Professional Documents
Culture Documents
EsP - Q4 W3Danao SLK Gr10 Final Edition STEC
EsP - Q4 W3Danao SLK Gr10 Final Edition STEC
Self-Learning Kit
Edukasyon sa Pagpapakatao
Quarter 4 - Week 3
ROSEMARIE G. HERMOSO
Manunulat
Edukasyon sa Pagpapakatao – Grade 10
Self-Learning Kit
Quarter 4 – Week 3
Unang Edisyon, 2021
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa
anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o
trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa Self-Learning Kit na ito ay nagtataglay ng
karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.
Ang anomang gamit maliban sa Self-Learning Kit na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na
may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan
nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilimbag sa Pilipinas ng
Department of Education – Region VII Schools Division of Danao City
Office Address: Sitio Upland, National Road, Danao City, Cebu
Telephone No. (032) 262-6211
Telefax: danao.city@deped.gov.ph
E-mail Address: depeddanaocity
ii
Paalaala sa Mag-aaral
Ang Self-Learning Kit (SLK) na ito ay ginawa para malinang ang iyong kakayahan batay sa
Most Essential Learning Competencies (MELC) ng EsP 10, Quarter 4, Week 3. Ito ay ginawa sa
simpleng paraan para madali mong maunawaan ang aralin sa linggong ito. Ito ay binubuo ng mga
sumusunod na bahagi:
Aking Kasama dito ang mga gawain para mabalikan ang mga
Madugtong nakaraang aralin at mahanda ka sa bago
iii
Lesson Title PAGPAPAHALAGA AT PAGGALANG SA KATOTOHANAN
Learning • Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng
Competencies paggalang sa katotohanan.
EsP10PI-IVc-14.1
• Nasusuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng
paggalang sa katotohanan.
ESP10PI-IVd-14.2
Aking Nalaman
A. Panuto: Piliin ang tamang sagot. Isulat ang tamang sagot sa hiwalay na pirasong papel.
1. Maituturing na pagnanakaw at pagsisinungaling ang pangongopya dahil _.
1
4. Alin sa sumusunod na pahayag ng isang Whistleblower , ang masasabi na ang kanyang
pagpupursigi na maisiwalat ang katotohanan ay dikta ng kanyang konsensiya?
A. “Basta laging nasa likuran ko kayo lalo na’t magkakagipitan na.”
B. “Kailangan ko itong gawin, alang –alang sa mga kaibigan kong masasagasaan sa isyu”
C. “Ayaw na ng pamilya ko’t mga kaibigan, at ayaw ko na rin sana, pero kailangan, kaya
itutuloy ko na rin”
D. “Nadamay na kasi ako dito eh.”
5. Sa pangkalahatan ang katotohanan ay dapat mapanindigan at maipahayag na may
katapangan sa lahat ng pagkakataon, sapagkat ito ang nararapat na gawin ng isang
matapat at mabuting tao. Bakit mahlagang matandaan ang pahayag na mapanindigan
at ipahayag sa lahat ng pagkakataon?
A. Dahil ito ang katotohanan
B. Dahil ito ang nararapat gawin ng mapanagutan, tapat at mabuting tao.
C. Dahil ito maghahatid sa tao ng paghanga at paggalang
D. Dahil ito ay para sa kabutihang panahat.
6. Ang katotohanan ay nagsisilbing ilaw ng tao sa pagahahanap ng kaalaman at layunin
niya sa buhay. Sa bawat tao na naghahanap nito, masusumpunganlamang niya ang
katotohanan kung siya ay maninindigan at walang pag-aalinlangan na ito ay sundin,
ingatan at pagyamanin. Ano ang kalakip nitong kaluwagan sa buhay ng tao
A. Kaligayahan at karangyaan C. Kaligtasan at katiwasayan
B. Kapayapaan at kaligtasan D. Katahimikan at kasiguruhan
7. Alin sa sumusunod ang nalabag ng isang plagiarist?
2
9. Ano ang nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin sa buhay?
A. Kaanyuan C. Karangalan
B. Kagandahan D. Katotohanan
10. Alin sa mga pag-uugali ng tao ang dapat na taglayin upang makapanindigan sa
katotohanan?
