Professional Documents
Culture Documents
Ikalawang Markahang Pagsusulit Sa Filipino 5 2022-2023
Ikalawang Markahang Pagsusulit Sa Filipino 5 2022-2023
Ikalawang Markahang Pagsusulit Sa Filipino 5 2022-2023
Department of Education
Region I
Schools Division Office of San Carlos City
ABANON CENTRAL SCHOOL
Abanon, San Carlos City, Pangasinan
PANUTO: Ibigay ang wastong baybay ng mga salitang nakasalungguhit sa pangungusap. Piliin
ang letra ng tamang sagot at isulat sa patlang.
Panuto: Basahin ang journal at sagutin ang susunod na tanong. Piliin ang letra ng tamang
sagot.
____ 5. Kailan isinulat ang binasa mong journal?
Setyembre 30, 2015, ika-8 ng gabi
A. Setyembre 4, 2013 C. Setyembre 30,2004
Isang tanong ang nabuo sa aking isipan bunga ng karanasan kong ito. Yehey!
B. Setyembre 30, 2014 D. Setyembre 30, 2015
Sama-sama kaming naimbitahan ng aking mga kaibigan sa isang pagtitipon. Nasabik
akong makasama sila, makakuwentuhan, at makasamang kumain sa isang hapag-kainan.
Ngunit noong ako ay dumating kasama ang aking magulang ay agad kaming sinalubong
ng mga tagapanguna ng nasabing pagtitipon. Pinaupo kami sa isang espesyal na mesa
kasama ang iba pang may katungkulan sa aming lalawigan. Ang nanay at tatay ko ay
kapwa mga politiko ring may katungkulan sa aming lugar. Hindi na ako nakaalis sa aming
mesa dahil hindi rin ako pinayagan ng aking magulang. Nakuntento na lamang akong
pagmasdan at ngitian ang aking mga kaibigan kasama ang kanilang magulang. Sa
sinasabing mesa para sa ordinaryong taong dumalo sa nasabing pagtitipon.
Naitanong ko sa aking isip, “Kailangan ba talaga ang ganitong bagay?”
____ 8. A nong tanong ang nabuo sa kanyang isipan bunga ng kanyang karanasan?
A. Kailangan ba talaga ang ganitong bagay?
B. Ano ang magaganap sa pagtitipon?
C. Ano ang kailagan kong susuotin?
D. Sino ang makakasama ko?
PANUTO: Sagutan ang mga tanong mula sa kuwentong babasahin Piliin at isulat
ang letra ng tamang sagot sa patlang.
SI DINONG BULAGSAK
Tuwing hapon, pagkauwi ng bahay, laging inihahagis ni Dino ang kanyang bag sa
kahit saang parte ng kanilang bahay. Pagkatapos noon ay manonood na siya ng telebisyon.
Pagkatapos kumain ng hapunan doon pa lamang siya gagawa ng takdang-aralin. Hinanap niya
ang kanyang bag ngunit hindi niya ito makita. Lingid sa kanyang kaalaman nagtago ang
kanyang mga kagamitan. Nagtago si Bag sa likod ng pinto. Nagtago si Lapis sa ilalim ng
upuan. Nagtago si Pambura sa ilalim ng mesa. Nagtago si papel sa ilalim ng kama. Nagtago si
Pantasa sa tabi ng bintana. “Ah! Nasaan kaya ang aking mga gamit?” sambit ni Dino. “Sige
Dino hanapin mo kami,” sabi ni Lapis. “Hindi mo kami pinahahalagahan,” sabi ni Pambura. “Oo
nga, lagi mo kaming inihahagis,” dugtong ni Bag. “Huwag tayong magpakita sa kanya,” sabi ni
papel. “Hayaan natin siyang mapagod at magpahalaga,” banggit ni Pantasa. Hanap nang
hanap si Dino sa kanyang bag ngunit di pa rin niya ito makita. Nag-iiyak si Dino. Iyak siya
nang iyak hanggang sa mapagod sa kaiiyak at kahahanap. Naisip niyang dapat pahalagahan
ang mga gamit para hindi ito mawala. Nakita ang kanyang pagsisisi ng kanyang kagamitan.
