Professional Documents
Culture Documents
AP8 Q2 Module 2
AP8 Q2 Module 2
AP8 Q2 Module 2
Araling Panlipunan
Quarter 2 - Module 2:
Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikong
Kabihasnan sa Africa, America at mga Pulo
sa Pacific
Araling Panlipunan - Grade 8
Alternative Delivery Mode
Araling Panlipunan- Grade 8
Quarter 2 – Module 2: Pag-usbong at Pag-unlad ng mga Klasikong
Kabihasnan sa Africa, America at mga Pulo sa Pacific First Edition, 2020
Republic Act 8293, Section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of
the Government of the Philippines. However, prior approval of the government
agency or office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of
such work for profit. Such agency or office may, among other things, impose as a
condition the payment of royalty.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright
holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these
materials from their respective copyright owners. The publisher and authors do not
represent nor claim ownership over them.
Published by the Department of Education – Division of Gingoog City
Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI
Development Team of the Module
1
Aralin
Kabihasnang Klasikal sa
1 America
Tuklasin
Piliin sa kahon ang tamang salita na nagbibigay katawagan sa mga
larawan.
A. Larong Pok-a-tok B. Halach Uinic C. Jaguar
D. Mga lilok na Batao E. Pyramid of Kulkucan
Suriin
Ang mga Olmec ang kauna-unahang kabihasnan na umusbong sa
Mesoamerica. Tinawag silang Olmec o “rubber people” dahil sila ang
kauna-unahang gumamit ng dagta ng punong goma. Mayroon na silang
mga diyos na sinasamba at mahilig silang maglilok ng mga bato na hugis
ulo.
Ang mga Maya naman ay sumusunod sa kanilang pinuno na tinatawag
na “halach uinic” o nangangahulugang tunay na lalaki. Maayos na ang
kanilang lipunan dahil nakapagtatag na sila ng mga lungsod-estado at
2
mayroon ng malawak na kalsada at rutang pantubig. Sila ay mas naniniwala
sa diyos ng kanilang pananim at ulan. Sinasamba nila ang kanilang diyos sa
mga temple at nag-aalay sila sa itaas na bahagi ng pyramid. Maraming
naging dahilan ng pagbagsak ang kabihasnang Maya tulad ng palagiang
digmaan, pagkawala ng sustansiya ng lupa at ang labis na kaguluhan at
kahirapan.
Ang mga Aztec ay kilala sa kanilang pagiging magsasaka. Nagtayo
sila ng mga chinampas sa mga lawa upang lumawak ang lupang kanilang
sinasaka. Sagana sila sa mga tanim na mais, patani, kalabasa, abokado,
sili, at kamatis. Mahalaga sa mga Aztec ang kanilang diyos ng kalikasan.
Naniniwala sila ang pag-aalay ng tao ay nagbibigaykasiyahan sa kanilang
diyos. Kadalasan sa kanilang inialay ang mga bihag ng digmaan. Ang
dahilan ng pagbagsak ng mga Aztec ay ang sa pananakop ng mga
Espanyol sa pangunguna ni Hernando Cortes na kusang tinanggap nila
dahil sa pag-aakala nila na ito ang kanilang diyos na si Quetzalcoatl, ang
kanilang diyos ng ulan, dahil sa maputing kaanyuan nito.
Ang salitang Inca ay nangangahulugang “imperyo”. Mabilis na
napalawak ng mga Inca ang kanilang imperyo sa Mesoamerica na naging
dahilan rin ng kanilang pagbagsak sa kamay ng mga mananakop na
Espanyol sa pamumuno ni Francisco Pizarro. Nahirapan ang mga Inca na
pigilan ang mga mananakop dahil sa makabagong teknolohiya na ginamit
sa pakikipagdigmaan
Isaisip
Panuto: Kilalanin ang mga ambag ng kabihasnan sa kasalukuyan sa
bawat aytem na nakasaad ayon sa chart. Isulat sa sagutang papel.
