Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Pananaliksik ukol sa Epekto ng Paninigarilyo

I. Kahalagahan

(Edad 7-16)

Ang paninigarilyo ay isang kasanayan kung saan sinusunog ang isang sangkap. Pinakakaraniwan ang
tabako na nakapaloob sa bilot ng sigarilyo, at nilalanghap at nilalasahan ang usok. Pangunahing
ginagawa ito bilang isang anyo ng paggamit ng droga bilang isang libangan dahil sa may nikotina na
nailalabas ito at ginagawang madaling masipsip ng mga baga. Sa Pilipinas, ang mga kabataan ay
nagsisimulang magsigarilyo sa edad na pitong (7) taon. Nagiging regular na ang paninigarilyo sa edad na
13 hanggang 15 taong gulang. Isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao taun-taon, ang
namamatay dahil sa paninigarilyo. Ang paninigarilyo ang pinakaunang sanhi ng kamatayan sa buong
mundo. Ayon sa Department of Health, isang tao kada 13 segundo, o isang milyong katao taun-taon, ang
namamatay dahil sa paninigarilyo. Ang paninigarilyo ay sanhi rin ng mga sakit sa puso, baga, kanser,
diabetes, osteoporosis at marami pang iba. Ito din ay madalas na sanhi ng pag-atake ng hika.

Rasyunal Nalagadaan na ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang Tobacco Regulation Act of 2003 (RA
9211) na naglalayong protektahan ang mga mamamayan laban sa masamang epekto ng paninigarilyo. Sa
ilalim ng batas na ito, bawal na ang paninigarilyo sa lahat ng pampublikong lugar gaya ng mga paaralan,
ospital, mga terminal, restawran, at iba Bawal na rin ang pagbebenta ng yosi sa mga tindahan na malapit
sa mga paaralan, at di na pagbebetahan nito ang mga menor de edad. Required din ang mga
kumpanyang gumagawa ng sigarilyo na ilagay ang health warning sa harapan ng kaha ng yosi. Iba-ban na
rin simula 2007 ang mga ads ng mga sigarilyo sa iba't ibang media. Ayon sa Malakanyang, ang Pilipinas
ang kauna-unahang bansa sa mundo na pinakaunang tumupad sa sa panawagan ng World Health
Organization na i-regulate ng mga bansa ang paggamit ng mga produktong may nikotina.
II. Layunin

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay mapagaralan at alamin ang mga sanhi ng paninigarilyo ng mga
kabataan. Makakatulong din ito sa mga hindi nanninigarilyo upang huwag na nila subukan ang
masamang bisyo na ito.

 Tukuyin kung ano ang karaniwang dahilan kung bakit naninigarilyo ang kabataan.
 Alamin kung ano ang aspektong naapektuhan sa buhay ng isang mag-aaral na Naninigarilyo.

Sampung paraan upang mapigilan ang paninigarilyo at magkaroon ng isang malusog at Walang sakit na
katawan.

1) Isulat sa papel ang dahilan kung bakit mo nagustuhan manigarilyo.


2) Mag-set ng tiyak na araw kung kelan ka hihinto.
3) Habang wala pa ang araw na tinakda mong hihinto ka, umpisahan mo nang Untiuntiin ang pag
konsumo mo ng sigarilyo.
4) Tandaan ang mga pagsubok na nalampasan mo dati.
5) Alamin at isulat ka pag nagkaroon ng pananabik manigarilyo.
6) Upang mabawasan ang pananabik sa sigarilyo, ibahin ang mga nakaugalian.
7) Maghanap ng ibang healthy food na pwedeng kainin kapag nananabik manigarilyo .
8) Sabihin sa iyong kaibigan, katrabaho, asawa at pamilya kung ano ang pinagdadaanan mo.
9) Ilagay sa isang malaking garapon ang perang naiipon mo dahil sa paghinto mo sa sigarilyo.
10) Ilagay itong listahuan sa isang lugar sa iyong bahay.

Kapag kinakati kang sumindi ng sigarilyo, tignan mo itong listahan na kung paano nakakasira ng
iyong kalusugan ang paninigarilyo.

 Maaring magkaroon ng lung, bladder, pancreatic, mouth, esophageal, at iba pang cancers,
kasama na rin ang leukemia.
 Nakakaapekto sa memorya at pagiisip.
 Maaaring magkaroon ng Alzheimer's disease Maaaring mabaog.
 Nakakabawas ng pangamoy at panlasa.
 Nagiging sanhi ng depression.
 Nagiging sanhi ng heart disease, stroke, high blood pressure.
 Nagiging sanhi ng diabetes.
 Maaaring maging tabain ang iyong anak at magkaroon ng diabetes kapag nanigarilyo habang
buntis. Maaaring makasanhi din ng low birth weight ng anak.
III. Metodolohiya

Gumamit ang mga mananaliksik ng mga kasanayan sa pananaliksik sa pagsulat ng terminong papel
hango sa pagsisiyasat ang epekto ng paninigarilyo, Kumuha ang mananaliksik ng impormasyon sa paksa
base sa kanilang kaalaman at sa mga opinion ng mga tao sa kanilang paligid. Nakatulong din ang
"internet" balita at dyaryo upang makumpleto ang kanilang pagsasaliksik.
IV. Inaasahang Bunga

Inaasahan na sa pag-aaral nito mababawasan ang mga taong lulong sa paninigarilyo lalo na sa mga
kabataang edad 7-16. Mauunawaan ang maaaring maidulot nito sa Ating katawan at masamang epekto
sa ating kalikasan.
V. Sanggunian

https://www.studocu.com/ph/document/western-mindanao-state-university/language-acquisition-
theories-principles-and-research/46321313-pananaliksik-ukol-sa-epekto-ng/28796707

https://www.scribd.com/doc/46321313/Pananaliksik-ukol-sa-Epekto-Ng-Paninigarilyo-Pananaliksik

https://www.academia.edu/36483414/Baby_Thesis_Epekto_ng_Sigarilyo_sa_mga_Kabataan

https://www.academia.edu/37061330/
Masamang_Epekto_ng_Paninigarilyo_sa_mga_Kabataan_Kalusugan_at_Pag_aaral

https://prezi.com/axtfsarmcwgt/masamang-epekto-ng-paninigarilyo-sa-mga-kabataan-sa-kalusugan-
pag-aaral-at-kapaligiran/

https://www.coursehero.com/file/54594795/THESISdocx/

http://filipinocorner.blogspot.com/2010/11/pamanahunang-papelpananaliksik-tungkol.html

You might also like