Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VI – Kanlurang Visayas
Schools Division of Iloilo

Pagsusulit sa Filipino 1
(Ikaapat na Kwarter)
S.Y. 2022-2023
Pangalan: _____________________________________________
Baitang at Seksyon: _________________ Petsa: ____________

Panuto: Basahin at unawain ang bawat aytem sa ibaba.


Bilugan ang letra ng tamang sagot.

Para sa bilang 1-3


Alin sa sumusunod ang pares ng salitang magkatugma?

1. A. sala-laso B. pala-tala C. baso-saka


2. A. bata-pako B. pula-araw C. mais-walis
3. Mahilig sa dilaw na damit si Ana. Ano ang katugma ng
salitang dilaw?
A. hikaw B. relo C. medyas
Para sa bilang 4 Alin ang unang salita sa pangungusap?
4. Masayang magtampisaw sa dagat.
A. dagat B. magtampisaw C. Masayang
Para sa bilang 5
Alin sa mga pang-ukol ang angkop sa pangungusap?
5. ________ akin mas gusto ko ang tumbang preso.
A. Para kay B. Para sa C. Ayon sa
Para sa bilang 6-7
Basahin ng mabuti ang teksto. Sagutin ang sumusunod na
tanong.

Paglilinis ng Katawan
Pinag-uusapan sa klase ni Ginang Tupas sa Unang
Baitang ang paglilinis ng katawan.
“Kung marumi at mabaho ang katawan, madali
itong kapitan ng sakit. Iniiwasan ka rin ng iyong mga
kaibigan,” wika ni Ginang Tupas.
Tahimik na nakikinig si Arnel sa pinag-uusapan sa
klase. Palibhasa’y tamad siyang maligo at palagi
niyang sinasabi na “maginaw”.

6. Batay sa binasang salaysay, ano sa palagay mo ang


gagawin ni Arnel?
A. Maliligo na siya palagi.
B. Magpapatuloy na hindi maliligo.
C. Hihikayatin ang mga kaklase na hindi maligo.
7. Alin ang tamang gamit ng malaking letra?
A. maynila B. mayNila C. Maynila
Para sa bilang 8-10
Alin sa mga salitang kilos ang angkop gamitin sa
pangungusap?

8. Mahilig __________ ng basketball si Boboy sa plasa.


A. maglakad B. maglaro C. sumayaw
9. Masarap __________ ng mainit na sopas.
A. kumanta B. maglakad C. kumain
10. __________ ako ng gatas sa gabi bago matulog.
A. Umiinom B. Kumain C. Matulog
Para sa bilang 11-12
Kilalanin ang salitang may salungguhit. Tukuyin kung
paraan, panahon, o lugar ang isinagawang kilos.
11. Nag-aaral ako sa paaralan araw-araw.
A. lugar B. paraan C. panahon
12. Nanood kami ng sine sa kahapon.
A. paraan B. lugar C. panahon
Para sa bilang 13-14
Ano ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit sa
bawat pangungusap?
13. Ang singsing ni Ate ay makislap.
A. malaki B. madilim C. makinang
14. Natuwa si Kiko sa natanggap na regalo.
A. masaya B. malaya C. mabuti
Para sa bilang 15-16
Alin sa sumusunod ang wasto at payak na pangungusap?
15.
A. Si Nena bata masipag ay.
B. Masipag bata ay Nena si.
C. Si Nena ay masipag na bata.
16.
A. Maliwanag ay buwan.
B. Ang buwan ay maliwanag.
C. Buwan ang maliwanag ay.

Para sa bilang 17-18


Alin ang bantas na angkop sa bawat pangungusap?
17. Bulaga! Hindi mo ako nakita!
A. ? B. ! C. .
18. Ilang taon ka na?
A. . B. ? C. !
Para sa bilang 19-20
Piliin ang tamang pagbuo ng pangungusap gamit ang mga
salita na nasa kahon.

ang ulan Malakas labas sa


19.
A. Ulan ay sa labas malakas.
B. Malakas ang ulan sa labas.
C. Labas sa ulan ang malakas

sa Masaya parke kaming namasyal


20.
A. Parke sa masaya kaming namasyal.
B. Sa mamasyal kaming
C. Masaya kaming namasyal sa parke.
Para sa bilang 21-22
Isulat nang wasto ang pangungusap na babasahin ng guro.
(Ang pangungusap ay makikita sa Susi ng Pagwawasto ng
Guro)

21.

22.

Para sa bilang 23-24


Pakinggang mabuti ang tekstong babasahin ng guro.
Tukuyin ang mahahalagang detalye at sagutan ang
sumusunod na tanong.

Bola ni Erwin
Masipag at mabait na bata si Erwin kaya binigyan
siya ng bagong bola ng kaniyang Papa. Isang araw,
habang naglalaro si Erwin sa sala ay bigla na lamang
siyang nadulas. Mabuti na lang at hindi siya nasaktan.
Nakapaglaro ulit siya kasama ang kaniyang Papa.
23. Sino ang may bagong bola?
A. Lito B. Erwin C. Robi
24. Ano ang nangyari sa kaniya habang siya ay naglalaro?
A. Nadulas ang kaniyang paa.
B. Sinalakay siya ng kaniyang alagang pusa.
C. Nasugatan ang kaniyang tuhod habang naglalaro.
Para sa bilang 25-26
Pakinggan nang mabuti ang tekstong babasahin ng guro at
sagutin ang sumusunod na tanong.

Wastong Nutrisyon Isulong


ni: Hesa G. Belago
Ang isang malusog na dyeta ay ginagawa araw-
araw. Para maging malusog ang ating katawan,
kinakailangang tuloy-tuloy ang pagkain natin ng
masusustansiyang pagkain katulad ng gulay, prutas
at pagkaing mayaman sa bitamina, mineral, at
protina, atbp.
Ang tunay na susi para sa isang malusog na
katawan ay ang palagiang pagkain ng wastong
pagkain at pag-ehersisyo.

25. Ano ang paksa ng iyong napakinggang tekstong pang-


impormasyon?
A. Pagkain nang marami
B. Pagbawas ng timbang
C. Wastong nutrisyon
26. Bakit mahalaga na isulong ang wastong nutrisyon?
Upang maging________________.
A. malusog ang katawan.
B. maganda tayo.
C. maging mayaman.
Para sa bilang 27-28
Sundin ang sumusunod na panuto.
27. Gumuhit ng hugis tatsulok, at lagyan ng hugis puso sa
gitna. Alin sa sumusunod ang nabuo batay sa panuto?

A. B. C.

28. Isulat ang bilang walo sa loob ng ulap. Alin sa


sumusunod ang nabuo batay sa panuto?

A. 7 B. 8 C. 9

Para sa bilang 29-30


Pahayag ang iyong ideya, damdamin o reaksiyon batay sa
larawan. Isulat ito nang may wastong baybay.

Para sa akin:
Inihanda nina:
Emielou M. Amatorio at Melord A. Tupas

You might also like