Patanong c. Pautos/Pakiusap d. Padamdam
12. Pangungusap na ginagamit sa pagtatanong.
a. Pasalaysay b. Patanong c. Pautos/Pakiusap d. Padamdam
13. Pangungusap na nag-uutos o nakikiusap.
a. Pasalaysay b. Patanong c. Pautos/Pakiusap d. Padamdam
14. Pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin tulad ng tuwa,lungkot,sakit,galit at gulat.
b. a. Pasalaysay b. Patanong c. Pautos/Pakiusap d. Padamdam
15. Ang bahaging pinaguusapan o paksa ng pangungusap.
a. Simuno b. Paksa c. Panaguri d. Banghay
16. Ang bahaging nagsasabi o nagpapaliwanag tungkol sa paksa.
a. Simuno b. Paksa c. Panaguri d. Banghay

17. Nasa ________________ ayos ang pangungusap kung nauuna ang panaguri at sinundan ng paksa.
a. Karaniwan b. Di-Karaniwan c. Paksa d. Panaguri
18. Nasa _______________ ang isang pangungusap kung nauuna ang paksa at sinusundan ng panaguri.
a. Karaniwan b. Di-Karaniwan c. Paksa d. Panaguri
19. Ito ang pangungusap na binubuo ng dalwa o higit pang sugnay na makapag-iisa.
a. Tambalan b. Payak c.Hugnayan d. Panaguri
20. Pangungusap na binubuo ng isang sugnay na makapag-iisa at isang sugnay na di-makapagiisa na piang-
uugnay ng dahil, kapag,sapagkat, upang, at bagaman.
a. Tambalan b. Payak c.Hugnayan d. Panaguri
II. Isulat sa patlang ang mga salitang ugat ng mga salitang may salungguhit.

_______________1. Maganda ang boses ng mang-aawit sa pista.


_______________2. Bumuli siya ng mga gulay at prutas kanina.
_______________3. Makulimlim ang kalangitan habang labasan na.
_______________4. Pinakakain nila ang mga bata sa plaza.
_______________5. Nakabibingi ang tunog ng banda.
_______________6. Nagulat kami sa dami ng tao sa plaza.
_______________7. Ang lahat ay nagpakita ng pagmamalasakit.
_______________8. Ginayakan ni Gng. Raqmos ang kanilang harapan.
_______________9.Nagluto si Manang ng ibat ibang putahe ng ulam.
_______________10. Pakikipagkapwa-tao ang ipinakita ng mga tao.

III. Isulat sa patlang ang uri ng mga pangungusap sa ibaba. Tukuyin kung ito ay pasalaysay, patanong, pautos
o pakiusap at padamdam.

____________________1. Bakit mahalagang pangalagaan ang mga bagongf imbensyon ng mga siyentipiko?
____________________2. Makatutulong tayo sa pag-unlad ng bansa.
____________________3.Maaari bang samahan mo ako?
____________________4. May magagawa pa tayo para sa ating bayan.
____________________5. Naku!Ang daming ibig sumubok nito.
____________________6. Paano ba ang paggamit ng computer?
____________________7. Pangahas ang paggalaw ng bagay na hindi sa iyo.
____________________8. Masaya ang mag-anak kapag sama-sama.
____________________9. Wow! Sa wakas magagamit ko na ang USB ko.
____________________10. Masayang makapaglilingkod sa bayan kahit sa munti nating paraan.

Inihandi ni: Bb.Engel Lord T. Navarro


Guro sa Filipino 4

You might also like