Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

•Gumawa ng tekstong Deskriptibo ayon sa mga uri nito.

(Sampu sa bawat uri)

* Deskripsyong Teknikal

1. Si Shairah ay ang babaing isa lang ang paa at nakatira sa kanyang tiyahin ka Tanay Rizal.

2. Limang pares ng sapatos na lamang ang kailangang gawin ni Mang Pepe, siya ay isang
sapatero sa Marikina.

3. Isang araw na lamang ang hinihintay ng lahat ng botante sa Barangay Masagana para sa
Halalan Zozz.

4. Si Kim Jisoo na lamang ang hind pa nakapagpalabas ng kaniyang sariling kanta sa apat na
miyembro ng Blackpink.

5. Adobo ang paboritong pagkain ni Jona, isang dalagang may alagang Manok.

6. Suot-suot ni Sarah ang kwentas na kumikinang at may pulang perlas sa gitna.

7. Tina ang pangalan ng babaeng naninigarilyo palagi sa palengke tuwing martes at may
masungit na tingin.

8. Kausap niya si Aling Marty, isang ginang na may sakit sa puso at may maputlang balat.

9. Pinapakain ko araw-araw ang ahas na may dalawang ulo at may kulay berde na mata.

10. Sinundan ng Ale ang mama na nagtitinda ng taho at may taning na ang buhay.
*Deskripsyong Karaniwan

1. Si Maria ay may malusog na pangangatawan.

2. Si Janeth ay may maputing balat.

3. Si Ryzza ay mahiyain.

4. Si Clara ay matalino.

5. Si Christine ay magaling kumanta.

6. Ang silid-aralan namin ay may apat na sulok.

7. Si Christy ay may itim na itim na laptop.

8. Si Andy ay mahilig sa kape.

9.Si Precy ay may mahabang pilik-mata.

10. Si Rhyne ay may matangos na ilong.


* Deskripsyong Impresyonistiko

1. Naiinis ako sa asawa ni Ashley dahil manloloko.

2. Nagagandahan ako sa pakikitungo ng mga magulang ni Ryzza dahil sa kabaitan na ipinapakita


nila.

3. Mas mabuting anak si Anna kaysa sa kapatid niya dahil masunurin ito sa magulang.

4. Mas gumagandang tingnan ang mga konstelasyon sa kalawakan dahil kasama ko ang aking
mga pamilya.

5. Mas masarap ang spaghetti kompara sa lahat ng dessert dahil paborito ko ito.

6. Mas gusto ko ang maglaba kaysa magluto dahil wala akong hilig sa pagluluto

7. Gusto ko talaga na magkatuluyan si Daniel at Kathyrn habang buhay dahil matagal na silang
magka loveteam.

8. Mas gusto ko ang golden retriever kaysa sa terrier dahil mas Kalugod-lugod itong tingnan.

9. Mas maganda ang pelikula kaysa sa tula dahil mas masaya at napapanood talaga ang mga
eksena.

10. Mas maraming gumagamit ng downy kompara sa ibang produkto dahil mas mabango at
maganda itong gamitin.
• Para Sa Tekstong Persweysib, sumulat ng isang Talumpati.

*Tekstong Persweysib

Hindi na natin maintindihan klima na nararanasan natin sa panahon ngayon, dahil na rin ito sa

pagbabago ng panahon at klima. Sa isyung pangkapaligiran ngayon, ang Climate Change ang

lubos nating nararanasan, na sobrang, init na ng panahon dahilan ng pagtaas ng greenhouse

gases, at kong umulan naman ay may dala namang malakas na hangin/ bagyo at marami pang iba

na dahilan ng pagguho ng lupa. Maraming masamang epekto sa atin ang pagbabago ng klima

