Professional Documents
Culture Documents
AP Grade9 Quarter4 Module Week8
AP Grade9 Quarter4 Module Week8
ARALING PANLIPUNAN 9
Ikaapat na Markahan
Ikawalong Linggo
Unawain Natin!
ANG KALAKALANG PANLABAS
Isang batayang katotohanan na may mga produkto at serbisyong hindi kayang matugunan
sa loob ng isang lokal na pamilihan ng isang bansa. Kung kaya’t nagaganap ang tinatawag
nating kalakalang panlabas sa pagitan ng mga bansa. Ayon sa Oxford Dictionary of Econimics, ang
kalakalang panlabas ay tumutukoy sa pagpapalitan ng mga produkto at serbisyo ng mga bansa.
Pangunahing layunin nito ay matugunan ang pangangailangan. Nagaganap ang ganitong ugnayan ng
mga bansa dulot ng kakapusan sa likas na yaman at iba pang mga salik upang maisagawa ang
produksiyon. Halimbwa ang ating bansa ay sagana sa produktong agrikultural tulad ng bigas, mais
gulay at iba pa, ngunit salat naman tayo sa produktong langis at petrolyo kung kaya’t umaasa tayo sa
produksiyon ng ibang bansa. Ang ganitong sitwasyon ang nagbibigay ng batayan kung bakit umiiral
ang kalakalang panlabas. Ang pag-iral ng sistema ng kalakalang panlabas ay hindi na bago, ang mga
sinaunang Pilipino ay nakikipagpalitan ng kalakal sa ilalim ng sistemang barter sa mga Arabo, Tsino,
Hapones, Indian, at iba pang mga dayuhan. Sa ilalim ng sistemang barter, batayan ng pagpapalitan ng
kalakal o produktol ay nakabatay ayon sa kung ano ang pangangailangan at kagustuhan ng isang
bansa. Nang dumating ang mga Espanyol, Amerikano, at Hapones kasabay ng kanilang pananakop sa
Pilipinas ay lumawak ang sistema ng ating pakikipagkalakalan sa ibang mga bansa. Ang Export ay
tumutukoy sa pagluwas ng mga produkto o serbisyo sa pandaigdigang pamilihan, samantalang ang
Import ay tumutukoy sa pagpasok sa lokal na pamilihan ng mga produkto o serbisyo mula sa ibang
bansa. Kaalinsabay ng pagbabago ng panahon at pag-unlad ng disiplina ng pag-aaral ng ekonomiks
ay sumibol ang ibat’t ibang mga teorya o pananaw ng mga ekonomista tungkol sakalakalang panlabas.
Ang Absolute Advantage Theory, ito ay tumutukoy sa kalamangan ng isang bansa sa produksyon sa
isang partikular na produkto. Ipinapakita dito na kapwa makikinabang ang dalawang bansa sa partikular
na produkto. Samantala ang Comparative Advantage Theory naman ay ang bansang may kahusayan
sa produksyon ng dalawang produkto ay maari pa rin na pakinabangan ng dalawang bansa. Marapat
lamang na dalhin ang partikular na produkto sa bansang mahina o kulang ang produksyon ng partikular
na produkto. Upang maunawaan ang takbo ng kalakalang panlabas ng isang bansa ay sinusuri ang
tinatawag nating Balance of Payment (BOP), na siyang nagsisilbing sukatan ng pandaigdigang
gawaing pang-ekonomiya ng isang bansa. Ito rin ang nagpapakita ng talaan ng transakyon ng isang
bansa sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Samantala, ang Balance of Trade (BOT) naman ay makukuha
sa pamamagitan ng pagbabawas ng halaga ng kalakal na inaangkat (import) sa halaga ng kalakal na
iniluluwas (export).
