Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
Schools Division Office of San Carlos City
District IV-A
ABANON CENTRAL SCHOOL
San Carlos City, Pangasinan

BANGHAY- ARALIN SA FILIPINO 5


March 21, 2023 Tuesday (10:15-11:05 AM)
I.LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman:
Naisasagawa ang mapanuring pagbasa sa iba’t ibang uri ng teksto at mapalawak ang
talasalitaan

B. Pamantayan sa Pagganap:
Nakabubuo ng isang timeline ng binasang teksto (kasaysayan), napagsusunod-sunod
ang mga hakbang ng isang binasang proseso at nakapagsasaliksik gamit ang card
Catalog o OPAC.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:
 Naibibigay ang mga salitang magkakasalungat at magkakasingkahulugan
(F5PT-IIIc-h-10)

II. NILALAMAN
Magkasingkahulugan at Magkasalungat na Salita

III.KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay ng Guro
K to 12 MELC sa Filipino 5
2. Karagdagang kagamitan mula sa portal ng Learning Resources
B. Iba pang kagamitang panturo
Powerpoint presentation, tsart

IV. PAMAMARAAN

A. Balik-aral sa nakaraang aralin


Ano ang pang-angkop?
Piliin ang pang-angkop na dapat gamitin sa parirala.
ng na g
B.Paghahabi sa layunin ng aralin
Laro:
“Sundin Mo Ako at Hanapin”
Panuto: Hanapin ang kasalungat at Kasingkahulugan na mga salita at idikit ito sa pisara

C.Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


 Ano sa tingin ninyo ang tawag sa mga ito?
 May pagkakapareho ba o pagkakaiba ang kahulugan ang bawat magkakasamang
larawan?
.
D.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1
Ang magkasingkahulugan ay mga salitang magkapareho ang kahulugan o ibig sabihin.
Halimbawa:
Matulin - Mabilis
Ang kabayo ay matulin tumakbo.
Mabilis ang takbo ng kabayo sa karera.
Mabagal- Makupad
Mabagal maglakad ang pagong.
Sadyang makupad siyang gumalaw.
Iba pang halimbawa”
Marikit - maganda inaksaya- sinayang
Masaya- maligaya nagtungo- nagpunta
Tama- wasto tahimik- payapa
Masarap - malinamnam sobra- labis
Silid- kuwarto
Ang magkasalungat naman ay mga salitang kabaliktaran o magkaiba ang ibig sabihin.
Halimbawa:
Mabilis- mabagal
Mabilis tumakbo ang kabayo.
Mabagal maglakad ang pagong.
Masipag- tamad masaya- malungkot
Tama - mali mabango - mabaho
Maputi- maitim tahimik - maingay
Maaksaya - matipid pango - matangos
Sobra- kulang marami- kaunti

E.Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Pangkatang Gawain:
Unang Pangkat :
Panuto: Hanapin mula sa kahon ang dalawang salitang magkasalungat. Isulat ang sagot sa
nakalaang patlang.

bawasan pandak dukha maliit masipag tamad


mayaman malaki matangkad dagdagan

1. ______________ at _________________

2. ______________ at _________________

3. _____________ at ________________

4. ______________ at ________________
5. ______________ at ________________

Pangalawang Pangkat:

Panuto: Hanapin mula sa kahon ang dalawang salitang magkasingkahulugan. Isulat sa ang
sagot sa nakalaang patlang.

magarbo mahirap malinamnam maralita marangya

masarap Panganib payak peligro simple

1. ____________ at ___________

2. ____________ at ____________

3. ___________ at ___________

4. ___________ at _____________

5. __________ at _____________

Pangatlong Pangkat:

Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit sa pangungusap sa tulong ng


pagsasaayos ng mga letrang nasa loob ng mga kahon.
1. Nilisan ng mga mag-aaral ang nasirang silid-aralan at sabay-sabay silang umalis.

