Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Ang 

maikling kwento o katha ay isang uri ng panitikan na bunga ng isang maikling guni-guni ng may-
akda. Ito ay maaring likhang isip lamang o batay sa sariling karanasan na nag-iiwan ng isang kakintalan sa
isipan ng bumabasa onakikinig. Ito ay maikli lamang at matatapos basahin sa isang upuan lamang. Iilan
lamang ang mga tauhan. Ang mga kawal ng pangyayari ay maingat na inihanay batay sa pagkasunod-
sunod nito.
               Ang isang maikling kwento ay mga kwento na mamaari mong tapusin sa isang upuan lamang ng
pagbabasa o kaya'y ang mga kwento na hindi inaabot ng araw para matapos.

    Mga Sangkap ng Maikling Kuwento

Tagpuan - ang pook o lugar na pinangyarihan ng kuwento.

Banghay -  ang kabuuan ng isang kwento. Ang kawil ng mga pangyayari ay batay sa pagkakatulad nito
mula umpisa hanggang sa kasukdulan sa bahaging ito nilulutas ang tunggalian ng mga tauhan sa
kuwento.

Tauhan- ang mga taong nagbibigay buhay sa takbo ng mga pangyayari sa kuwento.

 Mga Bahagi ng Maikling Kwento

Ang maikling kuwento ay may limang bahagi:

Panimula - nilalahad dito ang tagpuan upang ipakilala ang mgatauhan, pook at panahon ng kuwento sa
mambabasa.

Saglit na Kasiglahan - naglalarawan ng pasimula tungo sa suliraning inihahanap ng lunas.

Suliranin - ang mga suliranin ay kinakailangang magkakaugnay mula sa simula hanggang sa paglalapat 
ng mga karampatang lunas sa bawat suliranin.

Kasukdulan - ang bahaging kinapapalooban ng pinakamasidhing pananabik dahil sa takbo ng mga


pangyayari.

Kakalasan o Wakas - dito binibigyan ng  pagkakataon ang mga mambabasa na tapusin ang kuwento
atmagkkaroon ng pagkakataon na gamitin ang kanyang pag-iisip.

Ano ang Kahulugan ng Maikling Kwento?


Ang maikling kwento ay isang masining na uri ng akdang pampanitikan na naglalaman ng
maikling salaysay tungkol sa isang mahalagang kaganapan. Ang kathang ito ay maikli
lamang kung kaya’t ang pagbabasa nito ay maaring matapos sa isang upuan o isang
impresyon lamang. Ang mga pangyayari sa akdang ito ay karaniwang nagmula sa malikot
na imahinasyon ng manunulat, maari ding ito ay nakabatay sa sariling karanasan ng may
akda.

Ayon naman kay Edgar Allan Poe, ang kinikilalang Ama ng Maikling Kwento, ito ay isang
akdang pampanitikang likha ng guniguni at bungang-isip ng may akda, na maaring hinango
sa isang tunay na pangyayari sa buhay.

Elemento ng Maikling Kwento

Ang elemento ng maikling kwento ay may pagkakatulad sa iba pang anyo ng panitikan tulad


ng nobela. Ang mga elementong ito ay nagsisilbing sangkap upang makabuo ng madaling
unawain at kawili-wiling akda.

Tauhan

Ang tauhan ay hindi mawawala sa isang akda, lalong-lalo na sa maikling kwento. Sila ang
kumikilos at nagbibigay buhay sa mga pangyayari. Ang dalawang pangunahing tauhan sa
akdang ito ay tinatawag na protagonista at antagonista. Ang protagonista ay ang
pangunahing tauhan kung saan nakasentro ang pangyayari, samantalang ang antagonista
naman ay ang hadlang upang magtagumpay ang pangunahing tauhan.

Tagpuan

Ito ay paglalarawan kung saang lugar at panahon naganap ang mga pangyayari. Sa
pagkuha ng tagpuan ng kwento, dapat isaalang-alang kung saan naganap ang kilos ng
tauhan. Maari ding iugnay ang kasaysayan sa pagtuklas ng tagpuan.

Banghay

Ang banghay ay ang ayos o pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa akda.

