Short Story

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

The Señorita, o La señorita

Isa itong painting or larawan ng isang dalaga na naka baro't saya. Mukhang luma na ang nasabing larawan, dahil
halos pakupas na ang mga kulay at nababakbak na rin ang gintong frames nito.

Sa titulo pa lang, lisipin mo na ang Señorita ay isang magandang dilag na ginawang obra maestra at naging
imortal sa pamamagitan ng isang natatanging larawan.

Pero may halong misteryo ang painting na ito.

Nakatalikod ang La Señorita imbis na nakaharap. Marami nang haka-haka kung bakit patalikod siyang ginuhit.
Sabi ng iba, di naman talaga magandang dilag ang Señorita, kaya ayaw niyang ipakita ang mukha niya. Sabi naman sa
ibang kwentn anak ng isang prayle ang Señorita at ayaw makilala ng angkan niya na may katakot-takot silang lihim.
Halatang galing siya sa may kayang pamilya noong panahon ng Kastila, at kapag nalaman noon na ang isang babae ay
hija de bastarda ay malaking kahihiyon ang aabutin nito. Lalo na kapag anak ko ng isang prayle.

Walang nakakaalam sa kasaysayan ng nasabing larawan. lalo na kung sino ang nakatalikod na modelo at kung
sino ang nagpinta nito.

Paborito itong urban legend ng mga bumibisita sa isang museo sa Maynila. Marami nang mga historians ang
nagsulat tungkol sa nasabing painting, ngunit walang sa kanila ang nakahanap ng katibayan tungkol sa kasaysayan ni La
Señorita. Sinasabi pa nga na jinxed o may dalang kamalasan ang painting sa kung sino man ang magmamay-ari nito, kaya
nilagak muna sa museo bilang historical artifact.

Sino kaya ang dilag na ito at totoo kaya ang mga kwento tungkol dira?

At totoong malas kaya ang painting?

"Ano ba naman itong Humanities prof namin, Christmas break tapos may pinapagawang assignment!"

Humalukipkip ang bente anyos na si Tammy Cho sa harapan ng kanyang laptop. Alas-diyes na ng gabi ngunit
wala pa rin siyang nahahanap na paksa para sa nasabing assignment ng kanilang prof sa Humanities subject nila sa
school. Mukhang simple lang naman ang pinapagawa kailangan lang mag-research tungkol sa isang obra maestra na
pumukaw ng iyong atensiyon. Pwedeng painting or sculpture.

Pero ang nagpapahirap kay Tammy ay dapat, ang nasabing obra ay gawa ng isang Pilipinong manlilikha, at dapat,
di ito kagaya sa kanyang mga kaklase. Nakuha na kasi lahat ng gusto niyang subject, mula sa Spolarium ni Juan Luna
hanggang sa Oblation statue.

Nag-click ng isa pang browser tab si Tammy at tinignan ang Google spreadsheet Kumunot ang noo niya nang
malaman na may nakakuha na pala ng gusto niyang i-research na painting.

"Naku. mayroon nang gagawa ng tungkol sa Parisian Life! Pati na rin yung A Mother's Revenge na sculpture ni
Jose Rizal Aish! Sana di na ako tinamad last week! Eh di sana naunahan ko pa mga classmates ko! Eh sino ba naman
kasi gusto gumawa ng assignment. Paskong Pasko!"

Napakafumbaba si Tammy. "Sige, subukan ko pa."

May naisip siyang i type sa Google.

Mysterious Painting Phippines

Agad nagkaroon ng search results.

Nag-scroll si Tammy hanggang may nakita siyang web page na ganito ang nakalagay na titulo:
Who is "The Señorita"? No one knows who did this mysterious painting.

Agad nag-click si Tammy at nad:ala siya sa isang blog page na 2009 pa pinost. Binasa niya ang nakalagay:

Ever heard of this painting called The Señorita?" I bet you didn't. I never thought this painting existed until I
visited the basement of the Manila Art Museum. It's a painting of a woman in a baro’t saya with her back turned to the
viewer. I asked the art director about the story of this painting.