Nakatulog si Dino nang dumating ang kanyang nanay. “Dino, anak nakatulog ka,” sabi ng
nanay. “Inay, nasaan po ba ang bag ko?” tanong niya sa nanay. “Oh ayan ang bag sa tabi
mo,” sagot ni nanay. Biglang niyakap ni Dino ang kanyang bag. Tiningnan ni Dino ang lapis,
papel, pambura at pantasa. Lahat ay nasa loob ng kanyang bag. Tuwang-tuwa si Dino. “Buhat
ngayon ay pahahalagahan ko na kayo,” ang pangako ni Dino sa kanyang kagamitan.
Nakangiting nakasilip sina Lapis, Papel, Pamnura at Pantasa sa loob ng bag. Pinagpatuloy na ni
Dino ang pagsagot sa kanyang vtakdang-aralin nang may ngiti sa labi.
____ 9. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa laman ng bag ni Dino?
A. Lapis B. Pambura C. Papel D. Orasan
2|P a g e
____ 11. Sino ang nagtago sa ilalim ng mesa?
A. Si Bag B. Si Pambura C. Si Lapis D. Si Papel
Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin at isulat ang letra ng tamang
sagot sa patlang.
____ 14. Maaaring hayop, tao o bagay ang gumanap dito sa isang kwento.
A. May-akda B. Nagbabasa C. Tagpuan D. Tauhan
____ 15. Sa sala, sa tabing ilog, sa bakuran, sa kagubatan, ito ay ilan lamang sa halimbawa
ng_____.
A. May-akda B. Nagbabasa C. Tagpuan D. Tauhan
____ 16. Ang Alice, Koneho, Mangga at dagat naman ay halimbawa ng ______.
A. Manunulat B. Pamagat C. Tagpuan D. Tauhan
____ 18. Ang ______ ay ang saglit na paghinto sa pagbigkas. Ito ay depende sa bantas na
Na ginamit sa pagsulat ng tula.
A.Antala B. Damdamin C. Tono D. Diin
____ 19. Ang ______ sa pagbigkas ng tula ay maaring mataas o mahina at payapa o
mahinahon ayon sa damdamin o emosyong ipinapahayag.
A. Diin B. Tono c. Antala D. Damdamin
3|P a g e
Basahin ang mga sumusunod na talata at ibigay ang paksa ng bawat bilang.
____ 21. Ang magkakapitbahay, kung lapit ng kalooban sa isa’t isa ang pag-uusapan ay
daig pa ang magkakamag-anak. Kung may kagipitang dumarating, mga
kapitbahay ang tumutulong. Hindi makakatulong ang isang kamag-anak kung
ito naman ay nasa malayong lugar.
A. Ang mabuting kapitbahay ay daig pa ang kamag-anak na nasa malayong lugar.
B. Ang mabuting kapitbahay ay laging naglalamangan
C. Ang mabuting kapitbahay ay daig pa ang kapatid
D. Ang mabuting kapitbahay ay laging nag-aaway.
____ 22. Utang na loob natin sa mga manggagawa ang mga bagay na makikita natin sa
ating kapaligiran. Bawat isa sa kanila ay nagsisikap upang makapag-lingkod
sa kapwa.
A. Ang magsasaka C. Ang trabaho
B. Ang manggagawa D. Ang maglalakbay
____ 23. Kung nais mong lumigaya at maging masaya magandang ugali’y panatilihin
Mabait, magalang at masunurin. Ito ay susi na dapat gamitin sa bawat sandali
sapagkat ito ang siyang magbubukas ng pagmamahal na tapat at wagas.
A. Ang magaspang na ugali C. Ang magandang ugali
B. Ang pangit na ugali D. Ang tamang ugali
____ 24. Nakakita ka na ba ng walis tingting? Kapag nag-iisa lamang ang tingting marupok
ito at madaling maputol. Subalit kapag pinagssma-sama ang mga tingting,
nagiging matibay ito at nagagamit ito ng maayos. Ang mga miyembro ng pamilya
ay parang tingting mas matibay kapag magkakasama. Kapag nagkakaisa at
nagtutulungan ang buong pamilya, nagtatagumpay sila sa mga problemang
kanilang kinakaharap.
