Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Epekto ng Pagpupuyat sa mga Mag-aaral sa Akademikong

Pagganap

Isinumite sa Departamento ng Filipino bilang bahaging


pangangailangan sa Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng
iba’t ibang Teksto tungo sa Pananaliksik

Isinumite nina:
Amoy, Jerlyn T.
Arnaiz, Althea Bianca B.
Canoy, Arlyn Y.
Francisco, Joshua Jake S.
Nawanao, Jennifer R.

Isinumite Kay:
Genara T. Recamara

2023
Epekto ng Pagpupuyat sa mga mag-aaral sa Akademikong
Pagganap.

I. Kahalagahan
Sa panahon ngayon, hindi na bago sa mga mag-aaral ng mataas na paaralan ang
puspusang pagpupuyat. Ayon sa NHS Choices (2015), kinakailangan ng isang tao ng hindi
bababa sa walong oras ng pagtulog upang gumana nang maayos ang kanilang katawan. Ngunit
sa panahon ngayon ay kakaunti na lamang sa kanila ang nakakakompleto ng walo hanggang
siyam na oras ng pagtulog sapagkat marami ang mas pinipiling manatiling gising upang gumawa
ng mga bagay na kailangan nilang gawain kaysa kumpletuhin ang tamang oras ng pagtulog ng
isang tao.

Tuunan natin ng pansin ang epekto ng kakulangan sa pagtulog sa mga teenager. May
epekto ba ito sa kanilang kakayahang pang-akademiko? Ayon sa pag-aaral, ang pagpupuyat ay
nakapagpapahina ng isip at memorya at kabilang ang mga kabataang estudyante sa
pinakananganganib dito. Ang nagiging resulta nito ay pagiging mayayamutin at pagiging
sobrang likot. Pinag-aaralan ng mga siyentipiko ang nagkukulang iminumungkahing walong oras
na pagtulog gabi-gabi (Globe at Mail 2002). Ayon kay Velasco (2015), ang kakulangan sa
pagtulog ay tinuturing na isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit patuloy na sumasama ang
estado ng kalusugan sa Pilipinas. Binigyan niya ng diin ang katotohanang nakatatak na sa utak
ng mga Pilipino na mas makabubuti sa kanila ang hindi pagtulog upang matapos ang kanilang
mga gawain kaysa matulog at gumising nang wala pang nagagawa. Dahil sa pag-iisip na ito,
maraming Pilipino ngayon ang kumahaharap sa iba't ibang sakit na nakaugat sa pagpupuyat.

Napansin ng mga mananaliksik na ang kaisipan na pag-aaksaya lamang ng oras ang


pagtulog ay patuloy na nananaig sa mundong ito. Dahil dito, minabuti ng mga mananaliksik na
magsagawa ng pag-aaral tungkol sa paksang ito upang matulungan ang mga taong nakararanas
ng pagpupuyat at upang hindi na lumala ang kahirapang maaaring idulot nito sa kanila.
Aalamin sa pag-aaral na ito ang katotoohanan sa likod ng pagpupuyat ng karamihan sa mga
mag-aaral ng ikalabing-isang baitang at susubukin din nito na mabigyan ng kasagutan ang mga
problemang nakapaloob dito.
II. Layunin

Layunin ng pag-aaral na ito na maipabatid sa mga mag-aaral ang mga epekto ng


kakulangan sa tulog sa katawan ng tao lalong-lalo na ang mga pinsala na maaari nilang madanas
kung magpapatuloy ang kanilang pagpupuyat. Gamit ang pag-aaral na ito, ang mga dahilan na
nagtutulak sa mga mag-aaral na hindi agad matulog sa pagpatak ng oras na nakatakdang
matulog ang isang tao ay inaasahang masiwalat. Hinahangad din ng pag-aaral na ito na
makahanap ng maaaring solusyon upang matigil na ng mga mag-aaral ang nakasanayang
gawaing ito.
Ang napiling paksa ay hindi lamang nagsasabi ng katotohanan sa mundo bagkus, ito rin
ay maaaring makapagligtas ng buhay ng milyong-milyong taong dumaranas ng kakulangan sa
pagtulog sa araw-araw nilang pamamalagi rito sa mundo. Isa rin kami sa mga taong nakaranas
ng pagpupuyat kaya naman napakahalaga ng pag-aaral na ito sapagkat ito na ang aming
pagkakataong gumawa ng aksyon upang matugunan ang problemang matagal na naming
gustong masolusyunan.
Ang pananaliksik na ito ay nagbibigay impormasyon ukol sa epekto ng pagpupuyat sa
akademikong aspeto ng mag-aaral sa Senior High School at naglalayong matugunan ang mga
sumusunod na tanong:

1. Ano ang mga balakid sa pagtulog ng isang mag-aaral?

2. Ano ang kadalasang asal ng isang mag-aaral sa oras ng klase sa tuwing ito ay puyat?

3. Ano ang mga posibleng solusyon sa nasabing suliranin?


III. Metodolohiya
Inilalarawan sa kabanatang ito ang mga pamamaraan na ginagamit ng mga mananaliksik upang
makamit ang mga resulta na maaaring makasagot sa ang mga katanungan na nakasaad sa
pananaliksik. Tinatalakay din dito ang disenyo ng pananaliksik, proseso ng pagkalap ng datos, at
ang mga kalahok sa pag-aaral. Matutukoy sa pag-aaral na ito ang kaugnayan at pagiging
epektibo ng mga variable at datos na natipon.

Disenyo ng Pananaliksik
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng isang phenomenological na disenyo ng pananaliksik para
sa pag-aaral na ito. Ayon sa Sauro (2015), ang phenomological na disenyo ng pananaliksik ay
gumagamit ng isang blending mula sa pagkuha ng mga pamamaraan, halimbawa, sa mga
panayam, pagbabasa ng mga dokumento, panonood ng mga bidyo, o hindi kaya pagpunta sa
pamamagitan ng mga spot upang mas maunawaan at mas lalong mapag-aralan.
IV. Inaasahang Bunga
Isinagawa ang pananaliksik na ito upang malaman ang mga epekto ng pagpupuyat sa pisikal,
mental at sikolohikal na katangian ng mga mag-aaral.
Ang karaniwang dahilan na nag-udyok sa mag-aaral upang magpuyat ay ang paggawa ng
kanilang mga gawaing pampaaralan at ang paggawa rin ng iba pang bagay na tinuturing nila na
makabuluhan tulad ng paglalaro ng video games, panunuod ng pelikula at paggamit ng social
media.
Ang pagpupuyat ay nakaaapekto sa pisikal na katangian ng mga mag-aaral. Nakaranas sila ng
pagbabago sa kanilang mukha kung saan nagkaroon sila ng malalim at maitim na eyebags at
nagsulputan ang kanilang mga tigyawat.
Ang pagpupuyat ay lubos na nakaapekto sa mental na pag-iisip at performans ng mga mag-
aaral sa klase. Dahil sa pagkaantok ay nahirapan makapagpokus at makilahok sa talakayan ang
mga mag-aaral. Ito rin ang dahilan kung bakit naging mas mababa ang kanilang marka sa mga
pagsusulit dahil kahit naaral nila ang mga ito ay hindi nagproseso ng tama sa kanilang utak ang
mga kaisipan na kanilang tinataglay.
V. Sanggunian
https://pdfcoffee.com/kabanata-1-5-pdf-free.html

https://www.abante.com.ph/2021/11/25/epekto-sa-kalusugan-ng-pagpupuyat/

https://www.academia.edu/33943123/Pananaliksik

https://www.academia.edu/38205771/Epekto_ng_Pagpupuyat_sa_Pagaaral

https://www.coursehero.com/file/89855949/EPEKTO-NG-PAGPUPUYAT-SA-MGA-MAGdocx/

https://www.coursehero.com/file/89855949/EPEKTO-NG-PAGPUPUYAT-SA-MGA-MAGdocx/

https://www.studocu.com/ph/document

You might also like