According to him, this was donated by a wealthy businessman after he lost his wife to an illness. The
businessman was an avid art collector and he got The Señorita for an affordable price at a garage sale in Calamba,
Laguna. He was obsessed with looking at it everyday, until he realized that he was starting to go bankrupt and his wife
fell ill. After his wife died, he gave away the painting to the Manila Art Museum, where it resided in a basement. No one
knows who did this painting, or even the model with her back turned. All we know is that this piece of art is said to be
jinxed.

"Wow. pwede itung material!" Napangiti si Tammy sa kanyang sarili. Kinopya niya ang link sa blog at nilagay sa
Google Spreadsheet.

Bukas na bukas ay pupuntahan niya ang Manila Art Museum. Kailangan niyang kumuha ng impormasyon tungkol
sa misteryosong painting

Tama rin ang timing niya, dahil kinabukasan ay Disyembre 27.

"Good morning ma'am, maari po bang makita ang mga paintings sa haement?"

Pinuntahan ni Tammy ang Manila Art Museum para makita ang painting ng "The Señorita”. Nasa reception desk
siya at nagbabakasakali na payagan siyang bumaba doon sa basement.

Ngumiti ang babaeng receptionist. "Sige hija. Siguro gusto mong makita ang La Señorita painting, tama ba?”

"Paano niya nalaman Ate?" Nanlaki ang mga mata ni Tammy.

"Halos lahat ng nagpupunta sa basement ng museo ay iyon lang ang gustong makita!" Natatawang
ekspresyon ng receptionist. "Alam mo, ba may tsismis dito na yung babae sa painting ay humaharap? Naglalakad pa nga
sa hallway eh!”

"Kakatakot naman iyon! Pero maganda ba mukha ni La Señorita?” Pag-uusisa ni Tammy.

"Walang nakakaalam ng itsura niya. Pero pag nakita ko sasabihin ko sa iyo." biro sa kanya ng receptionist.
"Kaya huwag ka pupunta dito pag gabi ah?" Paalala sa kanya. “Siguro nga may espiritu doon sa painting.”

"Nako, makababa na nga ng basement! Assignment ko kasi iyong painting"

Tumango si Tammy at nagsimulang maglakad sa hallways ng museo. Sari-saring mga obra maestra ang kanyang
nakita. Tumitigil siya maya’t maya para hangaan ang isang painting o iskulptura.

Ilang sandali pa ang nilakad niya at nakarating na siya sa hagdanan pababa sa hasement. Nakatayo si Tammy sa
may gilid ng hagdan at nakatitig sa pintuan ng basement. May bumbilya sa itaas ng pintuan, pero parang pundido na ito
dahil pakurap kurap ang ilaw.

"Kaya ko kayang gawin ito?" Ngayon pa lang ay ramdam niya na malakas ang kabog ng dibdib niya. “Bakit ako
kinakabahan, eh painting lang naman iyon?” Tanong niya sa sarili.

Huminga siya ng malalim at dahan dahang bumaba. Nang makarating na siya sa dulo ay tumambad sa kanya ang
isang pintuan na may doorknob na gawa sa kulay gintong metal. Hinawakan ni Tammy ang knob at inikot ito. Nabigla
siya nang bumukas nang kusa ang pintuan.
May ilaw naman pala sa loob ng basement. Agad nakita ni Tammy ang ilang mga painting na may takip na puting
tela. “Siguro inaayos yung ibang painting. Saan kaya dito ang The Señorita?”

Nagmasid si Tammy habang naglalakad hanggang sa makita niya sa harapan niya ang kanyang hinahana. Isang
babaeng naka baro't saya na nakatalikod. Ito na ang La Señorita.

"Maganda palang painting to," bulong ni Tammy sa sarili. Nilapitan niya ito at tinignan kung may plate sa ibaba
ang painting, na maaring nagsasabi kung kailan at sino ang gumawa nito. Pero wala man lang itong palatandaan. Kahit
na description sa tabi ng painting.

"Wala ata akong mahahagilap na info tungkol dito. Painting lang siya na nasa basement, iyan lang. Sayang ang
lakad ko oh,” dismayadong nasabi ni Tammy.