W N I I N A

Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit sa pangungusap sa tulong ng


Pagsasaayos ng mga letrang naasa loob ng kahon.
2. Nawawala ang libro ni Emma kaya tinunton ito ng mga kaibigan niya upang hindi
mapagalitan.

A H P I N A N

Ibigay ang kasalungat ng salitang may salungguhit.


3. Hindi nabiyak ang niyog dahil mapurol ang ginamit na itak.

T I A M A M L

Ibigay ang kasalungat na salitang may salungguhit.


4.Ang nanalo ng bahay at lupa sa raffle ay masuwerte.

S A M A L
Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang nakasalungguhit sa pangungusap sa tulong ng
pagsasaayos ng mga letrang naasa loob ng kahon.
5.Nahihirapan ang mga tao sa pagkakaroon ng liwanag sa buong magdamag.

A N G R U D S A U

Ikaapat na Pangkat:
Piliin sa ibaba ang kasingkahukugan ng mga salitang may salungguhit.
__________ 1. Mahusay siyang maglaro ng basketball.
__________ 2. Si Vina ay nakamasid sa mga batang naglalaro sa parke.
__________ 3. Nais kong bumili ng sorbetes.

magaling masipag nakatingin gusto

Piliin sa ibaba ang kasalungat ng mga salitang may salungguhit sa pangungusap.


_________ 1. Ako ay may asong mataba.
_________ 2. Maingay maglaro ang batang si Renibel.
_________ 3. Ang nabili mong sitsirya ay makunat.

Malutong payat malakas tahimik

F. Paglinang ng Kabihasaan ( Tungo sa Formative Test)


Dalawa a tatlong salita ay magkasingkahulugan. Bilugan ang salitang kasalungat ng dalawang
salita.
1. maikli mahaba maigsi
2. matagumpay nagwagi bigo
3. malinis marumi marungis
4. Bbtugan tamad masipag
5. Bbo bahagi lahat

G. Paglalapat ng Aralin sa Pangaraw-araw na Buhay


Ano ang magandang paraan para tumalas ang inyong kaisipan?
Bakit mahalagang malaman ang mga kasingkahugan at kasalungat na salita?
Para tumalas ang pag-iisip anong batayan aklat ang dapat gamitin upang makatulong sa
inyong pag-aaral?

H. Paglalahat ng Aralin
Ano ang ibig sabihin ng magkasalungat na salita?
Ano ang ibig sabihin ng magkasingkahulugan na salita?
I.Pagtataya ng Aralin
A. Hanapin sa Hanay B ang salitang kasingkahulugan ng nasa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot
sa patlang.

Hanay A Hanay B

_______ 1. malinamnam a. madaya


_______ 2. mabagal b makupad
_______ 3. tuso c.masarap
_______ 4. marunong d.matayog
_______ 5. mataas e. maalam

B. Panuto: Hanapin sa sumusunod na pangungusap ang kasalungat ng salitang nasa kahon. Isulat sa
papel ang salita o mga salitang ito.

liblib 1. Ang kaharian ng prinsesa ay nasa bungad ng kagubatan.

lumisan 2. Hindi naging mabuti ang kalagayan ng prinsesa nang dumating ang matinding
taggutom.

naduwag 3. Matapang na hinarap ng magandang prinsesa ang malaking trahedya sa kanyang


buhay.

mahinahon 4. Nagkagulo ang mga tao nang dumating ang malaking problema sa kanilang kaharian.

malaya 5. Nasa ilalim ng kapangyarihan ni Maria ang lahat ng tao sa kanyang bayan.

J. Karagdagang Gawain
Hanapin sa diksyunaryo ang mga kasingkalugan ng mga sumusunod na salita.
1 laganap
2 trahedya
3 labis
4 sumakabilang-buhay
5 umaalingasaw
V. Mga Tala

VI. Pagninilay

Inihanda ni:
RASELLE A. PALISOC
Teacher III

NARCISO M. BAUTISTA JR. JOVELYN S. PANINGBATAN JULIET G. RESNGIT


Head Teacher I Master Teacher I Principal III

You might also like