OLMEC
MAYA
AZTEC
INCA
3
Aralin
Mga Kabihasnan sa Pulo ng
2 Pacific
Suriin
Ayon sa teorya ni Peter Bellwood, nagmula sa China ang mga
Austronesian. Nilisan nila ang China dahil sa paghahanap ng bagong teritoryo na
masasaka hanggang sa marating nila ang mga Pulo sa Pacific. Ang mga Pulo sa
Pacific ay nahahati sa tatlong pangkat, Polynesia o maraming isla, Micronesia o
maliliit na mga isla, at Melanesia o maiitim ang mga tao dito.
Pangunahing ikinabubuhay ng mga Polynesian ay pagsasaka at
pangingisda. Naniniwala ang mga Polynesian sa mana na nangangahulugang
“bisa” o “lakas”. Mayroon silang mga batas na sinusunod para hindi mawala ang
kanilang mana, tulad na lang ng bawal pumasok sa banal na lugar ang
karaniwang tao.
Ang unang pamayanan ng mga Micronesian ay nagsimula malapit sa
lawa upang mas madali ang paglayag sa karagatan. Pagsasaka ang pangunahing
ikinabubuhay ng mga Micronesian. Ang mga Melanesian naman ay mayroong
pananim na taro at yam. Animism ang relihiyon ng mga Melanesian.
Pagyamanin
Panuto: Punan ng kinakailangang impormasyon ang talahanayan. Isulat sa sagutang
papel.
Lugar na
Isla makikita ang Kabuhayan Paniniwala
Kahulugan ng
Pangalan pamayanan
Polynesia
Micronesia
Melanesia
4
Isagawa
Panuto: Gamit ang chart isulat ang pagkakaiba batay sa pamumuhay, paniniwala o
kaugalian ng mga kabihasnan sa Pulo ng Pacific at sa kasalukuyang panahon.
Isulat sa sagutang papel.
NOON NGAYON
Pagtatasa
Ngayon ay sagutan ang pagtatasa na magtatakda ng inyong natutunan sa mga
aralin. Isulat ang titik ng inyong sagot sa sagutang papel.
1. Bakit mahalaga ang asin para sa mga African?
A. Dahil marami ito sa kanilang lugar.
B. Dahil ito ay ginagawa nilang gamut.
C. Dahil ito ay nagsisilbing pampalasa sa kanilang mga pagkain.
D. Dahil ginagamit ito upang mapreserba ang kanilang mga pagkain.
2. Ang sumusunod ay mga paraan upang mapangalagaan ng mga Polynesian ang
kanilang mana maliban sa isa?
A. Dapat ay mag-alay ng dugo ng hayop sa kanilang diyos.
B. Bawal pumasok sa isang banal na lugar ang karaniwang tao.
C. Ang mga lalaking naghahanda sa pakikipaglaban o para sa isang
mapanganib na gawain ay dapat nakabukod.
D. Bawal ang mga kalalakihan na makihalubilo sa babae at pili lang ang
dapat nilang kainin upang hindi mawala ang kanilang mana.
5
3. Naniniwala ang mga Aztec na kailangang laging malakas ang mga diyos na ito
upang mahadlangan ng mga ito ang masasamang diyos sa pagsira ng daigdig.
Ano ang kadalasang ginagawa ng mga Aztec para mapasaya ang kanilang mga
diyos? A. Nag-aalay ng tao.
B. Nag-aalay ng hayop.
C. Nagsasagawa ng ritwal.
D. Nagkakaroon ng piyesta.
Susi sa Pagwawasto
Aralin 1: Tuklasin
6
Aralin 2: Pagyamanin
Sanggunian
A. Aklat
Antonio, Eleanor D., “Pana-Panahon III. Worktext para sa Araling Panlipunan Ikatlong
Taon.
Kasaysayan ng Daigdig”. Rex Bookstore. 856 Nicanor Reyes St. St. Manila
Philippines. 1999.
Banks, James A. et. al. “World History. Adventures in Time and Place”.
Macmillan/McGraw- Hill 1221 Avenue of the Americas New York, New York
10020. 1997.