Tumalikod na siya at akmang lalabas na ng basement nang may narinig siyang beses na bumubulong sa kanya
“Huwag mo nang alamin pa ang madilim na lihim ng kasaysayan!” Napahinto si Tammy mula sa kinatatayuan. Ramdam
niya ang pagtindig ng kanyang mga balahibo. Positibo siyang narinig niya ang boses na iyon.

Kumaripas na ng takbo ang natatakot na dalaga hanggang sa makaakyat na siya sa ground floor ng museo.
Patuloy pa rin siya sa pagtakbo at di na siya tumigil nang tinanong siya ng receptionist.

"Miss, okay lang po kayo?!" Malakas na sigaw nito.

Hindi pinansin ni Tammy ang nagtatanong sa kanya. Patakbo siyang lumabas ng museo at nang makarating siya
sa isang bench sa may poste ay napaupo ito. Hingal na hingal siya na naghahabol ng hininga, habang ramdam niya ang
tagaktak ng pawis sa kanyang noo.

“Anong boses iyon? Nakakataka. Parang sa akin talaga nakikipag usap!” Naisipan niyang ibahin na lang ang
topic ng kanyang research work. Pero nang maisip niyang malapit na ang pasukan ay nabatid niyang wala na siyang
panahon.

Nanaig pa rin sa kanya ang kagustuhang makakalap ng impormasyon tungkol sa La Señorita. Pero paano niya
iyon gagawin, lalo na at may kung anong boses na nagbabanta na huwag na niyang alamin pa ang tungkol dito?

Kadiliman ang bumabalot sa buong paligid. Hindi niya alam kung nasaan siya, kung anong lugar to. Gusto
niyang tumakas at magtatakbo papalayo, ngunit paano niya magagawa iyon kung di niya alam kung saang direksyon
siya magsisimula?

Sa malayo ay may naaninag siya na isang kislap ng liwanag. Marahan siyang lumakad papalapit dito. Habang
naglalakad ay napansin niyang parang ang bigat yata ng suot niya. Di niya inalintana ito, at sa halip ay tinungo niya
kung nasaan ang munting liwanag na iyon.

Nang makalapit na siya ay doon niya nalaman na isa palang kandila ang pinagmumulan ng ilaw. Napatingin
siya sa sarili mula pa hanggang dibdib. Ngayon lang niya nakita kung anong klaseng damit ang suot niya isang puting
traje de boda na Maria Clara ang istilo.

“Bat ganito suot ko?” Pagtataka niya.

Pagtingin niya sa harapan ay nakakita pa siya ng dalawang hilera ng mga puting kandila sa kaliwa at kanang
bahagi. Ang mumunting mga ilaw mula dito ay nagsilbing gabay sa kanyang dinadaanan. Naisipan niyang maglakad at
hinayaan niya ang kanyang mga paa na dalhin siya sa kung saan man siya tutungo.

Nang makarating na siya sa dulo ay nalaman niyang nakatayo pala siya sa harapan ng isang malaking pintuan.
Akmang bubuksan na niya ito nang kusa naman itong bumukas.
Sa di kalayuan ay nakarinig siya ng tugtog mula sa isang piano. Agad niyang natanto na tinutugtog pala nito
ang pamilyar na musiko kapag may kinakasal. May kung anong pwersa ang humahatak sa kanya na maglakad pa. Di na
niya napapansin na unti-unti na pala siyang nakapasok sa loob ng pintuan.

Patuloy ang musiko habang siya ay naglalakad. Nakakatakot ang dating nito sa pandinig. At namalayan na lang
niya na may mga luha na palang pumapatak mula sa kanyang mga mata. Matinding kalungkutan ang biglang bumalot
sa kanya na parang pumipiga sa puso. Hindi niya mawari kung bakit bigla na lang siyang naiiyak ng walang dahilan.

Niyuko niya ang kanyang ulo habang kinukubli ang kanyang mga luha.Patuloy siya sa pag-iyak habang
naglalakad sa kawalan.

Nabigla si Tammy mula sa pagkakatulog. Napadilat agad ang kanyang mga mata. Natanto niya na nakahiga pala
siya sa kama, at napatingin sya sa kisame, na naaaninag ng isang poste ng ilaw mula sa labas.

