Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon VIII (Silangang Bisayas)
Dibisyon ng Leyte

TALISAY NATIONAL HIGH SCHOOL


Talisay, Hilongos, Leyte

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 10

I. Layunin
Nasusuri ang tiyak na bahagi ng napakinggang parabula na naglalahad ng
katotohanan, kabutihan at kagandahang-asal. (F10PN-lb-c-63)

II. Paksa at Kagamitan:


Paksa: Parabula mula sa Syria (Panitikan Mediterranean)
Sanggunian: ADM Filipino 10
Kagamitan: teksto, slidesdeck, SMART TV

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain

1. Balik aral
Panuto: Tukuyin kung ang pokus ng pandiwa sa pangungusap ay tagaganap, layon,
tagatanggap o kagamitan.
1. Ipinangregalo ng GMA Kapuso Foundation ang mga natipong donasyon para sa
nabiktama ng kalamidad.
2. Pinaunlad ng kapitalismo ang mga indibidwal na negosyante.
3. Ang abaka ay ipinantali niya sa duyan.
4. Pinagmamalasakitan ng may-ari ang mga batang lulong sa masamang bisyo.
5. Ipinanghugas ko sa mga plato ang Joy Ultra.

2. Pagganyak
Panuto: Suriin ang sumusunod na mga larawan.

https://tl.designuspro.com/ezoterika/molitvy/molitva-pered-edoj.html

https://ph.lovepik.com/image-401448677/learn.html
http://abigaelkasim.blogspot.com/2016/12/basura-mo-itapon-ng-wasto.html?m=1

Gabay na Mga Tanong:


1. Ano ang ipinakikita ng bawat larawan?
2. Anong makabuluhang mensahe ang hatid ng bawat larawan?
3. Makatutulong ba ang mensaheng nakapaloob sa larawan sa paghubog ng magandang ugali
ng isang tao? Pangatuwiranan ang sagot.
4. Maliban sa sinuring mga larawan, magbigay ng iba pang sitwasyong nagpapamalas
/kakikitaan ng kagandahang-asal.

B. Pamamaraan ng Pagkatuto

a. Paglinang na Gawain
Panuto: Tukuyin ang kilos o galaw na makikita sa bawat larawan at kung anong pamantayang moral o
kabutihang-loob ang ipinahihiwatig nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel..

1. Kilos o Galaw: _____________________


2. Kabutihang-loob: _____________________

https://www.kindpng.com/imgv/iRTxToh_teacher-reading-table-clipart-teacher-and-student-clipart/

1. Kilos o Galaw: _____________________


2. Kabutihang-loob: ____________________

https://kmc-service.jp/2021/04/tinuruanka-ba-nila-mommy-tungkol-sa-tradisyon-ng-pamilya /

1. Kilos o Galaw: _____________________


2. Kabutihang-loob: _____________________

https://www.pinterest.ph/arisycatap/sk-files/
b. Pagsusuri

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang iyong masasabi sa ating Gawain?


