Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Kindergarten

K MGA KUWENTO,AWIT
AT TULA
Quarter 2 – Week 1
Natutukoy na May
Pamilya ang Bawat Isa

Pangalan:_____________________________________
Paaralan: _____________________________________
Petsa: _____________________________________

SDOQUEZON – K-KATA-Q2-W1 Credits to : Jessabel I. Decena


PANIMULANG MENSAHE
Ang KINDERGARTEN KUWENTO, AWIT, TULA, ATBP (K-KATA)
ay karagdagang kagamitang pampagtuturo sa Kindergarten. Ito ay mga tinipong
mga kuwento, awit, tula, at mga teksto na kaugnay sa kompetensiya (competencies)
na dapat na malinang sa bawat aralin. Layunin ng kagamitang ito na mapaunlad
ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikinig ng kuwento, pag-awit, pagtula, at iba
pang gawain. Magbibigay din ito sa kanila ng pagkakataong makarinig ng kuwento,
maka-awit, maka-tula, at iba pang gawaing kawili-wili.
Sa pakikinig ng kuwento, awit,tula, atbp, ang mag-aaral ay inasahang
makapagpamalas ng kawilihan sa pakikinig, kahusayan sa pakikipagtalastasan,
wasto at kanais-nais na pag-uugali at pagsagot sa mga tanong, pagsasabi ng
saloobin tungkol sa kuwento, awit, tula atbp, at pagpapakita ng paggalang sa
pananalita at sa gawa. Aming inaasahan na ang mga magulang/tagapag-turo ay
babasa ng mga kuwento, awit, tula atbp na nakapaloob sa kagamitang ito 1-2 beses
o higit pa sa loob ng isang linggo.
Hinihikayat po namin ang aming mga mahal na mga magulang/tagapagturo na
maging katuwang namin kayo sa mga layuning nabanggit. Ang paggamit po ng
RUBRIK na nasa ibaba ay isang paraan upang masubaybayan ang pag-unlad ng
kaisipan at wastong asal na ating mga mag-aaral. Hinihiling po na nawa ay
maisagawa ang masusing pagbibigay ng marka ng may katapatan upang malaman
ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral at masiguro ang istratehiya na angkop
para sa kanila.

MGA PAALA-ALA SA PAGGAMIT NG KUWENTO,AWIT,TULA,ATBP


(K-KATA)
Bago tumungo sa paggamit ng Kuwento,Awit,Tula,ATBP (K-KATA),
mahalaga na malaman na ito ay:
1. binubuo ng mga tinipong kuwento,Awit,Tula,ATBP;
2. dapat basahin ng magulang/tagapagturo upang marinig, maunawaan at
kawilihan ng mga mag-aaral;
3. may mga tanong na dapat sagutin sa anyong pasalita o oral;
4. pagbasa ng kuwento, pag-awit, pagtula, at iba pa ay maaring gawin 1-3
beses sa loob ng isang linggo ;
5. gagamitan ng Rubrik na nasa ibaba upang masukat ang performance ng
mag-aaral

Panuto para sa magulang: Ang magulang/tagapagturo ay babasa ng kuwento,


awit, tula, atbp habang nakikinig ang mag-aaral. Gamitin ang Rubrik na nasa
ibaba at bigyan ng marka/puna ayon sa ipinakita ng mga mag-aaral habang
nakikinig.
I- RUBRIK
SDOQUEZON – K-KATA-Q2-W1 Credits to : Jessabel I. Decena
Sa pakikinig ng kuwento, awit, tula, atbp, ang mag-aaral ay nagpamalas ng
mga sumusunod na katangian:
1. kawilihan sa pakikinig
2. kahusayan sa pakikipagtalastasan
3. kanais-nais na ugali sa pakikinig at pagsagot sa mga tanong
4. pagsasabi ng saloobin tungkol sa narinig na kuwento, awit, tula atbp
5. papapakita ng paggalang sa pananalita at gawa

RATING DESCRIPTORS
VALUE
Nakapagpakita ng 1-2 positibong katangian habang nakikinig sa
B/0-2 kuwento, awit, tula atbp at nakasasagot ng wasto sa 1-2 katanugan
Nakapagpakita ng 3-4 na positibong katangian habang nakikinig sa
D/3-4 kuwento, awit, tula atbp at nakasasagot ng wasto sa 3-4 na
katanungan
Nakapagpakita ng lahat ng positibong katangian habang nakikinig
C/5 sa kuwento, awit, tula atbp at nakasasagot ng wasto sa 5 katanugan
*Ang mga kuwento, awit, tula, atbp ay maaring basahin ng magulang ng paulit-ulit
upang maunawaan at matutuhan ng mga bata.

Magsimula dito!

1. Basahin ng tagapangalaga ang tula.

Ako’y May Pamilya


Ni: Jesabel I. Decena

Ito ang aking pamilya. Kami ay laging masaya

Ito si Tatay. Ito si Nanay.

Mahal naming tunay

SDOQUEZON – K-KATA-Q2-W1 Credits to : Jessabel I. Decena


Ito si Ate. Ito naman si Kuya.

Sila ay laging tumutulong sa mga gawaing bahay.

Ako naman ang bunso.


Nagbibigay saya sa boung pamilya.

Ang aking pamilya.


Masaya kung sama-sama.
Magkakaramay sa tuwina.
Mga Tanong:

1. Ano ang pamagat ng tula?


2. Sino ang sumulat ng tula?
3. Sino ang gumuhit sa tula?
4. Sino-sino ang mga miyembro ng pamilya?
5. Bakit kaya masaya ang pamilya?