Lalo na sa ating kalusugan,maaari tayong magkasakit tulad ng ubo, sipon, lagnat, heat stroke,

chest pain, lung cancer, pamamaga ng baga, sore throat at marami pang iba. Unti-unti nating

nararanasan ngayon ang mga malalakas na bagyo, pagguho ng lupa, paglindol, forest fires,

animal extinction, matinding tagtuyot, pagtaas ng tubig na maaring mag dulot ng tsunami at

marami pang kong hindi tayo sama samang gumawa ng aksiyon, kaya naman para maiwasan ang

mga ito ay sama sama tayong magtulungan para maibsan ang mga greenhouse gases sa

atmospera. Sa simpleng pagtatanim ng mga puno o "reforestation"ay napakalaki na nitong tulong

at ang pagtigil sa pagputol ng mga punong- kahoy o deforestation, pagtigil sa pagsusunog ng

mga plastik, guma atbp, pagtigil ng pagkakaingin at maayos na pagtatapon ng basura at maayos

na pagbubuklod nito. Sa mga ganitong paraan ay sobrang laki na ng ambag natin sa lipunan para

matigil na ang paglala ng Climate. Tayo'y magkaisa't magtulong-tulong para sa pagbabago't

pagpapanatili Kaayusan ng ating paligid at ng buong mundo.


• Para sa tekstong Argumentatibo, sumulat ng sampung interesadong paksa maaring pag
debatehan.

*Tekstong Argumentatibo

1. Ano ang mas mahalaga, Dignidad o Kasikatan?

2. Sino ang mas nahihirapan ang kabataan noon o ngayon?

3. Ano ang mas pipiliin mo, pera o ang iyong sariling ina?

4. Para sayo, sino ang karapat dapat na ituring na Pambansang Bayani, si Dr. Jose Rizal o
Andress Bonifacio?
5. Alin ang mas nakakaimpluwensiya sa mga kabataan, ang tinuturo ng magulang o ang social
media?

6. Alin ang mas masakit, ang lokohin ka o ang iwan ka?

7. Ano ang mas masama ang nagkulang o ang sumusobra?

8. Alin ang mas kahanga-hanga, ang edikadong tao o ang taong may magandang asal?

9. Kapag usapang pera ano ang mas mananaig, ang kabutihan o ang kasamaan?

10.Ano ang mas masaya, ang buo ang pamilya mo at magkasama kayo pero walang pera o ang
malayo kayo o hindi kumplito ang pamilya pero marami namang namang pera?
• Sumulat ng Tekstong Prosidyural.

*Tekstong Prosidyural

Pagluluto ng Pork Picadillo

1. Una, painitin ang mantika sa isang kawali. Igisa ang sibuyas, bawang at karne. Takpan at lutuin sa
loob ng 10 minuto.

2. Pangalawa, timplahan ng asin, paminta at asukal.

3. Pangatlo, lagyan ng atsal, patatas at karot. Takpan at pakuluan sa loob 5 minuto.

4. Panghuli, lagyan ng sarsa ng kamatis at tubig. Takpan at pakuluin hanggang sa maluto.

•Magtala ng tiglimang tekstong Impormatibo

* Tekstong Impormatibo
• Naglalahad ng totoong pangyayari o kasaysayan

1. Nagsimula ang Unang Digmaang Pandaigdig noong July 28, 1911.

2. Naganap ang huling State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Batasang Pambansa
sa Quezon City noong July 26, 2021.

3. Nagwakas ang Unang Digmaang Pandaigdig noong November 11, 1918.

4. Si Dating Pangulong Emilio Aguinaldo na kauna-unahang Pangulo ng Pilipinas ay pumanaw noong


February 6, 1964.

5. Naganap ang labanan ni Lapu-Lapu at Magellan noong April 27, 1521


*Pag-uulat ng Impormasyon

1. Kimberly Sue Yap Chiu ang tunay na pangalan ni Kim Chiu. Naging mas kilala sa kanyang
screen name na Kim Chiu Kaya
ito na rin ang naging pangalan niya bilang artista.