2. Ano sa tingin ninyo ang ating tatalakayin ngayong araw?

c. Paghahalaw
Basahin ang Parabula

Ang Tusong Katiwala


(Lukas 16:1-15)
Philippine Bible Society
1) Nagsalita uli si Hesus sa kaniyang alaga, “May taong mayaman na may isang katiwala.
May nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian.”
2) Kaya’t ipinatawag niya ang katiwala at tinanong, “Ano ba itong naririnig
ko tungkol
sa iyo? Ihanda mo ang ulat ng iyong pangangasiwa sapagkat tatanggalin
na kita sa
iyong tungkulin.”
3) Sinabi ng katiwala sa kaniyang sarili, “Ano ang gagawin ko? Aalisin na
ako ng aking
amo sa pangangasiwa. Hindi ko kayang magbungkal ng lupa; nahihiya
naman akong
magpalimos.”
4) “Alam ko na ang aking gagawin! Maalis man ako sa pangangasiwa ay
may tatanggap
naman sa akin sa kanilang tahanan.”
5) Isa-isa niyang tinawag ang mga may utang sa kaniyang amo.
Tinanong niya ang una,
“Magkano ang utang mo sa aking amo?”
6) Sumagot ito, “Isandaang tapayang langis po.” Kaya sabi ng katiwala, “Heto ang
kasulatan ng iyong pagkakautang. Dali! Maupo ka’t palitan mo, gawin mong limampu.”
7) At tinanong naman niya ang isa, “Ikaw, magkano ang utang mo? Sumagot ito,
“Isandaaang kabang trigo po.” “Heto ang kasulatan ng iyong pagkakautang”, sabi niya.
“Isulat mo walumpu.”
8) Pinuri ng amo ang madayang katiwala dahil sa katusuhang ipinamalas nito. Sapagkat ang mga
makasanlibutan ay mas tuso kaysa mga maka-Diyos sa paggamit ng mga bagay ng mundong ito.
9) At nagpatuloy si Hesus sa pagsasalita, “Kaya’t sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan
ng mundong ito sa paggawa ng mabuti sa inyong mga kapwa upang kung maubos na iyon ay
tanggapin naman kayo sa tahanang walang hanggan.
10) Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan din sa malaking bagay.
11) Kaya kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa mga kayamanan ng mundong ito, sino ang
magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan?
12) At kung hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba, sino ang magbibigay sa inyo ng
talagang para sa inyo?”
13) “Walang aliping maaaring maglingkod nang sabay sa dalawang panginoon sapagkat kamumuhian
niya ang isa at iibigin ang ikalawa, paglilingkuran nang tapat ang isa at hahamakin ang ikalawa. Hindi
kayo maaaring maglingkod ng sabay sa Diyos at sa kayamanan.”
14) Nang marinig ito ng mga Pariseo, kinutya nila si Hesus sapagkat sakim sila sa salapi.
15) Kaya’t sinabi niya sa kanila, “Nagpapanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao, ngunit alam
ng Diyos ang nilalaman ng inyong mga puso. Sapagkat ang itinuturing na mahalaga ng mga tao ay
kasuklamsuklam sa paningin ng Diyos.”

PARABULA
 isang akdang pampanitikang nagtuturo ng kinikilalang pamantayang moral na karaniwang
batayan ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan.
 Ito ay galing sa salitang Griyegong “parabole” na nangangahulugang pagtabihin ang
dalawang bagay upang pagtularin.
 Ang nilalaman ng parabula ay maikli, praktikal at kapupulutan ng mga ginintuang aral.
 Ang kakanyahan ng parabula ay may tonong mapagmungkahi at maaaring may sangkap ng
misteryo.

d. Paglalapat
a. Pangkatang Gawain
Pangkatin ang klase sa tatlong grupo.
Panuto: Batay sa nabasa o napakinggang parabula, magtala ng mga
kaganapang nagpapakita ng katotohanan (Group A), kabutihan (Group B) at
kagandahang asal ng isang tao (Group C). isulat ang sagot sa metastrips at
idikit ito sa pisara.
Katotohanan Kabutihan Kagandahang-asal

IV. Pagtataya
Ang Mabuting Samaritano

Isang lalaki ang naglalakbay pababang Jerusalem at patungong Jeriko. Mula sa kanyang
kinatatayuan ay abot-tanaw pa rin niya ang huling bahay sa Jerusalem. Naabutan siya ng sikat ng
araw at nagpahinga sa ilalim ng punungkahoy at doon na rin niya kinain ang kanyang pananghalian.
Nang siya ay muli niyang isinabit sa kanyang balikat ang sako. Nanatili pa rin siyang nag-iisa sa
kanyang paglalakbay. Mataas pa rin ang araw kaya naniniwala siya na makakarating siya sa kanyang
pupuntahan. Nang walang anu-ano isang grupo ng kalalakihan ang nakita niya at ginulpi siya at
inagaw lahat ang kanyang mga dala. Iniwan siyang halos wala ng buhay. Isang pari ang napadaan at
nilampasan lamang siya, ganoon din ang ginawa ng isang Liveti. At may isang napadaan na
Samaritano ang naawa sa kanya at tinulungan siya. Binindahan ang kanyang sugat at pinainom ng
alak, pagkatapos painumin ng alak, dinala siya sa isang lugar. Ginamot niya ang sugat at binalot niya
ng kumot at binigyan siya ng gamot para bumaba ang kanyang lagnat. Nang mabuti na ang kanyang
pakiramdam ay nag-utos ang Samaritano sa nagmamay-ari ng tahanan na kanyang tinutuluyan na
tingnan mabuti ang istranghero at muling nagpatuloy siya sa kanyang paglalakbay.

V. Takdang Aralin

A. 1. Bakit mahalagang unawain at pahalagahan ang mga parabula? Nakatutulong ba ang


pag-unawa sa mensahe sa pagkilala sa bansang pinagmulan nito?

B. Pag- aralan ang aralin.


1. Wika at Gramatika: Mga Pag-ugnay sa Pagsasalaysay

Inihanda ni:

EMMADELL P. LELIS
TEACHER I
TALISAY NATIONAL HIGH SCHOOL
HILONGOS SOUTH DISTRICT

You might also like