A. Kabaitan C. Maalalahanin
B. Katapatan D. Marespeto
Aking Madugtong
Sa pamamagitan ng modyul na ito, tatalakayin ang mga isyung moral tungkol sa kawalan
ng paggalang sa katotohanan. Bilang mga tao, inaasahang maging matapat t gawing
makabuluhan sa abot ng pagsisikap na makamit ito. Ito rin ay hakbang tu ngo sa maayos at
mabuting pamumuhay na may pagmamahal sa katotohanan. Sa babasahing ito ay bibigyan ka
ng pagkakataon na maging bukas, mapanindigan, at hayag sa iyong saloobin na mahalin at
igalang ang katotohanan.
Aking Malalaman
A. Ang Misyon ng Katotohanan
Likas sa tao ang paghahanap sa kasagutan kung ano at para saan o para kanino ang
kanyang buhay, sa madaling salita hinahanap niya ang kahulugan at layunin sa
kanyang pagkalikha bilang tao.
Sa kanyang paglalakbay kinakailangan niya ang ilaw na gagabay sa kanya at ito ay ang
katotohanan. Para sa taong naghahanap ng katotohanan, masumpungan lamang niya ito
kung siya ay manindigan, at buong pusong sundin, ingatan at pagyamanin ito, na
3
magbubunga ng kaluwagan sa buhay (comfort of life) na may kalakip na kaligtasan,
katiwasayan at pananampalataya.
Kinakailangan ang pagsasabi ng totoo upang mapanindigan ang katotohanan. Ang tunay
nitong halaga ay ang pagiging isa at matatag na ugnayan sa pagitan ng wika at kaalaman.
Maipakikita ito sa paglilipat ng kaalaman patungo sa pagsasawika. Ito ay malayang
pagpapahayag sa kung ano ang nasa isip. Ipinahiwatig na kung ano ang wala sa isip ay hindi
dapat isawika, kundi ito ay magiging paraan na ng pagsisinungaling o hindi pagkiling sa
katotohanan.
Sinabi rin ni Pope Francis sa isa sa kanyang mga pahayag na binatay na rin sa Bagong
Tipan ng Banal na Aklat (Bibliya) sa Eph.4:25..” tinawag ang bawat isa na mamuhay sa
katotohanan hindi lamang dahil ito ang tama, o kaya’y dahil ito ang utos ng Dios, kundi dahil
ito ang landas sa mabuti at mapayapang buhay.” ”https://www.ncronline.org.vatican
Ayon kay Sambajon Jr, et al (2011) ang pagsisinungaling ay ang hindi pagkiling at
pagsang-ayon sa katotohanan. Ito ay isang lason na humahadlang sa bukas at kaliwanagan ng
isang bagay o sitwasyon na nararapat na mangingibabaw sa pagitan ng mga tao sa isang grupo
o lipunan.
Ayon naman kay Pope Francis (sa kayang pahayag tungkol sa Katotohanan) “ Ang
pagsisinungaling o pagiging inauthentic sa komunikasyon ay seryoso at malubhang kamalian
dahil pumipinsala ito sa mabuting ugnayan ng mga tao, samakatuwid pinipigilan nito ang pag-
ibig.” Kung saan mayroong kasinungalingan, walang pag-ibig, walang pagmamahal.”
4
A. Mga Uri ng Pagsisinungaling:
1.Jocose lies – sinsabi o sinasambit ito upang magbigay-aliw ngunit hindi sadya ang
pagsisinungaling.
Hal. Pagkukwento ng isang nanay tungkol kay Sta. Klaus na namimigay ng regalo sa
isang mabait at masunuring bata.
2.Officious lies-ipinahayag upang ipagtanggol ang kaniyang sarili o di kaya
ay paglikha ng isang usaping kahiya-hiya upang dito maibaling. Ito ay
isang tunay na kasinungalingan, kahit na gaano pa kabigat ang ibinibigay
na dahilan.
Hal. Idinahilan ng isang mag-aaral na lumiban sa klase ang
pagkamatay ng kanyang lolo na ang totoo nama’y noong nakaraang taon
pa yumao.