Napahawak si Tammy sa kanyang pisngi. Basa ito, at nalaman niyang siya pala ay umiiyak habang natutulog.
“Panaginip pala iyan. Parang totoong nandoon ako.”

Naisip niya bigla ang painting ng The Señorita, na nakita lang niya kahapon sa museo. Naalala niya ang
nakakatakot na boses na kanyang narinig sa basement kung saan nakalagak ang nasabing painting. Konektado kaya ito sa
panaginip niya? “Kandila. Kalungkutan. At traje de boda.”Ano kaya ang koneksyon ng kanyang panaginip su
misteryosong painting.

Pinilit ni Tammy na makatulog muli. Naisipan niyang halikan ang museo, at umaasa siyang may mahanap na
sagot sa kanyang katarungan.

Naisipan ni Tammy na magpasama sa kanyang lalaking pinsan. Tinext niya ito para tanungin kung pwede ba
siyang samahan sa Manila Art Museum, Pero ito lang ang reply sa kanya ng pinsan. niya sa text:Sorry, di kitu
masasamahan ngayon, Mamimili kami ng tatay ko ng mga prutas pang media noche para sa New Year.

"Pinsan ko talaga, puro palusot! Last week sabi niya ayaw niyang manood ng sine. Don't tell me
nagmumukmok lang siya sa kwarto dahil sa babaeng iyon? Di nga siya halas lumabas ng kwarto noong namasko kami
sa kanila.” wika ni Tammy sabay lagay ng cellphone sa kanyang desk.

May pinsang lalaki si Tammy na naging kamag-aral niya noong high school, Close sila sa isa’t isa at alam niya ang
pinagdaraanan nito kamakailan. Nag-away sila ng babaeng best friend nito at natapos ang pakikipag-kaibigan dahil
aksidenteng nahalikan ang nasabing lalaking pinsan ng isang kaklase nito. Nangyari lyon sa isang cooking competition na
ginanap sa hotel, at nakita ng nasabing best friend ang lahat ng pangyayari kahit anong pagmamakaawa ng pinsan ni
Tammy sa best friend niya ay di siya pinatawad nito.

Nakausap ni Tammy ang best friend ng pinsan niya, pero kahit anong pagkukumbinsi niya ay ayaw na ng
nasabing best friend na makipag-usap pa.

"Ay naku, ayusinin yang problema niyo. Parehong sakit ng ulo sila Bearwin at Leianne!” Usal ni Tammy sabay
pasok sa banyo para maligo. Naisipan niyang siya na lang ang lalakad sa museo. Wala naman ang mga magulang niya at
may kasambahay naman sila, kaya pwede naman.

“Ito na naman ako. Kinakabahan pero atat pa rin mag-research tungkol sa La Senorita.”

Nakatayo ulit si Tammy sa may hagdan ng museo pababa sa basement. Huminga siya ng malalim at nag
aalinlangan ulit kung itutulay ba niya ito o hindi.“Sa bagay, nandito na ako, baback out pa ako?”
Tinignan niya ang maliit na flashlight na kanyang dala. May munting backpack siya na nakasukbit sa likuran na
naglalaman ng notebook, ballpen, cellphone, isang bote ng mineral water, at mga biskwi.t Dinala lang niya iyon para di
na siya kakain pa sa labas kapag nabot ng gutom.

“Nandito na naman din ako Itutuloy ko na. Di naman ako matatagalan” At tinahak na ni Tommy ang hagdan
pababa sa basement. kung saan nakalaga ang La Señorita.

“Huwag kang kabahan, Tammy, Hinga lang ng malalim. Matapos din ang assignment na ito.”

Binuksan na ni Tammy ang pintuan sa basement ng Manila Art Museum. Pagpasok niya dito, ay tahimik lang ang
buong paligid. May dilaw na ilaw na nanggagaling mula sa lightbulb sa kisame. May mga paintings na nakapalibot, pero
lahat ay may puting kumot na nakatakip. Pwera sa isa. Agad nilapitan ni Tammy ang painting ng La Señorita. Matagal
niya itong pinagmasdan.