2. Ayon sa mga historyador, nagmula ang pangalang Pilipinas, sa pangalan ni Haring Philip ll ng
Espanya noong ikalabing anim na siglo

3. Matatagpuan ang San Agustin Romano Katolikong Simbahan sa Intramuros, Maynila na


sinasabing pinaka matandang simbahan sa buong Pilipinas.

4. Hope Elizabeth Soberano ang tunay na pangalan ng actress na si Liza Soberano.

5. Ayon sa mga historyador, nagmula ang Pangalang Pampanga sa salitang Pampang na


nangangahulugang dalampasigan.

*Pagpapaliwanag

1. Bumaba ang kita ni Ashley dahil sa kanyang kapabayaan.

2. Ninakawan sila dahil hindi nila nasarado ang pinto ng kanilang bahay.

3 Namatay ang aso ni Francis dahil nasagasaan ito sa kalye.

4. Tumaas ang marka ni Ryzza dahil sa kasipagan niya sa pag-aaral.

5. Sumakit ang tiyan niya dahil hindi siya kumakain sa tamang oras.
•Sumulat ng isang Tekstong Naratibo

*Tekstong naratibo

Sa isang malayong malayong lugar ay may binatang nakatira doon. Siya ay isang

binatang masungit at gusto niya lang walang gumugulo sa kanya. Ayaw niyang

makisama sa mga tao at gusto niya lang mapag-isa. Dahil sa kaniyang ugali, walang may

gustong lapitan siya't kaibiganin man lang, hanggang sa nasanay na siya sa takbo ng

kanyang buhay at natutunan niya na lang mamuhay ng mag-isa sa Sarili niyang

kakayahan. Isang araw ay naisipan niyang mangahoy sa bukid dahil wala din naman

siyang magawa sa kanilang bahay, habang naglalakad parang may napansin siyang

kakaiba na parang may umaaligid sa kanya pero nagpatuloy pa rin siya sa kanyang

ginagawa hanggang sa matapos na siyang mangahoy at uuwi na sana siya, ng may

biglang may ingay sa kanyang likuran at napalingon syang bigla, nagpatuloy lang siya sa

kanyang paglalakad ng unti-unti na niyang napapansin na tila ba may sumusunod sa

kaniya, hinayaan niya lang ito at binilisan na lang ang paglalakad hanggang sa huminto

siya't lumingon at nakita na niya ang sumusunod sa kaniya, isa lang pa lang pusa na

napaka cute, kulay puti at may magandang balahibo. Dahil nga wala siyang pakialam sa

mga nasa paligid niya, hinayaan niya lang ang pusa, habang nagpatuloy siya sa kaniyang

paglalakad ay patuloy ring sumusunod sa kanya ang pusa, nagalit ang binata at inaboy

ang pusa pero kahit anong gawin ng binata ay hindi pa din tumakbo ang pusa kaya painis

siyang naglalakad at nagpahinga muna siya sa kilid ng puno kasi matirik ka rin ang araw,
ng biglang tumakbo ang pusa sa malapit sa kanya dahil may ahas pala na muntik na

siyang tuklawin nito, nakagat ng ahas ang pusa pero kahit natuklaw ng ahas ang pusa ay

hindi parin tumigil ang pusa sa pakikipag-away hanggang napatay niya ring ang ahas.

Biglang nakaramdam ng pagkaawa ang binata dahil na siguro sa pagligtas ng pusa kanya,

kaya dinala niya ang pusa sa kanila at doon ginamot, simula noong nasa kanya na ang

pusa ay natutunan na niyang magkaroon ng paki alam sa iba, sobrang nabago ng pusa ang

buhay ng binata dahil pagkalipas ng ilang araw na magkasama sila ay natutunan ngumiti

ng binata at hindi na nagsusungit, masaya na siyang kasama ang kanyang pusa na

pinangalanan niyang Kitty at magkasama sila palagi sa ano mang bagay, simula pagtulog

hanggang paggising ay makasama sila ng pusa, kasabay ring silang kumain at masaya

silang namuhay ng magkasama.

You might also like