3.Pernicious lies - ay nagaganap kapag ito ay sumisira ng reputasyon ng
isang tao na pumapabor sa interes o kapakanan ng iba.
Hal. Ang pagkakalat ng maling bintang ng pagnanakaw ni Lyn ng wallet ng kanyang
kaklase na hindi naman siya ang kumuha nito.
5
a. Magpahayag sa sariling paraan sa pamamagitan ng malayang pagpapahayag ng kaisipan sa
pagpapaliwanag ng ideya at konsepto.
b. Magkaroon ng kakayahan na makapagbigay ng sariling posisyon sa
anumang argumento.
c. Ang pagsusuri sa gawa ng iba, pagtitimbang sa bawat argumento at pagbuo ng sariling
konklusyon o pagbubuod ay makatutulong sa sarili na magpahayag.
Nakapanlulumong isipin na maraming tao ang gumagawa ng kabuktutan, tulad ng samu’t
saring uri ng pagsisinungaling sa pamilya man, sa lipunan o sa paaralan tulad ng
pangongopya na hindi naman sana mangyayari dahil ditto sa paaralan inaasahan
na tagapagturo ng katapatan at kasipagan.
Bakit kaya na may mga tao talagang tila nahihirapang kilalanin at ipagbigay –alam ang
pinanggalingan ng kaalamang ginamit o tanggapin ang sariling kahinaan? May takot bang
mapulaan na tamad o isang mabansagang mangmang? Pero ang hindi naisip ng mga taong
ito na kapag napanindigan ang kaniyang likha mula sa tulong at gawa ng iba, ay magbubunga
ng patas, tapat at magkaroon ng proteksiyon ang sariling gawa. Kung wala ang proteksiyong
ito, mawalan ng saysay ang pagkamalikhain, mapag-isip ng magagandang ideya at konsepto
na magagamit para sa kapakinabangan ng kaalamang pantao (human knowledge)
Isa marahil sa kakulangan kung bakit mas gustuhing manggaya o mangopya ay ang
kakulangan sa pagkilala at pagtanggap sa sariling pagka-bukod-tangi na may sariling mga
kakyahan at kayamanang taglay na nangangailangan lamang kilalalanin at pagyamanin. Na
kung maisagawa ay makita ang likas at bukod-tanging taglay na kinang at ningning ng sariling
pagkabukod-tanging nilalang.
2. Intellectual Piracy- Sakop nito ang tinatawag na copyright infringement o ang paglabag
sa karapatang –ari. Ito ay naipakikita sa paggamit ng walang pahintulot sa mga orihinal na
gawa ng isang taong pinoprotektahan ng Law of Copyright mula sa Intellectual Property Code
of the Philippines, 1987. Makikita ang paglabag sa pamamagitan ng pagpaparami,
pagpapakalat, pagbabahagi, at panggagaya sa pagbuo ng bagong likha mula sa Copyright
holder, ang tawag sa taong may orihinal na gawa o ang may ambag sa anumang bahagi at iba
pang mga komersiyo.
6
Mahirap sa isang simpleng empleyado ang lumantad at mag-akusa laban sa
kaniyang amo o “boss” na pinaglilingkuran na maghatid sa kanya ng pagkatanggal sa trabaho
at pagbagsak ng kanyang kabuhayan. Ngunit sa panahong tulad nito, hindi na ang usapin ay
kung tama ang hayagang pagbunyag sa publiko, ang mahalaga ay kalian at paano ilalahad o
ipapaalam ang lahat sa mga tao.
3. Kung sakaling nagawa na ang lahat ng paraan at nabigo pa rin, isiping maigi kung dapat na
bang ihayag sa publiko sa tulong na rin ng konsultasyon sa most trusted person at higit sa
lahat, gawin ang marubdob na pagdarasal at pagninilay upang maliwanagan bago
isagawa ang lahat.
4. Kung ilalantad ang isyu sa publiko, harapin ito ng buong tapang subalit higit sa lahat laging
isaisip ang kabutihan at kapakanan ng nakararami kaysa sariling interes.