“Kung tutuusin, wala namang nakakatakot dito sa painting” naisip niya. “Pero iba talaga ang vibe nito pag
kaharap mo na. Naku, Ma'am Señorita, ano bang hiwaga mayroon ka? Paano ko gagawin assignment ko tungkol sa
iyo kung pa mysterious ang effect mo? Help me naman.”Nilapitan pa ni Tammy ang painting para tignan kung may
maaaninag ba siyang kakaibang detalye, kahit pirma ng gumawa nito, inangat niya ang kamay niya at diniin ang kanyang
palad sa pader na malapit sa painting.Sa paghawak niya ng pader ay parang may gumalaw malapit sa painting.

"Ay" Malakas niyang sambit Umurong si Tammy palayo sa painting. “Ano yung gumalaw malapit sa pader?”

Nilapitan ni Tammy ang gilid ng pader. Sinilip niya kung may nasa likod ng painting na maaring ikasira nito, gaya
ng maluwag na turnilyo kung saan ito nakasasbit, o baka yung frame mismo. Sa halip, may nakita ang dalaga na labis
niyang ikinamangha."Door knob? Hala, may pinto sa likod ng painting?!" Bulong niya sa sarili.

Di na niya inisip pa ang mga pwedeng mangyari. Inabot ni Tammy ang door knob sa likuran ng La Señorita.
Nagkasya naman ang kamay niya sa likod nito. Madali niyang naikot ang knob. Ginalaw galaw niya muna ito hanggang sa
may naramdaman siyang nag-unlock.Umurong patalikod si Tammy at tinignan kung kusa bang bubukas ang likod. Nang
wala namang nangyari, siya na mismo ang tumingin dito. Naka awang na ang pader sa likod ng painting.

"OMG, teka, hala secret room ito sa likod ng museum!" Damal niya ang kaunting excitement, umaasang baka
may matagpuan siyang kakaiba tungkol sa painting or sa museum. Marahan na hinila ni Tammy ang nasabing pintuan.
Umangat ang pader kasama ng painting at nang niluwagan pa niya ang pagkakabukas ay may nakita siyang mga batong
hagdan na pataas.

"Whoa, secret passage! Matignan nga!"

Pumasink si Tammy sa loob at binagtas na niya ang mga hagdan pataas. Gosh, explore muna ako tapos uwi na
pagkatapos! Naisip niya

Umakyat siya ng ilang batang ng hagdan hanggang sa naramdaman na niyang nagdidilim na ang buong paligid.
Napapalayo na siya sa ilaw mula sa basement, kaya kinuha na niya ang cellphone mula sa bulsa. Inilawan niya ang
kanyang dinadaanan gamit ang screen ng cp, at laking pasalamat niya na di umiiral ang clumsiness niya ngayong araw na
ito.
Matagal tagal na siyang pumapanhik ng hagdan. Di na niya alam kung saan papunta itn. Kinakapos na siya ng
hininga dahil wala nang hangin sa loob, at di rin sapat ang cellphone niya bilang isang Hashlight. Naramdaman na rin niya
ang tagatal na pawis sa kanyang noo at likuran.

Grube, di na matatapos ang pag-akyat kat Ford, dapat pala di ko

na tinuloy ito Pagsisisi niya.

Napatingin si Tammy sa itaas at may nakita siyang sinag ng liwanag nilisan niya ang pagkilos sa gitna ng kanyang
pagkahapo. Nang marating na niya ang ibabaw ay agad niyang inangat ang kamay para maltulak ang bato na nakatakip
sa butas

Unti-unting nagliwanag ang buong kapaligiran nang maingat na ni Tammy ang batong nakatakip sa butas.
Nalaman niyang kasing laki ito ng isang manhole. Tinulak niya ang sarili paltans, at unang sumalubong sa kanya ang
masarap na simuy ng hangin sa labas.

Hay salama, nakahinga rin ako!

Lumabas na si Tammy mula sa butas. Naramdaman ng mga palad niya ang mga damo sa lupa. Nang makatayn na
siya ay inusisa niya muna ang kapaligiran

You sent

Puro mga puno at damo ang kanyang nakita Lumingon siya, at sa malayo ay may nakira siyang mga buhungan ng
bahay kubo

Nasaan ang museum? Nakarating ba ako sa probinsiya? Pagtataka niya. Lumingon siya para hanapin ang hinas
kung saan siya nagmula, pero laking gulat niya na wala na pala ito.