WORLD TRADE ORGANIZATION (WTO). Ito ay napormal na nabuo noong Enero 1, 1995. Ang
punong himpilan ng WTO ay matatagpuan sa Gevena, Switzerland. Ito binubuo ng 160 bansang kasapi
at kinikilala bilang samahang namamahala sa pandaigdigang patakaran ng sistema ng kalakalan o
1
global trading system sa pagitan ng mga kasaping estado o member state. Ito rin ang siyang nagbibigay
ng solusyon sa mga problema, usapin, sigalot, o pagtatalo ng mga kasaping estado. Ang pangunahing
misyon ng WTO ay ang mga sumusunod: Pagsusulong ng isang maayos at malayang kalakalan sa
pamamagitan ng pagpapababa sa mga hadlang sa kalakalan (Trade Barriers); Pagkakaloob ng mga
plataporma para sa negosasyon at nakahandang magbigay tulong-teknikal at pagsasanay para sa mga
papaunlad na bansa (Developing Countries); Mamagitan sa mga pagtatalo ng mga kasaping bansa
kaugnay sa mga patakaran o magpataw ng trade sanction laban sa isang kasaping hindi umaayon sa
desisyon o pasya ng samahan.
Sa kabilang dako, ang kalakalang panlabas ay nagdudulot din ng hindi magandang epekto.
Ilan sa mga ito ay: Una, nalilinang and kaisipang kolonyal ng mamamayan sapagkat nagkakaroon sila
ng pag-uugaling mas tinatangkilik ang mga produktong banyaga kaysa sa mga peoduktong lokal;
ikalawa, nagiging palaasa ang mga mamamayan sa produkto ng ibang bansa kaysa lumikha o tumuklas
ng paraan para makabuo ng sariling gawang produkto; at ikatlo, humihina ang ilang lokal na Negosyo
o industriya dahil sa mahigpit na kompetisyon laban sa mga dayuhang produkto at kompanya. Ang
pangyayaring ito ay maaaring magdulot ng malaking epekto gay ana lamang ng pagkawala ng trabaho
ng mga tao.
Samatala, kung pagbabatayan naman ang mga programa at patakaran na ipinatutupad ng
pamahalaan, ayon sa aklat ng Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon nina Balitao, et. al. ang ilan sa
mga ito ay mga sumusunod:
Liberalisasyon sa Sektor ng Pagbabangko (R.A. 772) - ito ay isinabatas upang mapalawak ang
operasyon ng mga dayuhang bangko sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga sangay nito. Sa ilalim ng
batas na ito, pinapayagan ang pagpasok, pangangasiwa, at pamamahala ng kanilang mga sangay sa
ating bansa.
Foreign Trade Service Corps (FTSC) – ito ay ahensiyang naglulunsad ng iba’t ibang estratehiyang
pamilihan upang lubusang makilala at mapatanyag ang produktong gawa ng sariling bansa.
Sumasabay sila sa kasalukuyang kalakaran ng pagnenegosyo sa pamamagitan ng pagsali sa mga
2
trade exposition o trade exhibits. Ang layunin nito ay maglunsad ng kaalaman o impormasyon tungkol
sa kalakarang pangnegosyo sa bansa at sa imprastruktura at pakinabang na dulot nito sa mga nais
mamuhunan o investors.
Trade and Industry Information Center (TIIC) – ito ay nangangasiwa sa operasyon ng Bureau of
Research Center na nagpapalaganap ng mga datos, statistics, impormasyon tungkol sa ekonomiya,
kalakalan, industriya, pamahalaan, at kapakanan ng mga mamimili.
Suriin Natin!
DAPAT MAY ALAM!
1.________________________________________________________________
2.________________________________________________________________
3.________________________________________________________________
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa sagutang papel ang titik ng
tamang sagot.
5. X: Ang samahang pandaigdig ay nakatutulong upang mas maging matibay ang ugnayan o relasyon
ng mga bansa at maging epsiyente ang pamilihan para sa produkto at serbisyo.
3
Y: Ang samahang pandaigdig ay nagsisilbing pamamaraan upang ang bawat bansa ay magkaroon
ng ugnayang internasyonal kasabay ng mabilisang pagbabago sa lahat ng aspekto ng pamumuhay ng
tao, sistema ng edukasyon, komunikasyon, transportasyon, teknolohiya, maging sa industriyalisasyon.
Likhain Natin!
PANATA NG MABUTING MAMAMAYAN!
Iguhit ang konsepto sa long bond paper sa pahalang na presentasyon, lagyan ng akmang kulay ayon
sa naisip na konsepto, isulat ang pangalan at seksyon sa likod ng papel, matapos ang paglikha, ipasa
sa guro sa pamamagitan ng pagkuha ng larawan at ipasa sa Facebook messenger.