7
E. Paglalahat
Hindi maipagkaila na sa ating lipunan, nakikita natin ang kawalan ng paggalang sa
katotohanan dahil sa mga isyu ng plagiarism, intellectual piracy, whistleblowing at
nakakalitong samu’t-saring isyu na inihatid ng social media . Nilalabag ng plagiarism, at
intellectual piracy ang mga karapatang pantao na ipinakita sa kawalan ng pagkilala at
paggalang sa pagkatao ng tunay na may-akda. Samantala, maituturing na mabuting gawain
ang whistleblowing dahil naibubunyag at naisisiwalat nito ang masamang kalakaran at gawain
na kailangan maituwid para sa ikabubuti ng lahat. Maisasama na rin natin dito ang
impluwensiyang hatid ng social media na tila nagpapahina o nagpapalakas sa kaisipan ng mga
netizens na maging mapanagutn sa mga kaakibat na obligasyon sa paggamit nito, na pinatibay
ng kampanyang ito ng isang media outlet ang kampanyang: “ ”
Ngunit, kung sakaling malagay sa isang sitwasyon na kailangan talaga nating ihayag
at sabihin ang totoo, dahil naririsgo ang kaligtasan ng nakararami o kaya’y magdudulot pa ng
mas higit na pinsala at kung para sa kabutihang panlahat, dapat ay mangibabaw ang
katotohanan, dahil ayon kay Pope Francis, ang kadahilanan ng pamumuhay sa katotohanan
ay dahil lahat tayo ay napasakop sa iisang mundo, ang mundo ng mga tao na binigkis ng pag-
ibig ng Panginoon na kasapi sa iisang Katawan ni Hesukristo.” Pinalalim pa niya ito ng sabihin
niya na walang pag-ibig o pagmamahal hanggat namayani ang kasinungalingan sa pamilya
man, o sa lipunan na ating kinabibilangan.
Aking Masubukan
A. UNANG PAGSASANAY
Panuto: Suriin ang bawat pahayag sa ibaba. Tukuyin kung anong isyu ang sinasabi rito. Isulat
sa patlang na nakalaan ang A para sa Plagiarism, B para sa Whistleblowing at C kung
Intellectual Piracy.
1. Paglabag sa paraan ng pagpaparami, pagpapakalat, pagbabahagi at
panggagaya sa pagbuo ng bagong likha.
2. Ito ay nabuo lamang dahil sa ilegal na pangongopya.
8
3. Pagbubunyag o pagsisiwalat ng maling asal, hayagang pagsisinungaling, mga
imoral o ilegal na gawain na naganap sa loob ng samahan o organisasyon.
4. Ibinulgar ni Nikki ang pagpupuslit ng mga gamot ng kaniyang mga katrabaho sa
kanilang parmasiya.
5. Pagkuha ni Jerric ng mga magagandang larawan sa internet bilang nagawa
niyang proyekto upang may maipasa siya sa kanilang guro.
B. PANGALAWANG PAGSASANAY
Panuto: Ihanay ang mga salita sa loob ng kahon kung saang uri ito kabilang.
KASINUNGALINGAN LIHIM
9
Aking Tayahin
A. Panuto: Pagpipili-pili. Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang iyong kasagutan sa isang
pirasong papel.
1. Paano masusukat ang katapatan ng isang tao?
A. Alamin ang katotohanan C. Mahinahon
B. Magalang D. Matiyaga
2. Sa pangkalahatan, bakit kinakailangan na mapanindigan at maipahayag na may katapangan
ang katotohanan?
A. Katotohanan
B. Maghahatid sa tao ng paghanga at paggalang
C. Nararapat gawin ng isang tapat at mabuting tao.
D. Maipakita ang iyong katapangan
3. Ang pagsisiwalat ng isang Kapitan tungkol sa sabwatang naganap noong nakaraang
halalan ay isyung may kinalaman sa .
