Sumensil 2 Interview

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Naratib

Magsimula tayo sa MAPABEMCO, During that time, tiyempo ng Ilaga, parang


doon nagsimula na nakuha ng Kenram itong MAPARBEMCO at ang area ng
MAPARBEMCO na kung saan ang lawak niya ay 556 hectares, Kaya noong
nagkaroon ng batas na hindi puwedeng maglupa nang mahigit sa 3 hectares, so
napilitan si Don Juan na ibalik… kasi kukunin ng gobyerno ang lupa na sumusobra
sa 3 hectares, kasi kahit ngayon batas pa rin ‘yan na hindi kayo puwedeng
magkaroon ng mahigit sa tatlong ektarya, kaya matapos makuha nang gobyerno,
ipinamigay nila ang lupa doon sa mga walang lupain, kaya nabuo ang
MAPARBEMCO kasi hindi naman ibibigay ang lupa na ‘yon maliban na lang kung
may cooperative, ‘yon ang kumbaga kasaysayan ng MAPARBEMCO.
Sa ngayon, na award na sa amin nila Kapitan at nila tita mo Aireen at iba pa,
na kahit ang mga karatig barangay ay nakakuha, naging beneficiary na rin ng
MAPARBEMCO, kaya ayon na, pero hindi ibig sabihin na binigay sa mga tao na ‘yon
na kumbaga walang kapalit, ibig sabihin hindi ito kusang binibigay kun’di
binabayaran sa pamamagitan nang pag-income sa palm oil, ibig sabihin in-amortise
ng mga miyembro na ‘yon doon sa bangko ang lupa na ‘yon kasi pagmamay-ari pa
rin ng gobyerno, hindi binigay nang libre, hindi, ina-amortise natin ‘yon sa loob ng
dalawampu’t limang taon.
Sa ngayon… 20.. 2023 na, ipagpalagay natin na noong 2000 ito, kaya mahigit
kumulang may dalawang taon pa, kasi hindi pa naman na agad agad na-amortise
natin, kasi habang pinagkakasunduan yung binigay, hindi awtomatikong nakuha na
natin ‘yong lupang ‘yon. So may mga proseso pa bago makuha nang buo tapos
doon tayo naga bayad sa landbank, so ganoon ‘yon.

Ano ang mga nangyaring opresyon?


Noong kinuha ng KPII (Kenram), parang sapilitan kasi na kinuha dati ang lupa, ‘yong
kabuuan…‘yong kabuuan, parang ganoon. Pero dito nung ibinigay na sa atin [ang
lupa] ay wala… wala, kasi tinamaan sila ng batas e kaya walang nangyaring
sapilitan. During that time na kinuha, sa kasaysayan pa ng Mapantig, yung area ng
Mapanting ay maraming may ari… halimbawa kay Pedro, Juan, kay Maria. Sapilitan
na kinuha ‘yong mga tao at ipinadala sa Cotabato kasi doon pa man dati yung ano…
wala man kasi dating munisipyo dito sa atin, sa Isulan. Ang nauna, kung hindi ako
nagkakamali ay ang Datu Piang ang may munisipyo dito sa Mindanao. May mga
pisikal [away] na nangyari dati. Kinukuha nila ‘yong portion, kasi siyempre hindi
naman aalis ‘yong tao sa lupain niya. Sino namang aalis doon na parang
tinatanggalan ka na ng karapatan doon sa pagmamay-ari mo, diba?
Siyempre noon, wala pang mga baril-barilan, pero yung mga Ilaga may mga
garand, mga carbine na baril, so para makaalis ‘yong tao, sapilitan na ‘yon…
pinagbabaril tapos sinusunog ang mga bahay, kung sino ‘yong nahuhuli nila,
pinapatay nila… maraming namatay sa side ng muslim, alam niyo ang lugar namin
noon ay iyong sa Impao, alam mo ‘yang lupa ni Cesar Leysa, ‘yan iyong lupa ni
nanay noon. During that time na wala pang evacuation, kasi ang tenant nila nanay
ay sila, ‘yong mga Leysa.
So ayon sa time na nakuha nila ‘yong area, pero hindi maganda ang pagkuha
nila kasi sapilitan. Tapos ang alam nila sa side naming mga Muslim ay walang
pinag-aralan tapos pinapirma sila ng deed of sale na kunyari binenta. Ang sabi nila
dati ‘prenda’ lang pero pag labas pala doon sa ano… deed of sale na. Hindi prenda
kasi deed of sale na ang lumabas. Iyon ang nangyari kay nanay. Talagang makita
mo na parang dinaya, kasi ‘yong lola ko wala talagang pinag-aralan, hindi ‘yon
makapirma, pero doon sa deed of sale na ginawa nila, nakapirma ‘yong lola ko doon,
thumbmark lang sana, dapat, sabi ko, kung niloko sana nila, thumbmark sana para
hindi mabisto. So doon nalaman na parang pineke ‘yong… kasi nakapirma,
nakasulat ‘yong pirma ng lola ko ba, na dapat hindi ‘yon nakasulat kasi walang
pinag-aralan ‘yong lola ko. Pati ‘yong mga kapatid ni nanay na maliliit pa, hindi pa
nakapag-aral, naka-pirma rin doon sa deed of sale. Ganoon ‘yong nangyari.
During that time [kuhaan ng lupa] pa naman ay Martial Law. Walang… walang
option, walang choice ‘yong mga tao kun’di umalis talaga, mag evacuate. So
pumunta sila sa kung saan saan sa area ng Maguindanao, diyan napunta, kami ng
nanay ko sa SK Pendatun.

Ano ang naramdaman mo sa Opresyon na dinanas mo?


At that time, siguro hindi ko pa ma ano… kasi sabi ni nanay 2-3 years pa lang daw
ako that time. Kaya wala pa akong ma-feel that time na… ah masama ito kasi
siyempre bata pa diba. Pero sila nanay, siyempre masakit. Masakit sa part nila,
‘yong nakakaintindi na. Ganyan ang totoong nangyari dito sa mga kalupaan ng
Muslim sa Mindanao.

May ipinagkasunduan ba kayo sa Kenram?


So far, wala pero may batas na kasi tayo ngayon, hindi na kagaya ng dati na
may Martial Law at kumbaga parang iisa lang ‘yong command. Sa ngayon hindi na…
hindi na puwedeng mangyari ‘yon kasi mayroon na tayong batas. Kahit na walang
pinagkasunduan parang meron din kasi nakasaad na sa batas na hindi mo
puwedeng gawin ang ganito. Kasi magkakaroon ka ng liabilities, kung sapilitan mong
gawin ‘yan na labag sa batas, sigurado sa kulungan ang kahahatungan mo, diba?

Ang aton mga aprikan kay may ara sa side sang kenram, pano kung mga taga
kenran mag
Puwede, kahit saan pa, kahit hindi pa Kenram kasi binabayaran natin ‘yan e
per kilo yung wes, diba kinukuha natin ‘yong bansis ng aprikan, kaya lahat ng mga
naga talbog sa bansis, ‘yon ang pinupulot ng mga tao, tapos binabayaran ng
cooperative natin ng 250 ata per kilo.

You might also like