Ang mga sumusunod ay ang bahagi ng banghay:

Simula – Bahagi ng banghay kung saan ipinapakilala ang mga tauhan.


Papataas na aksyon (kasiglahan) – Dito nagaganap ang pagpapakilala o paglalahad ng mga suliranin.
Kasukdulan – Ito ang pinaka-kapana-panabik at pinaka mataas na bahagi ng kwento.
Pababang aksyon (kakalasan) – Dito unti unting nabibigyan ng kasagutan ang suliraning nailahad sa
kwento.
Katapusan / Resolusyon / Wakas – Ang wakas ang pinagtapusan ng kwento. Maari itong masaya,
malungkot, o nakakapagbukas ng isipan ng mambabasa.
Suliranin
Sa bawat magandang katapusan ng kwento ay may mga pagsubok na nilagpasan ang mga
tauhan. Ang suliranin ay ang mga problemang kinakaharap o kahaharapin ng pangunahing
tauhan.

Pang-ugnay

Jump to navigationJump to search


Ang pang-ugnay ay bahagi ng pananalita na nag-uugnay o nagdurugtong sa mga salita,
sugnay, o pangungusap. May tatlong uri ng pang-ugnay—ang pangatnig, pang-angkop, at
pang-ukol.

Tagalog/Pang-ugnay
< Tagalog
Jump to navigationJump to search
Ang Pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap,
maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.
Pang-ukol
Ang Pang-ukol (Preposition sa wikang Ingles) ay kataga o salitang nag-uugnay sa pangngalan
o panghalip sa ibang salita sa pangungusap.
sa    para sa    ayon    kina
para kay    tungkol sa    na may
Halimbawa:
Ang kanyang nilutong tinola ay para sa lahat.
Mga Gamit ng Pang-ukol
Nagpapakita ng kinalalagyan o patutunguhan ng isang bagay.
Halimbawa:
Ang pera ay nasa loob ng kuwarto ni Lana.
Upang ipakita ang dahilan o pagmamay-ari.
Halimbawa:
Ang bagong damit ay para kay Lita.
Ang layon ng pang-ukol ay maaaring pangngalan o panghalip.
Halimbawa:
Ang kanyang talumpati ay para sa kababaihan.
Marami siyang kinuwento tungkol sa pagpapalago ng negosyo.

Pangatnig
Ang Pangatnig (Conjunction sa salitang Ingles) ang tawag sa mga kataga o salitang
naguugnay sa dalawang salita, parirala o sugnay na pinagsusunud-sunod sa pangungusap:
at    pati    saka    o    ni    maging    subalit    ngunit
kung    bago    upang    sana    dahil sa    sapagkat
Gamit ng Pangatnig
Dalawang salitang pinag-ugnay
Halimbawa:
Ang langis at tubig ay hindi mapagsasama.
Dalawang pariralang pinag-ugnay
Halimbawa:
Ang paglalaba ng damit at paglilinis ng bahay ang kanyang hanapbuhay.
Dalawang sugnay na pinag-ugnay
Halimbawa:
Ang bunsong si Crisanto ay mahusay magpinta at ang panganay na si Manilyn ay mahusay
umawit.

Uri ng Pangatnig
Panimbang
Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay.
at    saka    pati    ngunit    maging    datapuwat    subalit
Halimbawa:
Gusto niyang bumili ng damit, ngunit wala siyang pera.
Naglinis muna si Troy, saka siya nagluto.
Pantulong
Ito ay nag-uugnay ng di-magkapantay na salita, parirala o sugnay.
kung    kapag    upang    para    nang    sapagkat    dahil sa
Halimbawa:
Nag-trabaho siya ng mabuti, para makabili siya ng damit.
Umasenso ang kanyang buhay, dahil sa kanyang pagsisikap.
Pang-angkop
Ang Pang-angkop (Ligatures sa wikang Ingles) ay ang salitang nag-uugnay sa panuring at
salitang tinuturingan (na, ng, g)
Halimbawa:
Maayos na pamumuhay ang hangad nina Jaime.
Masayang naglalaro si Ben.
Mga salitang inuugnay ng pang-angkop
Pang-uri at Pangngalan
Halimbawa:
Masama sa may diabetes ang matatamis na pagkain.
Pang-abay at Pang-abay
Halimbawa:
Sadyang mabilis lumangoy ang isda.
Pang-abay at Pang-uri
Halimbawa:
Likas na maputi si Cherry.
Pang-abay at Pandiwa
Halimbawa:
Si Dario ay biglang nagalit nang asarin siya.
Wastong Paggamit ng Pang-angkop
Ang na ay ginagamit kapag ang sinusundang salita ay nagtatapos sa katinig.
Ang g ay ginagamit kapag ang salitang dinurugtungan ay nagtatapos sa titik n.
 