Hala! Nae-engkamo na ba ako? Siguro may engkanting nakatira

sa painting! Babaliktarin ko na ba ang damit ko?

Nag-isip si Tammy. Siguro maglalakad muna siya at magtatanong kung anong lugar ito, at paano makakabalik sa
museum.

Tinahak na ng dalaga ang daan, at hinayaan na lang niya kung saan siya dadalhin ng kanyang mga paa. May mga
nadadaanan siyang mga bahay-kubo, pero laking pagtataka niya ay parang walang mga tao sa loob.
Ano ba ito, ghent town? Siget, parang Silem Hill lang ah

Napatingin si lammy sa malayo at nagulat siya nang makita ang

Isang mahabang hilera ng pader na gawa sa bat ang mga tiles, Phew, nasa Intramuros area lang pala akos
Papasok ako sa loob

at ni sakay ng jeep, naisip niya.

Tinakbo niya ang daan papunta sa pamilyar na Walled City. Nang makarating siya sa may gate ay may nakita
siyang lalaki na naka uniform ng Guardia Civil

Ngumiti si Tammy at nagsimula. "Hi Manong! Ask en lang po kung paano ako makakasakay ng jeep. Saan po
pwede lumabas

Tinignan siya ng lalaking naka uniporme. May inusalito na mga

salita na di niya naintindihan.

"Sir, di ko alam sinasabi niyo. Di ko kayo maintindihan." diin niya.

May dumaan pa na isang lalaking pareho rin ang uniporme. Sumenyas ang guard sa gate at nilapitan siya nito,
Bumulong ang unang guard sa kanya, at nang matapos na ang kanilang usapan ay hinalikan ng guard si Tammy.

"Ilija "May mga sinabi itong salita na di naintindihan ni Tammy pagkatapos ng salitang hija

"Ano po sinasabi ninyo?" Tanong niya.

You sent

"Sir, di ko alami sinasabi niya. Di ko kayo maintindihan," diin niya.

May dumaan pa na isang lalaking pareho rin ang uniporme. Sumenyas ang guard sa gate at nilapitan siya nito.
Dumulong ang unang guard sa kanya, at nang matapos na ang kanilang usapan ay binalikan ng guard si Tammy
"Hija" May mga sinabi itong salita na di naintindihan ni Tammy pagkatapos ng salitang ha

"Ano po sinasabi ninyo?" Tanong niya.

Naisip niya agad na baka arestuhin siya, kaya agad siyang kumaripas ng sakbo hago pa siya mahuli ng mga ito.
Nagtatakb na siya at di na inalintana ang mga taong nakabangga niya. Di na niya alam kung saan siya pupunta.
Naisipan niya munang magtage, at nang may nakita sayang gusali ay pinuntahan niya ang likuran nito.

Pagod na sumandal si Tammy sa may pader at napasalampak siya sa sahig. Bakit ganoon sila magsalia? Kastila ba
iyon... Wall baka may shooting dito ng pelikula tapos kasama ako sa mga ekstra! Napangiti si Tammy sa naiisip, pero
agad din ito nawala.

Sumilip siya at tinignan ang mga tao sa paligid. Karamihan sa kanila ay mga naka haro't saya at kamisa at
pantalons. May mga pamaypay ang mga kababaihan, habang ang mga kalalakihan naman ay naka-sumbrern. May kalesa
na dumaan. Napansin agad ni Tammy na lahat ay iisa ang itsura. Wala man lang camera a direktor na sumisigaw sa
paligid.

Sa makatuwid natural lang ang kilos ng mga tao.

Hindi na movie set

Naalala ni Tammy ang guardia civil. Wikang Kastila pala ang sinasabi niya kaya di niya ito maintindihan.

Hala, baka... Baka wala na ako sa present time... Di pwede lyon....

Di kavi..

Naputol ang kanyang iniisip nang may naramdaman siyang rumapik sa kanyang halikat at isang hoses na binati
siya ng:

Buenas Dias, Señorita

You might also like