Beck, Roger B. et. al. “A Modern History of the World. World History Patterns of
Interaction”. McDougal Little Inc. P.O. Box 1667, Evanston Illinois 60204. 1999.
Blando, Rosemarie C., Michael Mercado, Mark Alvin M. Cruz, Angelo C. Espiritu, Edna L.
De Jesus, Asher H. Pasco, Rowel S. Padernal, Yorina C. Manalo and Kalenna Lorene
S. Asis. Kasaysayan ng Daigdig. Philippines: Department of Education, 2014.
7
Boehm, Richard G. “Our World’s Story”. Harcourt Brace & Company, 6277 Sea Harbor
Drive, Orlando Florida 32887-6777.1997.
Camagay, Ma. Luisa T. et. al. “Kabihasnan ng Daigdig Kasaysayan at Kultura”. Vibal
Publishing House, Inc. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City. 2010.
Farah, Mounir A. & Karls, Andrea Berens. “World History: The Human Experience”.
Glecoe/McGraw-Hill, 936 Eastwind Drive, Westerviell, Ohio 43081. 1999.
Mercado, Michael M. “Sulyak sa Kasaysayan ng Daigdig”. St. Bernadette Publishing
House Corporation. 173 Rodriguez S. Ave. Kristong Hari, 1112 Quezon City. 2009.
McCannon John. “AP World History”. Barrons Educational Series Inc. 250 Wireless
Boulevard Hauppage New York 11788. 2010.
Millard, Anne. “The Usborne Book of World History”. Usborne Publishing Ltd, 20 Garrick
Street, London WC2E 9BJ. 1995.
Perry, Marvin. “A History of the World”. Houghton Miffin Company Boston,
Massahusetts USA. 1989.
B. Module
Project EASE Araling Panlipunan III – Modyul 6: Sinaunang Aprika
Project EASE Araling Panlipunan III – Modyul 7: Kabihasnang Klasikal sa Amerika at
Pacifico
Modyul ng Mag-aaral Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig- Aralin 2: Pag-usbong at
Pag-unlad ng mga Klasikal na Lipunan sa America, Africa, at mga Pulo sa Pacific
C. Sanggunian mula sa Internet
Khan Academy, “Olmec,” Accessed June 1, 2020, https://www.khanacademy.org/
humanities/world-history/world-history-beginnings/ancient-americas/a/the-
olmecarticle
Famsi.org, “Maya Writing,” Accessed June 2, 2020, http://www.famsi.org/mayawriting/
codices/index.html
Britannica, “Moche,” Accessed June 2, 2020, https://www.britannica.com/topic/Moche
LRMDS, “Sinaunang Africa,” Accessed June 2, 2020, https://lrmds.deped.gov.
ph/detail/6049
World Documents, “Sibilisasyon ng Mesoamerica,” Accessed June 2, 2020, https://
vdocuments. net/sibilisasyon-ng-mesoamerica.html?h=vdocuments.com.br
Khan Academy, “Moche Culture,” Accessed June 5, 2020,
https://www.khanacademy.org/ humanities/art-americas/south-america-
early/moche-culture/a/moche-culture-anintroduction
Assets.atlasobscura.com, “Pyramid of Kukulcan,” Accessed June 19, 2020, https://assets.
atlasobscura.com/media/W1siZiIsInVwbG9hZHMvcGxhY2VfaW1hZ2VzL0NoaW
No ZW4tSXR6YS1DYXN0aWxsby1TZWVuLUZyb20tRWFzdC5KUEciXSxbInAiLCJ0a
HVtYiIsIngzOTA-Il0sWyJwIiwiY29udmVydCIsIi1xdWFsaXR5IDgxIC1hdXRvLW
9yaWVudCJdXQ/Chichen-Itza-Castillo-Seen-From-East.JPG
National Geographic, “Jaguar,” Accessed June 22, 2020,
https://www.nationalgeographic.
com/content/dam/archaeologyandhistory/rights-exempt/history-
magazine/2018/0708/jaguar/llp-mac-10531.adapt.1900.1.jpg
8
9