Ang Kwento NG Pandang Gitab Oriental Mindoro

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Pista ng Ilaw at Liwanag

Mayaman ang kasaysayan at kultura ng Oriental Mindoro. Natatangi ang isla dahil sa
likas yaman nitong pinagkukuhanan ng pangunahing kabuhayan ng mga mamamayan.
Malaki ang ginagampanan ng “ilaw at liwanag” sa buhay ng mga tao. Ang ilaw at liwanag
ay gumagabay sa atin sa panahon ng kadiliman, nagbibigay ng tanglaw kung
kinakialangan, nagpapa-init sa madidilim na gabi, at tumutulong sa atin para magbigay-
pugay at magpasalamat sa ating mga ninuno.

Ang ilaw at liwanag rin ay tanda ng walang-hanggang karunungang ipinagkaloob ng


Maykapal sa sangkatauhan. Kaya nga, madalas ito’y nagiging kasangkapan para sa
makabuluhang pagdiriwang. Sa pamamagitan ng liwanag at ilaw, isinasalaysay natin ang
kwento ng ating tagumpay mula sa pagkakalugmok, pagpipighati at kalungkutan
patungong pagbangon at pagiging matatag.

Ang bagong Pandang Gitab Oriental Mindoro, bilang opisyal na festival ng Oriental
Mindoro ay naglalayong talakayin ang tatlong (3) mahahalagang tema ng
pagpapasalamat gamit ang ilaw at liwanag sa ating buhay:

Una, ang pagdiriwang ng Pandang Gitab Oriental Mindoro ay pagpapasalamat sa


PANANAMPALATAYA. Naging ilaw at liwanag ng mga unang Oriental Mindoreno ang
ipinamana sa ating paniniwala at pananampalataya. Nagbigay ito ng tamang direksiyon
sa lalawigan upang makamit ang kaunlarang ating tinatamasa ngayon. Sa mga
dumarating na pagsubok, ang liwanag ang nagsisilbing pag-asa para bumangon. Sa mga
kalamidad at pasakit, ang ilaw ang siyang gumabagay para manatiling matatag at may
takot sa Diyos. Maswerte ang lalawigan dahil sa kabila ng mga dinanas na pagsubok,
patuloy pa rin tayong bumabangon at umaahon. At sa bawat pagkakadapa, ang ilaw at
liwanag ang tumatanglaw sa atin patungo sa tamang daan. Sadyang matibay ang
pananampalataya ng mga Oriental Mindoreno. Katulad sa mga kwento sa banal na
kasulatan, ang ilaw at liwanag ang siyang nagsisilbing tanda at gabay natin para sa
tamang pamumuhay. Sa pamamagitan ng Pandang Gitab Oriental Mindoro, sumasayaw
tayong may ilaw at liwanag para patuloy na magningning ang pananampalatayang ating
minana at patuloy na inaangkin.

Ikalawa, ang pagdiriwang ng Pandang Gitab Oriental Mindoro ay pagpapasalamat


sa ating MAYAMANG KALIKASAN. Malaki ang naging ambag ng ilaw at liwanag sa
kwento ng paglikha. Ginawang instrumento ni Bathala ang liwanag at ilaw upang tuluyang
maging perpekto ang kanyang mga nilikha. Dahil sa ilaw at liwanag, nahiwalay ang
kadiliman, nagkakulay ang paligid at nagkabuhay ang mga hayop at halaman. Bilang
ikalawang tema ng ilaw at liwanag, kumakatawan ito sa lahat ng nilikha ng Diyos. Taglay
ang masidhing hangaring ibigay ang magandang buhay sa kanyang mga nilalang,
pinagkalooban tayo ni Bathala ng matabang lupa, mayamang karagatan, malinis na tubig,
at makapal na kagubatan hitik ng mga puno at bunga. Siksik, liglig at umaapaw ang mga
lamang-dagat na sa ating mga katubigan ay namumuhay. Matabang lupa naman ang
nagsisilbing tahanan ng mga hayop, halaman at produktong sa atin ay nagpapatid sa
kagutuman. Mga talon, bundok at baybaying-dagat naman ang sumasalubong sa mga
humahangang bisita sa lalawigan. Sa pamamagitan ng Pandang Gitab Oriental Mindoro,
sumasayaw tayong may ilaw at liwanag sa ating mga kamay para patuloy na payabugin
ang ating likas yaman.

Ikatlo, ang pagdiriwang ng Pandang Gitab Oriental Mindoro ay pagpapasalamat sa mga


KATANGIAN NG ORIENTAL MINDORENO. Likas na magalang, matulungin, matatag at
mapagmahal ang mga Oriental Mindoreno. Sa tuwing dumadaan tayo sa pagsubok,
nababanaagan lagi natin ang pag-asa dahil sa tulong ng bawat isa. Kapit-kamay nating
hinaharap ang bukas kalakip ang masidhing pagnanais na magkakasama tayong aangat
bilang isang lalawigan. Tanyag tayo sa mga katangiang hinahangaan ng mga bisita.
Kasabay ng mga ngiti sa ating labi, bukas ang mga bisig nating ipinagmamalaki ang kung
anong meron tayo bilang isang lahi. Kahit gaano pa man kadilim ang ating mga pagsubok
na pinagdadaanan, buong galak pa rin natin itong ipinagmamalaki at pinaghuhugutan ng
lakas ng loob at tibay ng dibdib para humarap sa panibagong bukas. Ang ilaw at liwanag
ang madalas na nagsisilbing hudyat ng ating pagbangon mula sa pagkalugmok. Ito rin
ang nagsisilbing simbolo ng ating mga adhikain bilang isang lalawigan. Sa ningas ng
apoy at sulyap ng liwanag, mababanaagan natin ang mga gawi ng bawat Oriental
Mindorenong nagbibigay sa atin ng pagkakakilanlan. Dahil dito sa pamamagitan ng
Pandang Gitab Oriental Mindoro, sumasayaw tayo sa ilaw at liwanag para ipagmalaki
ang lahing Oriental Mindoreno.

Ang kwento ng Pandang Gitab ay kwento ng bawat Oriental Mindoreno. Sa matibay


nating pananampalataya, biniyayaan tayo ng mayamang kalikasan at dahil dito,
ipinagmalaki natin ang ating lahi at tatak Oriental Mindoreno.

Sa huli, bilang isang gawaing pangturismo at kultura, ang Pandang Gitab Oriental
Mindoro ay isang paanyaya sa lahat: “Liwanag, liwanag ng Pandang Gitab, Maranasan,
mahalina sa mga pasiklab, Oriental Mindoro'y nasasabik din, sa iyong pagdating, tuloy po sa
amin”.

You might also like