ANG PANG-UGNAY
 Ang Pang-ugnay ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa
pangungusap,maaaring salita, dalawang parirala o ng dalawang sugnay.Pang-ukol Ang Pang-ukol
(Preposition sa wikang Ingles) ay kataga o salitang nag-uugnay sapangngalan o panghalip sa ibang salita sa
pangungusap. sa para sa ayon kina para kay tungkolsa na mayHalimbawa: Ang kanyang nilutong tinola ay para
sa lahat.Mga Gamit ng Pang-ukol · Nagpapakita ng kinalalagyan o patutunguhan ng isang bagay.Halimbawa:
Ang pera ay nasa loob ng kuwarto ni Lana. ·Upang ipakita ang dahilan o pagmamay-ari.Halimbawa: Ang
bagong damit ay para kay Lita. Ang layon ng pang-ukol ay maaaring pangngalan o
panghalip.Halimbawa: Ang kanyang talumpati ay para sa kababaihan. Marami siyang kinuwento tungkolsa
pagpapalago ng negosyo.Pangatnig
 –
 Ang Pangatnig (Conjunction sa salitang Ingles) ang tawag sa mga kataga osalitang naguugnay sa dalawang
salita, parirala o sugnay na pinagsusunud-sunod sapangungusap:halimbawa: at pati saka o ni maging subalit
ngunit kung bago upang sana dahil sa sapagkatGamit ng Pangatnig Dalawang salitang pinag-
ugnayHalimbawa: Ang langis at tubig ay hindi mapagsasama.Dalawang pariralang pinag-ugnayHalimbawa:
Ang paglalaba ng damit at paglilinis ng bahay ang kanyang hanapbuhay.Dalawang sugnay na pinag-
ugnayHalimbawa: Ang bunsong si Hannah ay mahusay magpinta at ang panganay na si Kaye aymahusay
umawit.Uri ng PangatnigPanimbang Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay. at saka pati
ngunitmaging datapuwat subalitHalimbawa: Gusto niyang bumili ng damit, ngunit wala siyang pera.Naglinis
muna si Hannah, saka siya nagluto.REPORT THIS AD 
Highlight

Add Note
Share Quote

Pantulong Ito ay nag-uugnay ng di-magkapantay na salita, parirala o sugnay. kung kapag upangpara nang
sapagkat dahil saHalimbawa: Nag-trabaho siya ng mabuti, para makabili siya ng damit.Umasenso ang kanyang
buhay, dahil sa kanyang pagsisikap.Pang-angkop Ang Pang-angkop (Ligatures sa wikang Ingles)
ay ang salitang nag-uugnay sa panuring atsalitang tinuturingan (na, ng, g)Halimbawa: Maayos na
pamumuhay ang hangad nina Jaime. Masayang naglalaro si Ben.Mga salitang inuugnay ng pang-angkopPang-
uri at PangngalanHalimbawa: Masama sa may diabetes ang matatamis na pagkain.Pang-abay at Pang-
abayHalimbawa: Sadyang mabilis lumangoy ang isda.Pang-abay at Pang-uriHalimbawa: Likas na maputi
ako.Pang-abay at PandiwaHalimbawa: Si Dario ay biglang nagalit nang asarin siya.Wastong Paggamit ng
Pang-angkop Ang na ay ginagamit kapag ang sinusundang salita aynagtatapos sa katinig. Ang g ay ginagamit
kapag ang salitang dinurugtungan ay nagtatapos satitik n.

You might also like