2. Basahin ng tagapangalaga ang kuwento.

Araw ng Sabado
Kwento ni Jesabel I. Decena

Araw ng Sabado, sama-sama ang buong pamilya sa aming tahanan. Walang


pasok si tatay sa trabaho, wala ring pasok si ate at kuya sa paaralan. Kaya
tumutulong si ate Monika at kuya Mon kay tatay Manny at nanay Mona sa mga
gawaing bahay.

Libangan ng aming pamilya ang magtanim ng halaman sa aming bakuran.


May tanim si tatay Manny na mais, mani, mustasa at monggo. Tumutulong si kuya
Mon sa pagdidilig ng halaman. Si ate Monika naman ay tumutulong kay nanay
Mona sa paghahanda ng meryenda. Ako naman ay masayang nanoood sa kanila.

Napansin ko sira na pala ang mesa sa ilalim ng puno ng mangga. “Tatay, sira
na po ang ating mesa sa ilalim ng puno ng manga,” wika ni Mak-Mak

SDOQUEZON – K-KATA-Q2-W1 Credits to : Jessabel I. Decena


“Teka lang at aayusin ko, kukuha lang ako ng martilyo sa loob ng bahay,” wika ni
tatay. “Ako na po ang kukuha ng martilyo,” wika ni kuya Mon.

“O sige!” sagot ni tatay.

Habang inaayos ni tatay ang sirang mesa gamit ang martilyo, lumabas si
Nanay Mena at ate Monika dala ang niluto nilang meryenda.

“Tamang-tama inayos na po ni tatay Manny ang mesa,” wika ni Mak-Mak.

Masaya kaming nagsalo-salo sa mainit na mami, masarap na monay at ang


paborito kong melon na ginawang juice ni nanay.

“Mmmmm, ang sarap naman,” wika ni Mak-Mak. At sabay sabay silang


nagtawanan.

Mga tanong:
1. Ano ang pamagat ng kuwento?
2. Sino ang sumulat ng kuwento?
3. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?
4. Ano-ano ang kanilang libangan?
5. Ano ang ginagawa ng tatay kapag walang pasok sa trabaho?
6. Ano ang gingawa ni kuya Mon tuwing walang pasok? ni ate Monika?
7. Ano-ano ang mga halaman ang tanim ni tatay Manny?
8. Ano-ano ang mga inihandang meryenda ni nanay Mena at ate Monika?
9. Masaya rin ba ang inyong pamilya, tulad ng pamilya ni Mak-Mak? Bakit mo
nasabi?

3. Basahin ng tagapangalaga ang kuwento.

Tungkulin ng Bawat Kasapi ng Pamilya.

Ito si Nanay, ang ilaw ng tahanan. Si nanay ang


tagapagluto at tagapaghanda ng pagkain sa hapag
kainan. Siya ang nag aasikaso ng aming mga
pangangailangan.
SDOQUEZON – K-KATA-Q2-W1 Credits to : Jessabel I. Decena
Ito si Tatay, ang haligi ng tahanan. Siya ang
naghahanap-buhay para sa aming pamilya.

Ito sina ate at kuya ay tumutulong kay nanay at


tatay sa mga gawaing bahay. Upang gawain ni nanay at
tatay ay gumaan.

Ito ako, si Bunso, sumusunod sa bilin at pangaral


ni nanay at tatay.

Sabihin: Sa kuwentong binasa, may ibat ibang gawain o tungkulin ang bawat
kasapi ng pamilya.
1.Ano-ano ang mga tungkuling ginagampanan ng bawat kasapi ng pamilya?
2.Mahalaga bang gampanan mo ang iyong
tungkulin bilang kasapi ng isang pamilya?
3.Nakatutulong ba ito upang mapagaan ang gawain ng bawat isa?
Bakit?

4. Basahin ng tagapangalaga ang tula.

Kamag-anak Ko Sila
ni Jesabel I. Decena

Sina lolo at lola ay magulang nina mama at papa.


Sina tito at tita ay mga kapatid din nila.
Kami ay mga apo nina lolo at lola,
Mga pamangkin naman nina tito at tita.

Ang aming mga pinsan ay nariyan din.


Tuwing walang pasok, dumadalaw sa amin.
Nadaragdagan ang bilang namin.

SDOQUEZON – K-KATA-Q2-W1 Credits to : Jessabel I. Decena


Mga kamag-anak kung sila ay tawagin.

Mga Tanong:
1. Ano ang pamagat ng tula?
2. Sino ang sumulat ng tula?
3. Tungkol saan ang tula?
4. Mayroon ka din bang kamag-anak?
5. Sino-sino ang iyong mga kamag-anak?

TALA NG MGA KUWENTO, AWIT, TULA ATBP NA NAPAKINGGAN

SDOQUEZON – K-KATA-Q2-W1 Credits to : Jessabel I. Decena


Panuto sa Magulang: Inaasahan na maitatala ng mga magulang ang nakuhang
marka ng mga mag-aaral sa bawat pakikinig sa kuwento, awit, tula, atbp sa talaan sa
ibaba. Inaasahan din ang paglalagay ng kanilang mga puna, rekomendasyon at
suhestyon upang mas mapaunlad ang kakayahan ng mga mag-aaral.
Gamit ang Rubrik sa ibaba, lagyan ng tsek (/) ang letra (indicators) ayon sa
performance na ipinakita ng mag-aaral
PAMAGAT Rating Value
B D C
1.Ako’y May Pamilya
2. Araw ng Sabado
3. Tungkulin ng Bawat Kasapi ng Pamilya
4. Kamag-anak Ko Sila

Mga Puna ng Magulang:


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

_____________________ ________________________
Lagda ng Magulang Lagda ng Guro

SDOQUEZON – K-KATA-Q2-W1 Credits to : Jessabel I. Decena

You might also like