A. Evasion C. Mental Reservation
B. Lihim D. Whistleblowing
4. Bakit kinakailangan ng isang tao na maipahayag sa tunay at matuwid ang katotohanan?
A. Ito ang nararapat na gawin C. Maganda ang maging Mabuti
B. Ito ay moral na obligasyon ng bawat tao D. Masarap ito sa pakiramdam
10
7. Ang katotohanan ay nagsisilbing ilaw ng tao sa pagahahanap ng kaalaman at layunin niya sa
buhay. Sa bawat tao na naghahanap nito, masusumpunganlamang niya ang katotohanan
kung siya ay maninindigan at walang pag-aalinlangan na ito ay sundin, ingatan at
pagyamanin. Ano ang kalakip nitong kaluwagan sa buhay ng tao.
A. Kaligayahan at karangyaan C. Kaligtasan at katiwasayan
B. Kapayapaan at kaligtasan D. Katahimikan at kasiguruhan
8. Alin sa sumusunod ang nalabag ng isang plagiarist?
A. Intellectual Power C. Intellectual Piracy
B. Intellectual Honesty. D. Jocose lie
9. Maitatama ba ang nagawang pagkakamali ng pagsisinungaling?
A. Oo, kasi hindi naman sinadya ang nagawang pagkakamali kaya marapat lang na wala
ng makaalam pa.
B. Oo, kasi wala namang makakaalam ng totoo.
C. Hindi, sapagkat ang pagsisinungaling ay mali at kailanman hindi nito maitatama ang
nagawang pagkakamali.
D. Hindi, sapagkat hindi na gaganda ang iyong imahe.
10. Maituturing na pagnanakaw at pagsisinungaling ang pangongopya dahil .
A. Inaangkin mo ang hindi sa iyo.
B. Pinaunlad mo ang kakayahan na magiging tuso.
C. Nakopya mo ang istilo ng presentasyon
D. Nalampasan mo ang galing ng manunulat
11
Aking Karagdagang Magawa
Panuto: Gumawa ng tula na nagpapahayag ng mga hakbang upang maisasabuhay ang paggalang sa
katotohanan. Gamitin ang rubric sa ibaba bilang gabay sa paglikha ng tula.
12
Sanggunian
14
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION VII
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF DANAO CITY
WEEKLY LEARNING PLAN IN EsP GRADE 10
QUARTER 4-WEEK 3
Learning • Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang
Competency/ies sa katotohanan. EsP10PI-IVc-14.1
• Nasusuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang
sa katotohanan. ESP10PI-IVd-14.2
Learning Tasks/Learning
Resources
A. Teacher’s Tasks:
1. Perform daily routine
❖ Prayer
❖ Greetings
❖ Attendance Check
2. Administer pre-test
❖ Let the leaners answer “Aking Nalaman”, (SLK pp.1-3)
3. Conduct review
❖ Review concepts. Refer to “Aking Madugtong”, (SLK p.3)
4. Deliver the new lesson
❖ Discuss the new lesson by following the activities found in “Aking Malalaman”,
(SLK pp. 3-8)
5. Check learner’s understanding
❖ Let the leaners do activities in “Aking Masubukan”, (SLK pp.8-9)
6. Validate learning
❖ Let the leaners answer “Aking Tayahin”, (SLK pp.10-11)
11. A 12. C 13. D 14. B 15. D 16. B. 17. C 18. B 19. C 20. A
7. Provide enrichment activity
❖ Let the leaners perform activities in “Aking Karagdagang Magawa”, (SLK p.12)
B. Learner’s Tasks:
1. Answer “Aking Nalaman”, (SLK pp.1-3) and check your answer. Refer to Answer Key p.13
2. Read and review concepts in “Aking Madugtong”, (SLK p.3.)Read and understand the new
lesson presented in “Aking Malalaman”, (SLK pp. 3-8)
3. Do activities in “Aking Masubukan”, (SLK pp.8-9). Check your work by referring to the
answer key found in p. 13
4. Answer “Aking Tayahin”, (SLK pp.10-11) and submit your answer sheet.
Perform activities in “Aking Karagdagang Magawa”, (SLK p. 12).
Prepared by:
ROSEMARIE G. HERMOSO
Writer
Contact No: 09239257866
Email Account: rosemarie.hermoso@deped.gov.ph
FB Account: Rosemarie G. Hermoso