4TH Quarter Exam Araling Panlipunan 5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

NORTHVILLE CHRISTIAN ACADEMY


National Road, Banica Roxas City

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5

Pangalan_______________________________________________________________Iskor________

I. MARAMIHANG PAGPIPILIAN
PANUTO: Basahin ang mga pahayag, piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ito ang tawag sa tulong na salaping padala ng Mexico sa Pilipinas.
a. Buwis
b. Tributo
c. Situado
d. Obras pias
2. Siya ang haring nagbigay ng kautusang ang kita ng kalakalan sa pagitan ng Mexico at Pilipinas ay ibigay sa
Pilipinas.
a. Haring Felipe I
b. Haring Felipe II
c. Haring Felipe III
d. Haring Felipe IV
3. Malalaking sasakyang dagat na ginamit ng mga Europeo sa pakikipagkalakalan.
a. Barko
b. Galyon
c. Cargo ship
d. Bangka
4. Siya ang gobernador heneral na nagtatag ng Real Sociedad Economica de Amigos del Paris.
a. Jose de Basco y Vargas
b. Simon de Anda
c. Haring Felipe III
d. Haring Carlos III
5. Ano ang tawag sa pondo o laang-salapi para sa mga layuning panrelihiyon?
a. Buwis
b. Tributo
c. Situado
d. Obras pias
6. Kompanyang itinatag ni Haring Carlos III na may layuning magpalaganap at magtaguyod ng tuwirang
kalakalan sa mga kolonya ng España.
a. Real Compania de Filipinas
b. Monopolyo ng tabako
c. Bandala
d. Compania de los Tranvias de Filipinas
7. Unang nagpanukala ng pagkakaroon ng monopolyo ng tabako.
a. Haring Carlos III
b. Haring Felipe III
c. Jose de Basco y Vargas
d. Simon de Anda
8. Ito ay ang sapilitang pagbebenta ng produkto ng mamamayan sa pamahalaan sa mababang halaga.
a. Obras pias
b. Tributo
c. Polo y servicios
d. Bandala
9. Petsa ng pagkakabuwag ng monopolyo ng tabako.
a. Hunyo 23, 1880
b. Hunyo 24, 1880
c. Hunyo 25, 1880
d. Hunyo 26, 1880
10. Mga samahang panrelihiyon na nangangasiwa sa obras pias.
a. Bandala
b. Monopolyo ng tabako
c. Real Compania de Filipinas
d. Cofradias
11. Ito ay kalakalan sa pagitan ng Maynila at Acapulco sa Mexico.
a. Kalakalang panloob
b. Kalakalang galyon
c. Kalakalang panlabas
d. Kalakalang monopolyo
12. Alin sa mga lalawigan ang HINDI kasali sa mga pinahintulutang magtanim ng tabako?
a. Pangasinan
b. Batangas
c. Tondo
d. Cavite
13. Ang mga sumusunod ay kabutihang idinulot ng Real Compania de Filipinas maliban sa isa.
a. Napaunlad ang mga likas na yaman sa Pilipinas
b. Nakapagtatag at napalago ang industriya ng seda at asukal
c. Nagkaroon ng produksiyon ng mga rekado sa mga lalawigan
d. Nagbabawal sa pagpupuslit ng produkto
14. Siya ang haring bumuwag ng kalakalang galyon.
a. Haring Felipe III
b. Haring Carlos III
c. Haring Ferdinand III
d. Haring Fernando III
15. Ano ang kasalukuyang pangalan ng El Banco Español Filipino de Isabel II.
a. Banko de Oro
b. China Bank
c. Bank of the Philippine Islands
d. Development Bank of the Philippines
16. Sila ang nanguna sa pag-aalsa ng mga tagalog noong 1574.
a. Rajah Kulambo at Lapu-lapu
b. Magellan at McArthur
c. Marcos at Duterte
d. Rajah Sulayman at Lakan Dula
17. Ang dahilan ng pag-aalsa nila ay ang patuloy na pagmamalabis ng mga encomendero at ang kawalan ng
respeto sa mga maharlika.
a. Pag-aalsa ng mga Tagalog
b. Pag-aalsa ng mga Lakan
c. Paghihimagsik nina Sumuroy
d. Paghihimagsik nina Maniago
18. Siya ay isang mamamayang taga-Ilocos Norte, hindi niya nagustuahan ang mga hindi makatarungang
pamamalakad ng mga Español.
a. Diego Silang
b. Agustin Sumuroy
c. Pedro Almazan
d. Andres Malong
19. Naganap ang paghihimagsik na ito dahil sa monopolyo sa basi noong Setyembre 16, 1807.
a. Paghihimagsik ni Ambaristo
b. Paghihimagsik ni Palaris
c. Paghihimagsik ni Malong
d. Paghihimagsik ni Almazan
20. Siya ay pinalitan ng kanyang asawang si Gabriela bilang pinuno ng puwersang rebelde upang ipaghiganti
ang kanyang pagkamatay.
a. Pedro Almazan
b. Diego Silang
c. Andres Malong
d. Agustin Sumuroy

II. PAGKILALA
PANUTO: Basahin ang sumusunod na mga pahayag. Piliin ang P kung Portuguese, T kung Tsino, D kung
Dutch, at E kung English ang tinutukoy sa bawat bilang.
_____ 1. Nawalan ng kolonya sa Silangan nang matalo ng España.
_____ 2. Dumating sa Manila Bay noong Setyembre 22, 1762.
_____ 3. Nakasagupa ng mga Español sa Mariveles noong 1610.
_____ 4. Lumunsad sa Ilocos Sur noong Setyembre 1574.
_____ 5. Pilit na nagtataboy sa mga Español sa Cebu noong 1565.
_____ 6. Nagtatag ng kaharian sa Pangasinan.
_____ 7. Umokupa sa mga simbahan ng Malate, Ermita, at San Juan de Bagumbayan.
_____ 8. Sumalakay sa Parañaque.
_____ 9. Lumusob sa Marinduque noong Hulyo 29, 1646.
_____ 10. Sumalakay sa Manila Bay noong 1600.

III. TAMA O MALI


PANUTO: Piliin ang TAMA kung ang pahayag ay nagsasabi ng katotohanan at MALI naman kung hindi ito
nagsasabi ng katotohanan.
_____ 1. May ibang mga dayuhan ang nagtangkang sakupin ang Pilipinas.
_____ 2. Hindi pa kolonya ng España ang Pilipinas ng tangkaing sakupin ng ibang bansa ang Pilipinas.
_____ 3. Natalo ng España ang Portugal sa kanilang labanan noong 1580.
_____ 4. Dumaong sa Ilocos Sur ang plota ni Limahong na binubuo ng 50 barkong pandigma.
_____ 5. Si Limahong ay nagtungo sa Parañaque upang magtatag ng kaharian.
_____ 6. Nagkaroon ng maraming labanan sa pagitan ng mga Español at Dutch.
_____ 7. Nasakop ng mga English ang buong Pilipinas.
_____ 8. Nabigong sakupin ng mga English ang mga lalawigan sa Luzon sapagkat lumaban ang mga Pilipino sa
ilalim ng bandila ng España.
_____ 9. Nagtangkang bilhin ng Belgium ang Pilipinas mula sa España noong 1865.
_____ 10. Dahil sa hindi magandang pakikitungo at sa pang-aabuso ng mga prayle at nga mga opisyal ng
pamahalaang kolonyal, nagkaroon ng pag-aalsa sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Inihanda ni:
Bb. Engel Lord T. Navarro
Guro

You might also like