A. Ang walis tingting
B. Pagkakaisa at pagtutulungan ng buong pamilya
C. Ang walis tinting ay madaling maputol
D. Ang walis tingting ay parang isang pamilya
____ 25. Araw ng Lunes maagang naghanda sa pagpasok sina Mario at Manny. Si Mario ay
nasabaitang habang si Manny naman ay nasa ikatlong baitang. “Mario, Manny
halikayo muna” ang tawag ng kanilang Ina. Bibigyan na pala sila nito ng perang
baon. Ngunit si Mario ay nakasimangot ang mukha, dahil hindi pala parehas ang
perang baon nila. Kung ikaw si Mario, anong magalang na pananalita ang
sasabihin mo sa iyong Inay?
4|P a g e
_____ 26. Nagkaroon ng botohan sa loob ng inyong klase, para sa pagpili ng bagong
opisyales sa asignaturang Filipino. Pinili ng iyong kamagaral si Marvie para maging
pangulo. Binotohan ito ng karamihan at siya ay nanalo, ngunit hindi sumasang-
ayon ang iba, dahil alam nila na ang mga bomoto kay Marvie ay magugulo katulad
niya. Kung ikaw ay isa sa mga kamag-aral nila, paano mo sasabihin ang ideya mo
ng may paggalang?
A. Iba ang pananaw ko, ayoko sa kanya kasi magulo siya.
B. Wala akong gagawin na pagsunod sa binoto ninyo.
C. Naniniwala po ako na dapat nating bigyan ng pagkakataon na mamuno ang
ibinoto ng karamihan.
D. Hindi ako sumasang-ayon, wala lang!
_____ 28. Pinag didebatihan sa loob ng inyong klase ang 4Ps o Programang Pantawid
Pamilyang Pilipino, kung dapat bang ituloy ito ng pamahalaan o hindi. Bilang isa
sa binipesyaryo ng 4ps, ano ang magalang na opinyon mo ukol dito?
A. Sa tingin ko, dapat wala ng 4Ps.
B. Naniniwala po ako, na dapat ipagpatuloy ang 4Ps, dahil nakatutulong po ito
sa aking pag-aaral at sa aming pamilya.
C. Hindi ako sumasang-ayon, dahil nagbubunga ito ng mali.
D. Tama kayo, maganda ang 4Ps sa ibang pamilya.
_____ 29. Ang paaralan ang ating nagsisilbing pangalawang tahanan. Dito tayo nagkaka-
roon ng pagkakataon maturuan ng ating mga guro ng pang-akademyang aral
tulad ng pagsusulat, pagbabasa at pag katuto ng tungkol sa mundo. Ang ating
mga guro ang gumagabay sa atin upang tayo ay magkaroon ng aral tulad ng
ginagawa ng ating mga magulang pag tayo ay nasa bahay. Ano ang angkop na
pamagat?
A. Ang Paaralan C. Pangalawang Tahanan
B. Ang ating Guro D. Pangalawang Magulang
_____ 30. Maraming tao ang nagkasakit dahil dito, hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa buong
mundo. Patuloy na dumarami ang namamatay, nawalan ng trabaho, nahinto sa
pag-aaral ng mga batang katulad mo. Ano ito?
A. Baha B. Covid-19 C. Sakuna D. Sunog
5|P a g e
_____ 31. Ugaliing maghugas ng kamay, sabunin ng mabuti, huwag kusutin ang mata ng
basta- basta, kumain ng masustansyang pagkain gaya ng gulay at prutas;
panatilihing maging malusog at malinis ang ating pangangatawan. Ano ang
maaring maging pamagat nito?
A. Mga Kautusan C. Mga Kasabihan
B. Mga kasanayan D. Mga hakbang sa kalinisan
_____ 32. Isang magiting na pulis sa teleserye sa isang sikat na estasyon ng telebisyon.
Tinatawag siyang “Cardo Dalisay”. Ano ang pamagat ng nito?
A. Mulawin B. Probinsyano
C. Kambal karibal D. Ang Magiting na Pulis
Panuto: Basahin ang sumusunod na balita at ibigay ang iyong sariling opinyon tungkol sa
isyu. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang
_____ 33.“Klima sa Bansa, Hindi tama?” Init-lamig, lamig-init, ulan at init sa tag-ulan.
Lubhang Malaki na nga ang ipinagbago ng klima sa ating bansa simula ng
pumasok ang ika-20 siglo. Ayon sa siyentipikong pananaliksik, ito ay sanhi ng
tinatawag na “Climate Change” at “Global warming” kung saan hindi lamang ang
ating bansa ang naapektuhan kundi maging ang iba pang bahagi ng mundo.
A. Sa tingin ko mas masarap ang mga prutas kaysa gulay.
B. Hindi lamang nasusukat sa yaman ang kasiyahan ng isang pamilya.
C. Higit na dapat tayong umiwas sa bisyo tulad ng paninigarilyo dahil ito ay
masama sa kalusugan.
D. Sa aking pananaw sadyang magbabago ang klima dito sa ating bansa dulot ng
Global warming at Climate change.
____ 34. “Indonesia may pinaka mataas na kaso ng Covid-19 sa East Asia”
Nalampasan na ng Indonesia ang bilang ng kaso sa China, para maging bansa na
may pinakamaraming kumpirmadong kaso ng coronavirus sa East Asia na may 84,
882 infections habang pinangangambahang mas tataas pa ang infection rate dahil
sa mga undetected cases.
A. Sa aking palagay mas masarap manirahan sa pamayanang rural.
B. Sa tingin ko marami ang hindi sumusunod sa alituntunin ng gobyerno.
C. Sa aking pananaw dapat bigyan ng regalo ang bawat bata hindi lamang tuwing
Pasko.
D. Ang Indonesia ay katulad din ng bansa natin na mataas ang cases ng Covid, kaya
nararapat lamang paigtingin ang pagsunod sa mga alituntunin.
____ 35. “2 Patay sa buy bust Operation” Dalawang lalaking pinaghihinalaang drug pusher
ang patay nang manlaban sa isinagawang simultaneous buy bust operation sa
Baseco Compound, Port Area, Manila, nitong Sabado ng gabi.
A. Sa tingin ko ang asignaturang Math ay mahirap intindihin.
B. Nararapat lamang ikulong ang mga batang umiinom ng alak.
C. Naniniwala akong dapat bantayan ng mga magulang ang kanilang mga anak
sa paglalaro ng online games.
D. Alinsunod sa ating batas, nararapat lamang patawan ng parusa ang
mahulihan ng droga dahil nakakasira sa kinabukasan.
6|P a g e
_____ 36. “BuCor Chief, Pinagpapaliwanag” Pinagpapaliwanag na ni Justice Secretary
Menardo Guevarra si Bureau of Corrections chief Gerald Bantag kaugnay ng
umano’y bagong death case ng COVID-19 mula sa mga inmate ng New Bilibid
Prisons sa Muntinlupa City.
A. Higit na nakakatakot ang makulong ngayong panahon ng pandemya.
B. Akoy naniniwala na karapatan ng bawat Pilipino ang matamasa ang kanilang
kalayaan.
C. Sa aking palagay dapat sa magkaroon ng patas na sistema sa hukoman n
gating bansa.
D. Nararapat lamang na magpaliwanag ang chief ng BuCor dahil sa pagkamatay
ng isang bilanggo doon upang maunawaan at maliwanagan ang lahat sa
pagkamatay nito.
_____ 37. Uri ng porma kung saan ginagamit ng mga mag-aaral upang makahiram ng mga
libro.
A. Sedula B. Library card C. Bio-data D. Driver license
_____ 39. Ito ay uri ng porma kung saan magagamit sa pagmamaneho ng ibat-ibang klse ng
sasakyan.
A. Sedula B. Library card C. Bio-data D. Driver license
_____ 40. Kung nais mo bumoto kailangan mo sagutan ang pormang ito.
A. Bio-data B. Sedula C. Balota D. Library card
7|P a g e
8|P a g e